Sa isang napakaaliwalas at tahimik na umaga, isang malakas na ingay ng dalawang taong nag-aaway ang naririnig mula ibaba ng kanyang kwarto. Si Emily, na nakahiga sa kanyang kama, ay nagising sa ingay ng mga ito. Dahil sa ingay, tumayo si Emily sa kanyang kama, tsaka dahan-dahan siyang lumabas mula sa kanyang kwarto at maingat na naglakad pababa ng hagdan.
Habang papalapit siya sa pintuan ng kusina, lalong lumalakas ang ingay na kanyang naririnig hanggang sa naging malinaw sa kanyang pandinig ang pagtatalo ng dalawang tao. Kaya nagtago siya sa likod ng pintuan upang pakinggan ang mga nagtatalo sa kusina.
Lalaki: "LUCILE!! Bakit hindi ka nagising ng maaga para magluto ng agahan?!!"
Lucile: "Sorry, Honey!! Napasobra ang tulog ko!!! H-Hindi ko sinasadya na magising ng late!!! Tsaka sobrang napagod din ako sa mga gawaing-bahay kahapon!!!"
Lalaki: "Hindi mo ba alam?!! May appointment ako sa aking kliyente ngayon!!!! At ayokong pumunta sa trabaho ng walang laman ang tiyan!!! Kaya lutuin mo na ang ulam ng MAKAALIS NA AKO!!"
Nilakasan ni Lucile ang apoy sa stove at mabilis nyang niluto ang kanilang agahan. Malungkot at tahimik namang nakikinig si Emily sa likod ng pinto ng kusina at napag-alaman niyang ang ate nyang si Lucile at ang boyfriend nitong si Ramon ang nagtatalo. Nang matapos maluto ni Lucile ang kanilang agahan, agad kumain si Ramon at nagreklamo pa ito sa lasa ng pagkain.
Ramon: "Anu ba to?!! ADOBO?!! NAPAKAALAT!!"
Lucile: "Eh pasensya na Honey!! Hindi ko natantya yung nilagay kong asin sa mechado!! Pinagmamadali mo kasi ako!!!"
Ramon: "Hindi mo natantya?!! Sinasadya mo ata?!!"
Lucile: "Pasensya na talaga!!! Hindi ko nga sinasadya!!!!"
Hanggang sa naubos ang pasensya ni Ramon at tumayo ito sa mesa tsaka niya sinigawan si Lucile habang dinuduro nya ito sa ulo.
Ramon (angry): "PINAGTATAASAN MO BA AKO NG BOSES HA?!! BAKA NAKAKALIMUTAN MO, NAKIKITIRA LANG KAYO NG KAPATID MO SA PAMAMAHAY KO!! KUNG HINDI MO AKO NAKILALA, HINDI MAKAKAPAG-AARAL SA ISANG MATINONG ESKWELAHAN ANG KAPATID MO!! KAYA MATUTO KANG GUMALANG SA TAONG SUMUSUPORTA SAYO!!"
Napaluha namang nakikinig si Emily sa likod ng pinto ng kusina habang galit si Ramon at pinagsasabihan ang kanyang ate. Hanggang sa nagsalita muli si Ramon.
Ramon: "MAKAALIS NA NGA, KAHIT KAILAN!! WALA KA TALAGANG KWENTA!!"
Sa sobrang galit, kinuha ni Ramon ang kanyang Business bag sabay padabog na umalis ng bahay.
Pagka-alis ni Ramon, mabagal na naglakad si Emily papasok sa kusina at nilapitan ang kanyang ate.
Emily (crying): "Ate? Ayos lang po ba kayo?"
Lucile (Sniffs): "Oo, Emily. Ayos lang ako."
Emily (crying): "Ate? Hindi ba nya kayo sinaktan?"
Lucile: "Wag kang mag-alala. Hindi nya ako sinaktan. Tsaka, kita mo naman. Wala ka naman nakikitang galos sa aking mukha, hindi ba?"
Emily (sniffs): "Ate? Bakit kailangan pa nating manatili sa kanya? Pwede naman tayong umalis kung gugustuhin natin, hindi po ba?
Sandaling hindi kumibo si Lucile ng marinig nya ang katwiran nito. Hanggang sa nagsalita pang muli si Emily.
Emily: "Kung hindi lang sana naaksidente sila Itay at Inay, siguro maayos pa ang buhay natin hanggang ngayun at hindi tayo nakikitira sa kanya."
Matapos itong sabihin ni Emily, naalala ni Lucile kung gaano kasaya at maayos ang estado ng kanilang pamilya bago maaksidente ang kanilang mga magulang sa karambola ng mga sasakyan, dalawang taon na ang nakakaraan. Napansin din ni Lucile na sinisisi pa ni Emily ang biglaang pagpanaw ng kanilang magulang dahil sa mahirap na sitwasyong kinalalagyan nila ngayon. Kaya ipinaintindi ni Lucile sa kanyang bunsong kapatid ang kanilang sitwasyon.
Lucile: "Emily, makinig ka. Hindi kasalanan ng magulang natin ang kanilang pagkawala, kaya wag mo silang sisihin kung wala na sila sa piling natin ngayon. Pero sa ngayon, kailangan natin si Ramon upang makaraos tayo sa pang araw-araw na pangangailangan natin. Tsaka kung hindi dahil sa kanya, hindi ka makakapagpatuloy sa pag-aaral, hindi ba? Kaya pagpasensyahan mo na rin sya kung ganun na lang ang pakikitungo nya sa atin."
Emily: "Pero Ate?! Bakit sa lahat pa ng mga lalaki sa mundo, sya pa ang pinili mong makasama?!! Hindi mo ba nakikita?! Minamaltrato ka nyang parang katulong!!"
Lucile: "Emily? Bunso, alam kong nag-aalala ka sa akin dahil sa klase ng pag-uugali na meron si Ramon. Pero sya lang ang may kakayahang tustusan ang mga pangangailangan natin dahil may maganda ang estdao nya sa buhay at isa din syang Branch manager ng isang Lending company. Kaya sya ang pinili ko. Pero, wag mo sanang isipin na hindi kita mahal ha? Mahal kita at kailangan mong makapagtapos ng pag-aaral kung gusto mong makaalis tayo sa pader nya."
Sandaling pinag-isipan ni Emily ang sinabi ng kanyang kapatid at napagtanto nyang may punto ito. Kaya humingi ng tawad si Emily.
Emily: "Ate, tama po kayo. Sya nga po ang nagtutustos sa mga gastusin natin at pati na rin sa pag-aaral ko. Pero wag po kayong mag-alala, mag-aaral po ako ng mabuti at kapag nakapagtapos po ako, maghahanap ako ng magandang trabaho para makaalis na tayo sa pamamahay nya. Tsaka sorry din po kanina kung nainis po ako sa inyo. Parang pinaktatakpan nyo po kasi sya."
Lucile: "Emily, hindi ko sya pinagtatakpan. Pero pakisamahan na lang muna natin sya habang nakikitira tayo sa pamamahay nya. Kaya magtiis na lang muna tayo habang hindi ka pa nakakapagtapos sa pag-aaral. Tsaka speaking of pag-aaral, kumain ka na ng agahan at maghanda ka na sa pagpasok sa eskwela. Baka ma-late ka sa iyong klase."
Emily: "Opo, Ate."
Matapos mag-usap ang magkapatid, agad kumain ng agahan si Emily tsaka sya naghanda sa pagpasok sa eskwela. Matapos makapaghanda at maisuot ang kanyang damit pang eskwela, agad kinuha ni Emily ang kanyang bag tsaka sya nagpaalam sa kanyang Ate at umalis ng bahay. Pagka-alis ni Emily, sumunod namang umalis si Lucile upang magtrabaho sa isang Mall bilang isang Sales lady ng isang sikat na tindahan ng sapatos.
Pagdating ni Emily sa Seladona Junior Science High School kung saan sya nag-aaral, nakita nya sa hallway ang ilang mga estudyante. Kasama na din ang tatlong babaeng naghihintay sa harap ng kanilang Classroom at binati nya ang mga ito.
Emily: "Good morning Nina! Good morning Claire! Good morning Althea!"
Nina: "Good morning din, Emily."
Althea: "Talagang pa isa-isa mo pa kami binati ha? Anung nakain mo at parang buhay na buhay ang dugo mo ngayon?"
Emily: "Wala naman, Alt. Excited lang ako sa araw na to."
Nina: "Talaga? Excited ka? O Excited ka lang makita yung mga crush mo?"
Emily (Blush): "Hindi ah!! Tsaka crush mo din sila, di ba Nina? Bakit sa akin mo ipinapasa ang pagkakagusto mo sa kanila?!!"
Nina (Blush): "Hoy!! Ikaw lang ang babaeng sobrang makabati ng "Good morning" sa kanila kapag dumadaan yung mga pogi sa hallway!!"
Althea: "Tumigil na kayo!! Pag-aawayan nyo pa yung mga lalaking iyan!! Tsaka nakikita kong paparating na yung dalawang mga bastos!!"
Napatingin sa direksyon ng Entrance ng eskwelahan sila Nina at Emily kung saan nakatingin si Althea. Masama naman ang naging tingin ng dalawang babae matapos makita ang dalawang lalaking naglalakad sa hallway.
Lalaki1: "Uy!! Good morning girls!!"
Lalaki2: "Na miss nyo ba kami?! Pero kami, namiss namin kayo ni Utol."
Althea: "Walang Good sa Morning kung kayong dalawa ang nakikita namin sa umaga!!!"
Nina: "Oo nga!! Walang araw na maganda sa aming mga babae kapag kayo ang nasa paligid!!!"
Emily: "Allen at Allan!! Tumigil na nga kasi kayo sa pambabastos at paninilip sa CR ng mga babae!!"
Kilala sa bansag na Pervert twins sila Allen at Allan dahil sa mga kalokohang paninilip ng dalawa sa CR ng mga babae. Kaya halos lahat ng babae sa kanilang eskwelahan ay galit sa kanila. Ngunit balewala ang galit ng mga babae sa kanila dahil parang nag-eenjoy pa ang kambal sa kanilang ginagawa.
Allan: "Gusto nyo kaming tumigil sa paninilip? Sige!! Titigil kami."
Allen: "Basta't ipakita nyo sa amin ang ilalim ng palda ni CLAAAAAAAAIIIIIREEEEEE!!"
Claire: "Huh?!! ANU?!!"
Biglang sinuntok ni Althea sa mukha ang dalawa sabay pinagtatadyak ang sikmura ng mga ito kung saan nawalan ang kambal ng malay.
Althea: "Asa pa kayo mga Gunggong!!!"
Lingid sa kaalaman ng lahat, tanging si Claire ang natitirang babae na hindi pa nasisilipan ng kambal. Kaya ganun na lang ang pagnanais nilang masilipan si Claire.
Nina: "Kaya nga!! Asa pa kayo!!"
Claire: "Huh?! Kit?! Kanina ka pa ba jan sa likod ko?!"
Nagulat si Claire ng mapansin nya ang isang kaklase nilang lalaki na tahimik na nanonood sa kanilang likod. Napalingon naman sila Nina, Emily at Althea sa direksyon ni Claire at maging sila ay nagulat.
Althea: "Teka?!! panu ka nakarating jan sa likod ni Claire?!!"
Emily: "Oo nga!! Kit!!! Saan ka dumaan?!!"
Nina: "Kit!! Hindi kaya, isa kang buhay na pruweba na nakapaglalakbay ka sa iba't ibang dimension?!!!"
Hindi sumagot ang lalaking tinatawag nilang Kit. Sa halip, umupo ito ng nakakrus ang mga binti, binaliktad ang kanyang katawan at ipinatong ang kanyang ulo sa bag na nasa sahig habang nakasandal ang kanyang likod sa pader sabay pikit ng kanyang mga mata. Nang mapansing tila nagyoyoga ito, napangiwe ang apat na babae sa kaweirdohang ginagawa ni Kit.
Emily: "Grabe...Ang weird nya."
Nina: "Oo nga. Sinabi mo pa."
Althea: "Paano kaya sya nabubuhay sa mga kaweirduhang ginagawa nya sa buhay nya?"
Claire: "Wala din akong ideya."
Nina: "Pero hindi man lang nya tayo sinagot. Parang wala syang nakitang tao."
Althea: "Hayaan mo na sya, Nina. Wala namang makakapagsabi sa eskwelahan na ito kung bakit sya ganyan."
Emily: (Ang weird nga nya. Tsaka sayang naman ang itsura nya. Pogi pa naman.)
Claire: "Guys! May panganib..."
Nina (puzzled): "Ha?! Panganib? Anung panganib?"
Althea: " Tama ka nga, Claire. Panganib nga."
Muli na namang napatingin sa hallway entrance sila Nina at Emily sa tinitihnang direksyon nila Althea at Claire. Nakita nila ang grupo ng tatlong babae na may magagandang suot na mga kwintas, hikaw at nakamake-up, kasama ang malaking lalaki sa kanilang likod.
306Please respect copyright.PENANAligyRRuN5o
Tila nagbago ang ihip ng hangin ng makita nila ang mga ito.306Please respect copyright.PENANAIbAxHjT2zU