I always thought tomato sauce was made of blood. Turns out, it is just crushed tomatoes.
•
Hinango ko na ang pasta mula sa malaking kaserola dahil malapit na itong magdikit dikit. Hay. Minsan na nga lang ako mag-luto ganito pa ang nangyayari tuwing susubukan ko. Gusto ko lang naman maging isang mabuting asawa ah? Mali ba iyon?
“Fuck.” Dahil sa pagmamadali ko, natalsikan ng mainit na tubig ang aking kamay. Kahit kailan talaga, isa akong malaking semplang! Napipikon na ako sa sarili ko. Pina-ilalim ko ang aking napasong kamay sa malamig na tubig galing sa gripo. Huminga ako ng malalim ng maibsan naman ang sakit kahit papaano.
“Anong meron? Bakit naka-apron ka pa dyan as if ang galing-galing mong magluto?” Hirit ni Gianna and best-friend ko simula elementary palang kami. Winisik ko sa kanya ang basa kong kamay at umilag naman siya.
“Mukha mo meron! Kita mo na nga na napaso ako oh?” Sabi ko at inayos na uli ang pasta na kanina ko pa kinakainisan. Lumapit naman siya at i-nobserbahan ang ginagawa ko.
“Bakit ba kasi nagluluto ka pa? Eh pwede ka naman mag-paluto sa chef ninyo ah?” Sabi niya at tumulong narin sa wakas. Ito talagang si Gianna, dami munang sasabihin bago tumulong.
“Yeah I know, pero gusto kong maging mabuting asawa.” Sabi ko habang pinapatag ang malapad na pasta na ginagamit para sa paggawa ng lasagna. Yes, lasagna ang lu-lutuin ko dahil iyon ang paboritong pagkain ni Klein, ang aking butihing asawa.
“Ewan ko sa’yo Crista. I’ve been telling you since last month na niloloko ka lang ng asawa mong ‘yan. One year pa lang naman kayong kasal, bakit hindi mo hiwalayan? I’m sure you’ll have plenty of options, and syempre, mas better pa.” Umirap siya at sinimulan ng lagyan ng ricotta filling ang piping bag na gagamitin ko para sa lasagna. Matagal ko na rin namang iniisip ang mga sinasabi na iyan ni Gianna. Nagsimula kasi lahat ng iyan noong nakita kong may hickey si Klein na hindi galing sa akin. Bilang butihing asawa nga si Klein, hindi daw iyon hickey, dahil pasa daw iyon.
“Mahal kita Crista alam mo yan. I’m just looking out for you. But if you really think na hindi talaga, then gora mo na yan. Though, sabihan mo lang ako kung gusto mo lagyan ng lason to kasi, gagawin ko talaga, chariz!” Sabi ni Gianna at humagakhak. Pinalitadahan ko na ng tomato sauce ang unang layer ng pasta at siniguradong lahat ng sulok at may sauce. Napangisi ako sa biro ni Gianna. Kahit kailan ay hindi ko iyon magagawa kay Klein dahil mahal ko siya. 133Please respect copyright.PENANAOSwSH15pRO
133Please respect copyright.PENANAkNWi01UkFr
Saan kaya galing ang mga kamatis na ginamit sa sauce na ito? Napaka pula naman nila, parang...dugo.
133Please respect copyright.PENANAa6syNbdOzX