One more day and were celebrating our first wedding anniversary. 364 day of being together as husband and wife. But until now I can't still feel na asawa ko siya. Hindi ko alam kung hanggang kelan kami ganito, kakayanin ko pa ba ang sakit na aking nadarama sa araw araw na kami ay magkasama? Hindi ba dapat masaya? Yung dapat pareho kayong masaya, pero bakit hanggang ngayon sa palagay ko hindi pa din pala niya ako tanggap na ako nag napangasawa niya.
Dennise was sad while writing on her diary. She's been constantly writing everyday. Hindi niya ito nakakalimutan na sulatan tuwing patapos na ang araw, sanay naman siya matulog ng late dahil ang asawa niyang si LA ay laging gabi na kung umuwi.
Katulad na lang kaninang umaga ang aga kong nagising para lang ipaghanda siya ng paborito niyang breakfast. Pero hindi man lang niya tinikman. Nakakalungkot lang kasi nag effort ako at pinagpaguran ko yun kasi alam ko na paborito niya ang beef tapa.
Pagpapatuloy niya sa pagsusulat, hindi siya kumain ng baka pero dahil ito ang paborito na pagkain ni LA ay kahit mahirap lituin ito ay ginawa niya. Napabalikwas naman siya at agad na napatayo ng marining na niya ang kotse ng asawa sa garahe, agad naman niyang tinago ang kanyang diary sa closet, humarap muna siya sa salamin upang tingnan ang kanyang sarili, inayos din niya ang nakapusod niyang buhok at mabilis na bumaba.
Mag a-alas dose na pala ng mapatingin siya sa orasan. Medyo malaki ang bahay na pinamana ng magulang ni LA sa kanila since dalawa lang silang magkapatid at panganay ito, kasama ng magulang niya ang bunso na sa US na naninirahan.
"L-" hindi na naitloy ni Dennise ang pagtawag sa asawa niya dahil papasok na ito sa bahay at hindi ito nag iisa.
"Wow, sweetie ang laki naman ng house mo?" malanding sabi ng kasama ng asawa niya habang nililibot ang mga mata nito sa loob ng bahay nila.
Para namang naging tuod si Dennise kasi hindi na siya makakilos ng makita niya ang kasama ni LA, isang sexy na babae, mahaba at tuwid na buhok na may blonde at napakaikli ng suot nito, na tipong isang malakas na hangin na lang ay matatangal na ang damit nito, kitang kita ang kaluluwa nito at nakakalunod pa tingnan ang malaking dibdib nito.
"Dennise pakisara na lang ng gate hindi ko kaya pa isara, excited na kasi itong honey ko." Nakangising sabi ni LA sa kanya. Inayos naman ni Dennise ang salamin sa mata bago sinunod ang utos ng asawa.
"Honey wait, I need water." narinig ni Dennise na halinghing ng haliparot na babae na kasama ni LA, nilingon niya ito at sobrang sakit sa mata ng mga pinag gagawa ni LA dito, hinahalikan lang naman ng asawa niya ang leeg at ang mga labi nito.
"Dennise bilisan mo diyan dalhan mo kami ng maiinom sa kwarto ko." sigaw ni LA.
Ang sama sama ng loob ni Dennise ngayon habang padabog na sinasara ang gate, inulit na naman ni LA ang ginawa nito sa kanya dati. Ang magdala ng babae dito sa bahay nila.
Pinahid niya ang sipon at luhang dumadaloy sa mga pisngi niya at wala sa sariling pumasok ulit sa loob ng bahay, habang ang dalawa ay nasa hagdan na at patuloy pa din ang paghaharutan. Wala na ang polo na suot ni LA sa katawan nito nakaita niyang haak ito ng babae at ilang saglit lang ay itinapon ito ng babae sa mismong harapan niya.
"Yaya pakilagay na sa labahan yan." sigaw ng babaita at sabay na tawanan ng dalawa. Lalong nasaktan si Dennise sa tinuran nila.
Dinampot niya ang polo ng asawa at mahigpit na hinawakan ito, nanginginig na siya sa galit.
"Bakit hindi mo ako magawang respetohin. Kahit kaunti man lang? Asawa mo ako at hindi estatwa dito sa bahay mo na walang pakiramdam? Bakit hindi mo magawang maawa sa akin? patuloy mo akong sinasaktan?"
Inis na inis at pinagdiskitahan niya ang polo ng asawa, pumunta siya sa kusina at kumuha ng kutsilyo.
"Kung hindi lang kita mahal, ang saging mo ang gagawin kong luray luray ngayon. Pasalamat ka Luis Alfonso at mahal kita."
Kinakausap nito ang sinisirang polo ng asawa.
"Gagawin kitang sisig na polo. Lalagyan kita bukas ng sibuyas at madaming sili. Bwiset! Bwiset! Bwiseet!"
Naudlot ang ginagawa niyang sisig na polo ng sumigaw ulit si LA.
"Asan na yung tubig?"
"Nandiyan na." sigaw na sagot niya. Agad na kumuha siya ng tubig at dahil sa sobrang sama pa din ng loob niya ay nilagyan niya ng madaming asin at vetsin ang isang pitsel na tubig at hinalo pa ito para mas lalong umalat.
"Mawalan na sana ng kidney yang haliparot na yan!"
Dahan dahan siyang umakyat sa kwarto ni LA, oo kwarto lang ni LA! Dahil kahit simula pa lan ay hindi na sila nagtabi, bilang lang ang araw na nakasama niya ang sariling asawa sa iisang kama pag dinadalaw lang sila ng lolo at lola nito pero ang iba't ibang babae ay daig pa siya.
"Eto na ang tubig niyo?" bulong ni Dennise at kumatok ng isang beses sa pintuan ng kwarto ni LA.
Agad naman lumabas si LA na nakaboxer shorts na lang. Hindi maiwasan ni Dennise na maiyak, kahit anong pilit niya sa sarili na itanggi ang nangyayari ay kailanagan niyang tanggapin na paboritong pastime ng asawa niya ang saktan ang puso at damdamin niya.
"LA, wag mo na naman gawin sa akin ito. Sobrang sakit na kasi." pagmamakaawa niya.
Aktong yayakapin niya a si LA pero bigla nitong sinara ang pintuan at napasubsob ang bibig niya sa pinto.
"Ano ba naman yang mutchacha mo sa dagat ata kumuha ng tubig." sigaw ng sigaw ang babae malamang ay nakainom na ito ng tubig na binigay niya.
Aalis na sana siya at magkukulong na lanf sa kwarto niya pero agad na lumabas si LA at ikinagulat niya ang paghawak ng mahigpit nito sa braso niya at saka siya hinila.
"Wala kang galang sa bisita ko ah." galit na galit ang tono ng boses nito.
Padabog na humarap si Dennise kay LA.
"Bakit ako, ginagalang mo ba? Tingnan mo nga ang ginagawa mo sa sarili mong asawa? Napakababoy mo!" hindi na napigilan ni Dennise ang bugso ng damdamin niya kung dati ay tahimk lang siyang nasasaktan pero ngayon hindi na niya kaya. Masyado ng wasak at durog ang puso niya. Nagmahal lang naman siya. Pero bakit kailangan maging mapait ang pakiramdam, hindi ba dapat matamis.
"Sumagot ka na ngayon? Sa tingin mo ba masaya ako at ikaw ang nagdadala ng pangalan ko?" namilog ang dalawang mata ni Dennise sa narinig. Lalong nanakit ang dibdib niya sa sinabi ng asawa niya.
"Ni minsan ay hindi ko ginustong makasala sayo. At ni minsan ay hindi ko matanggap! Na ikaw ang babaeng makikita ko sa araw araw. Nasusuya ako sayo, nandidiri. Wala akong pakialam sa nararamdaman mo!" hingal na hingal na sabi nito sa pagmumuhka ni Dennise. Amoy na amoy ang tapang ng alak sa hininga nito.
Hinawakan naman ni Dennise ang dibib niya, pakiramdam niya kasi ay lumabas na ang puso niya sa katawan niya dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya sa mga narinig niya.
Unang beses siyang sinabihan ni LA ng mga ganito, al this time pala ito ang nararamdaman ng asawa niya sa kanya. Mas masakit pala pag galing na talaga sa bibig ng tao na sobrang mahal mo.
"Kasalanan ba ang mahalin ka LA?" humihikbing tanong ni Dennise.
Napasuntok naman si LA sa pader at tiim bagang siyang tinitigan nito.
"OO! Dahil sa punyetang pagmamahal mo sa akin kaya kita kinamumuhian!"
Napakagat naman sa labi niya si Dennise. Sobra sobra na ang sakripisyo na ginawa niya pero ganon lang pala siya sa asawa niya. Hindi na siya nakasagot pa, unti unti na siyang napaluhod dahil sa sobrang panlulumo sa mga masasakit na salita ni LA sa kanya.
"Ngayong gabi na ito, gusto ko kamuhian mo ako. Gusto ko ito na ang huling araw na makikita pa kita sa pamamahay ko! Tigilan mo na yang punyetang pagmamahal mo sa akin." agad naman na kinuha ni LA ang kamay nito at buong lakas ng pinatayo si Dennise at kinaladkad papasok sa loob ng kwarto kung nasaan ang babaeng kasama nito.
"Sweetie your so tagal." malanding bungad nito. Nilock ni LA ang pinto at patapon na hinagis si Dennise sa couch nito.
"Excited na ba ang Sweetie ko? Is it okay that she will watch us?" nakangising turo ni LA kay Dennise.
Inayos naman ni Dennise ang sarili at hinimas himas ang likod na masakit tumama kasi ang likod niya sa kanto ng sofa. Iniangat niya ang dalawang paa at walang tigil pa din ang pagiyak habang nakapangalumbaba sa dalawang tuhod niya. Malabo na ang paningin niya at pati ang salamin niya ay basa na ng mga luha niya.
ns 15.158.61.8da2