Yoshio Tomoe not a real name. Si Yoshio ay hindi totoong tao. Isa lamang siyang pangalan na binigyan ng personalidad. Isang salita na binigyan ng emosyon. Siya ay isang baguhan at walang karanasanan na manunulat na nais lamang magbahagi ng kanyang mga salita. Ang account na ito ay magsisilbi bilang outlet ng kanyang frustrations at kalungkutan, lugar kung saan malaya niyang maibabahagi ang kanyang saloobin at kasalanan. Subalit umaasa siya na mahanap ng ibang mga tao ang salitang hindi nila masabi, mahanap ang emosyon na hindi nila alam na nagtatago sa sulok ng kanilang puso, at damdamin na pinagkait nila sa kanilang mga sarili sa kanyang likha.
Si Yoshio ay isang instrumento para ipabatid na, Yes, I exist.