Hindi ako mahilig magbasa ng libro.
Alam ko ang YA, General fiction, Sci-Fi, Harry Potter, Twilight, Percy Jackson , Perks of Being A Wallflower, 50 Shades of Grey, David Levithan, John Green, Haruki Murakami, Paulo Coelho, Carl Jung, Wattpad, Inkitt, Archive of Our Own, at iba pang nag-o-offer ng mga online (or offline, softbound at hardbound books na nabibili sa murang halaga) at marami akong natutunan. Napag-isipan ko lang ayoko pala ng maraming nababasa na libro dahil parang pare-pareho na lang ang laman. Syempre dahil 'yun ang tunay na buhay, reyalidad na may kaunting exaggeration para mas exciting at para lumawak ang imahinasyon ng mga mambabasa. Ok naman, totoo yun at wala sa isip ko na mang-offend ng readers at writers. Hindi ko ugaling mambasag ng trip ng iba dahil alam ko ang pakiramdam kapag napasok na ng iba ang mga trip mo sa buhay.
Napa-isip lang ako kung mas marami ba akong babasahing libro tatalino ako o magnumukha lang akong tanga at katawa-tawa dahil hindi ko nai-apply sa pang-araw-araw na existence ko dito sa mundo? Paano at saan ko magagamit ang mga nabasa ko? Kanino ko gagamitin? Lalayasan ko ba ang pamilya ko para matupad ang pangarap ko?
Hindi ko naman kailangang gawin 'yun, may tamang oras para dun. (Maling mindset, Tama?)
Maraming paraan, may podcasting, YouTube, mga book reviews online at ibang marami pang iba. Try mo one time para (baka o sana) may ma-discover ka pa na makakabuti para sa sarili mo at mahanap ang purpose mo dito sa mundo habang humihinga ka pa. At maraming ma-encourage na magbasa lalo na 'yung mga hindi nabigyan ng chance na makapag-aral dahil sa maraming dahilan isa na ang kahirapan.
At hindi ko rin naman ie-encourage ang mga 'bata' na gayahin nila kung anuman ang napanood, nabasa o narinig nila dahil may sarili silang pag-iisip at (sana) natuto na sila sa mga pagkakamali ng nauna sa kanila at (sana) makita nila kung ano ang naging epekto ng mga naunang pagkakamali para hindi na pamarisan ng mga sumunod at susunod pa sa kanila para may ibang resulta na (sana) para sa nakabubuti para sa kanila at maging sa marami.
So, yun lang. Napadaan. Random thoughts habang nagbabasa ng libro. 😏😏😏
587Please respect copyright.PENANA0OzOJ4sCpt