Hindi yata narining ni Cupid ang mga daing ko kanina dahil buong araw, ni isang salita, wala akong narinig galing kay Jay.
So ano yung pa wink-wink niya sa akin kaninang umaga? May pa smile-smile pa siyang nalalaman ha! Baka pinagkakatuwaan lang niya siguro ako?
Ugggh! Nakakainis! Ganito ba talaga magkacrush? Nakakabaliw.
Dismissial na kaya naglakad ako palabas ng Campus. Nauna nang umuwi sina Julia at Gab. Pinanuod ko pa kasing maglaro si Jay ng Basketball kanina sa Gym. Ang galing niya, mas nakaka-inlove!
Kahit ang pag inom niya ng tubig nung pinagpapawisan siya, ang hot! Shet, di na maganda tong pinagsasabi ko. Mababaliaw na talaga ako pag di ko inayos sarili ko!
Tatawid na sana ako ng nakita ko si Diego sa may waiting shed ng school namin.
"HOY BUTTCHEEK!" Sigaw ko sa kanya habang tumatakbo papunta sa lugar niya. Lumingon naman siya sa direksyon ko at nagwave. Alam na naman niyang ako lang tumatawag sa kanya nang ganito.
Si Diego Perez ay bestfriend ko. Hindi katulad sa akin na maingay, makalat, at laging late, si Diego naman parang anghel na di makabasag ng pinggan. Ni hindi siya marunong magmura.
Sa tingin ko nga galing bible study to kasi ang pormal ng suot nya karon, nakaneck tie pa. Minsan, pag kasama ko siya, pakiramdam ko ang dami kong kasalanan sa buhay.
Itong si Diego, surfer din kaya ang balat laging tan at yung buhok niya nagiging brown na dahil laging babad sa tubig at araw.
Maraming babaeng nagkakagusto sa kanya. Ewan, hindi ko makita bakit lahat ng babae ay baliw na baliw sa kanya. Buti nalang at hindi kami pareho ng school ngayon. Hindi ko alam gagawin ko kung makikita ko siyang laging pinalilibutan ng babae. Matatawa ba ako or maaawa?
"Para sayo." tapos inabot niya ang isang box sa akin nung nakarating na ako sa kanya. "Happy birthday!"
"Thank you! Pero sabi ko okay na wala akong matanggap galing sayo, eh." Sabi ko habang tumatawid kami ng kalye.
"Sus, pahumble ka pa. Eh, nung 15th birthday mo, hinihingi mo na sa akin yung pang 16th birthday gift mo." sabat niya at natawa naman ako.
Habang naglalakad binuksan ko yung box, at sa loob, nakita ko na may parang minions na costume.
Huminto ako sa paglalakad kaya huminto rin si Diego. "Para sa aso mo yan." Sabi niya.
"Minions?!" Napasigaw ako.
Bigla naman siyang napakamot sa leeg niya na para bang kinakabahan siya. "Bakit ayaw mo?"
"Ha? Anong ayaw? GUSTONG-GUSTO KO!" Napayakap naman ako sa kanya.
Kilalang-kilala niya talaga ako kasi gustong gusto ko ng minions eh. Kapag pinakasuot ko to kay Chunk, yung aso ko, para na akong may buhay sa minions sa bahay.
"Thanks, buttcheek!" Sabi ko nung humiwalay na ako sa pagkakayap ko sa kanya. Eto namang si Diego namula ang tenga. Anong problema nito?
"Hoy, okay ka lang? Nakatunganga ka. Ayusin mo mukha mo." saway ko sa kanya.
"H-ha? Wala, ingay mo talaga!" At nagsimula na siyang maglakad ulit kaya naglakad na rin ako.
Anong problema niya? Parang ang sungit niya ngayon.
Nung malapit na kami sa may bus stop, nakita ko si Jay kasama ang mga kalaro niya ng basket kanina.
"Shet!" Napamura ako at napahinto sa paglalakad. Akala ko kasi nakauwi na siya kanina.
"Hoy bibig mo." saway ni Diego.
"Sorry, pero may favor ako."
"Ano yun?" Tanong niya. Bakit bigla akong kinabahan. Ang seryoso niya kasing makatingin ni Diego.
"Pagdaan natin dun, wag mo akong ipapahiya ha?" Sabi ko kay Diego.
Kumunot naman ang noo niya. "Ba't naman kita ipapahiya? Yan na ba yung favor mo?"
"Oo, yan lang. Tara!" Hinila ko na siya at nagsimulang maglakad pero pinigilan niya ako at hinarap niya ako sa kanya.
"Teka nga, Chandria. Ano bang pinaplano mo?"
"Ano kasi...." sasabihim ko ba? Eh, never akong nagkwento sa kanya tungkol sa lalaki eh.
"Sabihin mo na." Pagpupumilit niya kaya wala na akong choice kundi sabihin ito sa kanya.
"Kita mo ba yung lalaking nakacivilian?" Si Jay lang kasi naka civillian sa kanila.
Lumingon naman siya sa direksyon nila Jay at binalik niya ang tingin niya sa akin, "Oo, bakit?"
"Crush ko siya!" Yan nasabi ko na.
"Ha?" Hindi nakapagsalita si Diego. Mukhang nabigla siya. Binalik lang niya ang tingin niya sa direksyon ni Jay tapos sa akin ulit.
"Ibig mong sabihin, may gusto ka sa kanya?" Tanong niya ulit.
"O-oo."
Ba't naawkward ako bigla? Never kaming nagkatopic ng ganito, except sa mga crush kong fictional characters o mga artista.
"Sa kanya talaga?"
"Oo nga!" pagpupumilit ko. Bakit ayaw nitong maniwala?
"Bakit? Hindi naman siya kamukha ni Park Bo Gum o kahit sinong artista gusto mo ah?"
"Ay, basta! New student yan ng school namin. First day niya ngayon."
"HA?!" Napasigaw siya. Anong problema nito? "Ngayon mo lang siya nakilala tapos crush mo na siya agad?" Di makapaniwalang tanong niya.
"Oo nga! Tara na, paparating na yung bus oh!" Binilisan ko ang lakad ko at rinig ko naman ang mga yapak ni Diego sa likod ko.
"Hi Jay!" Bati ko kay Jay nang nakalapit na ako. Shet, bakit ang high pitch nun? Obvious na sigurong excited akong makausap siya.
Lumingon naman siya sa direksyon ko at kumunot ang noo pero ngumiti naman siya pagkatapos.
Ang ngiting yan? Ikakamatay ko yata. Pakiramdam ko lumulutang ako sa ulap.
Dapat may sabihin ako yung salitang nagpapaibig sa kanya. Yung salitang di na siya makakawala pa.
"So, uuwi kana?" Shet, nakakainlove ba to?
"Huh? Ahh..oo" sagot niya at timing naman na dumating na ang bus kaya sumakay na ito kasama ang mga kalaro niya ng basket.
Tinignan ko ang bus hanggang sa di ko na to makita pa.
Oh my Gosh! Namumula yata ako.
First convo namin yun ni Jay! Dapat di ko kakalimutan ang araw na to! Grabe, kahit ang liit lang ng sinabi niya, para akong nakikinig sa musika. Ang lalim pa ng boses.
"Huh? Ahh..oo" Shet sarap sa tenga!
"So, uuwi kana? Wow naman!" pang-iinis ni Diego. Nakalimutan kong nandito pa siya.
"Weird ba yun pakinggan?" Tanong ko sa kanya.
"Medyo? Teka, alam niya bang pangalan mo? Mukha kasing hindi."
Oo nga, ngayon ko pa narealize! Bakit ba kasi yun yung sinabi ko? Siguro mas mabuti kung ipinakilala ko nalang sarili ko. Ughhh!
"Next time nalang. Magkaklase naman kami sa ilang subject eh."
"Sa lahat ng lakaking pwede mong maging crush, dun pa talaga?" Teka, parang narinig ko na tong tanong na to ha?
"Oo nga! Ano bang problema sa kanya?" Nagcross arms ako. Ang perfect kaya ni Jay. Ba't di nila makita yun?
"Ang bad boy kasi ng aura niya." Reklamo nito.
"Hoy, buttcheek! Lahat naman sa paligid mo, bad eh. Ang bait mo kasi!" Tapos, naglakad nalang ako ulit.
Nakakainis siya! Ang hot kaya ng mga bad boy! Next time talaga, sasabihin ko na pangalan ko kay Jay.
Ang sarap sigurong pakinggan sa tenga kung sasahihin niya ang pangalan ko no?
Ihhh, di na ako makapaghintay! Ngayon lang ako naging excited mupasok sa school bukas!314Please respect copyright.PENANABbVy2HfzgD