Chapter 12
"Hindi lang kasi ako makapaniwala, ano ba'ng pakiramdam na maging mayaman?"
"Bakit mo tinatanong? At bakit ba gulat na gulat kang Velasquez ako? Hindi ba halata?"
Nanliliit ang mga mata ko nung parang mino-model niya ang kanyang mukha. Kulang na lang ay tampalin ko siya para tumigil sa ginagawang kahibangan.
I grimace. "E, akala ko kasi hindi ka connected sa angkan nila. Hello? Hindi ka naman mukhang mayaman!"
Umiismid ito habang ako naman ay nagbubukas na ng panibagong balot ng kanin kahit hindi naman ako sigurado kung para sa akin ba ito.
"E 'di mukha pala akong mahirap?"
I smirk faintly. 'Yung totoo? Hindi naman talaga. Halata naman sa kanya na para siyang lumaki sa karangyaan. The way he moves and even his face screams opulence.
"Kaya mo ba ako iniwan kahapon dahil sa nalaman mo?"
Oo nga. Iniwan ko siya roon sa kalsada.
Napapakamot tuloy ako sa ulo ko. "Nagulat nga 'ko. Hello? Famous ka kaya? Or kung hindi man ikaw, 'yung lola mo. Kahit saan magtanong dito, kilala siya!" huminga pa muna ako nang malalim bago nagpatuloy.
"Kung susumain, ibang level 'yang pamilya mo. Doon ka, oh!" Tinuro ko ang kisame. "...tapos eto naman ako!" Mahina kong pinapalo ang lamesa.
Sobrang layo!
Ubos na 'yung isang chicken kaya naman binabalatan ko na itong isa. Nang inangat ko ang aking ulo ay nakita ko si Whatever na nakangiti at parang matatawa habang pinapanood ako.
Na-conscious naman ako kaya iniismiran ko siya. "Bakit?"
Umiiling ito. "Ang daldal mo lang ngayon."
Tinititigan ko siya na parang nawe-weird-uhan ako sa kanya. Masama na rin ba ngayon na makipagdaldalan sa kanya?
"Natakot ka ba bigla nung nalaman mo kung sino ang mga kamag-anak ko?" he asks habang nangangalkal ng patatas sa kanyang pinggan.
Sandali akong natahimik at nag-iisip ng tamang isasagot. Aamin ba ako o itatanggi ko? Pero wala na rin namang rason para itago ko pa e.
"Uhm... medyo." I show him my pinching fingers na may kaunting uwang. "Ano ba kasing dapat ang turing sa'yo? Kamahalan?" pang-uuyam ko pa.
"Hindi. Ayoko no'n. Normal na tao lang ako. Gwapo, oo. Pero normal at simple lang," anito sa madiing tono kaya napatigil din ako sa tangkang pagkain.
Napapansin kong gumagalaw ang may kahabaan niyang buhok sa tuwing dadaan ang hangin mula sa aircon. Pilit kong fino-focus ang atensyon sa ibang bagay pero nalo-lock lamang din ang mga mata ko roon.
"Siguro kung alam mo noon pa man kung sino ako, baka mabait ka sa akin?" he snaps.
Guilty akong ngumingiti. Nawala na ang atensyon ko sa buhok niya at bumalik sa mga mata nito.
I shake my head. "Hindi rin. Hindi ako nakikipagkaibigan sa mayabang. Saka lagi mo kaya akong inaasar! Baka mapadalas lang ang pananapak ko sa 'yo!" panghahamak ko saka muling kumakain.
Natatawa siya. Nagpapatuloy lang ako sa pag-nguya at pinipigilan ang sarili na ngumiti.
Hindi ko alam bakit namamangha ako sa buhok nito na may kahabaan. Ang ganda kasi at bagay sa kanya, kaso parang ang sarap din gupitan. I can't even remember the last time I saw him with a short haircut.
Napapansin ko na napapatagal ang paninitig niya sa akin habang kumakain ako. Umiinom ako mula sa baso at nagpapatay-malisya kahit sobrang nakaka-conscious ang titig nito.
"You're different. Do you know that?" he utters in a soft voice that I almost feel him touch my neck.
Muntikan ko nang maibuga ang iniinom ko dahil sa sinabi niya. Agad akong kumukuha ng tissue para ipamunas sa aking bibig. Nung ibinabalik ko naman sa kanya ang mga mata ko ay kumakain na ulit ito na parang walang sinabing... kung ano.
"Ha?"
Tumitingala siyang muli sa akin then makes face like a child. "Whatever. Hindi mo naman pala na-gets. Slow."
Ano ba kasi ang sinasabi niya?
"Na crush mo ako?" panghuhula ko.
Nagtataas 'to ng kilay na parang na-o-offend. "Kapal mo. Baka ikaw sa akin?" he winds up, his soft voice is now long gone.
I scoff. "Mas makapal mukha mo. Kadiri ka."
Napapaisip tuloy ako sa nabanggit niya. Paano niya nasabi na iba ako? Because I treat him like an average person?
Then it dawns on me. He's from a powerful family kaya malamang sanay ito na pabor sa kanya ang bagay-bagay. Maybe he noticed na wala akong pake sa kanya? Gano'n ba 'yon?
Memories of our past encounters flood my mind.
Whenever he irritates or teases me, palagi akong gumaganti. May isang beses noon na nagkasalubong kami sa hallway nang naka-ponytail ako. Ang tagal ko 'yon inayos para maganda tignan sa roleplay namin, kaso hinawakan niya at naputol ang tali! Sinapak ko nga!
Meron pa noong third year na nagkalaban kami sa relay. Kaming dalawa ang magkalaban dahil parehas kaming matangkad, kaso nung tumakbo na ako at nadapa, siya ang may pinakamalakas na tawa. Nung lumapit siya sa akin para tumulong e hinampas ko lang ng sapatos ko sa sobrang gigil.
Totoo nga na kung alam ko lang noon pa man ay magiging iba ang trato ko sa kanya. Mayaman ang pamilya niya, kilala sa buong bayan namin, ngunit hindi ko naman sila madalas makita kaya hindi ko inaasahan na konektado siya roon. I'm aware that everyone respects them dahil sa naitutulong nila sa bayan namin. 'Yung ospital na may libreng pagamot? 'Yung mga farm daw nila kung saan nakikinabang ang mga trabahanteng taga-Santa Gregoria? Naririnig ko ang mga iyon.
Plus, noon pa mang unang beses naming magkakilala ay hindi ko na gusto ang ere niya... marahil kaya hindi na rin ako nagkainteres na kilalanin ito. Hindi rin naman kami nabibigyan ng tsansa na magkaroon ng friendly encounter. It's always been his and his friend's annoying antics that I come up against.
His status and mischievousness would be too much for me that I would have drawn a line.
Never too late to start now.
"Gets ko na," hindi na kami nag-usap kanina dahil sa pag-iisip ko at sa pag-focus na kumain.
Inaangat niya ang tingin sa akin sabay pumapalakpak. "After many minutes, congratulations sa'yo."
Hinahamak ko naman siya. "Alam kong karamihan sa mga tao ay pinapaburan ka dahil lang sa pamilya mo. Honest mistake naman din 'yung akin. Saka, hindi lang naman ako ang kakaiba ang tingin sa'yo. I'm not the only different one. Just look at my friends! Celene, for example!"
Medyo tumatagal ang paninitig nito sa akin habang hawak niya ang kutsara na hindi naman sinusubo. Mukhang nagtataka pa sa kung ano ang sinasabi ko.
"Akala ko gets mo na?" he sighs after uttering words that I don't get. "Personality lang talaga ng kaibigan mo 'yon. She doesn't like most of our schoolmates," anito na sasagutin ko pa sana kung hindi lang totoo.
I chuckle and speak again. Sumusubo na ulit siya ng pagkain niya. "Oo nga naman. But you know, if you were a little bit nicer and less annoying, I would actually befriend you... kahit na langit ka, lupa ako..." I playfully say the last words.
Mataman niya akong tinititigan bago nagsalita. "Bakit biglang taas ng tingin mo sa akin? I told you I'm not comfortable with that. Saka kapag may-kaya ba, bawal makipagkaibigan sa 'yo?" anang nito.
"Hindi naman..." umiiling kong sagot at medyo napapayuko na dahil sa lalim ng titig niya sa akin. Parang ang dami niyang gusto pang sabihin at ipaglaban.
"Mayaman ang mga kaibigan mo. Ganyan ba ang tingin mo sa kanila o sa akin lang?" Hindi ko siya tinitignan kaya nagpapatuloy ito sa pagsasalita. Parang may inis na akong naririnig sa tono niya.
"Nung sinabi ko sa 'yong gusto kitang kaibiganin at tinaboy mo ako, I bet you had no idea who I'm related to, and I do not mind. Hindi ko naisip na malaking factor ang estado ko para kumaibigan. Hindi ko rin naisip na gamitin pa 'yon o idikdik sa mukha ng lahat ng tao sa paligid ko. I just know you hate me because I tease you... and that is good. That's normal. Naiintindihan ko 'yun. Treat me the same way before you even knew who my family was. Feel emotions around me, it's okay. Hindi mahalaga sa akin kung sino man ang pamilya ko at kung ano man sila sa lugar na 'to, so you shouldn't care about that!"
I bite my lips inward. Tinitingala ko na sya. His brows almost form a straight line from furrowing. Kung pwede lang labasan ng usok sa tenga at ilong nito, baka nakikita ko na iyon sa mga oras na ito.
"Bakit ka galit?"
His facial expression slowly softens. Pinagmamasdan ko lang siya nung kumukuha ito ng inumin at iniiwas ang tingin sa akin.
"Okay... so, nung sinabi mong different ako because of how I treated you, was it a bad thing or good thing?" unti-unti kong pagtatatanong.
"Ni hindi nga 'yan ang ibig kong sabihin," anito nang nakanguso na parang bata. "It's a good thing. Kumain ka na nga!"
Tumatango-tango ako habang nakatitig sa pinggan ko. Ako lang pala ang nag-iisip na masama ang ibig sabihin nung sinabi niya sa akin. Mukhang hindi naman kaso kung anong tingin ng tao sa kanya. Parang mas big deal pa nga sa akin!
Bahala na nga. Ang labo niyang kausap.
"Saka hindi ako galit..." pahabol pa nitong aniya. "Gusto ko lang maintindihan mo. Anyway, bakit ka nga ba kasi naghahanap ng trabaho?"
Sinusubukan ko nang ubusin ang pagkain ko nung magpalit na sya ng tono at ekspresyon. Parang hindi niya ako inaaway kanina kung paano lumiliwanag ang mukha nito.
"Secret," ani ko.
Para naman akong matatawa nung bigyan niya ako ng nagtatakang tingin. "Secret?! Sabihin mo na! Malay mo matulungan pa kita."
Hanggang sa matapos na kaming kumain at mapagpasyahang umalis na ay tanong pa siya nang tanong tungkol sa paghahanap ko ng trabaho.
"Bakit ba ang kulit mo? Interesadong-interesado ka talaga malaman?"
Humahakbang na ako pababa ng hagdan at sumusunod naman siya sa akin. "Malay mo nga kasi matulungan kita. Alam mo na, business! Kung interesado ka lang naman."
"Alam kong mayaman kayo, 'di ba kakatanong ko nga lang? Hindi mo na kailangang mag-offer sa akin, hindi ako pumapayag magbenta ng laman-loob."
Tinutulak ko ang pintuan papasok sa banyo para maghugas pero pinanghaharang niya ang kamay niya roon kaya hindi ito tuluyang naisarado.
Napasinghap ako. "Bawal ka rito, baliw!"
Nakakunot ang kanyang noo sa akin at hindi pinapansin ang reaksyon ko. "Laman-loob?"
I nod, dumidiretsyo na sa may sink para buksan ang gripo. "Oo. E 'di ba may ospital kayo? Baka pang-transplant ang hingin mo sa akin!"
He shakes his head. "Ang lupet mo mag-isip 'no? Makinig ka nga muna kasi sa akin bago ka na naman mag-jump into conclusion!"
Mula sa salamin ay nakikita ko siyang nakadungaw habang sinasabi iyon, matamang nakatitig sa repleksyon ko.
Naghugas muna ako ng kamay bago ko siya muling hinarap. Buti na lang at walang ibang babae rito sa loob kung hindi lagot siya!
"Pwede bang hintayin mo na lang ako makalabas? Naiihi din ako, Draven! Layas!"
"Pakinggan mo 'yung business proposal ko!" pahabol pa niya.
"Bahala ka sa buhay mo basta isarado mo 'yang pinto! Abnormal!"
Nang maiwan na akong mag-isa ay muli kong naisip ang mga nasabi ko sa kanya kanina. Marahil dahil naiinis ako rito kaya pinili ko noong isipin ang lahat ng negatibong bagay na taglay niya. Maybe he's just really friendly. Masyado ko na nga siyang pinag-iisipan ng masama.
Paglabas ko ng banyo ay agad ko siyang hinahanap, mabilis ko lang din siyang natagpuan dahil malapit siya sa pintuan na empleyado lamang ang maaaring pumasok. Kausap niya 'yung sa tingin ko'y manager ayon sa suot nito.
"Ah, sige, sasabihin ko 'yan kay Lola," anito sa kausap.
Mukhang magkakilala sila ng lalaking manager dahil nagkamayan pa ang dalawa. Napansin lang ako ni Whatever nung tapos na sila mag-usap. Hindi na ako nagtanong kung bakit niya kausap ang manager at nagsabing uuwi na ako.
Mukhang may naalala ang loko kaya sumusunod na naman. "Akala ko ba pakikinggan mo ang business proposal ko?"
Nagtuloy-tuloy ako papalabas ng fast-food. "Ano ba 'yan, Draven? Akala ko nagloloko ka lang?"
Binubuksan ko ang aking payong habang binabaybay ang daan papunta sa sakayan ng jeep. He's still following me.
"I'm serious, Giana. Kung ikaw naghahanap ng trabaho, ako naghahanap ng empleyado na pwedeng gumawa ng ipapagawa ko."
He continues talking as if I'm interested. Paano ba magpatahimik ng maingay na tao? Suntukin ko kaya sa lalamunan 'to?
"Ano nga kasi 'yon?" iritado kong sambit.
Nakikisulong siya sa aking payong sabay hablot doon para siya ang maghawak.
"Marami akong koneksyon, Giana. That manager I was talking to earlier? I can ask him to hire you para magkaroon ka na ng trabaho. Isang pitik lang, matutulungan kita. Basta ba, tutulungan mo rin ako."
Napakurap-kurap ako. Tinitingala ko na si Draven ngayon na para bang nakakarinig ako ng himala.
Now, I'm interested.
"Totoong trabaho? Parang crew gano'n?" I ask. He nods. "Ano ba'ng kapalit niyan? Ano'ng itutulong ko sa 'yo?" I ask again. Inaakbayan niya na ako para magkalapit kami lalo sa isa't isa.
"Lapid! Tulala! Natutulog ka ba nang gising sa klase ko!?" Mabilis akong napatayo mula sa aking kinauupuan nung hinampas ni Ma'am Pepa ang lamesa.
"Po!?"
Nagtawanan ang mga kaklase ko.
Pinanlalakihan na pala ako ng mata ng guro. "Aba, bakit sumasagot-sagot ka? Sinabi ko bang sumagot ka!?"
"Ay, sorry po..." paumanhin ko at muling naupo.
Nililingon ako ni Celene na may nangungusap na mata pagkaupong-pagkaupo ko. Nagkibit-balikat na lamang ako at nakinig na nga kay Ma'am Pepa kahit medyo lutang pa.
Hindi nawala sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Draven nung Sabado.
Hinila niya ako sa bakanteng parking ng isang bangko habang nakatulala ako sa kawalan matapos marinig ang sinabi niya.
He cleared his throat before he whispered his explanation. "You know my Lola France, she likes setting up dates for her children way back. Pero dahil nagsipag-asawa na lahat ng anak niya, nalipat ang sumpang iyon sa aming mga apo."
"And then?" naguguluhan ko pa ring sambit.
"Tsk! Hello, Giana? May nirereto rin siya sa aking babae!" he snapped.
Napaatras ako. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko.
"E, hindi naman niya kayo ipapakasal, ah! Bakit kailangan mo pa ng girlfriend?"
Overthinker din ang lalaking ito. Ipapakilala lang naman sa kanya, hindi naman sinabing iharap niya kaagad sa altar.
Matalim niya 'kong tinitigan. "Hindi mo kilala ang matandang 'yon. Once na nagkita na kami nung babae, araw-araw niya na 'yong papupuntahin sa bahay hanggang sa halos patirahin niya na magkasundo lang kami. Gano'n ang ginawa niya sa ibang mga pinsan ko."
Tumigil ito para lumunok.
"At ayokong mapilitan na makipaglapit sa isang babae dahil sa gusto lang ng lola ko. Ayoko ng gano'ng set up. Hindi nadidiktahan ang puso, okay?" he added.
At talagang sinubukan niya pa akong bigyan ng wisdom na obviously ay alam ko naman na!
"Ba't hindi mo na lang kasi tanggihan kaysa manloko ka?" suhestyon ko.
Halata naman na mas lalo siyang na-stress nung bigla niyang nasapo ang kanyang ulo.
"Ang kulit mo! Sabing wala ngang makakapigil do'n. Kailangan may maiharap muna ako sa kaniyang babae na gusto ko para tigilan niya na ako," pagpapaliwanag pa rin nito sa ekspresyon na parang nagmamakaaawang makuha ko ang pinaparating niya.
Sinenyasan ko siya na manahimik para maiproseso ko lahat ng impormasyon.
Lintek naman, oh.
Ang dami masyado ng mga sinabi niya. Hindi ko na alam kung ano'ng uunahin kong itanong.
Kinalabit niya ako habang ang mga mata ko ay nakadungaw sa kalsada. Hindi ko siya kayang titigan.
"Giana, konsensya mo kapag ikinasal ako sa babaeng hindi ko mahal, okay?"
Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi nito. Totoo ba siya?
Napakamot ako sa 'king ulo. "E, bakit hindi ka na lang maghanap ng totoong girlfriend?"
Halos magdikit ang kilay ko sa pagtataka. Pati ako namomroblema na sa sitwasyon naming dalawa. Ano ba talaga ang nangyayari?
Magtutulungan ba kami nito?
He sighed and dramatically shook his head. "Naririnig mo ba ang sarili mo? You think it's that easy to enter a relationship? Ayokong ma-pressure sa paghahanap ng girlfriend dahil I'm a date-to-marry kind of guy, you know? At least, kung ikaw ang ihaharap ko, alam mo ang limitasyon. Kasunduan lang."
I shut my eyes off habang kagat ang aking labi.
Kakaiba rin pala talaga ang mga paniniwala niya sa buhay. I'm starting to think na kahit papaano ay may substance naman pala siya as a person.
Pero ibang klase rin siyang mag-isip ng trip!
Muli akong dumilat para bulyawan ito. "Iyun nga ang punto! Pa'no 'yan kapag dinala mo na ako? Habambuhay na rin tayo, gano'n? Kapag naghiwalay naman tayo irereto ka rin niya!"
Nasapo niya ang kanyang noo at pilit nagpaliwanag sa kalmadong boses. "You are such an overthinker. Props ka lang naman. Substitute. Malay mo habang nagkukunwari kang girlfriend ko, biglang dumating 'yung totoong para sa akin 'di ba? All I'm asking is for you to help me buy some time to find, just like what you said — a real girlfriend!"
He used his convincing tone against me. Nawala ako sa katinuan dahil sa mga rebelasyong iyon.
"At alam naman nating parehas na kailangan mo ng trabaho. We will both gain something from this. So, ano? It's your decision, Giana. I can always find someone who's more than willing," he added.
Bakit sa akin niya pa kasi 'yan inalok?! Ganoon ba kahalata na desperada ako na magkatrabaho? Nakitaan niya ako ng desperasyon?!
Kaninong matinong lola ang ipagkakanulo ang sariling apo sa ibang tao? At sinong matinong tao ang mag-aalok ng trabaho para magpanggap na kasintahan?!
May saltik ang mga Velasquez! 'Yan ang nasisiguro ko!
"Always lutang, ano?" Nililingon ko si Anika na kinakausap na pala ako.
Pabalik na kaming magkakaibigan sa aming building at nahuhuli na naman kami ni Anika sa paglalakad.
"Hindi naman, may iniisip lang."
Ngumunguso ito. "Lagi ka na lang may iniisip. Alam mo, girl? Hindi naman masamang magkwento ng problema. Kung anuman 'yan, tutulungan kita. Namin. Para saan pa't magbe-best friend tayo?" then she gives me a reassuring smile.
Alam ko namang maaasahan ko talaga sila pagdating sa mga problema. Pero sa pagkakataong ito, gusto ko munang sarilihin ang bigat ng dalahin ko.
I smile ngunit bago pa ako makasagot ay hinarang ako ng isang kaklase at sinabing pinapatawag daw ako ng adviser namin sa faculty. Pinauna ko na lang ang mga kaibigan ko na makapanik sa room at agad na sumunod sa kung anuman ang utos ni Ma'am. Uutusan lang pala ako nitong magpamigay ng note sa mga section ng year namin.
"Thank you," sambit ko at isinasarado na ang pintuan pagkatapos abutin ng isang lalaking schoolmate ang papel na ibinigay ko.
Nagtitilian pa ang buong klase na iyon sa loob sa hindi malamang dahilan, namumula pa nga ang mukha nung lalaki na kumuha ng papel mula sa akin. Kilala ko siya sa mukha at apelyido pero hindi sa first name. Hindi ko rin naman kasi ito madalas napapansin.
Nakatitig ako sa papel at akmang kakatok na sana sa pinto ng section nina Anika at ng tropang pakers nung bigla itong nagbukas at iniluwa si Draven whatever.
His face automatically lights up after seeing me, kabaliktaran naman ang akin na nagulat at parang natatae sa presensya niya.
"Hi, girlfriend ko!"
Nangungunot ang aking noo sa naging pagbati nito.
I immediately shush him. "Manahimik ka nga! Ang lakas-lakas ng bibig mo!" anang ko na may kasamang pagpa-panic at baka may makarinig sa amin.
Hinahagis niya sa basurahan ang maliit na papel na para itong basketball ring bago nakangiting lumalapit sa 'kin. Sinipa ko pa muna ang pintuan sa kaniyang likod para sumarado iyon.
He grins. "Ano? Nakapag-isip-isip ka na ba?"
Iniirapan ko siya at inabot na lamang ang papel na pinamimigay ko bago ito nilagpasan at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Kaunti na lang at malapit na mag-time. Baka maabutan pa ako.
Ganoon din ang nangyayari sa sumunod pang araw na nagkikita kami sa school. Nakangiti niya akong lalapitan tuwing nag-iisa ako para tanungin kung ano na raw ba ang desisyon ko na animo'y nabuburyo na ito at ilang linggo na ang hinihintay sa magiging sagot ko kahit ang totoo ay ilang araw pa lang naman ang lumilipas!
E, sa hindi ko nga alam kung ano ba'ng gagawin ko!
Wala pa akong napapala roon sa mga pinag-apply-an ko, at mukhang alam ko nang wala na akong magiging pag-asa pa ro'n. Ang natatanging trabaho na lang na nasa choice ko ay 'yung inaalok ni Draven na ayaw ko rin naman talaga!
Panloloko ang gagawin namin! Hindi ko 'yon masisikmura!
Nung pangatlong araw ng pangungulit sa akin ni Whatever ay inutusan niya ako na magkita raw kami sa likod na cafeteria thirty minutes after ng uwian. Ayaw ko ngang siputin ang loko-loko pero napaisip ako na baka tungkol iyon sa inaalok niyang trabaho. Mukhang tama nga ako.
"At dahil nandito ka na nga at sinipot mo ako, basahin mo ang laman niyan. Pina-type ko pa 'yan sa secretary ko kaya wala ka dapat lalagpasan na word, okay?"
He pulls out a white folder from his backpack and then motions me to read it. Umiirap kong hinahablot 'yon para sundin siya. Dami talagang arte!
"Secretary?" I mock.
Magkaharapan kami ngayong nakaupo sa al fresco. Mabilis kong binabasa ang mga nakasulat sa papel ngunit natagalan akong iproseso iyon, to think na nasa sampu lang naman ang numbering ng nakasulat sa papel na inabot niya.
"Ano ba 'tong pinaglalalagay mo rito? Ang tanging naintindihan ko lang ay 'yung sweldo," komento ko nung hindi na talaga kinaya ang processing.
Hinablot ni Draven mula sa aking kamay ang papel at tinitigan pa talaga ako nang masama. Totoo naman na parang legal paper 'yung hawak ko sa sobrang daming paligoy-ligoy!
Hinahawi nito ang kanyang buhok at umayos sa pagkakaupo. Bukas ang dalawang butones ng kaniyang polo at loose na ang suot na necktie. Uwing-uwi na siguro kaya rito pa lang ay gusto nang maghubad.
Ilang minuto niya pang binabasa ang nakasulat nang muli nitong inilapag iyon sa lamesa.
"Ako na nga lang ang magsasabi sa'yo! Ang hirap pala talagang basahin," aniya na siyang ikinatawa ko.
Kinuha ko ulit ang papel at inayos ang pagkakapantay nila. "Bakit ba kasi may pagan'to ka pa?"
"Business nga, 'di ba?" Iniirapan ako nito at muling sumasandal sa kanyang upuan.
Sungit.
"Ganito kasi 'yan, nakapagsabi na ako sa kakilala kong manager at pwedeng-pwede ka raw niyang ipasok sa loob ng kitchen. Tagahanda ng pagkain, tagahugas ng pinggan, name it! Basta kung saan ka raw kumportable," anito na ikinatatango ako.
Maganda naman talaga ang offer niya! Lalo pa nung malaman ko kung gaano kalaki ang ipapasweldo niya sa akin. Hiwalay 'yung sa trabaho ko na ipinakiusap niya sa kakilala, at doon sa pagpapanggap ko bilang kasintahan niya. Nagulat nga ako na pati pala roon ay babayaran niya ako!
Hindi na nga ata 'yon pa-thank you sa kanya, talagang totoong trabaho na!
Iyon nga lang talaga, kahit ano'ng laki ng sweldo, off pa rin sa akin ang panloloko sa kapwa.
"He also agreed na magta-trabaho ka lang tuwing weekend sa kanila. Doon lang kasi sila dinadagsa kaya mas kailangan nila ng dobleng tauhan kapag Sabado at Linggo. Mas mababa lang ang sweldo mo dahil sabit ka lang naman, pero hindi naman na masama 'di ba?" anito habang nilalaro ang mga daliri sa ibabaw ng lamesa.
"Syempre kapalit ng pagbibigay ko ng trabaho sa 'yo, papayag ka na magpanggap na girlfriend ko. Two in one 'yon. Maswerte ka nga because money is not an issue here, hindi ako makunat dahil alam kong kailangan mo ng pera. Bayad ka sa lahat. Pero pwede rin naman na mag-full time ka sa akin bilang girlfriend ko. I'll even double your salary!" he says with his eyebrows almost reaching his hairline.
Oo na, Draven. Mayaman ka na.
"Hanggang kailan tatagal 'yung pagpapanggap... kung sakali?" pagtatanong ko habang iniisip na kung kakayanin ko ba.
Tinititigan niya na ako at napansin kong huminto ang paglalaro niya ng daliri. Iginigilid niya ang kanyang ulo bago sumagot. "Sabi mo nga... hanggang sa makahanap ako ng totoong maipapakilala kong girlfriend. Hanggang sa tumigil si Lola."
"So, magto-two time ka habang nagpapanggap tayong dalawa? That's off!" I react.
His upper lips raise. "Alam mo, Giana? Problema ko na 'yan, e. Kung maghahanap ako o hindi, akin na lang iyon. Basta ikaw, magiging props ka para hindi ako pagtuunan ng pansin ni Lola na ipakilala sa ibang babae. Bakit ba ang layo na ng nararating ng isip mo? Pabor pa nga sa'yo kung magtatagal 'to nang isang taon, 'di ba?"
Ngumunguso ako. Hindi ko mapigilang mag-isip nang malalim sa half-baked plan niya. Halata naman na hindi pinag-isipang mabuti dahil hindi lumulundag ang isipan niya sa mga posibilidad. Basta ang sinasabi niya lang, ipakikilala niya akong gilfriend niya habang naghahanap siya ng totoong magiging kasintahan para hindi siya guluhin ng lola niya.
Hindi ba niya naisip na baka... baka 'yung ipapakilala sa kanya ng kanyang lola ay ang totoong nakatadhana para sa kanya? Why not just try!
Pinisil-pisil ko ang korteng tinapay na stress ball na bigay sa akin ni Yna para mabawasan ang sakit ng ulo ko. Kanina pa ako nag-iisip dito sa study table ko tungkol sa offer ni Draven.
Malaking sahod, pero kapalit nito ay panloloko.
"Babae, bumaba ka na at kakain na tayo."
Halos mapaigtad ako nung sumulpot ang impakto kong kapatid na walang sabi-sabing pumasok sa 'king kwarto.
"Hindi ba uso sa'yo kumatok?!" asik ko sa kanya.
"Bakit? May tinatago ka bang lalaki rito?" pagago nitong sagot.
Pinasadahan ni Kuya ng tingin ang apat na sulok ng aking kwarto.
"Wala, syempre! Gaya mo pa ako sa'yo?" depensa ko sa kanya.
Maloko niya 'kong tinitignan. "Ano'ng tinatago ko? Hindi ko tinatago ang babae ko."
May tuwalya siyang hawak-hawak na pinapaikot sa kaniyang kamay. Maya-maya'y hinampas niya ako gamit 'yon at tumawa nang malakas.
"Kuya! Ano ba!"
Nagulo tuloy ang naka-bun kong buhok. Bwiset talaga! Sa kakatawa niya'y napahiga pa siya sa kama at nagpagulong-gulong.
Sumisigaw ako. "Mama! Si Kuya Giles, oh! Mama!"
Binato niya sa akin ang tuwalyang hawak kaya gumanti na ako. Nilapitan ko siya at pinulupot ito sa kanyang leeg.
"Mama! Papatayin ako ni Giana, Mama!" bulalas nito habang pilit na kumakawala sa pananakal ko.
Mas pinag-igihan ko ang ginagawa hanggang sa maubo siya. "Nakakainis ka talaga! Umalis ka nga rito! Ginulo mo pa 'yung kama ko! Ang baho-baho mo kaya!"
Napatayo siya bigla nang sipain ko ang kaniyang pang-upo.
"Tinatawag lang naman kita! Masyado kang high blood!" aniya na halata naman sa mukha na nang-aasar lang.
Hinahagis ko sa kanya ang tuwalya niya. "Umalis ka na!" asik ko.
Nginingitian niya lang ako nang malapad kaya lumabas ang dimples nito na malalim. Nalukot ang mukha ko. Ayokong ngumingiti siya nang ganiyan sa akin.
Hinahampas ko ulit siya at pinagtatabuyan palabas ng kwarto ko. "Huwag mo akong ngitian! Umalis ka dito! Mama!"
Lalo lang siyang nag-feeling sa loob ng kwarto ko habang nakanguso na akong pinapanood. "Eto naman, nilalambing ka lang!"
"Ang ingay-ingay niyo! Bumaba na at kakain na!" Si Mama iyon na sumisigaw mula sa kusina.
Imbes na sumunod ang kapatid kong panget ay hinahatak niya ang upuan sa study table ko at naupo roon.
"Bumaba ka na raw!" Tinuturo ko ang pintuan para palayasin siya.
Inaayos ko pa tuloy ang kama ko na nagulo dahil sa kaharutan niya.
"Eto naman laging galit sa akin. Alam mo napapansin ko? Lagi kang wala sa sarili mo. Hindi mo na ako pinapatulan kapag inaasar kita. Baka nagma-mature ka na kasi may boyfriend ka na, baby? Huwag ganoon, ha?"
I smirk habang nagpapagpag. Nililingon ko ang kapatid na nanonood pa rin sa akin.
"Sira. Bakit ba iyan ang bukambibig mo?"
"Malamang! Dalaga ka na! Saka ganyan ka naman na talaga, hindi ka na nagkukuwento sa kuya mo porket matanda ka na. Noon nga lagi kang nakagitgit sa akin. Hindi mo na ako sinasabihan," anito habang mas lalong pinapahaba ang nguso.
Nagtatampo pa kunwari kahit ang totoo ay gusto lang nito sumagap ng chismis.
Pinanonood kong mag-inarte ang unggoy.
Hindi ko sigurado kung ako ba ang gusto niyang kilatisin o ang mga balita sa eskwelahan ko na noo'y pinag-aaralan niya rin. Paano ba naman, kahit ilang taon na siyang naka-graduate ay marami pa rin itong kakilala sa eskwelahan lalo na iyong kapwa niya college students.
Mukha lang walang alam ang kapatid ko pero honor student 'yan. Top sa klase niya at teacher's pet. Sikat na sikat rin at maraming nagkakagusto.
Patawa-tawa na umalis si Kuya ng kwarto nung wala itong mapala sa akin pero hinabol ko rin siya nung may maalala akong itanong tungkol sa problema ng pamilya namin.
"Kuya, may tanong pala sa'yo!"
"Ano 'yun?"
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa aming hagdanan, hindi gumagawa ng anumang ingay habang nasa baba na si Kuya GL.
"May... alam mo ba na..." I trail off.
"GL! Asa'n na ang mga kapatid mo?" sigaw ulit ni Mama na nagpataranta kay Kuya.
"Eto na po, Ma! Ano ulit 'yun, Gi?" aniya na ngayon ay seryoso na.
Nakatungo ako sa railings sa taas at si Kuya ay nasa baba na ng hagdanan. Tinititigan ko lang siya habang nag-aalangan. I eventually shrug my shoulders off.
'Di bale na pala.
"Wala. Ano lang, may pera ka pa?"
Bahagyang kumunot ang noo nito. Kung gaano siya kaloko ay ganoon din ito kaseryoso.
"Bakit? May ipapabili ka?" Tumango na lamang ako at gumawa ng palusot.
Wrong timing.
"Amen! Kain na! Kumain ng maraming gulay," ani Mama habang nagsasandok.
Nagkakatinginan kami ng kapatid kong bunso. Inaangat ko mula sa pinggan ang nilagang okra at napapangiwi. Mukhang wala akong choice ngayon kundi lumunok lang nang lumunok.
Wala na naman si Papa sa kabisera at mukhang gagabihin na naman itong umuwi katulad nung mga nakararaan. Hindi pa rin ako nasasanay na hindi kami sabay-sabay na naghahapunan. Kapag ganito kasing oras, dapat kumpleto na talaga kami sa bahay.
"Nga pala, mga anak, bago ko makalimutan," bumubwelo si Mama na magsalita habang nag-aabutan kaming magkakapatid ng pinggan.
She's looking at us with gentle eyes.
"Magbabawas muna tayo ng mga gastusin ngayong buwan. Katulad ng kuryente natin... tipid-tipid muna, ha? May oras na lang 'yung telebisyon at aircon, lalong-lalo na ang aircon..."
Nakinig ako nang mabuti sa sinasabi ng aking ina. Alam ko naman kasi kung bakit niya ginagawa ito kaya mas lalo akong napapa-isip.
"Konting pagtitipid lang muna sa ngayon, kasi alam niyo na, nagmamahal ang mga bilihin. At saka..." nagkakatinginan kami ni Mama. "Marami na rin kasi talaga tayong gastusin! Nga pala, kapag manghihingi kayo ng baon, sa akin na kayo lalapit. Hindi sa Papa ninyo."
"May problema po ba, Ma?" pagtatanong ni Kuya na mukhang wala nga talagang alam sa nangyayari.
Pasimple akong napapailing habang sumusubo ng pagkain.
"Wala naman, anak."201Please respect copyright.PENANAbivI2xFpxh