May saysay pa ba ang tagumpay kung dinuduraan ka ng ipinaglalaban mo?
Ang kuwento ng apat na mga batang di mapagkakaalamang bayani ng isang kahariang unti-unting sinisira ng kasinungalingan at kayabangan. Habang itinutulak sila paibaba ng sariling kababayan, pilit pa rin nilang mailigtas ang kanilang kaharian mula sa isang sakunang magbibigay-katapusan sa sangkatauhan.
Habang patuloy na lumalaganap ang paglinis ng Haring Grandor sa kanyang pangalan, tuloy-tuloy rin ang paghakbang ng Inang Kalibutan sa araw na mawawala ang kahit ano mang bakas ng pag-iral ng tao. Malabo ang kinabukasan para sa apat na bata, ngunit hindi sila susuko hangga't ligtas ang kanilang mga tirahan at mahal sa buhay.