Chapter one266Please respect copyright.PENANAwsAHi5Z9rf
Gumising si Junio sa isang lugar na hindi niya alam. Ang huli kong natatandaan ay noong iniwan ako ni papa sa park. Pero bakit parang nandito ako sa isang kagubatan? Tanong ni Junio sa sarili, sa mga sandaling iyon iiyak na sana si Junio kaso naalala niya ang palaging sinasabi ng kanyang papa sa kanya. “Huwag kang matakot kapag ikaw ay naligaw, sa halip isipin mo si tatay na naghahanap sayo. Malakas ka Junio.” Sabi ng kanyang papa nang naligaw siya sa isang mall.
Tumayo siya at at merong nakitang isang bagay na nakakuha ng kanyang atensiyon. Nararamdaman niyang merong tao na nagtatago sa likod ng isang puno. “Lumabas ka! Alam ko na nagtatago ka iyan. Meron lang sana akong tatanongin sayo.” malakas niyang sinabi.
Dahang-dahan namang lumabas ang isang binatang nagdadala ng laroang pana at palaso. Nakita ni Junio ang takot na mukha nito at napansin niya na, nakatutok ito sa likod niya. “Lumayo ka bata!” Sigaw nito na madaling hinila si Junio sa direksyon niya. “Hindi ka dapat nangdito, isa itong sagradong lugar kung saan hindi makakapasok ang mga normal na tao…” Dagdag niyang sinabi kay Junio. “Sa ngayon matulog ka muna, Junio.”
Sandalilang bakit niya alam ang pangalan ko? Nagtatakang inisp ni Junio bago siyang tuluuya ng mawalan ng malay.
Ilang buwan ang nakalipas mula noong pangyayari na iyon. Nakalimotan man ito ni Junio ngunit isa itong pangyayaring hindi makalimotan ni Arden, na ngayon ay tinuturing totoong kapatid ni Junio. Huminga ng malalim si Arden bago kumatok sa pintuan ni Junio. “Jun, gumising kana, ilang oras nang bago magclose ang gate. Meron nang pagkain sa mesa kaya bilisan mo, lumalamig na o!” Sabi niya.
“Oo, Kuya. Malapit na.” Sagot ni Junio na nagmamadaling naliligo.
Naglakad sila patungo sa eskuwelahan nang makasalobon nila si Toro. Umagang-umaga at ikaw pa ang unang sumira sa araw ko. Just my luck!Malihim niyang inisip.
Tumingin si Toro ni Junio at lumalapit sa kanya. “Oi, Hi! Sino naman itong kasama mo Arden? Ngayon ko lang ata siya nakita.” Sabi niya sabay sumingkit ang kanyang mata at hinawakan ang kanyang baba na parang seryosong nagiisip. Hinarangan ni Arden si Toro para hindi pa lumapit kai Junio gamit ang kanyang kamay.
Glaring at him, sasabihin na sana ni Arden na layoan si Junio kason hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Toro na magsalita. “Pasensya na, nagtatanong lang naman ako. Hanggang sa muli nating pagkikita Shadow.” Mabilis niyang sinabi at unang lumakad patungo sa gate.
Napabuntong hininga nalamang si Arden sa mga kalukohang ginagawa ni Toro, at humarap siya kai Junio. “Kahit anong gawin mo, Wag-na-wag kang lumapit sa kanya. Kapahamakan lang ang dala ng isang yan.” Payo nito kay Junio. “Gets mo ba Jun?” Seryosong tinanong niya.
“Yes, po Kuya.” Sagot naman ni Junio habang nakatingin sa ibaba. Nagring na ang bell para sa homeroom nila. Nagmamadali namang tumakbo si Arden patungo sa kanyang building na kumakaway kay Junio.
“Magdali kanang pumunta sa silid aralan mo, Junio!” Paalala nito.
“Magsiupo ang lahat. Ngayong araw ay meron kayong bagong kaklase, ipakilala mo ang iyong sarili.” Sabi ng guro. Napatutok si Junio na halatang nininerbyos.
“Ako nga pala si Junio, masaya akong makikilala kayong lahat.” Mabilis niyang sinabi, kinukumot ang lubid ng kanyang bag.
“Sige, Junio pumili ka ng mauupuan mo.” Tinuro nang guro ang mga silyang wlang nakaupo sa likod na malapit sa bintana. “Class, kunin ang inyong kuwaderno at isulat ang mga gawain ni’yo sa aking subject.”
Gusto ko nang matapos ‘to kaagad. Gusto ko nang umuwi. Inisip ni Junio.
“Class dismissed! You may take your lunch now.” Sabi ng Ingles na Guro nila. Huling subject na ‘to sa ngayong umaga, plano ni Junio na kumain sa labas ng silid ngunit lumapit ang kaklase niyang si Adulio.
“Hey! Ako nga pala si Adulio, pero tawagin mo lang akong Leo.” Sabi niya habang umupo sa harap ni Junio. Halatang gustong makipagkaibigan si Leo pero hindi alam ni Junio ang kanyang dapat gawin. Mahiyaing binata si Junio kaya nahihirapan siyang tumingin sa mga taong kausap niya, kaya palagi siyang tumitingin sa ibaba. “Gusto mo sabay tayo kumain?" Tanong nito kay Junio.
"S-sige, bah. Pero-" Hindi natapos ang sasabihin ni Junio nang makita niya si Toro na hinahabol ng dalawan estudyanteng merong dalang Kahoy. Mabilis na tumayo si Junio at tumakbo palabas g silid. Paumanhin Adulio, pero nag-aalala ako kay Toro baka kung anong mangyari sakanya. "Meron pala akong gagawin Adulio, sa susunod nalang tayo kumaing magkasama!" madaling nagpaalam si Junio at tumakbo patungo sa deriksyon ni Toro.
Sana okay lang siya. 266Please respect copyright.PENANAHecHocc2aI