This story begins during a stormy, July afternoon.
180Please respect copyright.PENANAZOvXpSSPV2
It was already 5:24 in the afternoon at nakata-tengga pa rin si Rook sa may sakayan ng jeep sa kanilang university belt. Kasali siya sa varsity team ng university at katatapos pa lang ng kanilang basketball practice kaya uwing-uwi na siya pero bigla namang bumagsak ang sobrang lakas na ulan. Narinig naman niya sa balita kagabi na uulan daw ngayon pero hindi na siya nag-abala pang magdala ng payong nang nakita niyang sobrang tirík naman ang araw kaninang umaga.
180Please respect copyright.PENANAPvRusEaIuo
"Buwiset," pagalit niyang bulong sa hangin.
180Please respect copyright.PENANAh8BbyUeLdg
Nilabas niya ang kaniyang kanang kamay at sinaló ang nagbabagsakang mga butil ng ulan mula sa bubungan ng waiting shed na sinisilungan niya. Magku-kwarwenta minutos na siyang naghihintay sa shed na tumila man lang kahit saglit ang ulan para matakbo niya ang lugar kung saan niya ipinark ang motor niya. Pero malakas ang bagsak ng ulan, samahan pa ng marahas ding pagbugso ng hangin kaya feeling ni Rook ay parang bumabagyo na. Naisipan niyang suungin na lang sana ang malakas na ulan pero kagagaling pa lang niya sa practice at púno pa ng pawis ang katawan niya—baka magkasakit siya at hindi pa siya makasali sa inter-village tournament nila sa susunod na linggo.
180Please respect copyright.PENANAbRU9sYlXhR
Napa-haplos siya ng marahas sa batok niya, gawain niya pag sobrang nai-stress na siya. Sobrang lagkit na rin sa pakiramdam ng paa niya dahil basang-basa na ang sapatos at medyas niya, naka-sando lang din siya kaya hindi niya mapigilang lamigin sa ihip ng malamig na hangin. Wala rin siyang nadalang pamalit na damit sa bag niya dahil hindi niya naman inakalang magtatagal ang practice nila at aabutan siya ng ulan.
180Please respect copyright.PENANA4gv2t961bj
"Dapat talaga nagdala na 'ko ng payong, buwesit," sermon niya sa sarili habang tinitingnan ang mga dumadaang mga jeep sakay ang mga pasaherong pauwi na sa kanilang mga tuyong bahay habang siya naman ay kinukuskos na ang mga palad sa kaniyang braso para malabanan man lang ang lamig.
180Please respect copyright.PENANAM4EHeVCu0D
Napabuntong-hininga nalang siya at umupo sa upuan sa gitnang loob ng shed para hindi na mas mabása pa. Dahan-dahan niyang kinuha ang kaniyang cellphone na nasa loob ng kaniyang bag saka pinahid ang nabása rin nitong screen sa hindi gaanong básang parte ng sando niya. Habang nagta-type siya ng text message para sa kaibigan niyang si Juan, narinig niya ang tunog nang papalapit na mga hakbang. Hindi naman niya ito pinansin dahil abála pa rin siya sa pagte-text sa kaibigan niya.
180Please respect copyright.PENANABxebXzSklF
Rook: nasan ka pre? puntahan mo ko dito sa may shed sa tapat ng coed bldg. di ko makaalis lakas ng ulan. bilisan mk ang lamig naaaaa
Rook: *mo*
Rook: magdala kang kapote!!!
180Please respect copyright.PENANAxFtbeMt9pS
Nang hindi agad nag-reply si Juan, itinaas niya na ang ulo niya at nagulat siya nang makita ang isang lalaking nakasilong na rin sa waiting shed. Nakatayo ito sa isang gilid at nakapamulsa ang kaliwang kamay habang hawak naman ng kaniyang kanan ang nakatiklop at nakatukod na puting see-through na payong. Pinasadahan ng tingin ni Rook ang lalaki dahil wala na rin siyang ibang maisip gawin. Kasalukuyan itong nakatalikod sa kaniya kaya naman hindi niya makita ang mukha nito pero matikas at matangkad ito, base sa kaniyang pigura. Kasing-tangkad niya siguro ito pero mas lean ang pangangatawan nito kumpara sa kaniya na mas prominent ang muscles dahil na rin sa paglalaro ng basketball. Mukhang malapad din ang balikat nito base na rin sa pagkakayakap ng puting t-shirt nito sa katawan. Naka-denim jeans ito na nakatupí ang dulo at naka converse shoes na may mahabang puting medyas.
180Please respect copyright.PENANAjXiSnkEeH2
Simpleng porma pero malakas ang dating, naisip ni Rook. Kung nandito si Rocky, siguradong nag-inarte na 'yon dahil sa lalaking 'to.
180Please respect copyright.PENANArRbq7D3dNH
Napangiti nang kaunti si Rook nang maalala ang kaibigan niyang si Lena Ashley Ibarra o mas kilala sa tawag na "Rocky," ang legend ng Films and Arts Development department o FAD. Kababata niya ito at jowa ngayon ng kaibigan at kaklase niyang si Francis Jaimé o "Jim." Napakakulit nito at napaka-ingay pero sobrang bait at maaasahan din naman, kaya kasali ito sa Student Council ng university at kilala rin talaga sa buong campus. Mahilig itong kiligin sa mga nakikita nitong gwapong mga lalaki, siguro dahil sa pagkabaliw na rin nito sa K-drama, pero alam naman ng kanilang barkada na she's loyal to a fault kaya tinatawanan na lang ni Jim ang mga weird antics ni Rocky.
180Please respect copyright.PENANAP4cKljUzqu
Naramdaman ni Rook ang pag-vibrate ng cellphone niyang nailagay niya kanina sa bulsa ng basketball shorts niya kaya kinuha niya ito at tiningnan. Isang malaking like sign ang reply ni Juan kaya napahinga siya ng maluwag. Pumwesto siya sa may bukana ng shed para mas madali siyang makita ng kaibigan kung kaya't ngayon ay parang naging katabi na niya sa pagtayo ang lalaki. Makipot lang kasi ang entrance ng waiting shed at parehas silang malalaking tao kaya kaunting space na lang ang naiwan sa pagitan nilang dalawa. Naghihintay yata ito ng masasakyan pauwi dahil mas dumalang na ang mga dumadaang jeep dahil nga mag-alas-sais na rin ng gabí.
180Please respect copyright.PENANAollPDXPR79
Ngayong halos magkatabi na sila, pasimple niya itong tiningnan. Maputi ito, maganda ang ayos ng buhok, matangos ang ilong at maliit ang mata—may lahing East Asian siguro. Amoy na amoy din niya ang pabango ng lalaki na hindi pa rin nawawala kahit nabasa na ito ng ulan. Nahiya naman nang kaunti si Rook dahil sa amoy pawis niya mula sa practice kaya mas sumiksik siya palayo sa gilid at pasimpleng inamoy ang kaniyang suot na damit. Di naman masyadong mabaho, pagkibit-balikat ni Rook. Tiningnan niya ulit ito at na-realize niyang gwapo nga ito, affirmative ngang magwawala pag nagkataon si Rocky dahil mukha itong Koreano. Marunong siyang kumilatis ng itsura ng tao, mapa-babae man o lalaki. Straight siya pero alam niya kung sino at ano ang itsura ng mga gwapong lalaki kasi may gumagana naman siyang mata, saka gwapo rin naman ako, naisip niya. Napatawa si Rook nang kaunti at tumingin nalang nang diretso sa kalye.
180Please respect copyright.PENANAwV4fUgpWHy
Maya-maya, naramdaman niyang parang may tumitingin sa kaniya kaya bumaling siya sa kaniyang kaliwa at nakita niya ang lalaki na pinagmamasdan siya. Binigyan niya ito ng isang maliit na tango at ngiti na ginantihan naman nito ng isa ring tipid na ngiti, sabay nag-iwasan na rin sila ng tingin. Isang awkward na katahimikan ang pumagitna sa kanilang dalawa, tanging tunog lang nang tumatama pa ring mga butil ng ulan sa bubungan ng shed ang maririnig.
180Please respect copyright.PENANACBsXeEFmfZ
"Pauwi ka na, pre?" tanong ni Rook sa lalaki. Mukhang nagulat naman ito dahil sa tanong niya kaya't iniangat nito ang ulo at tumingin sa kaniya. Puta, ang ganda ng mata, nakakainggit, ang biglang pumasok sa isip ni Rook. Nginitian na lang niya ito para hindi awkward. People-person si Rook at hindi siya sanay sa tahimik kaya naisipan niyang kausapin na lang muna ang lalaki, tutal nagpalitan naman na sila ng ngiti at intense na rin kasi ang nararamdaman niyang boredom simula pa kanina.
180Please respect copyright.PENANAOkyCIYQyV2
"Oo, naghihintay lang nang masasakyang jeep," sagot nito sa kaniya makaraan ang ilang sandali. Napatango naman si Rook at hinintay kung may sasabihin pa ito. Nang lumipas na ang ilang segundo na hindi na ito nagsalita pa, tumingin nalang si Rook sa cellphone niya at nagbilang ng oras.
180Please respect copyright.PENANAxP3EJzNRJK
"Ikaw?" biglang tanong ng lalaki. Bahagya namang nagulat si Rook dahil sa akala niya'y hindi na ito magsasalita.
180Please respect copyright.PENANALt6Kh3q2jI
"Pauwi na rin, hinihintay ko lang tumila ang ulan. Tatakbuhin ko sana ang motor ko kasi d'on ko pinarada sa may parking ng library."
180Please respect copyright.PENANAzpZU4GdoF9
Tumango-tango naman ito sa sagot niya. "Malayo-layong takbuhin pa mula rito ang library, ah. Saka mukhang matagal pa bago huminto 'tong ulan. Kanina ka pa ba rito?" tanong ng lalaki habang iniikot-ikot nang kaunti ang hawak nitong payong sa lupa.
180Please respect copyright.PENANAk9NXyvjlqc
"Yeah, pero ayos lang, parating naman na rin kaibigan ko. Ikaw s'an ka galing?"
180Please respect copyright.PENANAonRXF4N7bc
"Sa summer class lang," maikli nitong sagot.
180Please respect copyright.PENANA54f4017YlS
"Ah, goods 'yan."
180Please respect copyright.PENANAGDJHRXsejV
Tumango lang ito bilang sagot. Namayani ulit ang katahimikan pagkatapos ng maikli nilang pag-uusap. Tatanungin pa sana ito ni Rook ng bigla naman itong nagtaas ng kamay at pumara sa nakita nilang paparaan na jeepney.
180Please respect copyright.PENANAIyfBxtoVvi
Huminto ang jeep sa tapat ng waiting shed, kaunti na lang ang lamang pasahero nito marahil dahil na rin sa madilim na at nagsiuwian na halos lahat ng mga taong nasa university belt. Tumingin naman ang lalaki kay Rook at binigyan siya ng isang maliit na ngiti. Tinanguan niya na lamang ito bilang ganti saka yumuko at chi-neck ang cellphone niya kung may update ba si Juan.
180Please respect copyright.PENANATFVMuBkIQk
Akala ni Rook ay umalis na ang lalaki kaya nagulat siya nang biglang may kumalabit sa kaniyang braso. "Kuys, ito payong ko oh."
180Please respect copyright.PENANAHJqWeV6jFE
"Ha?" Gulat at parang tanga namang sagot ni Rook.
180Please respect copyright.PENANAusjfEeqlaa
Nginitian siya nito na parang natutuwa ito sa kaniya dahilan para lumabas ang dalawang maliit na dimples sa pisngi nito. Tangina. Nangilabot at na-weirduhan naman siya bigla sa naisip.
180Please respect copyright.PENANAUS8iC6Anpc
"Eto payong, hiramin mo na muna para makuha mo na d'on sa library ang motor mo. Hindi ko na rin naman gagamitin," sabi ng lalaki sabay abot ng hawak nitong payong kay Rook. Dahil chest level ang pagkakaabot ng lalaki sa payong, hindi maiwasang mapako ang tingin ni Rook sa isang maliit na flag pin na may kulay na pink, purple, at blue na nakadikit sa dibdib ng puting t-shirt ng lalaki. Pamilyar ang set ng kulay na 'yon kay Rook dahil parang nakita na niya ito kung saan. Hindi naman agad siya nakasagot sa alok ng lalaki habang bumusina naman ng malakas ang driver ng jeep kasi hindi pa ito sumasakay.
180Please respect copyright.PENANAeZ109hzuxm
Tumingin ang lalaki sa jeep ng saglit at sa isang mabilis na pangyayari, bigla nitong hinawakan ang kanang kamay ni Rook at ipinahawak ang payong sa kaniya. Sa sobrang gulat ay hindi kaagad nakapag-react si Rook habang mabilis namang tumakbo ang lalaki sa ulan sabay sakay sa tabi ng driver bago tuluyang humarurot ang jeep paalis.
180Please respect copyright.PENANAweO1LQu7C3
Naiwan si Rook na nakatulala at tinatanaw ang likod nang papaalis na jeep. Nang tuluyan nang mawala sa kaniyang paningin ang sasakyan, ipinako niya ang paningin sa puting payong na ngayo'y hawak-hawak na niya. Hindi niya maintindihan pero bigla siyang nakaramdam ng kuryente na biglang dumaloy sa loob niya—isang... weird na feeling na hindi niya maipaliwanag. Ipinagkibit-balikat na lang niya ito at ininspeksyon na lang ang ibinigay na payong ng lalaki. Magaan lang ito dahil gawa sa kahoy ang hawakan kaya inikot-ikot niya ito para matingnan ng mabuti hanggang sa may mapansin siyang nakasulat na mga letra sa handle ng payong. Tiningnan niya ito at binasa.
180Please respect copyright.PENANAtqa8kGdZLa
"R V R D L?"
180Please respect copyright.PENANAsP69K4xcbo
RVRDL? Pangalan niya ba 'to? tanong ni Rook sa sarili.
180Please respect copyright.PENANAVENx9o8Gqt
Ilang minuto niya pang inisip kung ano ang posibleng kahulugan ng mga letra hanggang sa napagdesisyunan niyang gamitin na lang ang payong at maglakad na patungo sa library dahil hindi pa rin humihinto ang buhos ng ulan. Bago siya umalis sa waiting shed ay tinext niya muna si Juan para sabihing sa library na lang siya puntahan.
180Please respect copyright.PENANA5iYZBVTwIB
Habang naglalakad, hindi mapigilang maisip ni Rook ang lalaki. Hindi niya pa ito nakikita sa campus kaya malamang ay taga-ibang department ito na malayo ang location sa kanila, o transferee, o di kaya'y bagong estudyante. Hindi sa pagmamayabang pero kilalang tao rin si Rook sa kanilang campus, dahil na nga sa pagiging kasali niya sa varsity team ng university at dahil na rin sa mga barkada niya. Pero hindi rin mapigilang sumagi sa kaniyang isip ang kaniyang naramdaman nang biglang hawakan ng lalaki ang kaniyang kamay. Sa kabila ng lamig ng panahon, mainit pa rin ang kamay ng lalaki na tila nagpasa sa kaniya ng apoy. At kahit sa sobrang ikling sandali, naramdaman ni Rook ang malambot na kamay nito na parang ang sarap lang hawakan. Nawe-weirduhan din siya sa mga naiisip niya kaya't mabuti na lang at dumating na rin si Juan sakay sa kotse nito ilang minuto pagkarating niya ng library.
180Please respect copyright.PENANARDrb1FdGTj
"Uy, brad. Sorry natagalan ako, nahirapan kasi akong hanapin 'yang kapote sa bahay," pagbati ni Juan kay Rook sabay abot ng kapote sa kaniya. Hindi na ito lumabas pa ng sasakyan kasi mas lumakas pa ang buhos ng ulan.
180Please respect copyright.PENANA6r4LDwL0WD
"Ayos lang tol, ano ka ba." Inayos at isinuot na rin kaagad ni Rook ang kapote kasi sobrang nilalamig na siya. "Puta, ang lamig talaga..." bulong niya sa sarili habang nanginginig kahit nakasuot na siya ng kapote.
180Please respect copyright.PENANAHObPVJY0sB
"May low-pressure area daw kasing nakaka-affect dito satin. Sure ka bang magda-drive ka pa sa lagay na 'to? Lakas pa ng ulan, oh. Sakay ka na lang dito, Rook. Iwan mo na lang motor mo diyan, 'di naman siguro nanakawin 'yan, may CCTV naman dito."
180Please respect copyright.PENANAH97bgzKp0v
"Salamat tol, pero huwag na, mababasa lang loob ng auto mo baka ako na naman paglinisin mo niyan." Tumawa naman ito bilang sagot. "Ayoko ring iasa sa iba itong si Daisy kasi baka masulot pa. Saka baka maging bagyo pa 'to, 'di na ako makabalik para kunin 'to bukas," sagot ni Rook sabay suot sa ulo nang nabasa na rin niyang helmet.
180Please respect copyright.PENANAGIBKCKnutb
Natawa naman si Juan. "Gago! Pero sabagay, may point ka." Tumango ito at pinagana na ang kotse. "Oh sige, sige, mauna na 'ko. May pinapabili pang kung anong mga supplies 'yong kambal mo diyan sa may labasan. Sure ka bang hindi ka na lang sasakay dito?"
180Please respect copyright.PENANAcf0nvnsY52
Tumango naman si Rook bilang sagot. "Oo, tol. Sige na, lumayas ka na. Salamat dito sa kapote."
180Please respect copyright.PENANAfUoP6j5FhJ
Natawa naman si Juan sa sinabi ni Rook. "'Lang problema, loko. Okay sige, mauna na 'ko. Mag-ingat ka sa pagda-drive ha." Pinaandar na nito ang sasakyan, sumenyas naman ng thumbs up si Rook. Bago ito umalis, tatanungin niya pa sana ito tungkol sa kung may alam ba ito sa kung ano ang ibig sabihin ng pink, purple, blue flag pero tila may bumulong sa kaniyang huwag na lang muna.
180Please respect copyright.PENANABxWmd1YhJf
Sumakay na lang si Rook sa motor niyang si Daisy, paaandarin na sana niya ito ng bigla niyang makita ang puting payong sa may semento. Nakalimutan niyang nabitawan niya pala ito nang kunin niya kanina ang kapote kay Juan. Pinulot niya ito at pinaikli ang trunk ng payong saka maingat na isinabit sa kaniyang motor.
180Please respect copyright.PENANAJLbdY0kWbw
Habang bumabyahe, hindi niya maiwasang tingnan ang payong, tila ba isa itong enerhiya na nag-uudyok sa kaniyang isiping muli ang lalaki sa may waiting shed. May itsura talaga ito, tipong gustuhin ng mga babae, at napaka-amo pa ng mata at—
180Please respect copyright.PENANAhMrkdB0DlV
Iniling-iling ni Rook ang kaniyang ulo para burahin ang magulo niyang pag-iisip hanggang sa dumating na siya sa building kung saan nandoon ang condo nilang magto-tropa.
180Please respect copyright.PENANA7uT0XmXUNc
Tangina, lamig lang 'yan, Rook, huling sabi niya sa sarili bago pumasok sa loob ng building, maingat na tangan-tangan ang puting payong sa kaniyang kamay.
180Please respect copyright.PENANAmp79GL92FH
xx.
please vote, comment, share, and follow me if you liked the story! thank you!
180Please respect copyright.PENANAMTOPjJ8Ppy