Nung nakarating na kami sa amin, itong si Diego, feel na feel naman niya. Para siyang may-ari ng bahay. Pagkapasok namin ay dumiretso na siya sa kusina at nag bake ng cookies. Wow, talaga. Hindi na nahiya!
Pero kasi, sanay na ako. Normal lang sa amin to. Magbestfriends mga mama namin. Nagkakilala sila sa hospital. Kakapanganak lang nung mama ni Diego at nung mama ko at nagmeet sila sa harap ng nursery room. Magkatabi kasi kami nun ni Diego. Pero mas nauna si Diego ng 2 days.
Simula nuon, di na kami nagkalayo dalawa. Talagang nag effort yung mga mama namin na gawin namin lahat nang magkasabay. Sa pagliligo, unang pagkain, pagbre-breastfeed at lahat lahat na. Sa lahat ng baby pics ko, nandun talaga si Diego.
Pero nung mga two years old na ako, we lost mom in her battle with cancer.
"Hoy tulala ka na naman diyan!" Tawag ni Diego habang nilalagay niya ang cookies sa oven. Ready to make cookies na kasi kaya madali lang.
"Nag-iisip lang." Sagot ko naman habang naglakad papunta sa ref. Nauuhaw ako.
Nang binuksan ko ang ref, may nakita akong bagong note na nilagay ni Papa sa harap. Ang nakasulat: "Happy Birthday, Panget!"
Napangisi ako. Yung ibang tatay, prinsesa turing sa anak, pero ako, parang barkada lang ni papa. Don't get me wrong, mas gusto kong ganito kami.
Kumuha ako ng tubig at umupo sa island ng kitchen namin nang napansin ko ang lipstick na nasa island.
"Ano to?" Napatanong ako at lumingon naman si Diego sa direksyon ko.
"Obvious namang lipstick yan."
"Hindi, ibig kong sabihin, ba't nandito to?" Naguguluhan ako. Di naman ako naglilipstick.
"Baka, kapag wala ka sa bahay, naglilipstick papa mo." Biro naman nito.
Pinigilan ko ang sarili kong batukan si Diego. Baka madagdagan lang kasalanan ko sa mundo. MakaDiyos pa naman to.
"Hindi, buttcheek, seryoso. Kanino to?" Kinakabahan ako. May hinala ako pero ayaw yatang tanggapin ng utak ko.
"Baka regalo yan ng papa mo sayo?"
"Alam naman ni papa na ayaw ko sa mga ganito."
"Baka inisip niyang, it's time for a change. Na baka kailanganin mo?"
"Para saan ko naman gagamitin to?"
"Ewan. Para magkaimpress sa crush mo?"
"Oo baka..." parang ayaw kong ituloy ang sasabihin ko at mukhang naiintindihan naman ni Diego.
"Baka may girlfriend yung papa mo?" At sinabi na nga niya ang kinatatakutan ko.
"Lol, si Papa? Magkakagirlfriend pa? Ang pangit kaya nun!" Biro ko pero sa loob, talagang kinakabahan ako.
Paano kung totoo? Hindi ko alam saan ako lulugar. Magiging masaya ba ako? Malulungkot? Ewan!
"Chandria..." lumapit naman si Diego sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Alam naman siguro nating, darating din ang araw nato diba?"
"Hindi, Diego eh. Hindi pwede. Tsaka ngayon ko pa talaga malalaman kung kailan birthday ko? Isa pa, masaya naman kami ni Papa na kaming dalawa lang."
May sasabihin pa yata si Diego nang biglang tumunog yung oven.
"Alam mo, ikain lang muna natin to." Sabi niya habang inilalapag ang cookies sa table.
Ang sarap tignan ng cookies nagugutom tuloy ako. Ang bango pa nito.
"Thanks, Diego."
"Wow, miracles! Ang bait ah?" At napatawa naman kaming dalawa.
"Teka, may letter oh." Sabi ni Diego at kinuha niya ang letter na nakaipit sa mga flowers sa vase. "Para sayo yata?"
"Oo, galing kay mama."
"Ba't di mo pa to binubuksan? Ang bango nito."
"Ewan, parang ayaw ko. Yung mga sulat niya palagi lang naman: Hi baby marunong kanang kumain ngayon o kaya Hi baby, ang lakas mong sumigaw. Mga ganun lang. Di na nakakaexcite eh."
"Huh? Every year, yan ang inaabangan mo diba? Okay ka lang?"
Hindi ko na siya sinagot at kumain nalang ako ng cookies. Sa totoo lang, parang ayaw kong pag-usapan ang mga letters ni mama. Minsan, hindi ko na nga siya maisip eh. Ni hindi ko ramdan na wala na talaga siya.
Every birthday ko lang, sa tuwing makakatanggap ako ng letter, diyan ko kang narerealize na wala na talaga siya at itong mga sulat nalang niya ang meron ako.
Nakakalungkot lang.
•••
Nung umuwi na si Diego, nakipaglaro nalang ako kay Chunk habang hinihintay si Papa. Mga 6pm kasi siya umuuwi galing trabaho.
Paakyat na sana ako ng room para doon nalang maghintay sa kanya nang biglang bumukas ang front door namin at pumasok si Papa dala-dala ang isang chocolate birthday cake na may number "16" na candles.
May suot siyang party hat sa ulo at nagsimulang kumanta ng happy birthday.
Naku po! Buti nalang di nagmana boses ko sa kanya! Pwedeng makabasag ng pinggan to eh!
"Pa, wag ka nalang kumanta! Nakakahiya sa mga kapitbahay!" saway ko sa kanya.
"Naku! Parang di na sila nasanay." Inilapag niya ang cake sa coffee table at isinayaw ako habang kumakanta pa rin siya ng happy birthday. Kahit happy birthday song, wala sa tono. Dyos ko po!
Ewan ko ba, gusto kong magtanong tungkol sa nakita ko kanina. Gusto ko ng mga sagot, pero ayaw kong sirain ang oras na ito na kasama si papa.
Yung kaming dalawa lang, masaya. Yung kumakanta si papa kahit wala sa tono habang ako eto rinding-rindi sa boses niya pero masaya pa rin dahil nag-eefort siya kahit papano.
Sana ganito nalang palagi. Masaya naman kami kahit kaming dalawa lang diba?
Pagtapos ng sayawan ay nagluto si papa ng paborito kong lasagna. Pagkatapos naming magdinner, sabay naming kinain ang chocolate cake habang nanunuod ng BTS concert sa TV.
Birthday tradition ko na to eh. Si papa, kahit walang naiintindihan sa lyrics, nag-jajam naman. Pero minsan, nagseselos siya bakit daw mas nagugwapohan ako sa kanila kaysa sa kanya. Ewan ko sanya.
Nung inantok na ako, kinuha ko na lahat ng gifts ko na nakakalat sa coffee table. Galing to sa mga godparents ko na nasa abroad at sa mga auntie at uncle ko sa side nina mama at papa. Sa room ko nalang bubuksan bago matulog.
"Masaya ka ba sa birthday mo, panget?" Tanong ni dad, habang nililigpit ang natirang cake.
"Masayang-masaya, Pa!" Sabi ko habang paakyat ng hagdan. "Saan gift mo dito?" huminto ako sa pag-akyat at tinanong siya.
"Yang nasa blue na box." Sagot niya.
"Thanks pa! Good night!"
"Teka, nabasa mo na ba sulat ng mama mo?" Tanong niya at lumapit siya sa akin.
"Wag muna ngayon, Pa. Next year nalang siguro." Nagpatuloy ako sa pag-akyat pero pinigilan ako ni papa.
"Wait." Umalis siya at nung bumalik siya, nasa kamay na niya ang sulat ni mama. Kinuha niya pala.
"Panget, ito na yung last." Seryosong sabi ni papa.
"Last? Anong ibig mong sabihin, Pa?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
"Last letter ng mama mo. Hanggang 16 lang naisulat ng mama mo, nak eh. Yun lang kinaya niya." lungkot na sabi ni Dad.
Di ako makapagsalita. Hindi ko inexpect yun. Akala ko kasi every year makakatanggap ako. Hindi pumasok sa isip ko na may last letter pala.
"Okay ka lang, nak?" Concerned na tanong ni papa.
Okay lang ba talaga ako? Ewan. Hindi ko rin alam.
Ngumiti nalang ako kay papa para di na siya mag-alala pa. "Akin na yan, pa."
Inabot naman ni Papa ang letter.
"Good Night, nak." Lumapit pa siya at niyakap ako. "Happy sweet 16th."
Nang nakapasok na ako sa room ko, agad kong nilapang ang mga regalo ko sa kama at napa-upo.
Last letter...
Parang gusto kong maiyak. Hindi tanggap ng utak kong last nato. Paano na yung pang next year?
Naalala ko naman ang first letter ni mama. Lagi yung inuulit basahin ni papa sa akin nung bata pa ako kaya hanggang ngayon memorize na memorize ko.
My darling is 2!
My love, di ko alam anong bagong salita ang natutunan mo ngayon. Pero masaya akong "Ma" ang unang salita mo. Karga kaya kita ng 9 months! Pag gising mo, siguro si papa nalang makikita mo. Pero don't worry nak, nasa tabi mo si mama, palaging nakatutok sayo. Please stay healthy, okay? Eat fruits and veggies a lot!
I love you always from heaven!
XO, Mama
Kinuha ko ang last letter ni mama at inamoy ito. Vanilla. Paboritong amoy ni Mama. Sa harap ng envelope may nakasulat na: My darling is 16!
Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Ngayon ko lang narealize na nagpipigil lang pala ako ng luha kanina pa. Hindi ko pa yata kayang buksan to. Kapang ginawa ko yun, parang mawawala na ang koneksiyon ko kay Mama.
Hindi ko kaya. Hindi pa ako handa.360Please respect copyright.PENANA0o3Hcb4CaM