Ngayon ay panibagong araw, ala sais na at heto ako naghihintay sa pagdating ni Phoebe. Monday nanaman kaya heto kailangan nanamang maglaan ng halos kalahating araw para matapos nanaman yung mga bagong gagawin.
Ngayon din pala namin ipapasa yung group work. Ito ang pinaka ayaw ko, ang maging leader ng group at lahat sila hindi gagawa maliban sa close ko na tutulungan ako.
Nagsisimula nanamang maging mainit. Buti nalang nasa silong ako ng tindahan kundi masusunog at magiging haggard na agad ako. Napakatagal ni Phoebe eh sasakay pa kami ng tricycle para mabilis makapunta don.
Napag isipan ko na lumipat sa malapit sa dinadaanan ni Phoebe. Umalis ako sa sinisilungan ko at ginamit ang kamay ko upang takpan ang mukha ko at makita ko ang pupuntahan ko.
Nakailang hakbang palang ako ng maramdaman kong wala na ang init na hatid ng araw.
Nilingon ko kung sino ito.
"Seth." May dala siyang kulay asul na payong.
Naka uniporme ito ng pang eskwelahan at bagong paligo base sa style ng buhok niya naka tagilid. Kahit kahapon ay nakita ko siya pakiramdam ko ay ngayon ko nalang sya ulit nakita.
"Ang init init hindi ka man lang nagdadala ng payong." Bungad niya.
Naamoy ko ang hininga niya na amoy toothpaste. Ito ang isa sa nagustuhan ko sa kaniya, hindi niya nakakalimutang alagaan ang sarili niya. Kahit madami siyang trabaho, malinis pa rin siyang tignan.
Inilagay ko sa likod ng aking tainga ang buhok ko na humaharang sa mukha ko. Kita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Ang tagal kasi ni Phoebe eh." Sagot ko.
Totoo naman male- late pa yata kami dahil sa kaniya.
Ang kanina niyang tingin na nasa akin ay nalipat sa nasa likod ko. "Ayan na pala siya." Aniya kaya napalingon ako.
Kumakaway si Phoebe sa amin at malapad ang ngiti na nakapaskil sa mukha.
Tumakbo siya papalapit sa amin at una niyang binati ay si Seth. Parang hindi ko siya hinintay ha.
Binalingan ko ng tingin si Seth
"Oh." Wika ni Seth at binigay ang payong niya.
Nagulat ako sa ginawa niya. Bakit niya ibibigay sa akin?
"Una na ako, Jeny." yon naman ang pagpapa alam niya sa amin.
Tumatakbo siya Habang papalayo sa amin. Kala ko pa naman ay magsasabay kami dahil sa nakita niya ako. Baka may trabaho pa siya.
Tama, busy siyang tao at may pinapakain siyang pamilya. Friends lang kami, I mean parang ganoon na nga.
"Kala ko ihahatid ka niya." Saad ni Phoebe habang papasakay kami sa loob ng tricycle.
Inikutan ko lang sya ng mata dahil umasa din ako. Nag akala din ako.
Inabot ni Phoebe ang bayad niya sakin. "Manong sa Carlos National High School." Wika ko sa driver na pinaandar na ang sasakyan.
"Sakit noh? Umasa ka kase eh." Pang aasar ni Phoebe kaya mas lalo ko lang naramdaman ang disappointment.
"Dumating ka kase." Bawi ko at inkutan ko siya ng mata.
Tinawanan niya lang ako at paulit ulit na inasar dahil umasa ako sa lalaking sinabi kong gusto ko.
Nakakainis. Tama, hindi naman dapat ako umasa sa kaniya. Unang una wala siyang alam, pangalawa mukha akong baliw kung malalaman niyang natitipuhan ko siya at baka magmukha akong masama.
Nakarating kami sa school na kinakantahan niya ako ng tungkol sa paasa at umaasa. Nagbayad ako sa driver at agad naman itong umalis na makuha ang bayad.
"Tumigil ka na nga! Nakakarindi ka." Sita ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.
Sinagot niya lang ako ng isang linya ng isang kanta.
"Bakit mo ako pinaasa?" Kanta niya sa isang boses na may pakulot kulot pa.
Inunahan ko siya sa paglalakad at hanggang sa pagpasok ay nandoon pa rin yung di niya kagandahang boses.
Ang iba ay tinitignan na siya, mayroon ding bumabati sa kaniya dahil kilala siya ng mga taga ibang grade level.
Lumiko ako para hindi niya ako mahanap. Umakyat ako at dumiretso sa classroom.
Medyo madami na din ang mga tao doon at nakaupo sa mga lamesa ng upuan.
Nakagroup talaga sila pag umaga. Chismisan time.
"Ako na pala magpapasa ng group work natin." Anas ni Jessia.
Umagang umaga ay pulang pula ang labi nito pati ang pisngi na parang kanin na nilagyan ng hotdog.
"Anong group work natin Jessia? Wala kang ambag remember? Anong silbi ng pagpapasa mo eh hindi ko naman nilagay ang pangalan mo dito?" Hindi ko mapigilang mainis sa kaniya.
Ilang beses naming kinontak yan last week puro siya excuse, edi gagawin ko ding excuse yung excuse niya.
Isa siya sa mga ayaw kong kagrupo dahil bukod sa ayaw ko ng characteristics niya ay ayaw ko rin sa way ng pakikisama niya, she's one of the bullies of Seth.
The 2 had an issue pero walang nakaka alam kung ano ba talaga ang totoo.
"Ako na sabi ang magpapasa, ilalagay ko na rin ang pangalan ko." Pilit niya at nilahad ang kamay, umaasa na makukuha niya sa akin ang pinaghirapan naming activity
"Asa kang ibibigay ko yon sayo." Wika ko at umupo sa upuan ko na malayo sa kaniya.
"Ano ba! Jenny! Sabing ibigay mo eh!" Pilit niyang muli at naka cross arms sa harap ko.
Buti nalang ay pinapasa ko na kay Phoebe yung gawa namin. Kilala ko na yang ugali niya. At dapat lang talaga na hindi siya kasama, ganiyan naman talaga ang gawain niya sasabihin wala sa kanila, hindi siya makakapunta, at the end ang sasabihin niya ako nalang ang magpapasa.
Hindi nakakatuwa ang ugali niya na ganiyan at dapat matuto siya sa pagkakamali niya na hindi pa rin matapos tapos sa buhay niya.
"Pinasa na ni Phoebe." Pagputol ko sa ano pa mang lalabas sa bibig niyang madumi.
"Kung may galit ka sa'kin sabihin mo! Hindi yung hindi mo ako ililista sa gumawa!" Sigaw niya kaya tinitigan ko siya habang nakaupo ako.
"Oh, may naitulong ka ba nung hinahanap ka namin??" Unang tanong ko sa kaniya.
Hindi siya umimik dahil totoo, tinataguan niya ang priorities niya sa school.
"Bakit di ka makasagot? Ako ba talaga yung problema na naghahabol sa mga katulad mo? O ikaw na hindi tumutulong?"
Bumibilis ang paghinga niya dala ng inis at galit sa akin, kita mo na ako daw ang galit pero mas kita sa mukha niya.
Ibabaling ko sana ang ulo ko ng hilahin niya ang buhok ko at pinagkakalmot ako.
"Tumigil ka na!" Sambit ko at hinawakan ang palapulsuhan niya upang tumigil siya.
Marahil dala ng galit ay mas lalong ayaw niyang bumitaw.
"Hindi ako titigil hanggat hindi mo ako nililista don!!"
Ibinaling niya sa ibat ibang direksyon ang buhok ko at hindi pa sana siya tumigil ng may tumawag sa kaniyang mga kalalakihan.
"Ano ba Jessia!" Suway sa kaniya ni Brody.
Isa siya sa mga itinuturing na kaibigan ni Seth. Palagi sila magkasama despite of madaming issues si Seth sa school.
Binitawan ako ni Jessia at tinulak kaya tumama ang likod ko sa lamesa ng upuan.
"Pakialamero ka Brody! Alam mo yon!" Usal ni Jessia
Napapikit nalang ako sa sakit at unti unting umatras.
"Baka nakakalimutan mo ang ginawa mo noon?!" Tumaas ang boses ni Brody at sinubukang hawakan si Jessia ngunit iniwas nito agad.
"At bakit?! Sino ka ba sa akala mo?! Dahil sa pagsama sama mo sa lalaking yan nagiging magka uri na-"
"Huwag na huwag mong pagsasalitaan ng ganiyan si Seth baka nakakalimutan mong isa ka sa dahilan!"
Ngumisi si Jessia at tila mas hinahamon pa si Brody.
"Sige! Sabihin mo at ng mas lalong masira yang tinuturing mong kaibigan."
Pinagmasdan ko si Seth na seryoso lamang ang mukha. Tila nagbago siya ngayon, malayo sa unang kita ko sa kaniya kanina at sa kung paano ko siya nakilala.
"Tama yan magsama kayo ng lugmok na yan at darating ang araw na magsisisi kang sumama ka sa hampas lupang yan." Saad ni Jessia.
"Bakit?! Tinanong mo na ba yang sarili mo kung hampas lupa ka din ba? O baka naman para na kayong daga?! Kayo at ang nanay mo ang nauna!"
Sumabog ang galit na pinipigilan ni Jessia at sinugod niya si Brody. Pinagsasampal niya ito habang tumutulo ang luha sa kaniyang pisngi.
Muling bumalik sa aking isipan kung bakit nga ba nila pinagkakatuwaan si Seth.
ns 15.158.61.45da2