
Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.273Please respect copyright.PENANA4Lfn7gW7nc
273Please respect copyright.PENANA7yaIGfAEUr
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...273Please respect copyright.PENANAhuIn3kntgM
273Please respect copyright.PENANAZacnzYU1CU
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.273Please respect copyright.PENANAyeANAl6mtZ
273Please respect copyright.PENANAS1ahTa9YrC
- - - 273Please respect copyright.PENANAoOhD50TX4N
273Please respect copyright.PENANAoxpAidxiSN
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.273Please respect copyright.PENANAP1atm4dblY
273Please respect copyright.PENANAKG74sTiW8Y
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.273Please respect copyright.PENANAEJPNCh9X6Q
273Please respect copyright.PENANAAMnxb3oDVm
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 273Please respect copyright.PENANAECQ3mfbkcC
273Please respect copyright.PENANAP5YG52JlTU
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.273Please respect copyright.PENANA5lPypHDlkL
273Please respect copyright.PENANAS8rByb4COC
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"273Please respect copyright.PENANAHLZNqa3Xo5
273Please respect copyright.PENANArFNckruoQd
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.273Please respect copyright.PENANAaFIBVYeAMT
273Please respect copyright.PENANAaeT5XbQarn
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.273Please respect copyright.PENANAvIIiCNmvJS
273Please respect copyright.PENANAnu9i9U07SQ
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."273Please respect copyright.PENANA4aZHVxdkit
273Please respect copyright.PENANAB1qeF2Uihs
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.273Please respect copyright.PENANABwS1Vyns5p
273Please respect copyright.PENANAlYDwvSbUw6
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.273Please respect copyright.PENANAykftVG1CSo
273Please respect copyright.PENANAo7oW6ohrTA
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.273Please respect copyright.PENANAJsUmmAyLt9
273Please respect copyright.PENANAtUhwIAcNZB
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.273Please respect copyright.PENANAu2WXXsxpcu
273Please respect copyright.PENANAxL3lUt29W6
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.273Please respect copyright.PENANArtjLZ6HMlP
273Please respect copyright.PENANAbfVv0coEop
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.273Please respect copyright.PENANAJmSVxSpWQ8
273Please respect copyright.PENANA6zB9LmvVCQ
Huminga nang malalim si Abracosa.273Please respect copyright.PENANAfLidkCOh8X
273Please respect copyright.PENANAAv3Aq6qiUG
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.273Please respect copyright.PENANAR4JYH9b7KT
273Please respect copyright.PENANAmz2i3XsFIu
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."273Please respect copyright.PENANAjhgG4JTDK3
273Please respect copyright.PENANA7mC7BxDdfZ
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.273Please respect copyright.PENANAo7we6MfKYu
273Please respect copyright.PENANAPrW3MOV7Wg
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."273Please respect copyright.PENANAVFWm1xpcNS
273Please respect copyright.PENANAwnlhUhQIGR
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"273Please respect copyright.PENANAfzpWEPGc7n
273Please respect copyright.PENANAjO0ipQxVdU
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."273Please respect copyright.PENANA79kNEHXCfe
273Please respect copyright.PENANA38i98QuiLV
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"273Please respect copyright.PENANAZakrWAzlDO
273Please respect copyright.PENANAu3LDkzoOSJ
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."273Please respect copyright.PENANAIZ4S4m6DiN
273Please respect copyright.PENANAspuGpKHbSN
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."273Please respect copyright.PENANAqDcSRPrj9B
273Please respect copyright.PENANAlDJwJKq2VN
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."273Please respect copyright.PENANAtpwphYVeKS
273Please respect copyright.PENANAGj6WJI3XHD
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."273Please respect copyright.PENANANLlz23VmEr
273Please respect copyright.PENANAtRiz0EU42V
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."273Please respect copyright.PENANABBKBQrUgD6
273Please respect copyright.PENANAXNrl9zvvcx
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."273Please respect copyright.PENANA3jYRLBZTyA
273Please respect copyright.PENANAR8Gwj1iMwM
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."273Please respect copyright.PENANAbdEKeWjl6T
273Please respect copyright.PENANAGWknXXRYP8
Tumahimik sila nang ilang sandali.273Please respect copyright.PENANAWPgvp7QcYP
273Please respect copyright.PENANAOYB5jCJCr9
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.273Please respect copyright.PENANAtBp1ReJ2bS
273Please respect copyright.PENANA0zQWbpUdwP
"Handa na akong mamatay para sa bayan."273Please respect copyright.PENANAuIjF8XRgr0
273Please respect copyright.PENANAhGfUjasklp
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.273Please respect copyright.PENANA9aODSrAGoB
273Please respect copyright.PENANASuktvmyK4n
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."273Please respect copyright.PENANAe9vm3v24Nv
273Please respect copyright.PENANAgx1wUcD7Ww
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.273Please respect copyright.PENANAuNDf7De5x1
273Please respect copyright.PENANABerHipN4sd
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.273Please respect copyright.PENANAkLqUTzZmR9
273Please respect copyright.PENANAeNZMzD4qv5
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.273Please respect copyright.PENANAg6MpQd3Ec8
273Please respect copyright.PENANAF7zD2J8fuK
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”273Please respect copyright.PENANAPX0z4TjG0Q
273Please respect copyright.PENANADXNZP3hH0J
- - - 273Please respect copyright.PENANArCzbOkfKbb
273Please respect copyright.PENANAk5uSsiOl2y
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.273Please respect copyright.PENANAKnhEnIPF5J
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.273Please respect copyright.PENANAq7gDaQQaTH
273Please respect copyright.PENANAr2op3lBzMA
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.273Please respect copyright.PENANApWXcRHekbr
273Please respect copyright.PENANAiSUx9RKJy5
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.273Please respect copyright.PENANA4hP1jBnYWq
273Please respect copyright.PENANABUKvNiOoZk
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.273Please respect copyright.PENANAt0L3TheVce
273Please respect copyright.PENANAtPRwwOkjVz
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.273Please respect copyright.PENANAoXXiaeRR3Q
273Please respect copyright.PENANAMH6kb4wJMw
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”273Please respect copyright.PENANAAzbbqZ8nBo
273Please respect copyright.PENANAN483mScoZB
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.273Please respect copyright.PENANAZoRPG3jhjv
273Please respect copyright.PENANAmz4ZDsSnzz
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.273Please respect copyright.PENANADK60M6TI8i
273Please respect copyright.PENANA3Mt5PG7FGs
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.273Please respect copyright.PENANArrwcoNKAo2
273Please respect copyright.PENANAVh58cMfa4e
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.273Please respect copyright.PENANAKVkI9tbxLB
273Please respect copyright.PENANA64cRRKRBYF
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”273Please respect copyright.PENANAEUaK2gWUEX
273Please respect copyright.PENANA9V4jl4JY77
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.273Please respect copyright.PENANA57r0AUUT0h
273Please respect copyright.PENANAsBkRujYsan
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.273Please respect copyright.PENANAdahBXUFlP2
273Please respect copyright.PENANAwNnZB62Nga
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”273Please respect copyright.PENANALzuCYA0ZN4
273Please respect copyright.PENANAPjtgq9Vj39
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”273Please respect copyright.PENANAb7XOpYblYf
273Please respect copyright.PENANADathvg6p58
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.273Please respect copyright.PENANA5y9TuR5SgF
273Please respect copyright.PENANAeUc1hmsG69
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?273Please respect copyright.PENANAKYTbmfowMN
273Please respect copyright.PENANArIKziBN9WE
- - - 273Please respect copyright.PENANAZGk7ogi4uo
273Please respect copyright.PENANAvhX6Yw8Moi
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.273Please respect copyright.PENANAh5gbhCC6RA
273Please respect copyright.PENANAVQkY6zs7JP
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.273Please respect copyright.PENANAAhhqj1Z3Yn
273Please respect copyright.PENANA4vpRg7H05x
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.273Please respect copyright.PENANARm4jjfJWiH
273Please respect copyright.PENANAoCoJvAAn9m
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.273Please respect copyright.PENANAS037MhfFoc
273Please respect copyright.PENANAZnKLPxHIRe
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"273Please respect copyright.PENANApCe7f6DIIh
273Please respect copyright.PENANAfwaJcErKRh
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."273Please respect copyright.PENANAL72LBwQsCM
273Please respect copyright.PENANA2rtBJQC7ec
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.273Please respect copyright.PENANAJAtuelhB4g
273Please respect copyright.PENANA39ZsrgQXJ2
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."273Please respect copyright.PENANAC44SLsChLV
273Please respect copyright.PENANApRaNPA4hM1
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"273Please respect copyright.PENANAX32Ht7dxGI
273Please respect copyright.PENANAtnAe5TNgHb
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."273Please respect copyright.PENANAm9APukSRJ6
273Please respect copyright.PENANAGuSl7ru9xY
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."273Please respect copyright.PENANAHq96M1Ib2G
273Please respect copyright.PENANAeUv30eAHr9
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."273Please respect copyright.PENANA3V0kXUtVQa
273Please respect copyright.PENANAenpBrxjzxE
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.273Please respect copyright.PENANAFFRQg6Sy2j
273Please respect copyright.PENANAJshmTaOjOL
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.273Please respect copyright.PENANAOTyXaKabMz
273Please respect copyright.PENANAOxkr7roqrR
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.273Please respect copyright.PENANAsgeswJmcA6
273Please respect copyright.PENANApA3I0lgcsb
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."273Please respect copyright.PENANAnwmfpZtUR7
273Please respect copyright.PENANAf95xS2irRt
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."273Please respect copyright.PENANA6sTGTfn4eX
273Please respect copyright.PENANADZBKxRbGWB
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."273Please respect copyright.PENANAX1hlD7cGul
273Please respect copyright.PENANArl3gElzpOH
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.273Please respect copyright.PENANAjOXbD9agLm
273Please respect copyright.PENANAscPu58vnda
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.273Please respect copyright.PENANA5H74DGErBJ
273Please respect copyright.PENANAU82c6gMDIR
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.273Please respect copyright.PENANAXD3uAi3Jh2
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…273Please respect copyright.PENANAVfLSONRj2O
273Please respect copyright.PENANAwFIvJb7vb4
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.273Please respect copyright.PENANAqX84gO8MKZ
273Please respect copyright.PENANA5kTFOf8RKN
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.273Please respect copyright.PENANAkZdDLdZx2f
273Please respect copyright.PENANAV4NTRs2cpC
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.273Please respect copyright.PENANAB0Owd284MT
273Please respect copyright.PENANA8mE4CzkZ4l
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”273Please respect copyright.PENANAsNQNYg7tAk
273Please respect copyright.PENANA3MEEUVpW7R
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.273Please respect copyright.PENANAJjYkfTY1ym
273Please respect copyright.PENANADHaxuaqLI7
“Patawad, mahal.”273Please respect copyright.PENANAQh35CHmFsm
273Please respect copyright.PENANADQU3ELtvAn
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”273Please respect copyright.PENANAngBCMN8DWN
273Please respect copyright.PENANA0eCE9SF3Yw
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.273Please respect copyright.PENANAmJXdX0uHJm
273Please respect copyright.PENANAE3evTwC4Lr
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”273Please respect copyright.PENANAv2zbIq6rtM
273Please respect copyright.PENANAaFaHsB8SlF
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.273Please respect copyright.PENANA0UvQFIIfyl
273Please respect copyright.PENANANQgbwmm0q0
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.273Please respect copyright.PENANAXS7L1yKREl
273Please respect copyright.PENANAMjguindo09
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”273Please respect copyright.PENANARLU1EPbwwm
273Please respect copyright.PENANAFSZQAb1Lc4
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"273Please respect copyright.PENANAF6p5AHnNK0
273Please respect copyright.PENANAqCUQ7E1zpe
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.273Please respect copyright.PENANAn5jx7TYWtk
273Please respect copyright.PENANAlrzdCCDFXW
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.273Please respect copyright.PENANAfQNWFik06T
273Please respect copyright.PENANASwI1AMBQYV
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."273Please respect copyright.PENANASuLIY7ST7k
273Please respect copyright.PENANAIJgKLkmpM7
- - - 273Please respect copyright.PENANAX23cAwNVML
273Please respect copyright.PENANAePpcgNmbh2
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.273Please respect copyright.PENANAuymR6x8lvW
273Please respect copyright.PENANAD6nxTCVb06
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.273Please respect copyright.PENANA7XIk9nvqE0
273Please respect copyright.PENANAdZKfpzH87O
Ngunit hindi siya makalabas.273Please respect copyright.PENANAozVVNUa4Qb
273Please respect copyright.PENANA2JTGV2pn0f
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.273Please respect copyright.PENANAP9z4OTCuQZ
273Please respect copyright.PENANAmNrnHsTcfW
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.273Please respect copyright.PENANAbGkCChOGM3
273Please respect copyright.PENANAuuNAYbdefW
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.273Please respect copyright.PENANA1q1JMf4Rxp
273Please respect copyright.PENANAkUztIjDXcx
Nandito na ang Teccao.273Please respect copyright.PENANAb9vOmobM70
273Please respect copyright.PENANAo9uneXVRB8
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.273Please respect copyright.PENANARWnNndfRz3
273Please respect copyright.PENANA2dcudRoR8N
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.273Please respect copyright.PENANAymXsFg0wQK
273Please respect copyright.PENANAHeEnTRbDxz
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.273Please respect copyright.PENANAkeq384kWzU
273Please respect copyright.PENANA0Rv0zT53vj
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.273Please respect copyright.PENANAGtSPTLHx8e
273Please respect copyright.PENANAAsXH9EZr5j
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 273Please respect copyright.PENANAbkqZmzcxDT
273Please respect copyright.PENANAis9DnKkYF2
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"273Please respect copyright.PENANA0dzWz2lHJS
273Please respect copyright.PENANAMUEkcNe9YE
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”273Please respect copyright.PENANAYXlroCe6IX
273Please respect copyright.PENANAKkKSXTnFR2
“Naiintindihan kita, Tydel.”273Please respect copyright.PENANAY1svg5A4RW
273Please respect copyright.PENANA3PNJBcH6aZ
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.273Please respect copyright.PENANA9xmM9spBhU
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”273Please respect copyright.PENANAJXZChFWltE
273Please respect copyright.PENANAFBViYinmgS
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”273Please respect copyright.PENANAeKnWA8SFoS
273Please respect copyright.PENANAOhTayLDYZn
“Paano, pa?”273Please respect copyright.PENANAhU6HMv2S8U
273Please respect copyright.PENANAl2eEcLr6wP
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 273Please respect copyright.PENANA7BVBdD2Bw9
273Please respect copyright.PENANAnUXhNwMwrE
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.273Please respect copyright.PENANAwEnaxicZkz
273Please respect copyright.PENANAfPkJdJwbuG
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.273Please respect copyright.PENANAFkcqQVK3pV
273Please respect copyright.PENANA0yMmqj4sse
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”273Please respect copyright.PENANAIVAkCldMOt
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.273Please respect copyright.PENANAbzjxfahfnR
273Please respect copyright.PENANAPb6KmlE0D0
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”273Please respect copyright.PENANAs1UaIErW3Z
273Please respect copyright.PENANAZmLfaRLK56
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”273Please respect copyright.PENANALSPozkU6cD
273Please respect copyright.PENANAPkmvJRY5x2
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”273Please respect copyright.PENANAsf427C4ipb
273Please respect copyright.PENANAuZgLZnCPLV
“Papa…” iyak ni Tydel.273Please respect copyright.PENANAt6vzLnScZu
273Please respect copyright.PENANAjtx0NcMLQH
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.273Please respect copyright.PENANA5iTRmAlKA1
273Please respect copyright.PENANA2bVv1hrxN8
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”273Please respect copyright.PENANAU9f1nISU3g
273Please respect copyright.PENANAnjJDQW0G06
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”273Please respect copyright.PENANA6Ut9MGtV4i
273Please respect copyright.PENANACvIBiMGJxe
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”273Please respect copyright.PENANAFFaP8ruMmO
273Please respect copyright.PENANA0Td4DdgBoy
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.273Please respect copyright.PENANA7Q3YRDxd5a
273Please respect copyright.PENANAvOxTFWfRLo
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?273Please respect copyright.PENANAGG5McVlfhY
273Please respect copyright.PENANAnCQYMP1tCf
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.273Please respect copyright.PENANABM5xhv1acv
273Please respect copyright.PENANAsP1NmjPY2K
- - - 273Please respect copyright.PENANAQy9nJbDYr3
273Please respect copyright.PENANAhWNtnwTLIy
"Patay na ang hari." 273Please respect copyright.PENANAjoFrUvktwc
273Please respect copyright.PENANAdsHOvWcQzK
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.273Please respect copyright.PENANAdztO69izha
273Please respect copyright.PENANAEhyCd8Cu3f
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.273Please respect copyright.PENANAZVxyKnfxjr
273Please respect copyright.PENANAxBhCCxxPjE
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.273Please respect copyright.PENANAeNYVWgBaT9
273Please respect copyright.PENANA6fwdvqUcsv
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 273Please respect copyright.PENANAucoLSgOsiC
273Please respect copyright.PENANAuPwdR66aD1
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.273Please respect copyright.PENANAagSHuGuEKX
273Please respect copyright.PENANA7cclMRd8RH
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.273Please respect copyright.PENANAXRLnTB1tT3
273Please respect copyright.PENANAoJgOV3yn8C
"Ama… Mag-ingat rin kayo."273Please respect copyright.PENANADs5uJRJypl
273Please respect copyright.PENANAS7I8gRRGdy
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."273Please respect copyright.PENANArhTEicFg0t
273Please respect copyright.PENANAc8EKdLR1XS
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.273Please respect copyright.PENANAyNPZmjXaZs
273Please respect copyright.PENANAWkNnREFrcy
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."273Please respect copyright.PENANAfE1cOaEF2k
273Please respect copyright.PENANA7CLnC2D3zN
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.273Please respect copyright.PENANA3X2kHxqJ6O
273Please respect copyright.PENANAybUaU3iaxx
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."273Please respect copyright.PENANAnejeuHPC0o
273Please respect copyright.PENANAOHh1b6iu3i
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."273Please respect copyright.PENANAfUfDZy0Qiu
273Please respect copyright.PENANA2rtYuasLe6
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.273Please respect copyright.PENANAuToZfIzwNP
273Please respect copyright.PENANAI8Doj3DXV7
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.273Please respect copyright.PENANAOxm2jAVFeA
273Please respect copyright.PENANAZYcPeHkgo3
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.273Please respect copyright.PENANAOw3jT0nvuA
273Please respect copyright.PENANA8VXkU3i7h6
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.273Please respect copyright.PENANADROqw3Vz7d
273Please respect copyright.PENANAFl3Kh1jcOL
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.273Please respect copyright.PENANAgR1cTCPkey
273Please respect copyright.PENANAzsM4TNybOR
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?273Please respect copyright.PENANAqAvQOBu0fn
273Please respect copyright.PENANACDXPp91uzw
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.273Please respect copyright.PENANAsG5j9QMTSm
273Please respect copyright.PENANAiDhNLNhFMQ
"Paalam, Midnia."273Please respect copyright.PENANAwhfJHaeicq
273Please respect copyright.PENANArsezyHVA3V
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.273Please respect copyright.PENANAxbovThL6as
273Please respect copyright.PENANAoH40V2zF9B