I N T R O D U C T I O N
Have you ever been in love with someone who is far beyond your reach? Yung tipong nasa langit siya tapos ikaw nasa lupa?
Naranasan mo na bang kiligin dahil sa kanya? Yung kilig na tagos na tagos sa laman at buto. Yung sa tuwing makikita mo siya sa imahinasyon mo na ginagawa niya sayo yung mga napapanuod mong cheesy na senaryo sa telebisyon, e... nangingisay ka na sa lugar mo.
Naranasan mo na bang magselos at mainggit sa mga taong nasa paligid niya?
Naranasan mo na bang maging masaya dahil sa kanya? Yung sa t'wing nasisilayan mo siya pati ang kanyang ngiti ay nagpi-piyesta na agad ang puso mo.
O naranasan mo ng masaktan kahit wala naman siyang ginagawang masama sayo? Ni hindi nga niya alam na may isang ikaw na umiiral sa mundong ito.
Nasasaktan ka dahil mahal mo siya. Nasasaktan ka dahil alam mong isang kahibangan ang ibigin siya. Nasasaktan ka dahil wala kang karapatan sa kanya. Nasasaktan ka dahil napakalayo niya sayo.
Kumukulo naman yung dugo mo kapag may umaaligid sa kanyang ibang nilalang. Kapag nakikita mo na may kasama siyang iba, may kayakap, may nginingitian at nagugustuhan. Napapaisip ka na lang, "Napakaswerte niya... sana ako nalang siya." Tapos itatanong sa sarili, "Ano ba ang meron siya na wala ako?"
Nagtatanong ka kung kailan makakamit ang yakap at halik na hindi sa panaginip. Nangangarap ka na sana... balang-araw dumating siya sa buhay mo. Hinahanap ang reyalidad kung saan ikaw ang kasama niya sa araw-araw hindi ang sinoman. Yung katotohanan na ikaw ang dahilan ng pagngiti niya. Hawak-hawak niya ang kamay mo, nakasandal ka sa kaniya, at higit sa lahat... ikaw yung mahal niya.
Call me crazy...
But I truly love him.
Naranasan ko na lahat ng 'yan. Ewan ko ba kung dapat ko bang ikatuwa yun o ikalungkot.
Ang malas ko lang pinana ni Kupido yung puso ko... ayun, nahulog sa isang taong mahirap abutin.
Kung hindi ba naman isa't kalahating abnormal 'tong si Cupid, e! Paiibigin na nga lang ako bakit pa sa taong napakaimposible ko namang maabot?
Do you know who is he?
He's a Kpop Superstar...
My one and only, Yook Sungjae.
Pero kahit imposible... patuloy pa din akong nangangarap.
Naghihintay para sa pagdating ng 'araw' na iyon.
Dear Superstar,
How can you do this to me?652Please respect copyright.PENANArCJhh4nrFy
Why are you doing this to me?652Please respect copyright.PENANAX0C9280AgQ
Ugh! Why do I love you like this? I'm slowly losing my sanity. This is so crazily stupid, idiot, and moron! How come I fell in love with you, Boy?
Me? I'm no one special. I'm just another wide-eyed girl who's desperately in love with you. I'm just invisible, while everybody knows who you are. I know you, but you don't know me. I love you, but you will never, ever going to love me. That's the reality. I just want to live in fantasy with you. If only I could.
What am I supposed to do?
Lilimutin ko nalang ba ang pag-ibig ko para sayo? O hahayaan nalang hanggang sa hindi ko na ito maramdaman pa?
Hanggang pangarap nalang ba kita?
O maging katotohanan ka?
Paano na aking mahal?
Kay saklap ng aking sasapitin kung ika'y hindi magiging akin. Hindi ko kayang tanggapin na hanggang pangarap lang kita.
Magagawa kaya kitang abutin, oh bituing nagniningning?
ns 15.158.61.17da2