Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko. Medyo nag papanic na ako sa kinauupuan ko.
Lalapit na sana si Donghyun sa akin pero dali dali akong tumayo, pero biglang sumakit ang ulo ko dahil doon. Muntikan na akong matumba pero mabuti na lang at nahawakan ako ni Jeongmin at hindi natuloy ang pagkatumba ko.
"Uh, sorry." Dali dali akong lumayo kay Jeongmin at tumakbo papalayo sa kanila.
"Wait! Who are you?!" Pahabol na sigaw ni Donghyun sa akin. Pero hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin yung pagtakbo ko.
Nagising kaluluwa ko dahil dun ah!
Ilang minuto pagkatapos ko nahabol yung hininga ko ay tinanong ko yung babae na nasa desk kung nasaan ba talaga yung practice namin, pero sabi niya tama naman daw yung pinasukan ko kanina.
Baka lang daw nagkataon na naabutan ko yung Boyfriend doon kasi palaging ang aga pa nila mag practice.
"Who do you think that girl was?" Narinig ko yung boses ni Youngmin. Kasama niya yung ibang members. Palabas na sila, tapos na siguro yung practice nila.
Mabuti nalang at hindi nila ako nakita, kaya pagkalabas nila ng Building ay dali dali akong pumunta sa elevator para pumunta sa Dance Practice Room ulit.
Nung dumating ako dun, sinigurado ko na talaga na wala nang tao sa loob. Napahinga naman ako ng mabuti doon.
Maya-maya unti-unti nang nag aabutan yung mga kasamahan ko.
Hate ko talaga yung pagsasayaw pero keri lang 'to. Para sa pangarap ko, kakayanin.
After lunch, acting lessons naman ako. four hours yun, at isang oras naman sa singing lessons. Para lang daw yun mapractice ko pa at maimprove pa ng kaunti yung pagkanta ko.
Araw-araw ganyan yung schedule ko. At sunday naman ay free day ko. Kaya mayroon pa rin akong time na magpahinga at makausap yung mga magulang ko sa Pilipinas at syempre pati narin si Kaitlyn.
"Kamusta ka naman diyan girl? Nakita mo ba sila? Yung bilin ko na autograph ha? Wag mong kalimutan!" Excited at tuloy tuloy na tanong ni Kaitlyn sa akin.
"Kung alam mo lang kung anong nangyari sa akin noong second day ko dito." Ikinuwento ko naman sa kanya yung mga nangyari noong nakita ko yung Boyfriend.
At yung bruha, tawa ng tawa, ang epic daw kasi, sayang daw at hindi niya na video-han o di kaya nakita yung nangyari.
Gabi na nung natapos yung paguusap namin at pagkatapos kong kumain ng hapunan ay natulog na ako.
Umaga nun at nakabihis na ko nang may nag text sa akin.
No practice today bcoz tomorrow is our christmas party.
Kaya dumeretso nalang ako sa mall para gumala, simula kasi noong pumunta ako dito ay hindi pa ako nakapasyal.
"Excuse me, but can we take a picture with you and have an autograph?" Sabi ng babaeng lumapit sa akin. Namukhaan nila siguro ako. Kaya pumayag na rin lang ako sa kanila since hindi naman ako nagmamadali. Marami na din pala yung nakakilala sa akin, 'di lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa South Korea.
"Thank you!" Nag bow nalang ako sa kanila at nagsimula ulit lumakad. Bumili ako ng mga kailangan ko sa apartment ko at mga bagong damit para sa christmas party bukas.
Nagsna-snacks ako dito ngayon sa isang nagbebenta ng snacks and shakes malapit sa apartment.
Makikinig sana ako sa music pero ang hanapin ko yung earphones ko sa bag ko ay hindi ko 'to mahanap. Ano ba yan. Bigay pa naman yun ni Kaitlyn sa akin bago ako umalis.
Umuwi na ako pero iniisip ko pa rin kung nasaan ko kaya naiwan yun, nagamit ko lang yum recently eh, pero hindi ko matandaan kung kailan.
"Merry Christmas everyone!" sabay sabay na itinaas nila yung wine glass na kaya itinaas ko din yung akin.
Ilang metro lang ang layo sa akin ng Boyfriend at lahat lahat sila magkasama pero hindi ko sila malapitan. Sino kasi kaya ang hindi mahihiya sa nangyari noon?
Kumukuha ako ng juice sa mesa nang lumapit sa akin si Bora noona.
"You're the famous singer from the Philippines right?" tumango naman ako sa tanong niya, kahit na nahihiya ako sa kanya, duuuh, girl crush ko kaya siya! Ang ganda niya kasi at mabait plus magaling din siya sumayaw at mag rap.
"Why are you shy? Hahaha, it's just me..." kumuha din siya ng juice na nasa mesa.
"By the way, what's your name?" Uminom siya ng kaunti sa baso niya habang tinitignan ako.
"Shiana..."
"I'm Bora, you know me already, right?" Tumango naman ako sa tanong niya.
"Goodiee~ Well, i need to go now. Nice knowing you. We'll talk again next time. Okay?" Hindi ko alam kung bakit speechless ako ngayon, dahil ba ang ganda ni Bora o dahil ang bait niya lang talaga.
Pumunta naman siya sa Boyfriend. Dahil siguro gusto niyang kamustahin naman sila. Nagiging busy na kasi yung Boyfriend at Sistar sa kanya kanyang mga shows at comeback.
Natapos yung Christmas party ng maayos. Hindi rin ako nakita ng Boyfriend, haay, mabuti na rin siguro yun, baka kasi pagtawanan lang ako nun sa nangyari noon. Nakakahiya talaga tuwing naaalala ko yun.
Tuesday ngayon at binigyan kami ng 5 days na holiday para daw maka uwi kami sa mga pamilya namin. Pero ako syempre nakatunganga lang ngayon dito. Wala pa kasi akong pera para makauwi ng Pilipinas. Sina mama pa nga yung gumagastos ng mga pangangailan ko dito.
Wala rin naman akong ginawa maliban sa kumain, matulog at manuod ng mga korean dramas. Sigurado tataba ako neto.
"Kaitlyn! Happy New Year!" Bati ko kay Kaitlyn through skype.
"Happy New Year din!! Kumain ka na ba? Waaah. First tume natin 'tong hindi magkasama 'no? Haaay." Dere-deretsong sagot sa akin ni Kaitlyn.
Totoo rin yung sinabi niya, simula kasi noon magkasama kami kapag New Year. Close friends din kasi yung parents ko at parents niya kaya tuwing New Year andun sila sa bahay namin o 'di kaya sa bahay nila.
We're like sisters.
"Oo nga eh, nakakalungkot dito, ako lang mag isa aa apartment. Pero andito rin naman kanina yung ibang kapitbahay ko, nagbigay ng ibang mga kakanin."
Halos dalawang oras din kaming magkausap ni Kaitlyn at nina mama't papa bago ako magpaalam sa kanila.
Naglakad-lakad ako papunta sa park malapit sa apartment ko.
Mayroon kasing magandang fountain dun, for sure hindi na masyado marami yung tao doon kasi kakaNew Year lang at umuwi na sila sa kanya-kanyang bahay yung mga tao dito.
Gustong-gusto kong mag stay dito kapag hindi ako makatulog kasi hindi ka lang maaaliw sa magarbong fountain kundi dahil may music iton pinapatugtug na bagay na bagay talaga sa fountain na para bang sumasayaw ito sa tugtog.
Apat o limang mga kanta ang nagdaan bago ko maisipan na mag selca para may ipang message naman kina mama...
Habang pinapanuod ko yung mga nakuha kong selca ay may napansin ako.
Hindi ko alam kung siya ba yun talaga o hindi.
Kaya napatingin naman ako sa pwesto kung saan siya nakatayo sa selca ko.
Siya nga! Yung kaklase slash crush slash first love slash walanaakongmasabibastamahalkosiyanoon.
Nilapitan ko naman siya kaagad.
"Ui!" Panggulat ko sa kanya kaya napaharap naman siya kaagad sa akin.
"Oh Shay!" Bati niya sa akin nang namukhaan niya ako. Shay. 'Yan yung rason bakit na fa-fall ako sa kanya eh, he makes me believe i'm special to him.
"Bakit andito ka sa Seoul John Kenn Senotlos?" Sinamahan ko siya sa kanyang inuupo-an.
"Namamasyal-masyal. Christmas break sa Pilipinas eh."
"Ikaw lang mag-isa?" Curious kong tanong sa kanya.
"Ah. Oo. Hehe. Uyy, ikaw ha? Sikat ka na! Libre naman jan oh!"
Napatawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. "Trainee pa nga lang ako dito eh. Next year pa debut ko."
Tumango-tango lang siya as answer sa akin.
"Hanggang kailan ka dito?"
"Next week siguro, depende kung gusto kong pumunta sa North para magpakamatay."
Binatukan ko naman siya sa sinabi niya. Adik 'to ah.
"Ulol ka talaga kahit kailan."
Tumawa lang siya ng mahina. Napakatahimik talaga nitong si John Kenn.
"Saka nga pala, una na ako sa'yo ha? Parang inaantok na kasi ako."
"Hatid na kita." Tumayo rin siya kasabay ko.
Nasa kaliwa ko siya habang naglalakad kami. Hindi ko alam kung mabagal ba yung paglalakad namin o yung oras, dahil ang tagal namin bago makadating sa apartment ko.
Napangiti akong mag isa nang makita ko siya sa tabi kong nakapamulsa. He look so cool when he does that.
Kung gwapo siya noong high school kami ay mas gumwapo pa siya lalo ngayon.
"Alam mo ba yung daan pabalik sa kung saan ka nag sta-stay ngayon?" Tanong ko sa kanya nang nasa gate na ako.
"Oo naman. Sige, umakyat ka na." Sagot niya sa akin sabay ngiti na dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya noon.
Papasok na sana ako nang nagsalita siya ulit. Kaya lumingon naman ako sa kanya.
"Pwede ko ba makuha yung number mo at email address?"
Kumuha naman ako kaagad ng bussiness card ko at ibinigay sa kanya.
"Thanks!" Ngiti niya. "Sige, umakyat ka na ulit. Good night. Happy New Year"
"Neeh, Good night din, at Happy New Year."
ns 15.158.61.46da2