"Alam mo friend, nakakainis ka." Out of no where na sabi ni Kaitlyn sa akin, at sabay pout niya rin.
"Bakit naman friend?" Umuupo kasi kami ngayon sa kama ko para mag impake. Aalis kasi ako for something i really waited for how many years na.
"Dahil, una, noong highschool tayo, kapag nagmemessage ka sa lahat ng mga iniidolo mo, palagi ka nilang napapansin." Totoo nga yung sinabi niya. Hindi ko alam kung swerte lang ba talaga ako o swerte lang talaga.
Natatandaan ko pa noon nung naging guest ng After School Club yung Boyfriend at talagang sa 14th Birthday ko pa talaga nakaschedule.
Kilig na kilig kami nun ng bestfriend ko kaya magkasama kami nanood ng live sa bahay namin.
Tweet ako nun ng tweet ng mga bagay bagay para baka maswerte ako nun at makita nila yung tweet ko.
At talaga ngang sinwerte ako. Hi. Im Shiana from the Philippines and it's my birthday today, i just want you guys to wish me a happy birthday. Thank you.
Kinantahan naman nila ako ng happy birthday at nagsasayaw pa sila ng mga weird na moves. Tss. Boyfriend nga naman.
Tinignan kaagad ni Kaitlyn yung mga tweets ko para daw malaman niya yung mga type na tweets ang kadalasan na napipili ng hosts, at binilang niya din yung mga tweets ko, nainis siya sa akin kasi 50+ lang yung tweets ko at sa kanya naman ay halos 300+ na pero tweet ko pa yung napili.
"Anong ningingiti mo diyan? Kinikilig ka na naman?" Palaging ganyan yung way na pagsasalita sa akin ni Kaitlyn pero i know mahal niya ako, at yan yung way niya para ipakita yun. Magulo ba?
"Wala naman. Naalala ko lang yung mga nangyari noon."
Huwag niyo na itanong, hindi lang yung nasa ASC sila na napapansin nila ako, kundi sa lahat ng mga bagay na pwedeng mainvolve ang mga fans aka bestfriends ay nananalo ako, dahil lahat naman sila sinalihan ko.
"At pangalawa, iiwan mo akong mag-isa dito." Napatahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Magiging okay ka kaya dun friend? Tawagan mo ako palagi ha? At kapag naging peymus ka na sana naman huwag mo akong kalimutan." Parang namatayan yung mood ng boses niya. Kawawa naman 'tong bestfriend ko.
"Ano ka ba? Paano ko naman makakalimutan ang taong dahilan kung bakit ko nadiscover ang talent at gusto ko? Halika nga!" Sabay hatak ko sa kanya at hug. Mamimiss ko talaga 'to.
-
Ilang araw na rin akong andito sa South Korea at ilang araw na rin akong nahohome sick.
Andito ako ngayon sa Starship Entertainment para mag file ng application for trainee nila dito.
Actually tanggap na talaga ako dito, pero sabi ng manager dito ay dapat pa rin mag file ako ng application as trainee para fair naman sa iba.
Pero sure na na yung debut ko next year, i just need to take some dance and acting classes since hindi na sila mahihirapan sa pagkanta ko.
"Napost mo na ba? Ang galing mo talaga kumanta, sobra, may feels talaga eh."
"Paano ko naman hindi ipost eh hindi mo ibibigay yung bagong bili kong album ng Boyfriend pag 'di ko pinost."
Pinilit kasi ako noon ni Kaitlyn na ipost yung nga covers ko ng mga kanta sa Youtube dahil noong time na iniwan ko sa kanya yung laptop ko ay pinakailaman niya pala kaya nakita niya lahat ng mga kanta ko dun. Pati na rin yung mga originals ko.
Noong bumalik ako sa lugar kung saan siya at yung laptop ko ay umiiyak yung bruha. Feel na feel niya kasi daw yung mga emotion na dapat ipafeel ng isang singer sa kanyang mga tagapakinig.
Unti-unting nakuha ng mga covers ko at originals yung pansin ng taong bayan hanggang sa nagkalat na ito world wide.
Both ABS-CBN and GMA are sending me messages and emails na gusto nila akong i-guest sa kanilang show. Pumayag ako sa mga ito, hindi dahil gusto ko, pero dahil nasa kay Kaitlyn yung stuff toy ko na si Jeongmin, at seriously, hindi ako makatulong ng maayos buong buhay ko kapag hindi ko yun nakuha. May pagka sadista din kasi yun, nasasayahan kapag nasasaktan ako, pero keri lang.
Pagkatapos ng TV shows ay South Korean Entertainment Agencies na naman yung nangungulit sa akin na gawin daw nila akong isang idol.
SM Entertainment, JYP Entertainment, Bighit Entertainment, YG Entertainment Starship Entertainment at marami pang entertainments sa South Korea.
Aside from being a teacher ay gustong gusto ko din sana maging isang idol katulad ng Boyfriend at Sistar. Kasi aside sa nahahasa yung talento ko ay i get to know more Boyfriend, especially Jeongmin.
Kaya tinanong ko sina mama at papa kung okay lang sa kanilang i-accept ko yung offer ng Starship Entertainment, sabi nila Gusto mo ba talaga? Kasi kung gusto mo, edi okay, ayaw naman naming ipagpilitan sayo yung ayaw mo.756Please respect copyright.PENANAPPtn4Coghv
-756Please respect copyright.PENANA7mixe9k32c
"Shiana-ssi?" Tawag sa akin. Kaya lumapit ako sa babaeng binigyan ko ng application form and at the same time nag aasikaso sa akin dito.
"Please go to the 2nd floor of this building and enter the door on the very left. Other trainees are there and just wait for the instructor to introduce to you our rules and regulation." Nag-thank you ako sa kanya at nag bow at sinunod na yung sabi niya.
Ilang minuto na ang nakalipas nang dumating ako sa silid na sinasabi ng babae kanina at maraming ibang trainees ang tingin ng tingin sa akin.
Mayroong isang trainee doon na narinig ko yung sinabi niya. Is she the girl from the Philippines that is really famous right now? Why didn't she chose other big companies?
Why did i chose Starship Ent? Kasi maliban sa andito yung Boyfriend, nakikita kong inaalagaan talaga nila yung artists nila at dahil nga maliit lang na companya ang Starship ay close yung mga trainees nila at artists at yan yung gusto ko. I want to make friends.
"Attention!" Sigaw ng lalaki sa harapan sabay pag clap ng mga kamay niya para makuha ang attention namin.
Inexplain niya lahat ng rules nila dito. At syempre isa doon ang No serious relationship with others. Okay lang naman yun sa akin, si Jeongmin lang naman yung gusto ko.
Sabi rin niya na dapat idelete namin yung mga accounts namin in all sns o di kaya iprivate.
Prinivate ko lang yung accounts ko. Sayang din naman kaya yung inupload ko dun no? Hindi ko na alam kung nasaan yung photos ko eh.
Bukas daw kami maguumpisa ng training. Kaya umuwi na muna ako sa apartment ko, few blocks away Starship Ent kaya pagkain at pambayad sa apartment lang yung gagastusan ko.
Mayroon din ang naguupa sa apartment na 'to. Kaya medyo hindi ako natatakot kahit na mag isa lang ako dito. Isang sigaw ko lang kapag may kidnapper ay maririnig na kaagad ng tao sa kabilang kwarto.
Alas otso sa umaga maguumpisa yung training namin kaya maaga pa akong nagising para makapaghanda.
Ang lamig ngayon dito sa South Korea kasi mag De-december na. Mabuti nalang at marami akong dalang jacket na makakapal.
Pagkatapos kong kumain ng umagahan ko ay lumabas na ako ng apartment ko at isinara ang pintuan at nilock.
Kahit na half asleep pa ako ay pinilit ko ang sarili kong maglakad. Usually kasi 10 na ako gumigising kasi half day lang naman yung klase ko, kaya medyo naninibago yung katawan ko.
Binati ko lahat ng staff ng Starship at pumunta na sa Dance Practice Room ng building nila.
Dahil feeling ko parang zombie na ako ay kinuha ko yung earphones ko at nagpatugtog ng mga kanta ng Boyfriend, at pinataas ko yung volume para magising ako.
Pumasok ako sa Dance Practice Room na half opened ang mata ko at kinakanta pa yung kanta na pinakikinggan ko. Umupo ako sa isang gilid ng silid at kumakanta parin.
Hindi ko alam kung ano yung nangyayari pero feeling ko may mga matang nakatitig sa akin ngayon. Kaya unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, biglang nanlaki yung mga mata ko nung nakita ko kung sino yung mga nakatitig sa akin ngayon.
Unti-unting naghina yung volume ng pagkanta ko habang inaalis yung earphones sa magkabilang tainga ko. Napakalakas na pala ng pagkanta ko kanina.
Nagiinit yung mukha ko sa hiya. Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko.
Ano kaya ang sasabihin ko kung yung mga taong nakarinig nga malakas ko na pagkanta ay ang Boyfriend?
ns 15.158.61.8da2