TORPE SERIES INTRODUCTION
A group of billionaire and handsome, young men in town and they are Aries, Kyle, Steven, Joseph, Charles, Kenneth, Calyx, Justine, Kiefer, Kevin, Andrew and Troy. They are the most sought after billionaires, also known because of the game, basketball and for being torpe.
"Life is boring with girls chasing us," ani Charles matapos nilang maglaro ng basketball.
Tumango si Steven bago sumagot, "I agree. I used to enjoy women's attention before. But now, I find it annoying,"
Kenneth raised his hand. "I have an idea," ani Kenneth na ikinalingon ng mga kaibigan. "Why don't we do something na hindi pa natin nagagawa?" suhestiyon niya pa.
Nagkatinginan sila na tila alam na ang sagot sa suhestiyon ni Kenneth.
Ano nga ba ang hindi pa nila nagagawa? Or let's just say, ano ang hindi nila kayang gawin?
To answer that, ang hindi kasi nila magawa ay ang 'manligaw' na dahilan kung bakit mas naging magkakasundo sila nang magbinata sila.
"No f*cking way!" Sabay-sabay na sagot ng magkakaibigan maliban kay Kenneth na tuwang-tuwa sa reaksiyon ng mga kaibigan.
"Mga torpe," tatawa-tawang asar ni Kenneth sa mga kaibigan na ikinalukot ng mga mukha ng mga ito.
"Nagsalita ang hindi torpe. Sige nga, court your secretary, Sophia," hamon ni Aries na ikinasimangot ni Kenneth.
"Why would I do that? And to Sophia? Out of all girls chasing us, si Sophia talaga?" litaniya ni Kenneth na pinagtawanan ng mga kaibigan.
Sa tagal ng kanilang pinagsamahan ay alam na nila ang paraan ng pagtanggi nitong manligaw sa isang dalaga at iyon ay ang pangunguwestiyon.
Nakangising bumaling si Joseph kay Kenneth bago nagsalita, "Why not? Sophia is not a bad choice. Maganda, mabait, matalino at masipag. What more will you ask for?"
"This is not fair! Ako, inuutusan niyong manligaw?! Tapos kayo walang nililigawan? This is f*cking unfair! All of you are ganging me up!" Naiinis na saad ni Kenneth.
"To make it fair, you court her once everyone of us starts courting someone... if that will happen," nakangising saad ni Troy na tatawa-tawang sinang-ayunan ng iba.
"We are known for being torpe, so kailan pa mangyayari iyon? Even our moms are teasing us because of that," iiling-iling na saad ni Andrew.
"Courting is not our thing. Bakit pa manliligaw kung puwede namang angkinin agad, hindi ba?" Nakangising saad ni Kyle na ikinatawa nila.
"We don't do courting, we only mark what's ours," sabay-sabay na saad nila at nagtawanan.
But destiny has it's own plan and this is just the beginning of their lives.