So second year highschool na-late ako ng enroll (financial problems, lam na dis) at sa pinasukan ko may am at pm classes. Sa pm class ako napunta.
First time ko na-experience yung Wala pa sa bente yung kaklase ko at madalas marami pang hindi pumapasok. So ang ending, walang teacher. Ang mga kaklase ko, nasa canteen, yung iba may dalang sariling libro (mga Harry Potter, Percy Jackson at iba pa na walang kinalaman sa academic learnings) at may iba na sa mall pumapasok at hindi sa school. Nagkatamaran na ba ang mga teachers namin na magturo ng wala pa twenty na estudyante? Totoo ang 'tsismis' na mga rich kids ang mga nasa pang-hapon na klase (nakita ko at nakilala ko sila) Halata sa behaviours at sa paraan ng pagsasalita ang malungkot lang, nalagyan na sila ng label na "mayaman lang pero utak walang laman", "bulsa may laman, utak sabaw naman" or "troublemakers" so paano nga gaganahan pumasok kung nahusgahan na sila kung hindi naman pinapasukan ng guro na siya (sanang) gagabay sa mga batang mali ang pagkakahusga? Or kulang sa attention na nakukuha (or ine-expect sana) sa mga parents or guardians nila, wala ring nakukuhang attention mula sa inaaaahan ng mga batang 'yun sa pangalawang magulang nila (dapat)? Kulang sa attention, kulang sa pang-unawa, walang compassion sa estudyanteng buo ang ibinayad pero hindi pinapasukan para magturo dahil sila ang dapat na gagabay para sa kinabukasan ng mga estudyanteng tinawag na troublemakers.