Chapter 15
"Kris! Ang tanga mo! Doon!"
"Ikaw na matalino, Joseph! Sige, hayop ka talaga!"
"Doon ka nga, 'tol! Sundan mo 'yung kakampi, bobo!"
Ang ingay-ingay kahit nasa labas ng pintuan pa lang kami ng isang kwarto. Parang nagwawala ang mga tao sa loob.
"Eto ang entertainment room nila, dito kami madalas tumatambay." Iminumuwestra ni Draven ang pintuan. Tumatango ako.
"Bahay talaga 'to ni Kyle?" I ask again just to make sure.
Inaangat niya ang dalawang kilay bilang pagsagot. "Oo, hindi kay DJ."
Tumango-tango ako habang nagpapaypay gamit ang isang kamay sa harapan ng pintuan na 'yon, parang nagpe-prepare lang lumabas sa stage. Hindi pa ako totally in character nung biglang pinihit ni Draven ang doorknob, mabuti at mabilis ko siyang napigilan.
"Sandali lang naman, Draven!" pagsasaway ko rito.
Halos mangatog ang tuhod ko habang nanginginig na nakahawak sa kanyang braso.
"You call me baby," anito na ine-emphasize pa gamit ang kanyang labi.
"Hindi pa ako ready. Teka lang! Hihinga lang muna ako!" I say before gasping for air.
Hindi ito ang inaasahan kong pagpapakilala sa akin sa tropang pakers. Napaghandaan ko na talaga ito kahapon pa nung sinabi ko sa kanya na handa na akong tanggapin ang inaalok niya... pero ang hirap bitawan nung imagination ko na si Dennis ang boyfriend ko at hindi ang lalaking ka-holding hands ko ngayon!
"Kailan ka magiging ready kung hindi ngayon? Let's get this over now," pamimilit ni Draven na halata namang hindi tensyonado. Hawak niya lang ang kamay ko na kahit gusto kong bawiin ay sa kanya lang ako kumukuha ng lakas ngayon.
Nakanguso akong nakatitig sa kanya habang pinapanood niya lang din ako. Ngumuso rin ito at bigla ba naman tinapik ang ibabaw ng ulo ko na para bang isa akong aso!
"Oh, Giana baby, don't be scared..." panunuya nito gamit pa ang malambing na boses. Sinapak ko nga.
Matapos ang ilang minuto ay sinenyasan ko na rin si Whatever na ituloy niya na ang pagpasok sa loob. Sa huling pagkakataon ay inihahanda ko ang sarili pero para talaga akong nanghihina kaya naman nagtago ako sa likod ni Draven habang mahigpit din ang hawak sa kanyang kamay.
Think about the deal, Giana. No turning back now. Alam mo ang pinasok mo bago ka nakipagkasundo kay Draven.
"Draven! Ang tagal mo naman!"
"Oo nga, dinadaya ako nitong si Joseph, eh!"
"Ikaw na lang kalaro ko kaysa sa bobo na Crisostomo na 'to!"
"Ikaw, bobo!"
Siguro natatakpan talaga ako ng katawan ni Draven kaya hindi agad nila ako napansin.
Inililibot ko ang aking mga mata sa loob ng kwarto. Maraming mga figurine na naka-display sa mga glass shelves, tapos may bilyaran, may mga lumang CD tracks din na maayos ang pagkakalagay at mga makalumang poster sa dingding. Sobrang dim din ng ilaw na parang nasa loob kami ng kweba.
"Ang ingay niyo!" Boses iyon ni Dennis kaya humigpit lalo ang kapit ko kay Whatever.
"Ba't ang tagal mo, Dra? Ano ba 'yang kinuha mo? Tara na, laro na!" Boses ni Luigi.
"Nagugutom ako, gusto ko ng totoong pagkain."
"Kumuha ka pa ng pagkain sa panty niyo bilis!"
"Gago! Pantry 'yon! Tanga."
Biglang lumiwanag ang kwarto dahil sa pagpindot ni Draven sa switch. Mas lalo lang tuloy akong nagtago sa likod niya nung na-expose na ako.
"Taena, 'tol! Nagulat naman ako sa kasama mo! Ba't may kasama ka? Papasukin mo na nga! Tumayo kayo, hoy! May kasama raw!"
"Teka! Diyan ka lang! Kapag lumapit ka, babatuhin kita," banta ni Draven at gumagalaw pa ang kamay nito. Pinag-igihan ko pa na itago ang mukha ko sa likod niya.
Hinihila ko ang shirt ni Whatever at bumubulong. "Back out na, please. Hindi ko talaga kaya."
"Hindi ba sabi ko may ipapakilala ako sa inyo?"
Hindi na naman ako pinansin ni Draven! Kaunti na lang talaga at gagawin ko nang rule na bawal niya akong hindi pansinin.
"Sino ba 'yan? Ay, sus. Papasukin mo na, pards!"
"Iyong pinakamamahal mo ba 'yan, 'tol?"
"Asa. 'Di nga makalakad nang matino 'yan kapag-"
"Girlfriend ko 'to, mga sira."
"Girlfriend? Patawa ka ba?" rinig kong boses ni Dennis.
I bite my lip.
Gusto ko nang tumakbo palabas ng bahay na 'to. Iniisip ko pa lang si Dennis na nasa harapan namin, nangangatog na ang buong pagkatao ko. What more pa kapag nalaman niya na ako itong nagtatago? Baka himatayin ako sa nerbyos!
"Kailan ka pa nagka-girlfriend?! Akala ko ba-"
"Guys, meet my girl, Giana."
Malakas akong hinila ni Draven para lumabas sa likod niya. Muntikan pa akong madapa ngunit naalalayan naman ako ng walang hiya kong boyfriend sa bewang kaya nakatayo rin ako nang maayos. I force a smile like a robot.
Nahuli ko ang biglang pagbuga ni Kris ng iniinom sa mukha ni Joseph na tulalang nakatitig sa akin mula sa sahig, napamura ito at agad napatayo dahil sa nangyari. Si Kyle na kanina'y nakahilata sa sofa ay nahulog pa.
Pilit na ngiti ang iginagawad ko at isang mabilis na pagkaway bago muling nagtago sa likod ni Draven, hindi nga lang masyado kasi pinanonood ko ang mga kaibigan niya.
Draven reaches for my hand. "Baby, tara rito. Excuse me muna at mauupo kami!"
Dahil sa sinabi ni Draven ay parang aso na umayos ang lima. May nagpagpag ng sofa, may nagligpit ng mga bote ng mga beer sa center table at nawala ang mga plastic ng junk foods. May bigla pang naglabas ng vacuum cleaner.
"Teka lang, Giana, ah? Nag-aayos lang kami. Pwedeng maupo rito. Magpapa-sanitize lang," ani Kyle na biglang sumusulpot sa tabi ko.
Magkahawak pa rin kami ng kamay ni Draven at nahuhuli ko silang patingin-tingin do'n.
Humarap si Whatever sa akin kaya naman nawalan ako ng sinasandalan, alam ata niyang nanghihina ako kaya naman hinigit niya ako sa bewang at ipinipirmi ang kamay niya roon. Hindi na kami magka-holding hands.
"Ayos lang kami, 'tol."
Nakanganga pa si Kyle nung dali-daling itong umalis bitbit ang mga babasaging bote.
Nagkakagulo pa rin sila. Kanya-kanyang linis, may nagva-vacuum tas may nagmo-mop na rin. Merong may hawak ng feather duster which is si Dennis kaya hindi ko mapigilang hindi mangiti.
"Dra, upo na kayo roon. Malinis na. Sandali na lang ito, Giana. Pasensiya ka na, sobrang kalat kasi."
Tumango lang ako kay Luigi at sinusundan si Draven na iginigiya ako papunta sa sofa na hinihigaan ng kaibigan niya kanina.
"Dito ka lang." Akala ko mauupo rin si Draven pero nanatili siyang nakatayo sa harap ko.
Pinipigilan ko ang kamay niya at umiling. Iiwan niya talaga ako rito kina Joseph na nagmo-mop? Baka bombahin ako ng tanong niyan!
"Saglit lang ako," anito at nginuso ang sofa.
I scrunch my forehead. Wala na akong nagawa pa nang lumayo siya sa akin, at bago pa nga 'to lumabas ng pinto ay nginitian niya 'ko.
Nakayuko lang tuloy ako kasi nahihiya naman ako sa mga kasama ko rito sa loob. Feeling ko ay tinititigan nila ako ngayon.
"Utol, ayusin mo naman 'yan. Nakakahiya sa bisita!"
Biglang sumulpot si Kris na may hawak na tray na naglalaman ng pagkain. Ibinababa niya 'yon sa center table sa harap ko.
He flashes a boyish smile. "Giana, kain ka muna. Feel at home."
"Tanginang 'to hindi mo naman 'to bahay," pambabara ni Joseph kahit na malayo ang pwesto nya sa amin.
Nginitian ko lang si Kris at tumango, pakiramdam ko tuloy ay sobrang bait ko ngayon.
Nililingon nito ang kaibigan. "Huwag ka ngang magulo! Mop-in mo 'yon, oh!" Muli itong bumaling sa akin at pasimple pang tumawa. "Huwag mo siyang pansinin, hindi natin kaibigan 'yan."
Nakatingin lang sa 'kin si Kris na parang may hinihintay. Awkward na awkward ang ngiting binibigay ko sa kanya, nakatitig naman siya sa 'kin na nakangiti rin. Nangangalay na ang pisngi ko, ano ba'ng problema niya?
Tumikhim ito habang nakatunganga sa akin. "Paano siya-" naputol ang sasabihin nito nung biglang sumulpot sa likod niya si Kyle.
"Draven! Si Crisostomo, oh! Kinukulit si Giana!"
"Draven! Inaalok ko lang ng inumin si Giana!" Muli akong binalingan ni Kris at inabutan ng juice.
Sobrang hospitable naman niya at talagang hinihintay pa pala akong uminom.
Ang babait niyo ngayon, ha! Pero kung asar-asarin niyo ako sa school!
Bumabalik pa tuloy sa akin ang alaala ng mga pang-aasar sa akin ng triplets dito sa tropang pakers.
"Sige, inom lang. Walang lason 'yan."
I'm taking a sip sa inuming inaalok ni Kris, kunwari hiyang-hiya pa. Sa totoo lang nauuhaw na talaga ako pero hangga't hindi pa bumabalik si Whatever ay 'di ako gagawa ng mga bagay na pagsisisihan ko.
Tignan mo nga naman ang mga ito, parang iba sa mga nakilala at nakikita ko sa loob ng Aldeana. Parang mga ibang tao yata ang kaharap ko?
I wonder kung naniniwala talaga silang girlfriend ako ni Draven... hindi ba sila magtatanong?
"Ano'ng ginagawa niyo riyan?" Biglang sulpot ni Draven kaya naman naagaw niya ang atensyon ng mga kaibigan. Kakapasok lang din ni Dennis at Luigi sa kwarto at mukhang galing sila sa labas.
Mabilis akong umiinom ng juice habang wala pa ang atensyon nila sa akin. Kanina pa ako nauuhaw!
Umalis ang magkakaibigan sa harap ko at pumalit si Draven, naupo siya sa tabi ko at muling pinagsalikop ang aming mga kamay. Hinayaan ko na lang kahit na medyo nakakaasiwa.
"Hayop na 'yan," anas ng mga nakatingin.
Bumalik silang magkakaibigan sa mga tinatrabaho nila kaya bumaling na lang ako kay Whatever.
"Sa'n ka galing?" I ask.
"Nagbanyo lang. Eto naman, saglit lang ako nawala miss mo na 'ko agad." May kalakasan ang pagkakasabi niya kaya naman bahagya ko siyang sinipa.
"Tangina, 'tol. Sapat ba 'yung headphones niyo?" pasimpleng reaksyon nung iba sa tropang pakers.
Kahit hindi sila nakatingin, alam kong nakiki-usyoso sila sa usapan namin kaya dapat hindi ko siya awayin.
Paano ba muna kasi maging girlfriend? Hindi naman 'yan naturo sa school namin. Wala naman akong naging role na ganiyan sa mga acting skits! At isa pa, never pa akong nagkakaroon ng boyfriend... siya pa lang.
Kung minamalas nga naman ako at peke pa.
Ayon sa napapanood kong korean dramas or teleserye sa TV, kapag magkarelasyon ang dalawang tao, sobrang clingy nila sa isa't isa. 'Yung tipong walang oras na hindi sila magkadikit.
"Tanggalin mo muna 'yang bag mo."
Nakalimutan kong nakasuot pa pala sa akin ang backpack ko kaya naman tinanggal ko iyon na kinuha naman ni Draven. Saglit na naghiwalay ang kamay namin pero agad niya ring pinagsalikop... ulit.
"Kyle, marami ba kayong rosaryo? Hindi kami uuwi kaagad, prayer meeting muna."
"Para sa'n?"
"Magpapasalamat tayo at nadinig na ang panalangin ng isa sa mga kaibigan natin."
Nag-sign of the cross silang lahat nang sabay-sabay at parang na-practice pa. Hindi ako maka-relate sa topic pero nakakaaliw silang panoorin.
"Hoy, mahiya nga kayo! Um-order kayo ng pizza, libre ko!" asik ni whatever.
Napainom na lang ulit ako nang wala sa oras.
Sa wakas ay natapos na silang maglinis kaya kaniya-kaniya silang upo sa tapat na sofa, hindi ko nga alam bakit walang tumatabi sa amin. Miski si Dennis ay sobrang layo. May virus ba kami?
Pinatay nila ang telebisyon kaya wala akong mapaglibangan. Hindi naman ako pwedeng luminga-linga kasi mapagkakamalan nila akong ignorante. Pinagpapawisan na ako sa sobrang kaba!
Binalot kami ng nakakabinging kaibigan na mas lalong nagpapawis sa akin. Ni isa ay walang nagtangka na umimik kaya naman halos maging bato na ako sa kinauupuan ko.
Pumipitik sa hangin si Draven kaya naman binalingan ko ito. Umayos siya ng upo at tumalbog-talbog pa.
"Okay, introduction. Palibhasa ngayon lang nakakita ng babae, e. Mga wala kasing girlfriend," mapang-uyam na sambit ni Draven.
Malapad ang ngiti nito na napapansin kong kanina niya pa suot-suot sa mukha niya. Masayang-masaya ba siya?
"Yabang mo, kupal!"
Binato nila ng unan si Draven na sinangga lamang nito.
"Nagka-girlfriend na kaya ako, 'di ko lang pinakikilala sa inyo," anang ni Joseph na nakahiga sa hita ni Dennis.
"Alam namin, 'tol. Kakapanganak mo pa nga lang nililigawan mo na agad 'yung nurse. Gano'n ka kalandi."
"Si Kyle may syota rin naman! Kinain niya lang!"
Si Kyle na ang pinagtutuunan nila ng mga pang-aasar. Nacu-cute-an ako sa kanya dahil malaman siya, mukha nga siyang malaking bear, ayun ang napapansin ko sa kanya noon pa man kahit binibwiset niya 'ko.
Isa siyang polar bear para sa akin kasi maputi siya. Panira lang 'yung bandana na lagi nitong suot sa kanyang ulo, akala niya ata parte siya ng isang gang. Pero kung pagmamasdan, siya ang pinakamabait sa kanila. Mukha siyang madaling pakisamahan.
"Ah, bakit, Joseph? Gusto mo paalala ko kay Giana 'yung nakita niya sa library? Landi mo!"
Joseph naman on the other hand (magkukunwari ako na hindi siya babaero), gwapo talaga ito at pwedeng maging artista. 'Yung datingan niya kasi, maangas pero hindi mayabang. Siya lang din 'yung medyo may pagka-foreigner ang mukha kaya naman siguro maraming nahuhumaling at nauuto.
Nagtatawanan pa sila. Naalala ko na rin tuloy 'yung nakita ko nung araw na iyon sa library at kung paano nabahiran ang pagka-inosente ko.
Inisa-isa pa silang pinakikilala sa akin ni Draven na para bang hindi kami naging magkaklase noon. Hindi ko alam kung bakit parang proud na proud siyang ipakilala na girlfriend niya ako.
Tinanguan ako ni Luigi nung siya na ang binabanggit ni Draven. Nakangiti pa ito sa akin pero naglaho rin naman agad. Mukha itong laging seryoso sa lahat ng ginagawa niya. Competitive rin. Talagang leader na leader ang datingan at siya 'yung tipo ng tao na hindi mo basta-basta maloloko sapagkat marami siyang connection. Kumbaga, one call away at patay ka na. Gano'ng vibes.
Kumpara noon na makapal at malalaki ang eye glasses na suot niya, mas lumiit na ito ngayon na bagay na bagay para sa isang binata. Matangkad siya at kutis mayaman.
Si Kris, on the other hand, ang natatanging kulay lalaki sa kanila. Siya lang kasi 'yung moreno.
Kung tititigan ito parang sobrang maloko niya. Parang lapitin ng away. 'Yung tipong 'di naman siya naghahanap ng gulo pero gulo ang lalapit mismo sa kaniya. Lapitin ng negative energy kumbaga. Pero dahil nga sa iba ang kulay niya, para sa akin angat siya ng kaunti, slight lang baka kasi magalit si Boss Draven.
Tall, dark and handsome ang Crisostomo na 'to. Mga ilang kain pa at mas gwapo na siya kay Dennis ko.
Dennis on the other hand has a mysterious aura. Bukod sa palagi itong tahimik, kapag nagsasalita naman siya ay parang may kakaibang pwersa. Parang palaging may laman.
Hindi siya nakakatakot (siguro kasi crush ko siya) pero yung presensiya at dating niya, parang... sobrang lakas?
"Alam mo, Dra, bitawan mo naman si Giana 'no? Pahiram nga muna kami ni Kris para kuhanin 'yung pizza. Kung makahawak akala mo babawiin sa 'yo, e," pamumuna ni Kyle habang tumatayo pagkatapos nilang mag-asaran at magkwento sa akin ng kung ano-anong kabulastugan.
Sinesenyasan ako ni Kyle na sumama sa kanila na agad kong pinaunlakan. Buti na lang naisip akong heramin nitong mga 'to at namamawis na ang palad ko kakahawak ni Draven!
Kyle nudges at me. Kakasara ko pa lang ng pinto ay nagtatanong na sila.
"Ikaw naman, Giana, hindi mo sinabing type mo pala si Draven? Pa'no mo nagustuhan 'yon e siya ang huli sa pinakagwapo sa aming anim."
Alam kong nagbibiro lang siya but I beg to disagree. Kahit bwiset sa buhay ko si Whatever, hindi siya mahuhuli pagdating sa physical appearance.
"Hindi kaya siya panget."
"Hindi ko naman sinabing panget, huli lang sa aming magkakaibigan. Kung gano'n, sino namang pinakapanget sa tingin mo?"
Gusto kong kurutin si Kyle sa pisngi, makaganti man lang. Hindi raw panget pero 'yun talaga ang ginamit na term!
"E 'di ikaw," diretsyo kong sagot pero pabiro pa rin.
"Boom basag! Apir, Giana!"
Sinalubong ko ang nakalahad na kamay ni Kris sa ere. Bumubusangot naman si Kyle, hindi ata matanggap ang katotohanan.
Katulad nga ng sinabi nila, hinintay naming dumating ang pizza delivery. Hindi rin naman nagtagal at dumating na ang limang naglalakihan na box.
"Akin 'tong beef! Magtiis ka riyan sa pepperoni!"
Pinapanood ko silang duo na nag-aagawan sa isang box. Hindi ko alam bakit parang gusto ko nang bumalik sa kwarto at maupo na lang ulit sa tabi ni Draven. Kahit matagal na kasi kaming magkakakilala ay hindi naman talaga kami malalapit sa isa't isa. Si Draven lang ang... kung tutuusin... kakilala ko rito.
"Nag-iisa lang 'yan, oh! Hating kapatid, 'tol!"
"Babayaran ko 'to kay Dra, basta akin lang 'to! Shoo!"
"Damot mo! Kaya ka mataba, eh!"
"Eh, ikaw? Iitim ka lalo kapag kumain ka ng beef, nakakapangit."
"Kung nakakapangit, ba't ka kakain niyan?"
"Panget naman daw talaga ako sabi ni Giana."
Pag-angat ko ng ulo ay parehas na silang nakatingin sa akin. Ang isa ay nakanguso, ang isa naman ay malokong nakangiti.
"Cute ka naman," pampapalubag loob ko.
Ang mahabang nguso ni Kyle ay unti-unting nag-form to a smile.
"From now on, Giana, best friends na tayo. Titiwalag na ako sa tropa natin Kris, sasama na ako sa grupo nila Celene."
"Buti kung tanggapin ka do'n."
Hanggang sa paglalakad namin pabalik ay nag-aaway sila. Gano'n yata talaga ang kapalaran ko. Lagi akong mapapalibutan ng mga magkaibigan na nagbabangayan.
"Giana, pahawak nga muna at may bubugbogin lang ako!"
Kinuha ko ang apat na box habang sila ay naghahabulan sa hallway. Parang mga bata! Pinihit ko ang doorknob para pumasok sa loob ng kwarto.
Agad kong naagaw ang atensyon ng apat na tropang pakers na natira sa loob, seryoso silang nag-uusap at parang nagulat pa sa pagdating ko.
Agad na tumayo si Draven para salubungin ako. "Bakit ikaw may hawak niyan? Asa'n sina Kyle?"
"Nag..." parang nanuyot ang lalamunan ko kaya lumunok muna ako para mabasa ito. "Naghahabulan sa labas."
"Ihahatid na kita," aniya pagkatapos kong ilapag ang pizza sa table.
Pinagtaka ko naman ang sinabi niya. E, halos kararating lang namin? Wala pa ngang isang oras!
"Dra, hindi pa nga kayo nagtatagal," pigil ni Joseph.
"Babalik ako, ihahatid ko lang si Giana sa kanila. Hindi siya nagpaalam sa mga magulang niya e, 'di ba, baby?" He wiggles his eyebrows sabay kuha sa isang box ng pizza at idinidikit ito sa may tyan ko.
Tama naman siya pero hindi ko mapigilang mapangiwi habang nakatingin sa kanya. Umangat ang dalawa niyang kilay na parang sinasabing sumunod na lang ako sa kanya.
Nililingon ko ang tatlo na nakatingin sa amin. Kanina pa sila ganito, hindi naman kami pelikula pero kung makatutok ay parang may interesado silang nakikita. Miski nga si Dennis ay parang namamangha sa amin.
Hinatid kami ng lima hanggang sa gate. Kung ganito lang din pala kabilis ang meeting ko kasama ang Lola ni Draven ay hindi na ako mag-iinarte pa.
"Balik ka! Eto naman kasi si Draven, dinala ka lang ata dito para ipagyabang. Next time isasama ko girlfriend ko para makilala mo," anang Kris na nakasandal sa may gate. Ngayon ko lang nalaman na may nobya pala ito na taga-Unico pa yata ayon sa kwento nila kanina.
"Ah... sure. Thank you pala sa..." I bite my lips shyly. "Sa pagtanggap," pagpapatuloy ko at nakaramdam ng kilabot sa aking likod.
Pagtanggap, Giana?! Sa relasyon niyo ni Whatever?!
"'Tol, saan mo pinark 'yung K1 mo?"
"Hindi ko 'yon dala."
"E, ano'ng dala mo? Ducati sports?"
"Hindi rin."
"Ducati 900?"
Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila kaya nauna na lang akong maglakad papunta sa motorsiklo ni Draven. Kinuha ko na rin ang helmet. Akala ko nagmamadali ang isang 'to dahil sa biglaan naming pag-alis, ngayon naman ang bagal pa niyang maglakad na may pahawi pa ng buhok!
Napatingin ako sa direksyon ni Dennis na katabi ni Kris sa may gate. Nagkatinginan kami kaya halos bumulwak ang puso ko. Seryoso lang niya akong pinagmamasdan kaya wala akong nagawa kundi ngumiti dahil baka bigla akong manginig dahil sa kanya.
"Huh? E, 'yun ang lagi mong dala kapag nagyayabang ka, ah?"
"Hindi naman sa kaniya 'yon, sa tatay niya!"
"Bakit ito ang dala mo? Dapat 'yung Ducati para maangas!"
"Hindi pwede ang passenger do'n, mahihirapan si Giana."
Sa wakas ay nasa 'kin na ang atensyon ni Draven. I give him a meaningful look and force a smile.
"Babalik pa ba ako doon?" tanong ko habang inaabot sa kanya ang helmet. Nandito na ulit kami sa karinderya.
Tumatango ito. "Oo, ine-expect ka na nila parati. Bakit, natatakot ka ba sa kanila? Sa susunod sasabihin ko na dalhin ni Kris ang GF niya para komportable ka. Tahimik lang 'yun."
Agad akong umiling. "Syempre, hindi ako takot! Pero ang awkward lang kasi na ang tingin na nila sa atin ay magkasintahan." I sigh. "Basta, Draven, siguraduhin mo na hindi nila malalaman 'yung deal, okay?"
Inaabot ko sa kanya ang helmet na siyang kinuha nito. Nakaarko ang isang kilay niya ngunit hindi sa masungit na paraan. Maya-maya'y ngumiti siya at inabot na naman ang buhok ko para bahagyang guluhin.
"You need to learn how to trust me, Giana. Sumusunod ako sa kasunduan. Kaya 'yang binigay kong papel, pirmahan mo na, so we can seal this deal," aniya at nginuso ang hawak kong papel na binigay niya sa akin ngayon-ngayon lang.
Tumango ako at ngumuso habang nakatingin doon. Opisyal na kaming may kontrata. Magsisimula na ang pagbabago sa buhay ko...
"Saka may pupuntahan ulit tayo bukas, ah?" Sinasarado niya ngayon ang salamin ng kaniyang helmet na parang naghahanda na siyang umalis pero muli ko 'yong inangat para makita ang mga mata niya.
Kunot-noo akong nagtanong. "Saan na naman?!"
He sighs. "Hindi ba papasok ka ng trabaho? Ayaw mo ba? Pwede namang huwag na! Full-time ka sa 'kin!"
Kaagad kong ibinaba ang salamin niya at kinatok ang helmet.
"Ay, hindi! Hindi!" Nakalimutan ko na bukod sa pagiging jowa niya ay magiging empleyado rin ako sa kusina. "Sige, bukas!"
Hindi ko pwedeng bitawan ang trabaho na iyon dahil 'yun lang ang natatanging malinis sa kasunduan naming 'to.
13Please respect copyright.PENANA7QjeAwcwRI