Warning!305Please respect copyright.PENANAj96P6R0ES5
This story contains themes and scenes about suicide and violence such as verbal, emotional, and physical abuse. If you think your mental health can be affected, please refrain from reading my story. You have been warned! Read at your own risk.305Please respect copyright.PENANAfycO8ILwhZ
This is still raw and unedited. So expect grammatical and typographical errors along the way. Beware of foul words as well.305Please respect copyright.PENANA1kbIINer17
Thank you!305Please respect copyright.PENANAt9LY2mjrAn
|305Please respect copyright.PENANAdhJkXl7SGb
👽305Please respect copyright.PENANAlDZx3ZIy9l
305Please respect copyright.PENANA2IxPbKxJcp
Taong 1900's305Please respect copyright.PENANAh4Cb7BjXwH
305Please respect copyright.PENANAiPpIm3NNuV
Maulan na hapon ang bumuhos sa kaninang maaliwalas na tanghali.305Please respect copyright.PENANA12UwEW5R9o
305Please respect copyright.PENANA0DoiwaCcDy
Maya't maya ay kukulog at susundan naman nang mabibilis at matutulis na kidlat. Malamig at malakas ang hangin na mula sa silangan. Bumabagyo man ang panahon, maraming tao pa din ang nasa kalye. May mga naglalakad na tila namamasyal lang sa parke. May iba namang animo'y nakikipag-unahan sa bawat patak ng ulan.305Please respect copyright.PENANAgPeWiLu1Yh
305Please respect copyright.PENANA4qrsIsTy91
Tulad ng iba, nagmamadali din si Herne na makarating sa kanyang pupuntahan. Yakap ang maduming manikang kuneho, hindi niya alintana ang panganib na dala ng panahon. Balot siya ngayon ng kapoteng itim, na sobrang laki para sa kanyang maliit at payat na katawan.305Please respect copyright.PENANAIZgMZ9Ql7d
305Please respect copyright.PENANAGrDeby0mLm
*"Sana nandoon pa siya,"* bulong niya sa sarili at saka hinipan ang dalawang palad na kanina pa namumutla. Namumula na ang kanyang noo at pisngi habang buhat ang mga balikat sa bawat paghinga. Gaano na ba katagal siyang tumatakbo? Anong oras na? Kailangan ay nakauwi na siya bago sumapit ang gabi. Hindi dapat malaman ng kanyang kuya na umalis siya ng bahay.305Please respect copyright.PENANAY7Z33tV5Yx
305Please respect copyright.PENANADyVtzJnlcr
"Pisting bata 'to! Hoy!"305Please respect copyright.PENANAuyq068Fzq1
305Please respect copyright.PENANAOm6DumbSGc
Nanginginig na bumangon si Herne mula sa pagkakadapa at nilingon ang pinagmulan ng boses. Umupo siya at napayakap nang mahigpit kay Kirarin nang makita ang halimaw sa kanyang likuran. Hindi na niya nagawang tumayo.305Please respect copyright.PENANA57dTysIdyh
305Please respect copyright.PENANALzdfUvmQ31
Kaaya-aya naman ang pananamit ng matabang ale, kaso napakatapang ng hitsura nito. Makapal ang suot niyang make-up, magkasalubong ang mga kilay, masama ang tingin, at may malaking nunal pa sa gilid ng kaliwang butas ng kanyang ilong.305Please respect copyright.PENANAn6nxdQGisp
305Please respect copyright.PENANANlfUhZf1Ws
"Tingnan mo ang ginawa mo!" Tinuro ng ale ang lugar sa kanyang paanan. Nakakalat na ngayon sa tabing kalsada ang kanyang mga pinamili. Matulin ang takbo ni Herne kanina at hindi niya napansin na may masasagi siya.305Please respect copyright.PENANAuOHmAmuemn
305Please respect copyright.PENANALExoI1Qk6p
"Perwisyo kang bata ka!" Mariing napapikit si Herne nang biglang sipain ng ale ang basang sahig. Tumalsik ang mga putik sa suot niyang kapote.305Please respect copyright.PENANAom9FJL9NtX
305Please respect copyright.PENANAJVIurTWc4c
"P-Pasensya na po! Hindi ko po sinasadya!" mangiyak-ngiyak niyang paumanhin.305Please respect copyright.PENANADIXOJ5CrVL
305Please respect copyright.PENANAWJUURbaiKa
Imbis na maawa o magpatawad, mas lalo lamang nainis ang ale. Napisil nito ang hawakan ng pulang payong nang makitang pinupulot na ng bata ang kanyang mga pinamili. Yumuko siya at hinablot ang mga iyon.305Please respect copyright.PENANACyt6N5jnt5
305Please respect copyright.PENANAlyZCRmITid
"Umalis ka na! Baka may ibulsa ka pa!" Isa-isang binawi ng ale ang kanyang mga hawak. "Kunwari madadapa, iyon pala may nakakawin. Punyeta! Akala mo hindi ko alam mga galawan ninyo na ganyan?!"305Please respect copyright.PENANAkd5u02NPbT
305Please respect copyright.PENANAwyzAbk5WAD
Napalunok nang mapait si Herne. Pinanganak siyang mahirap, pero hindi niya ni minsan naisip magnakaw. Kahit sa ano pang paraan.305Please respect copyright.PENANA4ux2eUKJz0
305Please respect copyright.PENANA1k8GJ1kK5W
"Ano pang tinitingin-tingin mo diyan! Alis na! Baka gusto mong tumawag pa ako ng pulis?!" Sumikip ang dibdib niya at tumindig ang kanyang mga balahibo nang marinig ang salitang 'pulis.' Sumagi kaagad sa isipan ni Herne ang kuya at ang kaligtasan nito. *Sana ayos ka lang, Kuya!*305Please respect copyright.PENANAm3593sOmoY
305Please respect copyright.PENANADb8Zd6woIq
Tulad ng pusang hinahabol ng malaking aso, dali-dali siyang umalis sa harapan ng ale habang pinagtitinginan siya ng maraming tao. Hindi niya napigilang maiyak dala ng emosyon at takot na baka tumawag nga ng pulis ang ale. Bagama't sanay na sa ganitong trato, hindi maikakailang siyam na taon pa lamang siya. Sanay man pero hindi ibig sabihin, hindi na siya masasaktan.305Please respect copyright.PENANA97ZU2XyCY5
305Please respect copyright.PENANAf6hfPQeUqW
Kumatok si Herne sa pinto at nagtanong kung may tao ba sa bahay.305Please respect copyright.PENANAoXo5EGLm90
305Please respect copyright.PENANAn4gUwHNtIY
Luma at maliit lamang ang kubo na ito na matatagpuan ilang kilometro ang layo mula sa kanilang bayan. Sinasabing dito daw nakatira ang magaling na albularyo.305Please respect copyright.PENANAfkCtcLkQ12
305Please respect copyright.PENANA5nNTIKskGv
Kwento pa ng mga tsimosa, gumagamit daw ito ng kakaibang mahika sa kanyang panggagamot. Ang albularyo lang naman ang laman ng mga kwentuhan ng kanilang mga kapit-bahay. Nakauwi na ito mula sa mahabang paglalakbay. Nakaugalian na daw kasi ng albularyo na maglakbay at ilang buwan pa bago muli itong babalik.305Please respect copyright.PENANAdB28XKcvlg
305Please respect copyright.PENANAIv9sriCW7W
Kumatok ulit si Herne at muling tumawag. Ngunit tulad kanina, tanging buhos ng ulan lamang ang sumagot sa kanya. Nilingon niya ang buong paligid, nagbabasakaling may makita siyang tao, o iyong albularyo.305Please respect copyright.PENANAg9OnL9o7Cg
305Please respect copyright.PENANAAOJLXUNmwN
Sa tapat ng bahay matatagpuan ang rumaragasang ilog at sa itaas naman ang sementadong tulay. Ito ang nagdudugtong sa kanilang bayan patungo sa kasunod pang bayan ilang kilometro ang layo mula dito.305Please respect copyright.PENANAYVfeN4TeFm
305Please respect copyright.PENANA9jajhIIbTH
Patuloy lamang ang pagsama ng panahon. Kahit sariling katawan niya ay hirap ng bigyan siya ng sapat na init. Kanina pa mabigat ang kanyang pakiramdam na kanyang tinitiis. Oras na ba para sumuko na lamang at kalimutan ang kanyang pinunta dito?305Please respect copyright.PENANAdAt918bDz8
305Please respect copyright.PENANA0Or0RvsHtW
*Hindi pwede! Kailangan kong makita ang albularyo! Baka natutulog lang siya! Lalaksan ko na lamang ang mga katok ko at sigaw!*305Please respect copyright.PENANAxoPJBTI8bS
305Please respect copyright.PENANArVE54oRsj8
Malakas ang ispirito, ngunit mahina ang katawan ng tao. Hindi na ganoon kalakas ang kanyang bawat bigkas. Paos na siya at mahina na kaysa sa normal niyang boses. Subalit, walang makapipigil sa kanya.305Please respect copyright.PENANAUXIaa8EVUh
305Please respect copyright.PENANAtq0aDP2qHg
"Tao po! May tao po ba dito?! Tao po! Tao po!" Kinakalampag na niya ang pinto na para bang nakadepende dito ang kanyang buhay.305Please respect copyright.PENANAeuaMF2bGzm
305Please respect copyright.PENANADBnjlXGw2C
Hindi niya namamalayan, may isang pares ng paa ang humakbang papalapit sa kanyang likuran. Tumigil ito ilang metro ang layo nang mapansin ang kanyang presensya.305Please respect copyright.PENANAOJaPYETIg2
305Please respect copyright.PENANA7vLdgRqbD2
"Hoy! Luma na 'yan, sisirain mo pa! May pambayad ka ba para diyan?!"305Please respect copyright.PENANAgu7OmnCPF2
305Please respect copyright.PENANA02BtbuqDlb
Napaigtad at napahinto si Herne sa lakas ng boses na narinig. Napa-atras siya at nilingon ang nagsalita. Bumungad sa kanya ang mga nanlilisik na titig ng isang matanda.305Please respect copyright.PENANAEnZbOv8L6C
305Please respect copyright.PENANA3yDUyz6Mvq
Maputla at kulubot na ang balat ng lolo. Maputi na din ang kanyang mga buhok mula sa kilay hanggang sa kanyang mahaba at makapal na balbas. Nakabalot ito ng kapoteng itim. Ngunit hindi tulad niya, tamang-tama lamang sa matanda ang sukat nito. Paika-ika itong lumapit sa kanya at sa pinto ng bahay.305Please respect copyright.PENANAf4OMuF4Otc
305Please respect copyright.PENANA61ruBNUA6n
"Wala akong panahon para sa mga bata. Umalis ka na!" ani ng matanda. Pero hindi nagpatinag sa kanyang takot si Herne. Nanatili siyang nakatayo sa gilid, yakap si Kirarin. Dinig niya mula dito ang kalansing ng bakal. Ngayon lamang niya napansin na nakakandado pala ang pinto.305Please respect copyright.PENANAu6u08n6LxM
305Please respect copyright.PENANAac86wKrnmE
Tumapak na papasok ang lolo at akmang susunod sana si Herne nang harangin siya bigla. Naka-abang ang isang braso nito sa harapan niya. Muling napa-atras si Herne. "Anong kailangan mo? Bingi ka ba?"305Please respect copyright.PENANAIWGc36KQjU
305Please respect copyright.PENANAl6eRTKB4rh
Tumama ang kanilang mga mata at napagmasdan ng lolo ang hitsura ng bata. Walang tigil ang panginginig nito sa kanyang harapan, habang yakap ang asul na manikang kuneho. Sa kabila ng pamumula ng pisngi at noo dala ng malamig na panahon, hindi maitatago ang kakaibang pamumutla ng balat ng bata. Maski ang labi nito ay namumuti na din.305Please respect copyright.PENANAcMPHOhmVke
305Please respect copyright.PENANAVFp67FGSmI
"May sakit ka." Hindi iyon isang tanong, bagkus isang kumpirmasyon.305Please respect copyright.PENANAl4Ki08J8PZ
305Please respect copyright.PENANASPtv9OuZuJ
Tumango si Herne. "P-Paano niyo po nalaman?"305Please respect copyright.PENANAXJ5wC76bvO
305Please respect copyright.PENANAdwBYHfz5Na
"Pumasok ka." Binuksan na nang husto ng lolo ang pinto para makapasok siya.305Please respect copyright.PENANAQmOzrai0hg
305Please respect copyright.PENANAQyg4D3sW06
"Kayo na po ba ang albularyo?"305Please respect copyright.PENANAQ7KsLU3W6v
305Please respect copyright.PENANA1dHs1lHGkV
"Isabit mo ang iyong kapote at umupo ka malapit sa apoy," utos ng matanda matapos niyang sindihan ang kanyang malaking dapugan. Hindi niya sinagot ang tanong, bagkus iniwan niya si Herne sa tapat noon.305Please respect copyright.PENANAhtUHW80UM4
305Please respect copyright.PENANA1fwKwlG3Wz
Walang imik na sinunod naman ni Herne ang kanyang utos. Sandali lang ay dumating na siya dala ang isang upuang yari sa kahoy at tuyong tuwalya.305Please respect copyright.PENANAZhCYnExRjB
305Please respect copyright.PENANAPZtKUK3vpl
Umupo sa upuan si Herne at saka pinunasan ang basang katawan gamit ang tuwalyang inabot nito sa kanya.305Please respect copyright.PENANAALpEJw8KTq
305Please respect copyright.PENANA4vaclQhNH5
"Batid kong malubha na ang iyong karamdaman. Hindi ko alam kung matutulungan pa kita." Tila isang daang kutsilyo ang muling sumaksak sa kanyang dibdib. Nanlambot ang kanyang mga braso at nanigas ang kanyang panga. Mapait siyang napalunok, pinipigilan ang mga luha. Ito na talaga ang katotohanan, hindi na siya makakatakas pa sa tawag ng kamatayan.305Please respect copyright.PENANAwApudAbPv1
305Please respect copyright.PENANAqhh4UfsbZ5
*Pero si Kuya!*305Please respect copyright.PENANAGUvrrfYPh6
305Please respect copyright.PENANANaTpJRIYJ3
Nabuhayan siya ng loob nang maalala ang nakatatandang kapatid. May pag-asa pa para sa kanyang kuya. Naniniwala siya.305Please respect copyright.PENANApsiBOUrGiO
305Please respect copyright.PENANAytxceV514j
"Ang kuya ko po! Gusto ko pong pagalingin ninyo ang kuya ko!" Nagmamaka-awa ang kanyang boses. Nakita niya ang albularyo sa lamesa nito, abala sa ginagawa.305Please respect copyright.PENANAXeNxNQesIw
305Please respect copyright.PENANAgM1ec0nxFt
"Wala po siyang karamdaman, subalit . . . " Napasilip sa kanya ang matanda nang bigla na lamang siya tumigil. Nakita siya nitong nakayuko at niyukom ang mga kamay hawak ang puting tuwalya sa itaas ng kanyang mga hita.305Please respect copyright.PENANA911hJH6uAN
305Please respect copyright.PENANA2N2CLxwbpk
"Hm, bakit?"305Please respect copyright.PENANAbbW5meI3k9
305Please respect copyright.PENANAaLBtPjfzUo
Umiling-iling siya at suminghot. "Hindi ko po alam, pero natatakot na ako kapag kasama ko siya. Lalo na kapag hawak niya ang kutsilyo. Tumatawa siya ng mag-isa at minsan kinakausap niya pa ang sarili."305Please respect copyright.PENANAUorRBAc8Or
305Please respect copyright.PENANAYecPTPPGRn
Nanatiling tahimik lang ang matanda. Nakikinig.305Please respect copyright.PENANAsQ8nrO7jMw
305Please respect copyright.PENANA7yQkbXgGna
"Gabi na siya umuwi at lagi siyang may dala. Kung hindi pagkain, minsan naman pera. Masama po ang kutob ko, may mali sa kanya. Sana po matulungan ninyo ako!"305Please respect copyright.PENANALqSaLpj2b4
305Please respect copyright.PENANA4TUV7NeNJe
Lumapit si Herne sa lamesa at muling nagmaka-awa. Nilapag niya sa harapan ng lolo ang isang maliit na bag. Kumilansing pa ang laman nito sa tablang mesa.305Please respect copyright.PENANAOsGhPIgIBf
305Please respect copyright.PENANAuTQCYtzMwv
"Sana po ay sapat na ito pambayad."305Please respect copyright.PENANAOCTZiEr2Wu
305Please respect copyright.PENANAcqdrxEPtEM
Kinuha ng matanda ang bag at saka sinilip ang loob. Halo-halong barya at perang papel ang laman nito. Nagpasalit-salit ang kanyang tingin sa batang babae at sa pera.305Please respect copyright.PENANAqzeacTdwOS
305Please respect copyright.PENANADoKgfioTk8
"Sabihin mo nga, alam ba ng kuya mo-"305Please respect copyright.PENANAv3VStlFfKc
305Please respect copyright.PENANA7ltuNYmPUY
"Hindi niya dapat malaman!" Napasinghap si Herne nang marinig niya ang kanyang sarili. Gulat na napatitig sa kanya ang lolo dahilan para mapayuko siya sa hiya.305Please respect copyright.PENANAGJx2wWm9jZ
305Please respect copyright.PENANAfTfPJjYJsN
"Ayaw ko malaman ni Kuya." Sandaling napakagat siya sa labi. Ngayon, kalmado na ang kanyang boses. "Alam kong magagalit siya sa akin 'pag nalaman niyang . . . pinag-iisipan ko siya ng masama. Pero, para din po ito sa kanya!"305Please respect copyright.PENANAwrVE1Gi7KG
305Please respect copyright.PENANAfa5YMcmKsQ
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Hanggang sa maramdaman ni Herne ang pagkilos ng lolo. Inangat niya ang ulo at nakita niya ang bag na kanyang binigay kanina. Sinasauli ito ng lolo.305Please respect copyright.PENANA0KKzCLlPmU
305Please respect copyright.PENANAqcTD0i0KhW
"Hindi ko kailangan ng pera mo." Hindi niya ba siya tutulungan?305Please respect copyright.PENANAJtUYCL2A5o
305Please respect copyright.PENANAZzyjGeGTqs
"Pero-" Nagsimulang magtubig ang mga mata ni Herne. Seryoso at malamig ang tingin ng matanda sa kanya.305Please respect copyright.PENANAr56etCZ7SM
305Please respect copyright.PENANAPBSxpuFJRp
"Bago ang lahat, akala ko ba naparito ka para sa iyong karamdaman. Subalit, heto ka, humihingi ng tulong para sa kapatid mong alam mo ay wala namang sakit. Sa tingin mo ba ay matutulungan kita?"305Please respect copyright.PENANAjzJ6cbUexV
305Please respect copyright.PENANA1LFYcRUktH
Humigop ng lakas si Herne. Wala na siyang matatakbuhan. Ito na lang ang kanyang huling pag-asa. Hindi siya susuko. Hindi siya uuwi. Niyukom niya ang mga kamay at binagsak sa taas ng lamesa.305Please respect copyright.PENANAeErjZnE1B2
305Please respect copyright.PENANAb5ZwSlNHlR
"Sabi daw po kaya niyo magpagaling gamit ang mahika! Kahit kwentong-kalye lang iyon, naniniwala po ako!"305Please respect copyright.PENANAt3XWR6i1UH
305Please respect copyright.PENANA4n6YXkd5K3
"Hindi ba dapat, mas ikaw pa ang nangangailangan ng mahika kaysa sa kuya mo? Ganoon na lamang ba ang takot mo sa kanya at gusto mo siyang magbago?305Please respect copyright.PENANA73gVnXJEJ9
305Please respect copyright.PENANAz86PBUlMYS
"Ayaw ko po siya magbago." Mariing napailing si Herne. Nagbabadya na ang kanyang mga luha. "Gusto ko po siyang gumaling!"305Please respect copyright.PENANAdPoWOQ1PEz
305Please respect copyright.PENANArdIcT5dI2N
"Ikaw na din ang may sabing wala siyang sakit. Hindi ba? Sabihin mo nga sa akin ang totoo, iha. May sakit ba ang kuya mo o wala? Nababaliw na ba siya o hindi? Siya pa rin ba ang kuya mo, o nagbago na siya ng pagkatao? Sabihin mo sa akin, nang maliwanagan ako."305Please respect copyright.PENANAuLtvspKDiu
305Please respect copyright.PENANAoyJPOkU0pw
Kahit sa lamig ng panahon, hindi ito umobra sa init ng hangin sa pagitan ni Herne at ng matanda. Tumulo na ang mga luha ng bata.305Please respect copyright.PENANAmBn7083LMT
305Please respect copyright.PENANAmgfGEESOJ9
"H-Hindi na po siya ang kuya ko. Gusto ko pong bumalik siya sa dati!" Tuluyan nang nagpakawala ng isang malakas na hagulhol si Herne. Mga emosyon ito na naghalo-halo na at ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong ilabas lahat.305Please respect copyright.PENANAVy7mCYk6Pt
305Please respect copyright.PENANAYfYlczLSwG
"Mabuti. Tama 'yan. Ngayon, matutulungan na kita." Tumayo sa kanyang kinauupuan ang lolo at nilahad ang isang kamay sa harap niya. "May gamit ka ba diyan na pagmamay-ari mo?"305Please respect copyright.PENANAnDUX1BOUq7
305Please respect copyright.PENANA0Yv5JuXw4l
Suminghot siya at nagpunas ng mga luha. Pinakita niya ang pinakmamahal na manikang kuneho. "Si Kirarin po?"305Please respect copyright.PENANAwdbFZpeZfk
305Please respect copyright.PENANAEizxqtBG0z
"Pwede na 'yan."305Please respect copyright.PENANA6XfrUhAZHz
305Please respect copyright.PENANAxF42a145V1
Hindi nagtagal, pinauwi na ng albularyo si Herne. Lumabas siya ng bahay nito suot ang kanyang mahabang kapote, bitbit pa ang bag na laman ng pera.305Please respect copyright.PENANAfOGY0kNSOD
305Please respect copyright.PENANANJYPFvLvlM
Isang hakbang pa lamang siya palayo sa pinto nang mapahinto siya. Nilingon niya ito at saka huminga nang malalim. *Wala ng atrasan!* Pinunasan na niya ang mga natirang luha gamit ang palad.305Please respect copyright.PENANAo8EOQ47HqD
305Please respect copyright.PENANAAbhMDfymzL
Tumungo na siya paalis, dala ang pag-asang matutupad din ang matagal na niyang nais. Muli niyang sinuong ang masungit na panahon ng mag-isa.305Please respect copyright.PENANAaCEvte2p5m
305Please respect copyright.PENANAKl7MYLBUxs
Kahit pa masalimuot ang naging kahapon, hindi imposibleng maging mabuti ang kalalabasan ng bukas. Lahat posibleng mangyari. Walang imposible. Ganoon pa man, hwag din kakalimutan ang pagdating ng mga bagay na hindi inaasahan. Nasa huli ang pagsisisi.305Please respect copyright.PENANA4rAd3Hi2oG
305Please respect copyright.PENANASks0aN0WhZ
Ito ang laging umiikot sa kanyang isipan, lalo na noong naging ulila na sila ng kapatid.305Please respect copyright.PENANAHGbpCxTw84
305Please respect copyright.PENANAEwuTyMMC87
Batid niya ang lubha ng karamdaman nito. Kahit hindi man ito nagkukwento sa kanya, hindi nagsisinungaling ang mga mata at maging ang mga kinikilos nito.305Please respect copyright.PENANAVZ6pbdlnSY
305Please respect copyright.PENANANYSuHbi9Ly
Alam niyang darating ang araw na iiwan na siya ng kapatid, pero hindi niya inaasahang ngayon na ang araw na iyon.305Please respect copyright.PENANAsQwhxxnXgT
305Please respect copyright.PENANAvYNJP6utUv
Hindi siya nakapaghanda. Hindi man lang siya nakapagpaalam. Hindi man lang siya nito hinintay.305Please respect copyright.PENANAQp1mkrZ7Th
305Please respect copyright.PENANA7euyyq2VgC
"Pasensya ka na, Herne." Lumuhod siya sa harap ng puntod ng kapatid na siya lang ang gumawa. 305Please respect copyright.PENANA2RfXMI4Idl
305Please respect copyright.PENANAlby0E7MMR4
Binalot niya lang sa kumot ang mga labi ng kapatid. Hinukayan ng malilibingan sa lupa, at saka tinabunan ng putik. Lupang tuyo sana ito, kung hindi lang naisip ng langit umulan.305Please respect copyright.PENANAOPvXyM4Cc9
305Please respect copyright.PENANA1gfIhc80S3
"Ngayon lang ako ulit nakabili." Nilapag niya sa bandang ulunan ang isang supot na laman ng iba't ibang uri ng kendi. Ang laging paboritong pasalubong ng kapatid mula sa kanya.305Please respect copyright.PENANAliEz8txSRm
305Please respect copyright.PENANAIBhdmtMjNF
Ikiniskis niya ang mga ngipin at walang habas na binunot ang mga nananahimik na damo sa paligid. Naiinis siya sa sarili. Kung saan pa wala na ang kanyang kapatid, ngayon lamang niya nabili ang paboritong pagkain nito.305Please respect copyright.PENANANu6bewohQB
305Please respect copyright.PENANAIQ8bwNjdXF
Kung, nagawa niya lang nang maayos iyong 'trabaho' niya. Hindi sana tumagal ang pagbigay sa kanya ng sahod. Dapat sana matagal na niya nabili ang mga kendi.305Please respect copyright.PENANAfuHxlcZ4cm
305Please respect copyright.PENANAlieZvjsIAr
Ngayon, sino na ang dadalhan niya ng pasalubong? Para saan pa ang saysay ng kanyang buhay? Para kanino pa niya ilalaan ang kanyang mga sakripisyo?305Please respect copyright.PENANAxHkzjiUU6b
305Please respect copyright.PENANApyxI976LBG
"Ikaw ba si Bazilien?"305Please respect copyright.PENANArXtWkvSzrD
305Please respect copyright.PENANA2qaIDiBh2q
Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis pa sa alas-singko siyang tumayo mula sa pagkakaluhod. Patalon siyang umatras palayo mula sa taong ngayon niya lang nakita. Nakatago ang isa niyang kamay sa likod habang nagmamatyag sa susunod na kilos ng bagong dating.305Please respect copyright.PENANAfFxopLpngg
305Please respect copyright.PENANAu9zEe23OgQ
"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?!" Matalas ang kanyang tingin ngayon sa matandang lalaki. Maputi na ang mga buhok at kulobot na ang balat. Tulad ng kanya, pinagtagpi-tagpi din ng iba't ibang tela ang kasuotan nito.305Please respect copyright.PENANA7yBgyjC7k0
305Please respect copyright.PENANA9wJzpCCDsb
"Huminahon ka, iho. Isa lang akong matandang albularyo." Bumaling ang tingin ng lolo sa lupang nakatumpok sa kanilang harapan. Napansin din nito ang supot ng mga kendi sa bandang uluhan ng puntod. "Nakikiramay ako sa iyo. Parang kailan lang noong pumunta siya sa akin-"305Please respect copyright.PENANAtqJZ6kP3NV
305Please respect copyright.PENANAHvrGmyShiW
"Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" sigaw ni Bazilien magmula sa kailaliman ng kanyang baga. Kinapa na niya ang patalim na nakatago lamang sa kanyang likod, sa loob ng kanyang damit.305Please respect copyright.PENANAULgfIAms0u
305Please respect copyright.PENANAFTcxVS5nS0
"Kung tungkol lang sa pagpatay, alam mo sa sarili mong marami ka ng kinitil na buhay." May kinuha ang lolo sa loob ng kanyang suot.305Please respect copyright.PENANAdW8XHxtW0Z
305Please respect copyright.PENANACyPBrG4UFk
"Huh? Paanong?!" Hindi alam ngayon ni Bazilien kung saan siya magugulat at kung ano ang unang aalamin. Kung paano nasabi ng matanda ang sinabi. O, kung paano hawak nito ngayon ang manikang kuneho.305Please respect copyright.PENANAi4zlOBMRa0
305Please respect copyright.PENANAzyEBqxtmsq
"Kirarin? Bakit . . . nasayo si-?"305Please respect copyright.PENANAu4ywUqT8Ah
305Please respect copyright.PENANAIZ9eC5prZR
"Hindi ba? Ikaw din ang pumatay sa sarili mong kapatid!"305Please respect copyright.PENANA9bohnaCCz9
305Please respect copyright.PENANABej0ApzSP7
Natigilan siya sa kanyang mga narinig. Nanlalamig ang kanyang mga palad, at nararamdaman niya na ang pagbuo ng mga butil ng pawis sa kanyang noo. 305Please respect copyright.PENANA0s1SkCPLzI
305Please respect copyright.PENANAKYJ7TWNbcg
Anong pinagsasabi ng lolo na ito? Ano ang kanyang pruweba? Nagkakamali lang siya, hindi ba? Gumagawa lang siya ng kwento, tama ba?305Please respect copyright.PENANASglLDoIzS0
305Please respect copyright.PENANAQ7lSUM8Wfc
Dahil malinaw pa sa umaga niyang nakita ang malamig na bangkay ng kapatid sa kama. Kabisado niya pa ang alaalang nangyari kanina lamang umaga. Hindi na niya naabutang buhay ang kapatid. Patay na ito pagkarating niya.305Please respect copyright.PENANArFsni8H4ej
305Please respect copyright.PENANAdlv2fbDqA1
"H-Hindi totoo iyan! Gusto ko siyang gumaling! Gusto ko siyang mabuhay pa nang matagal!" Nasusuntok na ni Bazilien ang hangin sa kanyang pagwasiwas ng kamao. Animo'y hinahawi ang mga ito na nakaharang sa kanyang harapan.305Please respect copyright.PENANALbI2yQXp34
305Please respect copyright.PENANAU7o3NMmAqe
"Talaga ba? Hindi mo ba alam na presensya mo lamang ay sadyang nakamamatay na para sa kanya?!" Nagsimula ng lumakad palapit sa kanya ang lolo. Hawak nito ang manikang kuneho na pagmamay-ari ni Herne.305Please respect copyright.PENANAB7o26vQxl3
305Please respect copyright.PENANA2SmATSDkCd
"Sinong nagsabi niyan?" Malalim ang tono ng boses ni Bazilien. Hinigpitan niya ang hawak sa patalim na nasa kanyang likod. Sumisikip na ang kanyang dibdib at dumidilim na din ang kanyang paningin.305Please respect copyright.PENANAyVD2WqQfHs
305Please respect copyright.PENANAsS0bgJAAf1
"Si Herne." Iniangat pa ng matanda ang bitbit na manika para matapatan ang mga mata ng binatilyo.305Please respect copyright.PENANA7HRvX2wpLI
305Please respect copyright.PENANAtqsJcweTJ7
"Hindi iyan totoo!" Sumisigaw na ang kanyang puso at isipan. Nanginginig na din ang kanyang mga buto sa matinding emosyong gusto ng kumawala.305Please respect copyright.PENANAcXhCxkRroH
305Please respect copyright.PENANAWx5J58Cw9t
"Ang kapatid mo ang nagsabi sa akin!"305Please respect copyright.PENANAnCBo80Jre0
305Please respect copyright.PENANAJULGtI6ziw
"Tumigil ka na! Hindi 'yan totoo!"305Please respect copyright.PENANAs2P4Xf3g0m
305Please respect copyright.PENANAPyvA9Na2BY
Huli na ang lahat para makaiwas pa ang matanda mula sa nagbabadyang kamatayan. Sinugod siya ni Bazilien hawak ang maduming itak hanggang sa lupa. Nanlaban pa ito para sa sarili niyang buhay, subalit hindi naging sapat ang kanyang lakas.305Please respect copyright.PENANACcGrE1NnC5
305Please respect copyright.PENANAbCgoQba1vZ
"B-Balang araw, pagsi-" Lumunok muna ito saglit. Dumudugo na din ang bibig nito. "-sisihan mong . . . naging kapatid mo siya . . !" Kumapit ang matanda sa isa sa mga braso ni Bazilien. "Dahil sa-sa kanya . . ." Humigop ito ng hininga mula sa ilong. " . . . mabubuhay ka . . . mula ngayon na instrumento lamang . . . at walang ibang nais kundi . . ." Umubo ito ng dugo. ". . . tumago sa dilim!" Tumigil ito saglit para titigan sa mata ang binata. Lumuluha na ito ngayon sa kanyang harapan."Katatakutan mo ang araw ng walang hanggan!"305Please respect copyright.PENANAJIvlWMcIZ5
305Please respect copyright.PENANAdRpPxohJ95
Sa kanyang matinding galit, idiniin pa nang husto ni Bazilien ang patalim sa leeg ng matanda.305Please respect copyright.PENANA6Fb9FdaMKj
305Please respect copyright.PENANAcsGz7cusOO
Sa huli, hindi na ito nakapagsalita pa. Naiwang dilat ang mga namumulang mata. Huminto na din ang paghinga. Hanggang sa umawas na ang malagkit at mainit na likido mula sa napuruhang leeg nito. Mabilis itong kumalat at pinintahan ng kulay pula ang basang lupa.305Please respect copyright.PENANAdMAtpIcHv7
305Please respect copyright.PENANADPu9LKlpyw
Hindi pa siya nakuntento sa ginawa, tinadtad niya pa ang bangkay ng maraming saksak hanggang sa bumigay na ang sarili niyang braso at kamay. Kasabay ng kanyang pagtigil, ang paghinto din ng mga patak ng ulan.305Please respect copyright.PENANAUUjvey5qnI
305Please respect copyright.PENANASOB2BHtJ0n
Tuliro at wala sa sarili siyang tumayo. Muli siyang lumapit sa puntod ng kapatid at saka lumuhod. Itinusok ni Bazilien ang itak na naliligo pa sa dugo sa supot mismo ng mga kendi, bago niya tuluyang nilisan ang lugar.305Please respect copyright.PENANAltOtAJOiq6
305Please respect copyright.PENANASFnkfgpOTU
Kasing itim at pula ng mga dugong nakapinta sa kanyang mga kamay ang buong kalangitan noong araw na iyon.305Please respect copyright.PENANAnQHY1EnNdW
305Please respect copyright.PENANAEPzbcU8411
|305Please respect copyright.PENANAVigbQL0xLF
305Please respect copyright.PENANARIsX2TeJp5
Author: AlienSiOtor 👽305Please respect copyright.PENANAovt2CEsVQ4
305Please respect copyright.PENANAjuheFip5H5