Manila, Philippines 2019 8+
601Please respect copyright.PENANAKUGhUvl0MR
Ika labing anim ng Nobyembre at hikahos na agad ang binatang si Raim. 27 anyos. Kagagaling lang nya sa Day off at wala na syang pasenyang simulan ang trabahong panggabi.
601Please respect copyright.PENANAouQzvBEE7w
Masakit ang katawan, mainit ang dugo na animo'y nagbabaga o kumukulong putik sa loob ng kanyang systema. Ilang araw na syang hindi nakakatulog.
601Please respect copyright.PENANANAXnB3bxMi
Buntong hininga syang lumabas ng silid.
601Please respect copyright.PENANAL45xJiNNjA
Tapos na syang maghanda para sa pagpasok sa trabaho.
601Please respect copyright.PENANAFRXeFRq6Ts
Tapos na rin ang mga ritual na itinutulak ng kanyang utak para ulit uliting gawin.
601Please respect copyright.PENANAMDHwBKz6aY
Ligtas ka na Raim.
601Please respect copyright.PENANAkJnT5ESNrY
Patay na ang kalan.
601Please respect copyright.PENANAAXCWNNrF2p
Patay na ang ilaw.
601Please respect copyright.PENANAii1s4OYWct
Nabilang mo na yung mga bariya sa bulsa. 1 0 1 0 1 1 1 1. Hindi tumigil ang utak nyang mag bilang.
601Please respect copyright.PENANAZAHr1zY1l0
1, 2, 3, 4. Huminga. 5. 1 1 0 1 1 1 0 1 Mga ilang beses na nyang dinalawang sipat kung naikandado nya ang pintuan. Ligtas ka na. Sabi sa sarili para paalisin ang mga walang basehang pangambang igigiit ng utak. Isa, dalawa, isa, isa.. patuloy na nagbibilang ang utak nya. Nagkukusa.
601Please respect copyright.PENANAXIL58VIZwH
Tagumpay nyang nilisan ang bahay, para salubungin ng mas mahirap na balakid.
601Please respect copyright.PENANALxh0zMBPgu
Kinakailangan nyang tahakin ang isang mahabang byahe.
601Please respect copyright.PENANAV5hlkOdLjZ
Mahaba ang listahan ng binata. Puno ng mga bagay na ayaw nya sa tuwing papasok ng trabaho, mula sa kaligtasan sa loob ng kanyang silid sa Las Piñas patungong Makati.
601Please respect copyright.PENANABIYqLYSExU
Elevator.
601Please respect copyright.PENANAHsQw7ZQtJv
Pagsakay sa crowded na bus, jeep, lrt, mrt.
601Please respect copyright.PENANAXw68lTFhbv
Makakita ng kumpol na tao sa kalsada na nakatingin sa kanya.
601Please respect copyright.PENANAIkFGgajhkn
Pinapataas nito ang alarma sa utak.
601Please respect copyright.PENANAqeQE7XI0bN
"Pa-cute". Isang grupo ng batang babae ang nagparinig sa binata. Grade 9. Mga Estudyante. Napansin ni Raim na intense na naman ang pagtitig nya sa mga nakakasalubong. Mabigat ang balikat at parang may cellophane ang mukha. Naninigas ang mga kalamnan sa palibot ng mata. Hindi nya makontrol ang mga compulsion na ito ng katawan. Compulsions na nakakaapekto sa ibang tao na syang dahilan ng kanilang mga negatibong reaksyon sa kanya.
601Please respect copyright.PENANAhS9Rms7atW
Defence mechanism. At ito ang pinaka nagbibigay ng sakit sa kanyang puso. Ang rejeksyon ng mga tao. 1 1 1 0 1 1 1 0 1 ...
601Please respect copyright.PENANAeMuxq8UE02
"ID sir? Bag inspection din po". Nahimasmasan sya ng marinig ang Security Guard sa bungad ng gusali kung saan sya nagtatrabaho. Isa sila sa mga nasabing mahabang listahan nya. Hindi siya galit sa tao, ngunit sa mga protocol na kanilang sinusundan. Kalimitan nyang nararamdaman o marahil ay ipinaparamdam ng kanyang utak na sya ay pinagsususpetsahang magnanakaw o masamang tao ng mga ito dahil sa intense na reaksyon. Isang histerikal na pangamba. Illogical. Hindi tuloy mapigilang isumpa ang sarili. O matakot sa sarili.. Lalo na't mas masidhi ang kanyang tic o compulsion sa araw na ito dahil sa mga nangyari 20 oras na ang nakalipas.
601Please respect copyright.PENANAdmUnO0SDnj
Marahil ay natuluyan nang nawala ang katinuan ng utak. Tahimik na naglalakad si Raim kahapon ng gabi ng maaninag nya ang liwanag.
601Please respect copyright.PENANAbBR8Efyd0S
Kalimitan syang gising ng madaling araw dahil sa maraming bagay. Trabaho, body clock, makaiwas sa mga tao... Malamig ang hangin at naaayun ito sa nalalapit na kapaskuhan na syang naging dahilan upang isipin ang mga plano nya sa nasabing okasyon... At hindi ito biglaan, pero hindi maitatangging nagulat ang binata sa unti unting pagsulpot ng aparisyon mula sa kawalan, kaya nabitawan ang mga biniling dalahin mula sa 7eleven.
601Please respect copyright.PENANA4sgOmoYHRm
"ID sir?". Bumalik na naman ang isip nya sa kasalukuyan. Malapit na sya sa gate at di nya pa nasusuot ang kanyang ID. Gulilat nyang ginalugod ang loob ng bag para hanapin ito ngunit tila naghahanap sya ng maliit na bato sa isang bilao ng palay. Inis nyang tinignan ang bulsa ng bagahe.
601Please respect copyright.PENANADnLVDvJ2lX
Ramdam na niya ang tingin ng mga tao. Ito ang pinaka ayaw nyang maramdaman. Ang maging sentro ng atensyon. Inis sya sa mga pagkakataong ito sapagkat para bang nananadya ang sanlibutan para magtagal sya sa ganoong sitwasyon.
601Please respect copyright.PENANAugJJ6OB17r
Nasaan ka na. Nasaan ka na!
601Please respect copyright.PENANAkk0vWbDtck
Kaginhawaan ang naramdaman ng makita na rin ang hinahanap.
601Please respect copyright.PENANA9wZtY91RQ6
Sa tuwa'y naitaas nya ang ID na animoy ulo ng napugutang kalaban.
601Please respect copyright.PENANATUpT126c2P
Nga lang, napalitan agad ng sindak ang pakiramdam ng mapansin nya ang isang lalaking nakatitig na sa kanya.
601Please respect copyright.PENANAx8gkLwM3BQ
5'7", may katangkaran na ito para sa isang pinoy. Pero mas matangkad ng bahagya si Raim. 5'10". May kaputian ang lalaki at sya nama'y kayumanggi. Naihalintulad din ng binata ang kanilang ilong. Hindi man matangos ngunit hindi rin sobrang pango.
601Please respect copyright.PENANAXl0puXFSrD
Sa distansya ng dalawa, masasabi ng binatang si Raim na ang lalaki ay may itsura dahil sa makinis nitong mukha, unat na maikling buhok, balbas na dugtong sa patilya at di man kamaskulado ay masasabi mong proporsyonado nitong katawan. Kabaligtaran ng kanyang kulot na buhok, walang balahibong mukha at sobrang matabang katawan.
601Please respect copyright.PENANAOefTGkIn2t
Nga lang ay hindi ito nakatulong para hindi matakot ang binata na ngayo'y nakapila na tungong loob ng gusali. Ang lalaki ay tila madumi o walang ligo. Meron din itong gusgusing damit. Isang taong grasa.
601Please respect copyright.PENANA7E2BkwMD1Y
Mas sumidhi ang pagtingin ng lalaki. Desperado sa atensyon ni Raim.
601Please respect copyright.PENANANvFSScOHod
"Ma'am sa kaliwang room lang po, para kumuha ng visitor's pass. Sa 4th floor kayu pupunta mamaya para sa aplikasyon nyo". Turo ng guard sa isang ginang.
601Please respect copyright.PENANAI0wmYNjH8h
Pinilit ni Raim tumitig sa sementong sahig ngunit ramdam nya ang tingin ng lalaki na tumutusok sa kanya.
601Please respect copyright.PENANApzufmuVe1V
Ipinikit nya ang kanyang mata. 1 1 0 1 1 0 1 1 1 1 .. Hindi ito nakatulong.
601Please respect copyright.PENANAZA2dh7dU0Z
Tila isa siyang tudlaan na pinagtutulungan ng lalaki at ng kanyang sariling utak. Walang takas.
601Please respect copyright.PENANAOBTABEVuIm
Umagos ang pila, humakbang ng tig-isa ang lahat sa unahan maliban kay Raim na syang ikinagalit ng iba sa likuran. Lalo nitong hinigit ang Atensyon ng mga tao sa palibot tungo sa kanya.
601Please respect copyright.PENANAb0Qfmm2eEs
Sumikip ang dibdib ng binata. 1 1 1 1 1 1 0 1 1 1 1 1. Kinailangan nyang uminom ng tubig para pakalmahin ang lalamunan. Kung hindi'y mahihirapan syang huminga. Hyperventilation. Nangyari na ito ng ilang beses.
601Please respect copyright.PENANAgiJwMBtyCK
Ngunit hindi nya magawa ang ka-simpleng bagay na abutin ang bote ng tubig sa loob ng kanyang bag.
601Please respect copyright.PENANANhs7GDMvbY
Naka-alarma na ang katawan nya sa lalaking nakatitig na parang leon. Nagmamasid sa kanyang pagkaing daga. At sya naman bilang isang prey ay nanlalamig lang na parang bangkay.
601Please respect copyright.PENANARqNGW3CE42
Nagbilang ng nagbilang ang utak ni Raim para mapakalma ang panic na nadarama. Ilan ang tuldok o uka sa pader? Ilan ang tiles sa sidewalk? Ilang ibon ang humuhuni?
601Please respect copyright.PENANAe50B5x8tpE
1 1 1 1 0 11 1 0 1 1 0 1 1 1 1 1
0 0 0 0 1 1 1 0 1 1 1
1 1 1 1 1
1 1 1 1 1 0 0 0 0 1 1 0 1 2 1 0 1 0 0 0
1 0 1 0 1 0 1 1 1 1
111
0
1
601Please respect copyright.PENANAB8mDlk9OhT
"Ugh". Ninais nyang takpan ang teynga ngunit wala naman itong maitutulong upang patahimikin ang sumisigaw na utak.
601Please respect copyright.PENANAcNqagxD5QH
Mamasa-masa ang paligid ng mata. Tuluyan na nyang ipinako ang paningin sa sahig.
601Please respect copyright.PENANAN4VWiV2pHj
"ID?" Tinapik ng guard ang kanyang kamay habang nakasimangot, nagsususpetsya sa wirdong kilos ng binata. Matapos ay iwinawasiwas ang hawak nitong patpat para ipabukas ang kanyang bagahe para usisain. Daling tumugon si Raim at tumakbo papasok at maligtas sa panganib.
601Please respect copyright.PENANAsoz5bzgsLP
Malamig sa loob ng malawak na elevator lobby. Modernong disenyo at puno ng wall cladding. Sapat na ang pampublikong parteng ito ng gusali na aluin ang sino mang hindi nakakaramdam ng seguridad laban sa mga sitwasyong tulad ng dinanas ni Raim. Isang binatang may OCD, blooming paranoia at social phobia.
601Please respect copyright.PENANARFCykyoj3F
Pakunwaring nag-focus si Raim sa paghihintay nya sa elevator. Ngunit matapos ang ikatlong pagbukas at pagsara ng automatic na mga pintuan ay animoy bato pa ring ninanamnam ng binata ang malamig na marmol na pader sa kanyang palad kung saan sya nakasandal.
601Please respect copyright.PENANADiYtEf3RJq
Dahan-dahan syang sumulyap sa likod kung nasaan ang matipunong taong grasa ngunit hindi na nya ito maaninag pa.
601Please respect copyright.PENANAUaINqr777c
Huminga ng malalim ang binata at nagkunwaring okay lang ang lahat.
601Please respect copyright.PENANAjqPfumkKW4
601Please respect copyright.PENANAIKnsFnpu90
601Please respect copyright.PENANAYYk9zipS41
601Please respect copyright.PENANAlEXHTRLMO0
###############################################
601Please respect copyright.PENANAAJmFzsoJQV
Dumaan na ang bagong araw at nagsisimula nang magtanghali at naghanda na si Raim para umuwi. Mangilang beses parin nyang naaalala ang nangyari papasok kagabi...
601Please respect copyright.PENANAPutifVWKnZ
Ngunit di sya magpapatinag sa pangamba sa kawirduhan nang taong grasa. Sa kadahilanang Ito ang pinakapaborito nyang parte ng araw ng mga oras na yun, sapagkat ilang minuto na lang ay makakatulog na rin sya.
601Please respect copyright.PENANATgGM0cUhAX
Dagdag pa na walang masyadong tao sa kalsada't kakatapos lang ng rush hour!
601Please respect copyright.PENANA6QaMnDCvuP
Ngunit bilang maingat na tao, walang plano ang binata na baguhin ang routine sa araw araw na paguwi..
601Please respect copyright.PENANAHN654Lsr2t
Dadaan sya sa mga sikretong bangketa o likuan kung saan walang tao. Mas mahaba man ang lalakarin ay sulit pa rin. Ang mahalagay maging komportable ang kanyang isipan. Ang masatisfy ang kaligtasang hinihingi ng kanyang mental illness. Nang kanyang OCD. Nang kanyang social phobia.
601Please respect copyright.PENANAcAVQY4p1Uo
Iba ang prayoridad ng mga katulad nya. At tyak syang walang normal na tao ang makakaunawa.
601Please respect copyright.PENANAWQ4It0V6xI
Iba ang mundo ko sa kanila.
601Please respect copyright.PENANAa6sa3SkSt9
Pagpapa-alala nya sa sarili. At sa kung ano mang rason, nagbibigay ito ng malaya o mapayapang pakiramdam.
601Please respect copyright.PENANAYDE4qNl7KG
Sa mga ganitong oras marami ang dumadaan sa East St. Tungong courtyard drive. Tinahak ni Raim ang basement one ng gusali, G5 para tumawid tungong G4. Nakaka-kilabot ang basement parking lot. Animoy isa ito sa mga lugar na makikita mo sa mga marahas na horror/action video games na tulad ng Silent Hills. Puti man ang pader sa pintura ngunit animoy grey ito dahil sa makapal na alikabok at namuong grasa mula sa mga tambutso ng mga nakaparadang sasakyan.
601Please respect copyright.PENANAuKFYtlPgM4
Kumikislap kislap ang liwanag ng flourescent lamp. Ibat-ibang anino ang bumubuo sa ibat-ibang hugis mula sa tambak na mga sirang appliances tulad ng office chairs at lamesa. Ngunit sanay na ang binata dito. Mas gusto nya ang katahimikang ng paligid. Ninanamnam nya ang kalmadong timbre ng mga HVAC system o malaking parte ng exhaust ng aircon ng gusali.
601Please respect copyright.PENANACBgPfO9R0K
------------------------------------------------------------
601Please respect copyright.PENANA41NcOG2XLG
601Please respect copyright.PENANALh4A65YDSc
Sinubukan ng binatang sumipol para lalong pasayahin ang magandang araw ngunit nabigo.
601Please respect copyright.PENANAkzxFX3Ttuu
Una'y hindi sya marunong..
601Please respect copyright.PENANAC3384iEepv
at pangalawa'y nagulat sya sa aparisyon sa dulo ng kanyang daan.
601Please respect copyright.PENANADp7XALxc6u
Isang mala sepyang anino ang bumuo sa isang malaking Lalaki.
601Please respect copyright.PENANAq5af1J1Ffo
601Please respect copyright.PENANAIsrzVLZ1oC
601Please respect copyright.PENANAkp6jLWib4N
###############################################
601Please respect copyright.PENANAbFbBsGbCZc
Sa bawat paghakbang ay mas naging malinaw na ang anino sa daan ay ang parehong lalaki kagabi.
601Please respect copyright.PENANA45KtIIIWno
Maraming emosyon ang bumalot kay Raim ngunit mas nangibabaw ang pagkapagod at poot sa mga ganitong sitwasyon.
601Please respect copyright.PENANAyp1DFaFzs6
Ilang beses na nyang napagdaanan ang mabully, naholdap, magantcho o manakawan.
601Please respect copyright.PENANAlZxMs7tZlT
Isa syang easy target. Mahinang nilalang. At pagod na sya rito.
601Please respect copyright.PENANA0h0KZu2tlG
Mahigpit na hinawakang ang bag, itinago ang wallet sa kailaliman sa loob. May vendetta nyang sinugod ang pintuan palabas kung nasaan malapit ang aparisyon ng kanyang galit.
601Please respect copyright.PENANAH2pH6m6BdO
Ipinangako sa sarili na gaganti sa kung anu mang ipukol sa kanya. Na papatay kung kinakailangan. Wala syang takot sa siriling buhay sa tagpong iyon. Puno ng motibasyon ang binata mula sa mga nagsama-samang sama ng loob ng nakaraan.
601Please respect copyright.PENANA0L9SJYeSJC
Papalapit ng papalapit, pahigpit ng pahigpit. Nanggagalaite..
601Please respect copyright.PENANAMwoxJZmBHQ
Ngunit sa bawat hakbang ay mas lumilinaw ang imahe ng lalaki. At marahil sa ito ang unang beses na talagang nasilayan ang lalaki'y nakita ni Raim ang tunay na depinisyon ng anino.
601Please respect copyright.PENANAUydqFqgA4Z
Biglaan'y hindi na sya siguro sa nararamdaman..
601Please respect copyright.PENANA8u7f3giG44
Isang mama ang napadaan sa gilid ng taong grasa mula sa pintuan sa kanyang tabi at nakita ni Raim kung paano ito nangatog o napakislot.
601Please respect copyright.PENANAG6YNyNnJa5
Ang maputing balat ay maputla pala. Pawisan, hindi mapakali o may nerbyos. Intense ang pagtingin ngunit blanko ang mata na parang nagsusumamo.
601Please respect copyright.PENANAqGMfnnqVQf
Napalitan ng awa ang puso ni Raim.
601Please respect copyright.PENANAd6HoOsK9a9
"Anong diagnosis sayo ng doctor mo? At bakit mo ako sinusundan?". Tanong ni Raim ng marating ang harapan ng lalaki.
601Please respect copyright.PENANATGwltz7Wro
Social phobia kaya? Tanong sa sarili.
601Please respect copyright.PENANA89ihsmXdAG
"Member ka ba ng ADSP?" Pasunod nyang tanong ng hindi sumagot ang lalaki.
601Please respect copyright.PENANAGfFxvmXKo6
Naglayas kaya? Haka-haka ni Raim.
601Please respect copyright.PENANAyGCHK4AQ21
Ilang beses na rin nyang nagawang tumulong isa ibang myembro ng kanilang groupo. Karamihan sa kanila ay lumayas o pinalayas.
601Please respect copyright.PENANAxhbITfTdw6
Pinalayas dahil pabigat na o kaya'y kinakatakutan na.
601Please respect copyright.PENANA83QKrQ5nj5
Lumayas dahil hindi na sila ligtas sa sariling bahay. May ilang kaibigan na syang ikinakadena o tinatago ng magulang dahil sa kahihiyan o takot. Napailing si Raim sa kung gaano ka ignorante ang mga pinoy sa pagtrato sa mental na karamdam sa panahong ito ng modernong medisina.
601Please respect copyright.PENANAab7KmzNimO
Tumitig si Raim sa sahig para magisip. Dumami na ang mga taong dumadaan sa tabi nila. Break time na. Napuna ng binata kung gaano kawalang kibo ang lalaki. Animoy nagninilay para panatilihin ang sariling bait. O ano mang oras ay madudurug sya na tulad ng kumpol ng buhangin sa dalampasigan mula sa nasirang kastilyong buhangin.
601Please respect copyright.PENANAWZYp7nwJSV
At sa kabila ng paghihinagpis na yun ng lalaki, ay tila isa lang syang aparisyon sa mga nagdadaang tao.
601Please respect copyright.PENANAtLTNyvMIeX
Walang pumapansin.
601Please respect copyright.PENANAEyiPKi127j
Nakapagdesisyon si Raim.
601Please respect copyright.PENANAbS5mR4QxaH
"sir". Buntong hiningang hamo ng binata at inabot ang kamay sa taong grasa.
601Please respect copyright.PENANAxYRXCB3o9S
601Please respect copyright.PENANAE6f22PYTSs
601Please respect copyright.PENANA6j46yoIEhK
###############################################
601Please respect copyright.PENANAKl6nUWBS73
Sa kanyang bahay, matapos nilang makauwi. Hindi makapaniwala si Raim kung gaano sila magkapareho ng lalaki.
601Please respect copyright.PENANA23uKi3cK2z
Di man sila naguusap ay naobserbahan nya ito.
601Please respect copyright.PENANAtOJ4KXWAie
Pareho ang reaksyon nila sa mundo, kaya naging malaking tulong sa lalaki ang mga ruta na dinaanan nila sa pagbyahe. Sa tagpong ito naipaalala ng lalaki na hindi nagiisa si Raim.
601Please respect copyright.PENANA99UDUkf7uz
"Salamat Raim". Tugon ng lalaki. Animoy nag-180 degrees ang personalidad nito. Nanghihina pa rin, ngunit nawala na ang kaputlaan. Normal ito para sa katulad ng kaso nya na may phobia sa mga tao. Sa huli'y isa lang syang normal na tao, na dinapuan ng karamdamang Social Anxiety.
601Please respect copyright.PENANAFUcJokwOii
Ang problema'y ang kanyang pagkapamilyar sa pagkatao ni Raim.
601Please respect copyright.PENANABD28flojiC
Gusto sana nyang itanong muli kung paano nito nalaman ang kanyang pangalan. Marami syang gustong itanong. Pero makapaghihintay ang mga bagay bagay. Alam nya ang prayoridad sa mga tagpung iyon.
601Please respect copyright.PENANAjrKiP2Qhes
Sanay na syang tumulong sa mga myembro ng grupo. Alam na nya ang mga dapat gawin.
601Please respect copyright.PENANAqs6HGTqZmD
"Hmmm... Hindi muna kita uusisain sa kung anong nangyayari. Alam kong ilang araw ka nang walang kain at ligo. Pero isa lang ang hiling ko. Wag-".
601Please respect copyright.PENANAPGq67WvNJa
"Pangako kong hindi gagawa ng mga bagay na makaka apekto sa mga Complusyon mo". Pagputol ng lalaki.
601Please respect copyright.PENANA6KIvELDB8j
"Ako si Mauricio Patanghoy. Maraming salamat". Pagdugtong nito. Namamasa ang paligid ng mata. Nalaman din ni raim na ang lalaki ay 21 pa lang.
601Please respect copyright.PENANAjdeumDnF4t
"Compulsions". Pagtatama ni Raim kay Mauriscio, habang umiiwas ng tingin. Isa sa listahan nya ang eye contact. Pero higit sa lahat ay ayaw din nyang makita ang emosyunal na mukha ng lalaki sapagkat baka maapektuhan sya nito.
601Please respect copyright.PENANAGvFMsHnPTu
Pinaghainan ni Raim ang bisita. Sumubok itong tumulong sa kanya ngunit tumanggi sya. Kinailangan ng lalaki ang magpahinga. Inutusan na lamang nya itong maligo.
601Please respect copyright.PENANAJ8S3MlAMOY
Kakaiba, sapagkat hindi pamilyar si Mauricio sa paggamit ng shower o flush. Nanlaki rin ang mata nito ng makita ang kanyang cellphone at laptop.
601Please respect copyright.PENANAOunU3JZ2a2
Tila nabuhay ito sa sinaunang panahon. Marahil ay hindi sya nalantad sa mga ganitong bagay. Lalo na kung ang nagdaang buhay nya ay sa loob ng isang kulungan.. mental na ospital, o baka sa basement ng kanilang bahay. Paghahaka-haka ni Raim.
601Please respect copyright.PENANAQnRyzy7Ifl
Ng matapos ang araw ay napagdesisyunan nilang tawagin si Mauricio sa palayaw na Mao.
601Please respect copyright.PENANAXPUWiaNBXs
601Please respect copyright.PENANA2DzMoQ8Zcy
601Please respect copyright.PENANAp2GhS7dwCY
601Please respect copyright.PENANAOFslf9NqQc
###############################
601Please respect copyright.PENANAb5adKzxoEu
Masipag pala si Mao. Alam nya ang mga gawaing bagay maliban sa paggamit ng microwave. Tila takot sya rito.
601Please respect copyright.PENANA7kQbSwuYFo
Hindi sya masalita. O hindi talaga nagsasalita. Lagpas na ang apat na linggo at hindi pa rin kilala ni Raim ang kakuwarto.
601Please respect copyright.PENANALxDxbu40hn
Pero masaya naman sya na naging istable na ang kaisipan nito. Minsan ay nahuhuli pa nya itong ngumingiti sa mga bagong tuklas sa loob ng kanyang bahay.
601Please respect copyright.PENANAMt9MnKDtJq
Nga lang ay ni minsan ay hindi ito lumabas. At hindi ito mabuti para sa lalaki. Kailangan nya ng expossure sa mundo o habang buhay na nyang tataguan ito.
601Please respect copyright.PENANAhbvYjf9IAu
Nagaalala din sya tuwing gabi. Sapagkat hindi ito nakapagbibigay ng katahimikang kinakailangan ni Mao para maghilom.
601Please respect copyright.PENANAhz9mH99FUO
Kalimitang nagigising si Raim sa ungol ng lalaki. Kalimitang nagigising si Mao dahil sa takot sa kung ano mang napapanaginipan. Matapos ay magkakaroon sya ng sinat na mala mahikang nawawala sa umaga.
601Please respect copyright.PENANAiEQyL6QvcG
Nauuwi ang mga gabing iyon, sa pagaalala ni Raim sa kanilang dalawa. At kung ito na ba ang magiging buhay nya mula ngayon.
601Please respect copyright.PENANAj044Flad0t
Takot sya sa responsibilidad.
601Please respect copyright.PENANAvDeWIvFQfT
Walang ka myembro ng kanilang grupo, ang Anxiety, Depression and Social Phobia ( isang lihim na grupo ng mga tulad nilang may mental na karamdaman) ang nagtagal ng ganito sa bahay ng nya.
601Please respect copyright.PENANAb2Rn9mojAu
At kahit pa sa kung anong kadahilana'y naging panatag agad ang loob ni Raim kay Mao..
601Please respect copyright.PENANAaBLizPkp3u
O kahit pa na malaking tulong ang lalaki sa gawaing bahay.
601Please respect copyright.PENANA9MEcwnrifm
O kahit pa na sanay na syang nakikita ang lalaki sa araw araw na pag-uwi na syang nakakabawas ng pagod nya sa trabaho'y hindi pa rin nito maaalis ang takot..
601Please respect copyright.PENANAyEVRaQzfS4
Hindi nya kilala ang tao.
601Please respect copyright.PENANAAFXJwoxY5K
Isang parte ng kanyang utak ang sumisigaw ng "entremetido" at tumuturo sa lalaki na muli'y umuungol sa kanyang banig sa kabilang dako ng silid.
601Please respect copyright.PENANATo2080UkA0
Entremetido, isang tao na walang paalam na pumapasok sa pribadong lungga ni Raim.
601Please respect copyright.PENANA4k6NcHXi1O
Isang Intruder.
601Please respect copyright.PENANAmrPrQszcvS
601Please respect copyright.PENANAidUIP9aGSk
601Please respect copyright.PENANAGEsyQ8WkgZ
601Please respect copyright.PENANAwhaGrLTrGv
###############################
601Please respect copyright.PENANARM36MrFxWs
"Saglit". Pagaalo ni Raim kay Mao. Pinapatahan gamit ang malalim at banayad na timbre ng kayang boses na para bang nangungusap sa isang sanggol.
601Please respect copyright.PENANAO8EkmYagWD
"Ina!" Ito ang isa sa mangilan-ngilang beses na nagsalita ang lalaki mula ng matanggap sa bahay na ito. At nagiindika kay Raim na ang gabing iyon ay di tulad ng mga nakaraan.
601Please respect copyright.PENANAq50fKutntb
Hindi panaginip, ngunit bangungot ang nangyayari kay Mao.
601Please respect copyright.PENANASP6Xyqvujv
"Mao.. Mao!" Walang reaksyon.
601Please respect copyright.PENANAgYNqGXKtSe
"Si Raim ito.."
601Please respect copyright.PENANAN10HoIbhoB
"Ina.. Ina!" Biglang nag kumbulsyon ang lalaki. Halos nakakapaso ang balat sa init. Ayaw magising, na syang ikinatakot ni Raim.
601Please respect copyright.PENANAOCckLY3Whc
Madaling araw noon at sila lamang ang tao sa mundo. Hindi nya makolekta ang sariling pagiisip.
601Please respect copyright.PENANAJU7pqwN1zn
1 1 1 0 0 0 1 1 0 1 0 1 1
601Please respect copyright.PENANAjteDn111QT
Yumanig ang mundo, ang paningin ni Raim.
601Please respect copyright.PENANAjdUevi2EBI
Inatake sya ng compulsion na magbilang.
601Please respect copyright.PENANAbOuPDs7L22
Hindi sya nakakatulong kay Mao, bagkos ay nakadagdag pa ito sa iniinda. Ramdam nya ang kahinaan ng pagiisip.
601Please respect copyright.PENANA2tTgy9uTNI
Sino ang niloloko mo? Hindi mo kayang tulungan ang sarili. Ang iba pa kaya? Paghahapis sa sarili.
601Please respect copyright.PENANAdLpRIPwGvY
1 1 1 1 0 0 0 0 1 1
601Please respect copyright.PENANAFO9J3SmuIz
Nais nya patahimikin ang lahat. Ang patahimikin si Mao. Ang patuloy na pagiyak nito ang simbolo ng kanyang kahinaan.
601Please respect copyright.PENANArHxaqtv8uo
Wala syang kayang gawin dahil wala syang kwenta. Mahina. Nagsimulang umatake ang mga demonyong bulong sa kanyang kaisipan.
601Please respect copyright.PENANA7p9Ka7Q8Dj
"Mao!" Gusto nya itong maging ligtas sa kung anong panganib na iniinda. Gusto nya itong tumahimik para sa kanya.
601Please respect copyright.PENANAC5WoarGfOt
Gusto nyang tumigil ang pag yanig ng mundo.
601Please respect copyright.PENANAO4qAp9DXIv
Ang pagyanig ng kanyang paningin.
601Please respect copyright.PENANAOA0IY6IysF
Ang alisin ang lagnat, ang karamdaman ng lalaki.
601Please respect copyright.PENANAU3krCFA6os
1 1 1 1 1 0 0 0 1 Nagbilang nang... nagbilang.. nang nagbilang ang utak ni Raim..
601Please respect copyright.PENANAPMDgXFlvkH
Sumuntok si Mao sa hangin. Ngunit mabuti'y naabot ni Raim ang kanyang kamay at napansing halos kaya nya itong baluting ng sariling palad.
601Please respect copyright.PENANAvMCcTBuOwJ
Kailangan nilang tumigil.
601Please respect copyright.PENANAeiSEaMNLE7
Kailangan nilang hindi gumalaw sa pwesto.
601Please respect copyright.PENANAjJy3tbBujF
Kailangan nyang huminga. Kailangan kong huminga.
601Please respect copyright.PENANAcA8WMsgqTL
Niyakap ni Raim si Mao mula sa likod, habang nakaharap ang lalaki sa pader kung saan na muntik umabot ang kamao.
601Please respect copyright.PENANA9ShaROYzlR
"Shhh.. shh.. inhale exhale.. huminga ka Mao. Andito ako.."
601Please respect copyright.PENANApgMxMY7wHl
Ikinulong ni Raim ang mukha sa pagitan ng baba at balikat ni Mao para pigilan nya itong iumpog ang sarili sa sahig. Animoy magsing irog na naglalampungan.
601Please respect copyright.PENANAI2S9v2piCT
"Shh..." Nang hindi na gumagalaw ang kamay ay itinuon naman nya ang pagkapa sa dibdib nito tungong lalamunan para masiguradong humihinga si Mao ng marahan.
601Please respect copyright.PENANARpAuXPDZRC
Muli nyang inayos ang unan at banig para iayos ang katawan ng lalaking kasambahay.
601Please respect copyright.PENANAKMOe5Ue3EF
Hinawakan nito ang batok para ipasok ang unan sa ibaba ng bumukas ang mata ni Mao.
601Please respect copyright.PENANA8Q6JVEYoI3
Umiilaw!
601Please respect copyright.PENANAjGCLQDjFLR
Umiilaw ang mata ng kaibigan nya. Mistulan itong flashlight sa dilim ng silid tulugan.
601Please respect copyright.PENANAYHf38R5KAv
Sa halip na mata'y puro kaputian lang ang naaninag ni Raim sa mga mata ni Mao. Ang gitnang bahagi na dapat itim ay animo'y liwanag lang nang maliit na ilaw ng sasakyan.
601Please respect copyright.PENANAYjNtXWL2VV
Sa nakita'y nagmistulang istatwa si Raim.
601Please respect copyright.PENANAWju6Yc5o7D
Ngunit kahit hindi makakilos ay naramdaman nya ang pwersa na humihila sa kanya patungo sa imahe.
601Please respect copyright.PENANAx1BnfVyf0x
Sa mga imahe sa mata ng kaibigan.
601Please respect copyright.PENANAbhzmZ7M4P3
Nagbago ang puting liwanag. Animoy isang telebisyon na ito, sa maliit na dalawang screen.
601Please respect copyright.PENANAUM0LeANCkr
Maliit ngunit papalaki. Unti-unti itong lumaki at sumakop sa paligid. Bumalot sa silid.
601Please respect copyright.PENANArmwWl2ahpB
Ang mga imahe ay tila mga tao at paligid. Puno.. bato.. bundok..
601Please respect copyright.PENANAysqBIVeWbt
Patuloy na nagbabago.. tulad ng mga imahe sa labas ng sasakyan habang bumabyahe..
601Please respect copyright.PENANABeTmKyro7B
Pinagmasdan itong lahat ni Raim habang takot itong walang awat na nahigit ng mga nasabing imaheng liwanag mula sa mata ni Mao..
601Please respect copyright.PENANApZufMRFAVU
-----------------------------------------------------------
601Please respect copyright.PENANAo5KY2atZ36
Bigla'y nakita ni Raim ang sarili sa taong 1943.
601Please respect copyright.PENANA0TacVKli22
Panahon ng Hapon.
601Please respect copyright.PENANAkfbgARBKg0
At hindi nya maipaliwanag kung bakit nya alam ang impormasyong iyon.
601Please respect copyright.PENANAp1s7KTQyQQ
Sa halip ay naipako nya ang sarili na tignang ang mga bagay na nangyayari sa kanyang harapan. Sa isang kweba.
601Please respect copyright.PENANA4b0sTAqdAL
Muli'y gumana ang utak ni Raim para intindihin ang mga nakikita.
601Please respect copyright.PENANALMCYW8XGRz
Ang lungga ay isang sikretong taguan. Maraming higaan ang nakahilera. Maraming tao.. Sundalo? Mga mananakop? Ang nakapila.. ?
601Please respect copyright.PENANAgL7g0R82ll
Sa gitna'y si Mao, walang saplot. Ginagahasa ng ilan.
601Please respect copyright.PENANAFyy3TXIVgj
Alam ni Raim na ang mga imaheng iyon ay hindi para sa kanya.
601Please respect copyright.PENANAwVd2EsZlMn
Alam rin nya na mahina ang kanyang kaisipan para dalhin ang mabigat na bagahe.
601Please respect copyright.PENANAWHarYRRnOM
Isang binatilyo, marahil ay 19 gang 20 taon, ang sa harap nya'y binubusabos ng mga matatandang sanay sa pakikipag-digma.
601Please respect copyright.PENANA90UJTWnhBO
Walang kalaban-laban. Walang sala. Ninais nyang matapos na ang mga ito, hindi para sa kaibigan, kundi para sa sarili. Sa kanya.
601Please respect copyright.PENANAnM95ORnRPD
------------------------------------------------------------
601Please respect copyright.PENANAJkGUO88XWN
"Sorry.. sorr". Humahagulgol si Raim. Humahagulgol sa sakit ng puso.
601Please respect copyright.PENANAxT0lXU5t2K
Napansin nya na muli sya ay nasa sariling silid. Pinagmamasdan ng kaibigang si Mao na ngayo'y nakatayo sa kabilang dako ng kwarto.
601Please respect copyright.PENANADeWph6Erul
"What the fu.. " Mura lamang ang lumabas sa bibig ni Raim.
601Please respect copyright.PENANA8UrnIwfcMA
Naglumpasay sya at tumitig sa sahig. Takot na takot. Sa maraming bagay. At higit sa lahat, sa kung ano mang milagro ang nangyayari.
601Please respect copyright.PENANAp5wyJTyJEt
Kung panoo lumiliwanag ang mata ng kaibigang nakatayo lang sa dilim.
601Please respect copyright.PENANAlDmRTPUJ63
Kung paano nya nakita ang mga imahe. Ang mga imaheng yaon.. mga ala-ala..
601Please respect copyright.PENANA3PTpJaM33x
Kung bakit hindi nagtutugma ang lahat ng bagay sa mga lohikal na explinasyon ng kanyang utak.
601Please respect copyright.PENANARqPaNZ8SsX
"Sino ka?" Tanong ni Raim ng mahimasmasan.
601Please respect copyright.PENANAXDspoWZ3ou
"Ako ang Una sa tatlong daang Lupon".
601Please respect copyright.PENANAM6bJ7YK3tM
Tugon ng kaibigan.
601Please respect copyright.PENANA1SaoMYBACK
601Please respect copyright.PENANA0VZsG4orga