Hindi talaga ako nagsusulat ng tula.
Isang gabi, nakapanuod ako ng isang pelikula na pinamagatang, “Gusto Kita With All My Hypothalamus”. May isang karakter doon na pipi at isang magnanakaw na pangalan ay Obeng. Sa kanya nagsimula ang lahat. Walang salita siyang ginagamit. Galaw ng katawan. Dahil din sa kanya nabuo ko ang pinakaunang kong tula sa tagalog.
Dumaan ang mga buwan at parang naging theraphy na din ang pagsusulat ng tula sa tagalog. Hindi ko alam. Kapag hindi ko masabi, isusulat ko na lang. I-po-post sa Facebook and then, repeat.
May nagsabi sa akin na bakit hindi ako bumuo ng isang koleksyon ng tula. Wala namang masama. Sinubukan ko parehas na proseso pero sinubukan ko din ipasa sa mga literary page sa social media para malaman ko kung pasado. Validation. Parang ganun.
Hindi ako nabigo. Maganda ang reaksyon sa mga tula. Hanggang sa kaarawan ko, nilabas ko ang koleksyon sa Wattpad. Hindi mahilig sa Wattpad pero for me to reach more audience. Naks.
So bakit nga ba ”Sa Aking Mga Kumbulsyon“?
Para sa akin, ang kumbulsyon ay paraan ng katawan para sabihin na meron itong nararamdaman. Ang paggawa ko ng tula ay ang naging kumbulsyon ko para ilabas ang mga bagay na mahirap sabihin.
ns 15.158.61.12da2