“You’re such a failure!” sigaw ni daddy sa hapag. “Wala akong anak na lesbiana.” Dagdag pa niya sa mga lipon ng mga pangungusap para kutyain ang pagkatao ko.
Matagal na akong maton. Simula noong Grade Six ako ay narealize ko nang tibo ako. Oh kung ano pa man ang gusto niyong itawag doon, tibo, tomboy, tiborsha, tibursho o lesbian kung maarte ka.
Araw-araw ay binuhay ang Papa ko para laitin ako. Hindi ko nga alam kung bakit pa niya kailangang araw-arawin eh pareho lang naman ang sinasabi niya.
Mas pinili kong manahimik sa gitna ng mga pinagsasasabi niya. Ako kasi ang mapapasama kapag sumagot pa ako sa mga panlalait niya.
“Anak, pagpasensiyahan mo na ang papa mo.” Pakikiusap sa akin nang mama ko. Siya lang ang kakampi ko dito. Siya at si Lola lang ang nakakaintindi sa sitwasyon ko. Kaya lang namatay ang Lola ko noong nakaraang taon. “Bilisan mo nang kumain dyan at pumasok ka na sa eskwela.” Pahabol ni mama.
“Ayan, sige, konsintihin mo ang pagkatomboy niyang anak mo.” Padabog na sabi ni Papa sabay bagsak ng mga hawak nyang kutsara at tinidor. “Dyan ka magaling Nenita. Dyan sa pangungunsinti sa anak mong tomboy!” galit na galit na usal ni Papa kay Mama.
Hindi ko nakakitaan si Mama nang pagsuko sa akin. Palagi niya lang akong pinagtatanggol kapag alam niyang masakit na yung mga sinsabi ni Papa sa akin. Baka kung hindi nga lang kay Mama ay lumayas na ako dito sa bahay eh.
“Mama, aalis na po ako.” At dinampi ko ang mga labi ko kay Mama bilang paggalang at pagpapadama ng wagas kong pagmamahal. “Pa, aalis na po ako.” At sinubukan ko mang humalik ay lumayo lang siya sa akin.
“Mabuti kung ‘wag ka nang babalik. Stupida!”
At lumabas na nga ako nang bahay ng hindi lumilingon sa kanila dahil natulo nanaman ang mga luha ko.
Mahina talaga ang loob ko kapag dating kay Papa. Dahil dati Papa’s girl ako. Ako ang pinakapaborito ni Papa sa aming magkakapatid na babae. Ako kasi yung bunso at ako raw yung pinakamaganda. Pero simula noong umamin akong tomboy ako ay naging masungit na siya sa akin.
“Oy Pards.” Tawag sa akin ni Isaac sa kalye habang papaalis na ako. “Sabay na tayo at saka may sasabihin din ako.” Hingal na hingal niyang sabi na parang kanina pa tumatakbo. “Sasama ka ba sa Linggo?” galak niyang tanong sa akin.
Napakaexcited naman eh kakalunes pa lang ngayon. Inanyayaan niya kasi ako sa night camping ng club nila sa University namin. Nagpaalam na ako kay Mama pero hindi na kay Papa dahil wala naman yung pakielam.
Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.
“Pinagalitan ka nanaman ‘no?” tanong niya na puno ng pagtataka.
“At kailangan pa naging tsismoso ang mga lalaki?” pambabara ko dahil ayoko na lang sanang pag-usapan ‘to. Alam niya ang sitwasyon ko dahil matagal na kaming tropa. Simula highschool ay kasama ko na siya.
At third year college na ako ngayon.
Narating namin ang University ng mag-aalas otso na ng umaga.
“Par, mauna ka na.” Utos ko sa kanya para pumasok na. “May bibilhin lang ako.” Dagdag ko pa para mas makumbinsi ko siya.
“Okay.” At dumiretso na siya sa entrance ng school.
Bumili muna ako nang inumin para malamigan ako at humupa ang galit ko. Ayoko kasi ‘tong dalhin sa klase ko dahil baka mawala ako sa pokus.
“Aling Leni, isang mogu-mogu nga po.” At lapag ng pera ko sa lamesa. Dito ako madalas tumambay tuwing umaga kapag maagang-maaga ako pumapasok o ‘di kaya kapag hapon.
“Ito, iho oh.” At binigay na ni aling Leni ang binibili ko.
Alam din niya na tomboy ako. Parang magulang ko na rin ‘to. Naiintindihan niya ako kahit mahirap.
May napansin ako sa perang isinukli niya sa akin. May numero ng hindi ko alam kung sino. Bago pa ako mamatay sa curiosity ko ay tinext ko na.
Unknown Number
Hello.
Sent.
At nagpaalam na nga ako kay Aling Leni dahil malelate na ako at baka maistorbo ko nanaman siya.
“May book launching tayo bukas sa Central Hall.” Paunang sabi ng Prof. ko. “At requirement ang pag-attend niyo doon.”
Halos lahat kami ay napa-‘Hay’. Eh kasi naman alam naming boring doon. Pero kahit papaano ay gusto ko rin ang pagbabasa ng libro.
Nasa gitna kami nang discussion ng magreply ang itinext ko.
Unknown Number
Who are you?
Received.
Nagkainteres akong magreply kasi bored talaga ako. Kaya patago akong nagreply dahil boring din naman yung Prof. ko.
Unknown Number
I am Alyssa. Eh ikaw?
Sent.
Buong araw akong nag-intay sa reply niya. Hindi ko rin ginastos yung perang nakitaan ko nung number niya.
“Hey, babe.” Tawag ko sa nililigawan kong babae. “I miss you.” Sabi ko sabay halik. Halos two months ko na siyang nililigawan.
“Tara kain tayo?” pagyaya niya sa akin sa favourite spot namin. Napansin niya atang madalas ang paglinga ko sa phone. “Sino ‘yan?” tanong niya sa akin.
“Ah number lang na nakita ko sa pera kanina.” Sagot ko at tinugunan niya nang pagtaray at pag-ikot ng mata. “Ano ka ba naman.” Halata ko kasing nagseselos siya.
“Itigil mo na ‘yan.”
Tinanguan ko siya at um-order na siya nang kakainin namin.
“How was your day?” pagsisimula niya nang topic.
Ganito lagi setup namin sumila noong niligawan ko siya. Bisexual siya kaya nagpapaligaw siya sa akin. Eh ako namang tomboy ay naakit sa ganda niya.
“As usual. Eh ikaw, Pauline?” pagbabalik ko naman ng tanong sa kanya. Halata kong pagod siya sa pamamagitan lang ng pagtingin sa mga mata niya.
“Pagod. Pero napawi noong nakita kita.” Pambobola niay at pareho kaming natawa.
Napalinga naman ako sa phone ko at sa wakas ay may reply na siya. Ang tagal ko ring nag-intay sa reply niya. Kaya’t hindi ko na sinayang ang pagkakataong makapagreply rin.
Unknown Number
Anong kailangan mo?
Received.
Hindi ko alam kung bakit baa yaw niya pang sabihin yung pangalan niya. Siguro’y nahihiya? O ‘di kaya naman ay pakipot?
Unknown Number
Eh ano munang pangalan mo?
Sent.
“Sabi ko ‘diba itigil mo muna ‘yan? Minsan na nga lang tayo mag-usap eh. Busy na nga sa school tapos pati ba naman dito.”
Hindi ko alam na magagalit siya. Hindi niya kasi ugali ang magalit dahil passionate siya. Siguro’y pagod lang siya kaya ganoon.
“Sorry.”
Bago ko tuluyang ipatay ang phone ay nakita kong nagreply siya pero hindi ko muna binuksan.
ns 15.158.61.8da2