Chapter 14
Sinasampal-sampal ko ang aking sarili habang sakay ng elevator. Isang oras pa bago tumunog ang bell pero nandito na kaagad ako sa school at binabaybay ang aming hallway. Hindi ako nagising nang maaga, sadyang hindi lang talaga ako makatulog sa dami ng iniisip ko.
Ramdam ko talaga na mali ang pagtanggap ko sa inaalok ni Draven kahit na na-meet naman niya ang lahat ng terms ko. Natatakot ako na mabuking kami at pag-isipan ako ng mali ng mga taong makakaalam... lalo na ang pagsasabihan niya ng (fake) relasyon namin.
Ang tanging nagpapagaan lang ng loob ko ay ang naging desisyon na huwag tanggapin ang perang ibibigay niya para sa pagpapanggap ko. Hindi ako bayad para manloko.
Idagdag pa pala sa pagkapuyat ko 'yung paulit-ulit na pagtunog ng cellphone ko kagabi!
May nagte-text sa akin na unknown number na kapag tinatanong naman kung sino ay hindi sumasagot. Ayoko na sanang pansinin pa pero na-curious din ako sa katauhan nito.
From: Unknown number
Hi, good eve. Ano ang paborito mong bulaklak? Survey lang.
Reply:
Sino nga po sila? Lagi kang nagte-text sakin pero hindi po kita kilala.
Hangga't hindi siya nagpapakilala ay hindi ako sasagot. Mamaya stalker ko pala 'yun.
Pagkadating sa classroom namin ay nagpahinga pa muna ako nang ilang minuto. Akala ko mauuna na ako ngayong araw but turns out meron na rin palang iilang kaklase na nasa loob. Nagpalipas muna ako nang ilang minuto bago nagpasya na bumaba para kumuha ng libro sa locker room.
Hindi ko na rin napigilan na sumilip sa kabilang classroom just to check kung may tao na rin ba. Wala pa naman.
May mga nakasalubong akong mga kaklase sa elevator na papanik na rin, sinabihan pa nila ako na ang aga ko raw. Nginitian ko sila at nakipagbiruan bago ako dumiretsyo ng locker room. Pagkakuha ko ng iilang mga libro ay muli akong lumabas ng building papunta naman sa playground sa likod ng auditorium.
Gusto ko lang makalanghap ng pang-umagang hangin at baka makatulong iyon para magising ang diwa ko. Paniguradong sasakit ang ulo ko mamaya dahil sa kulang na oras ng pagtulog pero kakayanin ko naman... maliban na lang kung may ipapagawa ang boss ko.
Katulad ng inaasahan, wala ngang tao sa playground kasi wala pa namang mga elementary students. Wala ring tumatambay dito nang gan'tong oras dahil sa mga nakatatakot na kwento.
"Take me to your heart,
Show me where to start
Let me play the part of your first love~"
Hinihimig ko ang kanta na naririnig ko kanina sa loob ng jeep. Naupo ako sa isang swing at binaba ang aking libro sa wooden bench na malapit. Nakaharap ako sa mga metal fence na humihiwalay sa campus namin papunta roon sa kabilang lupa.
Inangat ko ang sarili at nagbilang hanggang tatlo bago ko tinaas ang dalawang paa para dumuyan.
"Got to believe in magic,
Tell me how to people find each other
In a world that's full of strangers~"
I pump my legs harder while sitting on the swing, making myself higher above the ground. Para akong bata na pilit inaabot ang langit.
"You've got to believe in magic
Somethin' stronger than the moon above~"
Lumalakas pa lalo ang pagkanta ko dahil alam kong walang makaririnig sa akin. Baka nga kahit 'yung batang multo na chinichismis dito ay lumayo sa ingay ko.
"Cause it's magic when two people fall in love..."
Napatili ako nung biglang may boses ng lalaki na sumabay sa pagkanta ko. Hindi ko kaagad naisayad ang paa ko sa lupa kaya patuloy pa rin akong dumuduyan habang nililingon ang bagong dating.
Nakikita ko si Draven na may hawak na video camera na nakatutok sa akin.
"Draven, huwag!"
Agad akong pumreno at muntikan pang ma-out of balance ngunit nakabawi rin naman agad.
He smirks while holding the camera. "Alam mo, Giana, sumayaw ka na lang kaysa kumanta. Baka sakaling magkaroon ng world peace," anito bago ibinaba ang hawak nang patawa-tawa.
Pailing-iling siyang lumalapit sa 'kin.
I slightly pout my lips. "Bwiset! Kanina ka pa ba diyan?"
Itinatago nito sa likod ang video cam habang humahakbang na para bang alam niya ang pinagbabalakan kong gawin.
"Kararating ko lang kaso narinig ko ang mahiwaga mong boses, Giana baby," aniya.
I look at him in disgust. "Yuck! Anong Giana baby?"
"E 'di endearment ko sa'yo, Giana baby. Ang cute, 'di ba?" He even has the boldness to wink at me.
Luminga ako sa paligid para makahanap ng maaaring ibato sa kanya. "Tapos ano'ng itatawag ko sa'yo? Draven baby? Itigil mo 'yan at baka sungalngalin kita!"
Humahalakhak ito. "Ang ganda kaya! Napaka-killjoy mo naman!"
"Hindi required 'yon at saka hindi naman tayo totoong mag-syota, eh!"
Unang araw pa lang pero para akong mawawala sa katinuan dahil sa mga trip niya.
Natatawa itong sumisipa ng mga bato sa buhangin. Gumagalaw ang mga balikat niya at ayon sa lapad ng ngiti nito ay parang okay na ang mood niya.
Pinasadahan ko siya ng tingin habang abala pa ito sa ginagawa. Naka-P.E uniform kami ngayon na pinaresan niya ng makapal na rubber shoes. Nakasuot din siya ng silver na relo at ang buhok ay nakababa na naman, hindi katulad kahapon na nakataas. Malinis tignan.
Nagpakawala ako nang malalim na paghinga. Kahapon sobrang sungit nito na parang mamimitik na lang bigla sa noo, hindi nga iyon nakakatulong sa pagdedesisyon ko dahil parang naiinis siya sa akin. Pero ngayon? Mukhang masaya at okay siya! Back to his normal self.
Toyoin.
"So, ano ang plano natin sa araw na 'to?" tanong ko bago pa lumalim ang paninitig ko sa kaniya.
Nalipat ang atensyon niya sa akin. Umuwang ang bibig niya ngunit nananatili pa ring nakangiti.
"Mamaya aalis tayo."
He bites his lower lip habang ako naman ay tumatayo na mula sa swing papunta sa mga libro na ibinaba ko sa bench kanina.
"Saan naman?"
"Surprise na lang. Abangan mo," anang nito as he wiggles his eyebrows. "Kitain mo pala ako doon sa karinderya ni Aling Fe mamaya. Alam mo ba kung saan 'yon?"
Tumatango ako. Five minutes walk pa 'yun mula rito sa school. "Bakit pala doon? Maraming dumadaan doon, ah?"
"Twenty minutes after dismissal. Okay na? Praning ka na naman, e!"
Tinignan ko nga nang masama. Ngumingisi lang siya bago muling inilabas ang camera na itinatago sa kanyang likod.
Nangangati ang kamay ko na i-delete kung anuman ang clip na kinuha niya sa akin!
"Ba't ka ba kasi may dalang ganiyan?"
Bahagya akong lumalapit kaya naman nabasa ko na ang tatak niyon na medyo may kamahalan. Mukhang suntok sa buwan na magkaroon ako ng sarili kong camera na katulad nito kaya hanggang tingin lang muna.
"Hiniram ko lang, ibabalik ko na. Saktong-sakto nga at na-video-han ko ang pagmo-monologue mo. Ang galing magtula, ah?" panunuya niya.
Iniirapan ko ito at nakipag-asaran pa habang naglalakad kami pabalik ng building.
"Huwag kang masyadong lumapit," puna ko nung magdikit na ang mga balikat namin habang naglalakad.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Inaangat naman niya ang tingin sa akin mula sa screen ng camera.
"We can talk in public but physical contact should be limited. Entiendes?" paglilinaw ko pa habang minamata ang Whatever.
He sneers at me ngunit sumunod din naman nung pinalayo ko siya nang ilang metro.
Nagdire-diretsyo ako papasok ng building at papuntang elevator nang kasabay siya maglakad ngunit parang hindi rin naman dahil sa distansya naming dalawa. Tamang-tama lang ang timing namin kasi nagdagsaan na nga bigla ang mga estudyante.
Bumabati pa ang isang kaklase ni Draven sa kaniya. "Morning, Draven, paretsong! Hindi tayo late ngayon, ah?"
Saktong bumubukas ang elevator at malapit lang kami sa unahan kaya nakapasok agad kami. Fifteen students ang capacity no'n pero kung payat naman ang mga sakay ay kaya hanggang twenty.
Mabuti na lang talaga at nakasakay ako kahit siksikan na. Lumapat ang bewang ko sa malamig na railings. Napansin ko naman si Whatever na nasa harap at nakataas ang isang kamay na may hawak na camera.
"Oo, pare! Bagong buhay na kasi mag-second quarter na, e."
"Naks! Inspired ka na siguro? May nililigawan ka na ba sa wakas?"
Nagsara ang pinto kaya naman nag-adjust kaming lahat. Halo-halo ang mga students dito sa loob.
He shushes. "Ingay mo, tsong. Secret lang 'yan, e. Bakit mo tinatanong, ah? Pipila ka ba sa akin?" pagbibiro ng loko-loko.
May mga natatawa sa pinag-uusapan nilang dalawa ng kaklase. Rinig na rinig ang mga ito dahil sa sikip ng elevator.
Umiiling ako habang pinipigilan matawa sa naging usapan pa nila. Lalo ko lang 'yon pinag-igihan nung lingunin niya ako. Tinuon ko ang aking atensyon sa harap at hindi gumalaw sa aking pwesto.
Mas marami kaming magkaka-year na nakasakay sa elevator at puro pa babae, maliban kina Draven at sa kausap nito. Kaya naman nung nasa tuktok na kami ay nagkunwari ang mga ito na gentleman at nauna kaming pinaraan. Huling-huli pa nga ako.
"Lapid, sandali! Nahulog mo, oh."
Bago ako makatapak palabas ay tinawag ako nung kausap ni Draven, may iniabot ito sa aking papel na hindi ko napansing nahulog pala mula sa libro ko.
"Thank you," pagpapasalamat ko at nginitian siya. Kumindat lang ito sa akin.
Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa katabi nitong si Whatever na nakaarko ang isang kilay. There he is again.
Tinalikuran ko na lamang sila at nagmadali na sa paglalakad.
Pinapanood kong umagos ang tubig na mula sa isang bahay papunta sa maliit na butas sa gilid lamang ng eskenita. Naiisip ko 'yung mga langgam at ibang insekto na maaaring tinatangay no'n. Nakaka-survive ba sila o namamatay din sa pagkalunod?
Kung saan-saan na dumadapo ang imagination ko kakahintay kay Whatever na dumating. Sabi n'ya maghintay ako rito twenty minutes after dismissal, trenta minutos na pero wala pa rin siya!
Kinakabahan nga ako kung saan niya ako dadalhin ngayon. Kinakalma ko na lang ang sarili ko kasi alam ko naman na kahit papaano... mapagkakatiwalaan siya. Inaaral ko lang din ngayon ang ugali niya at sa katotohanan ay ayokong nakikita na nagsusungit ang Whatever. Hindi kasi bagay... at medyo nakakatakot 'yun kapag nagseseryoso na... base sa napansin ko nitong nakaraang mga araw.
Ipinagpatuloy ko na lang ang panonood sa umaagos na tubig. Maliit lamang ang eskenita na ito kaya kapag may dumadaan ay dikit na dikit sa akin, kung lalabas naman ako ay mainit kaya dito na lang ako tumambay. Ayokong tumambay sa may karinderya kasi hindi naman ako kakain at baka makilala pa nila si Draven na instant famous dahil sa pamilya nito.
Humihikab na ako nang maraming beses pero wala pa rin ang magaling!
"Giana!" Isang malakas na busina ang narinig ko sa bungad ng eskenita kaya naman tiningala ko kung sino iyon.
Pinapagpagan ko ang kamay na humawak sa bato at umaayos ng tayo. Andito na rin sa wakas!
"Ano 'yan?" takang tanong ko dahil hindi lang siya basta-basta dumating, sakay din siya ng isang motor.
Tinatapik niya ang grip nito. "Motor? Hindi ka pa ba nakakakita nito?"
Iniirapan ko siya. "Syempre, nakakita na! Ang ibig kong sabihin, bakit ka sakay niyan?"
Saka kakaiba ang motor niya! Halatang mamahalin at 'di basta-basta.
Maloko itong ngumingisi.
Lumapit ako para makaharapan iyon. Ang kintab at halatang alaga ang motor na sinasakyan niya. Mukhang hindi pangkaraniwan, 'di tulad ng mga ordinaryong motor na makikitang humaharurot sa kalsada.
"Ganda 'no?" pagyayabang nito habang bumababa mula sa pagkaka-angkas.
Oo, maganda. Ito 'yung tipong hindi mo maipa-park kung saan-saan kasi takaw-tingin! Mabilis lang itong mananakaw!
"Saan mo naman nakuha 'yan?" I ask.
Hindi ko na napigilang haplusin ito. Kulay itim na may touch of silver. Malalaki ang mga gulong at ang upuan sa likod ay mas mataas kumpara sa upuan ng nagda-drive.
Hinarap ni Draven ang mukha ko sa kaniya at may isinuot sa 'king ulo. "Sa akin 'yan, Giana baby. Hindi ko 'yan basta-basta napulot."
"Sa'yo?" ulit ko pa.
Tumango ito sabay ng pag-lock niya sa helmet. Inayos pa niya ang pagkakalagay nito sa akin.
"Oo nga! Akala mo ba ninakaw ko?" He grins boyishly kaya napaiwas ako ng tingin.
Bakit pa nga ba ako magtataka? Malamang afford niya ang gan'tong kagandang motor kasi mayaman siya!
"Ngayon mo lang 'to makikita kaya angkas na, bilis!"
Tinapik niya ang mataas na upuan. Nag-alinlangan pa ako kasi bukod sa first time kong umangkas sa motor, baka may kakilala ako na nakakakita sa akin ngayon!
Masama pa naman ang impresyon kapag nakitang umaangkas ang babae sa motor ng isang lalaki. Gano'n ang napapanood ko sa mga teleserye!
"Ayoko, Draven. Baka may nanonood sa ating kakilala?" Kabado ako habang lumilinga sa paligid.
Inaabot niya ang aking kamay sabay marahang hila. "Tigilan mo nga 'yang pagiging overthinker mo! Kung sino mang makakakita sa atin, siguradong ako lang ang kilala niya at hindi ikaw."
Kinatok pa nito ang helmet sa ulo ko saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"Hindi lahat malisyosa kagaya mo. Magkaibigan pa lang tayo ngayon. Mamaya pa kita magiging girlfriend," dagdag niya.
Hindi naman gumagaan ang loob ko sa mga sinasabi niya! Mas lalo pang bumibigat!
"Paano kung nanay ko pala ang nanonood?"
"E 'di sabihin mo kay Tita na ako ang pinakagwapo mong kaibigan."
Panandaliang lumikot ang imahinasyon ko dahilan para bahagya akong matulala. Naisip ko ang isang scenario kung saan nahuli nga kami ni Mama at dito mismo ay pinagalitan niya ako. Rumerehistro pa ang karaniwang ekspresyon ni Mama kapag galit na galit siya.
Nakakatakot.
"Giana!" Nahatak ako sa reyalidad nang pitikin ako ni Whatever sa noo. Nakasakay na siya ulit sa motorsiklo niya. "Giana baby! Sakay na!"
Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Draven at sa motor niya.
Ano pa nga ba'ng magagawa ko?
"Sandali lang! Kapag ako nahulog sinasabi ko sa'yo!"
Tinuturuan niya ako kung paano umakyat. Sa una ay pakiramdam ko mahuhulog ako dahil hindi ako naging kumportable kaagad sa pwesto. Mabuti na lang talaga at hindi ako nakapalda ngayon!
"Kapit sa balikat ko tapos kapag natatakot ka, yakap ka sa akin, okay?"
Kinatok ko ang helmet niya bilang ganti sa kanina bago inayos ang aking pagkakaupo. Hinding-hindi ako yayakap kailanman sa kanya! Asa siya!
I hear him chuckling. "Ikaw rin ang bahala! Kapag nahulog ka patay ka kaagad sa payat mong 'yan!"
Napatili ako nang biglang humarurot ang sinasakyan namin.
"Walang hiya ka! Ni hindi ka man lang nagbilang!"
Malakas ang hangin na tumatama sa mukha ko. Tama nga ako, hindi ito pangkaraniwan kasi kahit hindi pa ako nakakasakay sa motor ay alam kong higit na mas mabilis ito!
Nakakapit ako nang mahigpit sa balikat niya at inilagay ang buong bigat sa kaniyang likod. Wala pa naman itong back rest kaya takot na takot akong mahulog! Baka makaligtaan ko na nasa motor ako at maisipang lumiyad.
"Saan ba tayo pupunta, ha?" tanong ko nang medyo bumagal ang takbo namin dahil mas dumarami na ang mga sasakyan.
Nandito na kaagad kami sa Poblacion kahit wala pang sampung minuto.
"Sa langit!" tarantadong sagot nito at muling pinapaharurot ang kanyang motor.
Gusto ko siyang saktan pero mas nangingibabaw sa akin ang safety namin. Kaunti pa at pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa bilis niyang magmaneho!
Pero kahit papa'no habang lumilipas ang mga minuto ay nasasanay na ako sa bilis namin at sa kinauupuan ko. Kumportable naman pala kasi malambot ito. Paulit-ulit ko namang kinakausap ang driver pero hindi niya ako sinasagot, naiinis na nga ako pero hindi ko naman siya masaktan.
Kaya ang tanging nagawa ko na lang ay tignan ang paligid. Nakatakas na kami sa polluted part ng Maravilloso at pamilyar pa naman ako sa dinaraanan namin kaya hindi ko na siya kinulit pa, pero nang lumiko kami sa isang kilalang subdivision ay hindi ko na napigilang kalabitin si Whatever.
"Draven, nasa'n tayo? Sa bahay mo? Eto na ba 'yon?" binubulong ko sa kanya.
Hindi pa rin niya ako pinapansin. Tinitignan ko ang mukha niya sa side mirror at nakitang malapad ang ngiti nito. Inaabot ko ang helmet niya para ibaba ang visor.
"Naririnig mo ba ako? Draven?!"
Pinahinto kami saglit ng guard habang nagmamasid naman ako. Ang exclusive subdivision na pinapasukan namin ay tinitirhan ng mga nagsisipag-yaman na mga personalidad! Dito nakatira ang pamilya ni Dennis, pati na rin ang pamilya ng Alkalde.
Muling pinaharurot ni Draven ang kanyang motor na sa sobrang bilis ay hindi ko na nagawang i-appreciate ang tanawin sa loob ng subdivision.
May malaking park sila sa gitnang bahagi, may mga puno na mas marami pa sa populasyon ng nag-aaral sa eskwelahan namin at marami pang iba na mababasa lamang sa libro, o makikita sa pictures, o mapapanood sa telebisyon!
Amaze na amaze ako sa mga nakikita na hindi ko na namalayang huminto na pala kami. Malakas kong tinulak si Whatever nung makabawi na kaya halos sumubsob ito.
"Bakit hindi mo sinasagot mga tanong ko, ha! Asa'n kako tayo? Sa'n mo ba ako dinala?!"
Pinaghahambalos ko ulit siya gamit ang aking mga kamay. Mabilis itong bumaba ng kanyang motor.
His face crumples. "Aray ko naman! Kanina ka pa nananakit, ah! Masakit nga! Tama na!" Hinuhuli niya ang dalawang kamay ko.
"Bakit tayo nandito? Ano'ng ginagawa mong pagharurot kanina? Sa langit mo 'ko dadalhin, ha!? Papatayin mo 'ko! Pinagbabalakan mo 'ko!"
Dahil mas malakas siya, hindi ko nagawang bawiin ang aking mga kamay. Kaya naman sinisipa ko na siya ngayon!
Inilalagay niya ang isang daliri sa tapat ng kanyang labi. "Shh! Huwag kang maingay. Maririnig nila tayong nag-aaway! Ang ingay mo talaga, para kang bata na hindi nakukuha ang gusto. Bagay lang talaga sa 'yo ang Giana baby, e," panghahamak pa niya.
Sa wakas ay binitawan niya na ako.
"Nasa'n nga kasi tayo?!" tanong ko nang hindi piapansin ang endearment daw niya sa akin.
Tinitingala ko ang malaking bahay kung saan nag-park si Draven sa harap lamang. Kaagad kong tinanggal ang helmet at binato iyon sa kanya na nasalo naman nito.
"Mabilis tayong kumilos dito, Giana. First step, syempre! Ipakilala ka sa mga kaibigan ko!" anito sa magiliw na boses.
Maganda ang disenyo ng bahay. Sa bilang ko ay may tatlo itong palapag at halos gawa lahat sa babasaging materyales.
Bumabaling ako kay Draven na abala sa pagtatabi ng helmet. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil alam ko namang darating talaga ang araw na ito.
I gulp hard. "Ngayon na talaga, agad-agad?"
He nods. "Oo nga. Kaya hindi mo 'ko pwedeng saktan dito. Girlfriend na agad kita pagpasok natin diyan!"
Naglalabas siya ng pamunas mula sa kanyang bulsa at pinupunasan ang sariling mukha, samantalang ako ay busy sa panunuri sa labas ng bahay. Hindi gaanong makita ang loob kasi masyadong matangkad ang mga pader pero alam ko na kaagad na maganda ito.
"Kaninong bahay 'to?"
"Kay Dennis," he answers.
Kaagad kong tinanggal ang backpack ko at lumapit sa motorsiklo ni Draven.
Naglalabas ako ng suklay, pulbo, at lip balm. Ginagamit kong salamin ang side mirror sa motor. Inaayos ko pa ang pagkakahati ng aking buhok para cute, hanggang sa maaalala ko na may clip pala ako sa loob ng bag pero parang mas bagay sa akin ang naka-ponytail?
Tumitikhim si Whatever habang abala ako sa pag-aayos. Hindi ko na napansin na pinapanood pala ako nito habang nakahalukipkip.
Nginingitian ko siya habang tinitirintas ang sarili kong buhok, pagkatapos ay isinasama ko ito sa half ponytail at hinila ang ibang baby hair para magmukhang takas. Alam ko na agad na pang-diyosa look na ito kahit hindi ko pa nakikita sa salamin.
"Ba't bigla kang nagpapaganda riyan, ha?" pamumuna niya sa seryosong boses habang nakaangat pa rin ang mga braso ko dahil sa buhok.
"Syempre..." I trail off. "Alam mo na..."
"Kasi bahay ni Dennis 'to? Uto-uto ka naman, niloloko ka lang paniwalang-paniwala ka kaagad! Bahay ni Kyle 'yan, oh! Tan residence! Tan!" bulyaw niya habang tinuturo gamit ng helmet ang naka-engrave sa may gate.
Ay.
Agad akong nakaramdam ng pagkabigo pero bumawi rin naman. "Pero nandyan si Dennis sa loob, 'di ba?"
Nakikita ko ang pagtitiim bagang niya habang ginugulo ang kanyang buhok. "Sige, ha? Galingan mo para mabuking kaagad tayo pagpasok natin sa loob. Kiligin ka lang nang sobra, hindi kita pipigilan," panunuya nito with matching pag-iling-iling pa.
I flip my hair after fixing it. "Inggit ka ba? Normal sa babae ang pag-aayos!" Ngumunguso ako at pumapamewang sa harap niya. "Kung makapagpapagaan 'to ng loob mo, nag-aayos din ako kapag papasok ng school. Sa susunod baka mag-ayos na rin ako kapag kikitain ka."
He makes face like an idiot. "Mag-ayos ka talaga kapag ako ang kasama mo at nakakahiya sa makakakita kung may kasama akong mukhang 'di nakakain ng sustansya."
Halos maibato ko sa kanya ang mga gamit ko dahil sa pinagsasabi nito.
"Pero okay na rin naman kasi cute ka. Payatot nga lang, at least cute," he teases sabay pisil sa ilong ko.
"Ikaw, panget!"
Tumatawa ito habang unti-unting nilalagay ang braso sa 'king balikat. Aalisin ko sana kaso alam ko namang ibabalik niya lang din, at isa pa, magsisimula na ang kalokohan naming dalawa.
"Paano'ng gagawin natin?" tanong ko nang magseryoso na.
Naglalakad kami papunta sa gate at dito pa lang ay kumakabog na ang dibdib ko. Bumaling ako kay Draven na parang wala namang kakaba-kabang nararamdaman.
Nakapamulsa pa nga ang Whatever!
"Just act normal," aniya nung bumaba ang tingin sa akin at nahalatang kinakabahan ako.
Napapasinghap ako. "Act normal? So gusto mo awayin kita sa harap nila?"
He winces from what I said. "Tangek. Alam mo, sumakay ka na lang mamaya. Basta sa akin lang ang mga mata mo, ako ang center mo. Focus ka sa akin. Huwag sa iba at baka pitikin talaga kita!"
Sinisiko ko siya nang mahina nung bulyawan na naman ako nito.
Nagpapakawala ako ng malalim na paghinga. "Seryoso kasi! Kinakabahan ako. Paano kung mahalata nila na hindi naman tayo nagmamahalan, gano'n? Magtatanong sila! Tapos ano'ng isasagot ko kapag tinanong kung kailan ka nanligaw? Kung-" napahinto ako sa pagtatanong dahil sa tawa niya.
Pinagmamasdan niya ako na para bang isa akong tatanga-tangang clown.
"Ang overthinker mo, Giana baby. Basta, sumakay ka na lang. Ako nang bahala sa kanila. Isipin mo na lang na practice ito para sa main event."
Nagkakatinginan pa kami bago pumasok sa nakabukas din pala na gate. Tinanggal niya ang braso na nakaakbay sa 'kin at kinuha ang isang kamay ko saka pinagsasalikop ang aming mga daliri. Diretsyo ang tingin ni Draven sa mga mata ko habang ginagawa iyon. Unti-unti namang bumababa ang tingin ko hanggang sa nakayuko na lamang ako.
Talaga bang kailangan holding hands?
"Show time, Giana baby."
Inaangat niya muna ang aking baba bago hinila papasok.345Please respect copyright.PENANA7t9cHE6o38