Warning!304Please respect copyright.PENANAaANpMA8sjE
This story contains themes and scenes about suicide and violence such as verbal, emotional, and physical abuse. If you think your mental health can be affected, please refrain from reading my story. You have been warned! Read at your own risk.304Please respect copyright.PENANAcTGTJP5nXn
This is still raw and unedited. So expect grammatical and typographical errors along the way. Beware of foul words as well.304Please respect copyright.PENANAzrzERLJEYz
Thank you!304Please respect copyright.PENANAMx4PrKBtb8
|304Please respect copyright.PENANAtdtAqgnom2
👽304Please respect copyright.PENANAUuxh6Jw7vP
304Please respect copyright.PENANAahZuZREWQ1
Taong 1900's304Please respect copyright.PENANA5WX2lPmyow
304Please respect copyright.PENANA9kbZjQPLmZ
Maulan na hapon ang bumuhos sa kaninang maaliwalas na tanghali.304Please respect copyright.PENANA3ZLaGNty77
304Please respect copyright.PENANAB17CU8tKY7
Maya't maya ay kukulog at susundan naman nang mabibilis at matutulis na kidlat. Malamig at malakas ang hangin na mula sa silangan. Bumabagyo man ang panahon, maraming tao pa din ang nasa kalye. May mga naglalakad na tila namamasyal lang sa parke. May iba namang animo'y nakikipag-unahan sa bawat patak ng ulan.304Please respect copyright.PENANAf4zRzkSA0p
304Please respect copyright.PENANAhnnLmyoIIX
Tulad ng iba, nagmamadali din si Herne na makarating sa kanyang pupuntahan. Yakap ang maduming manikang kuneho, hindi niya alintana ang panganib na dala ng panahon. Balot siya ngayon ng kapoteng itim, na sobrang laki para sa kanyang maliit at payat na katawan.304Please respect copyright.PENANAa7r5ez8Eb5
304Please respect copyright.PENANAk48mT6HL2y
*"Sana nandoon pa siya,"* bulong niya sa sarili at saka hinipan ang dalawang palad na kanina pa namumutla. Namumula na ang kanyang noo at pisngi habang buhat ang mga balikat sa bawat paghinga. Gaano na ba katagal siyang tumatakbo? Anong oras na? Kailangan ay nakauwi na siya bago sumapit ang gabi. Hindi dapat malaman ng kanyang kuya na umalis siya ng bahay.304Please respect copyright.PENANAsSqqd0Fxgh
304Please respect copyright.PENANAi6ivnHqCQs
"Pisting bata 'to! Hoy!"304Please respect copyright.PENANA8rH72Zn4AW
304Please respect copyright.PENANA9fEfWwMXwJ
Nanginginig na bumangon si Herne mula sa pagkakadapa at nilingon ang pinagmulan ng boses. Umupo siya at napayakap nang mahigpit kay Kirarin nang makita ang halimaw sa kanyang likuran. Hindi na niya nagawang tumayo.304Please respect copyright.PENANA4wZH15uDRz
304Please respect copyright.PENANAJ18BSh36ZT
Kaaya-aya naman ang pananamit ng matabang ale, kaso napakatapang ng hitsura nito. Makapal ang suot niyang make-up, magkasalubong ang mga kilay, masama ang tingin, at may malaking nunal pa sa gilid ng kaliwang butas ng kanyang ilong.304Please respect copyright.PENANACtRKvpf0ob
304Please respect copyright.PENANAmd0RBd7hN3
"Tingnan mo ang ginawa mo!" Tinuro ng ale ang lugar sa kanyang paanan. Nakakalat na ngayon sa tabing kalsada ang kanyang mga pinamili. Matulin ang takbo ni Herne kanina at hindi niya napansin na may masasagi siya.304Please respect copyright.PENANAIRDByQYxqo
304Please respect copyright.PENANAi4TN3WFAxV
"Perwisyo kang bata ka!" Mariing napapikit si Herne nang biglang sipain ng ale ang basang sahig. Tumalsik ang mga putik sa suot niyang kapote.304Please respect copyright.PENANADYQDmc3Usf
304Please respect copyright.PENANAYElDlvpicM
"P-Pasensya na po! Hindi ko po sinasadya!" mangiyak-ngiyak niyang paumanhin.304Please respect copyright.PENANAc6VUrRlaro
304Please respect copyright.PENANAsUSPE51irw
Imbis na maawa o magpatawad, mas lalo lamang nainis ang ale. Napisil nito ang hawakan ng pulang payong nang makitang pinupulot na ng bata ang kanyang mga pinamili. Yumuko siya at hinablot ang mga iyon.304Please respect copyright.PENANAgLkMQeHk3E
304Please respect copyright.PENANA3QL4JMEdeH
"Umalis ka na! Baka may ibulsa ka pa!" Isa-isang binawi ng ale ang kanyang mga hawak. "Kunwari madadapa, iyon pala may nakakawin. Punyeta! Akala mo hindi ko alam mga galawan ninyo na ganyan?!"304Please respect copyright.PENANAvwmvkSsxyV
304Please respect copyright.PENANAxdcf9ab1tM
Napalunok nang mapait si Herne. Pinanganak siyang mahirap, pero hindi niya ni minsan naisip magnakaw. Kahit sa ano pang paraan.304Please respect copyright.PENANA84xr3Duhrn
304Please respect copyright.PENANAcP96z2eR77
"Ano pang tinitingin-tingin mo diyan! Alis na! Baka gusto mong tumawag pa ako ng pulis?!" Sumikip ang dibdib niya at tumindig ang kanyang mga balahibo nang marinig ang salitang 'pulis.' Sumagi kaagad sa isipan ni Herne ang kuya at ang kaligtasan nito. *Sana ayos ka lang, Kuya!*304Please respect copyright.PENANAj7lPgayJwr
304Please respect copyright.PENANADunOWdZ62E
Tulad ng pusang hinahabol ng malaking aso, dali-dali siyang umalis sa harapan ng ale habang pinagtitinginan siya ng maraming tao. Hindi niya napigilang maiyak dala ng emosyon at takot na baka tumawag nga ng pulis ang ale. Bagama't sanay na sa ganitong trato, hindi maikakailang siyam na taon pa lamang siya. Sanay man pero hindi ibig sabihin, hindi na siya masasaktan.304Please respect copyright.PENANA5rsWx3f8n2
304Please respect copyright.PENANAlVtd7nrwAl
Kumatok si Herne sa pinto at nagtanong kung may tao ba sa bahay.304Please respect copyright.PENANARoDPdu0ZlC
304Please respect copyright.PENANAu5ZuISG2w6
Luma at maliit lamang ang kubo na ito na matatagpuan ilang kilometro ang layo mula sa kanilang bayan. Sinasabing dito daw nakatira ang magaling na albularyo.304Please respect copyright.PENANAgMv0Xg0wIT
304Please respect copyright.PENANA2hWxJCZJZ4
Kwento pa ng mga tsimosa, gumagamit daw ito ng kakaibang mahika sa kanyang panggagamot. Ang albularyo lang naman ang laman ng mga kwentuhan ng kanilang mga kapit-bahay. Nakauwi na ito mula sa mahabang paglalakbay. Nakaugalian na daw kasi ng albularyo na maglakbay at ilang buwan pa bago muli itong babalik.304Please respect copyright.PENANAzVzKPGRXUm
304Please respect copyright.PENANALjvHGQaQCU
Kumatok ulit si Herne at muling tumawag. Ngunit tulad kanina, tanging buhos ng ulan lamang ang sumagot sa kanya. Nilingon niya ang buong paligid, nagbabasakaling may makita siyang tao, o iyong albularyo.304Please respect copyright.PENANAaT9VpiNLSE
304Please respect copyright.PENANAL2325eLLzX
Sa tapat ng bahay matatagpuan ang rumaragasang ilog at sa itaas naman ang sementadong tulay. Ito ang nagdudugtong sa kanilang bayan patungo sa kasunod pang bayan ilang kilometro ang layo mula dito.304Please respect copyright.PENANALXxpPsZm0J
304Please respect copyright.PENANAwWQkMOcY5l
Patuloy lamang ang pagsama ng panahon. Kahit sariling katawan niya ay hirap ng bigyan siya ng sapat na init. Kanina pa mabigat ang kanyang pakiramdam na kanyang tinitiis. Oras na ba para sumuko na lamang at kalimutan ang kanyang pinunta dito?304Please respect copyright.PENANAM6Ji9jOfbU
304Please respect copyright.PENANAJqfFvaOPhj
*Hindi pwede! Kailangan kong makita ang albularyo! Baka natutulog lang siya! Lalaksan ko na lamang ang mga katok ko at sigaw!*304Please respect copyright.PENANADxS6OWeEJJ
304Please respect copyright.PENANA4ep8yIAZsm
Malakas ang ispirito, ngunit mahina ang katawan ng tao. Hindi na ganoon kalakas ang kanyang bawat bigkas. Paos na siya at mahina na kaysa sa normal niyang boses. Subalit, walang makapipigil sa kanya.304Please respect copyright.PENANA6S2I5doxBH
304Please respect copyright.PENANAkQAeJCWLlI
"Tao po! May tao po ba dito?! Tao po! Tao po!" Kinakalampag na niya ang pinto na para bang nakadepende dito ang kanyang buhay.304Please respect copyright.PENANAWMMb4TqdGB
304Please respect copyright.PENANAa82OJZ4EyH
Hindi niya namamalayan, may isang pares ng paa ang humakbang papalapit sa kanyang likuran. Tumigil ito ilang metro ang layo nang mapansin ang kanyang presensya.304Please respect copyright.PENANAPw6IYMIUBn
304Please respect copyright.PENANAeeaH9iuQDy
"Hoy! Luma na 'yan, sisirain mo pa! May pambayad ka ba para diyan?!"304Please respect copyright.PENANAT3YnAAWD1O
304Please respect copyright.PENANAp2ftigMGbW
Napaigtad at napahinto si Herne sa lakas ng boses na narinig. Napa-atras siya at nilingon ang nagsalita. Bumungad sa kanya ang mga nanlilisik na titig ng isang matanda.304Please respect copyright.PENANAmHRCiJOgW3
304Please respect copyright.PENANAHC3QssOfRy
Maputla at kulubot na ang balat ng lolo. Maputi na din ang kanyang mga buhok mula sa kilay hanggang sa kanyang mahaba at makapal na balbas. Nakabalot ito ng kapoteng itim. Ngunit hindi tulad niya, tamang-tama lamang sa matanda ang sukat nito. Paika-ika itong lumapit sa kanya at sa pinto ng bahay.304Please respect copyright.PENANAl7WAjXbjGt
304Please respect copyright.PENANAPfzONFpFFL
"Wala akong panahon para sa mga bata. Umalis ka na!" ani ng matanda. Pero hindi nagpatinag sa kanyang takot si Herne. Nanatili siyang nakatayo sa gilid, yakap si Kirarin. Dinig niya mula dito ang kalansing ng bakal. Ngayon lamang niya napansin na nakakandado pala ang pinto.304Please respect copyright.PENANAdQCKyTpsXL
304Please respect copyright.PENANAeci6pEvwt4
Tumapak na papasok ang lolo at akmang susunod sana si Herne nang harangin siya bigla. Naka-abang ang isang braso nito sa harapan niya. Muling napa-atras si Herne. "Anong kailangan mo? Bingi ka ba?"304Please respect copyright.PENANAqH6V3QRSot
304Please respect copyright.PENANAzXYVxPDw4c
Tumama ang kanilang mga mata at napagmasdan ng lolo ang hitsura ng bata. Walang tigil ang panginginig nito sa kanyang harapan, habang yakap ang asul na manikang kuneho. Sa kabila ng pamumula ng pisngi at noo dala ng malamig na panahon, hindi maitatago ang kakaibang pamumutla ng balat ng bata. Maski ang labi nito ay namumuti na din.304Please respect copyright.PENANAZQdHr58ggI
304Please respect copyright.PENANAiVfe03KBAN
"May sakit ka." Hindi iyon isang tanong, bagkus isang kumpirmasyon.304Please respect copyright.PENANAFZgrHUy28D
304Please respect copyright.PENANAnxyiTo4TAq
Tumango si Herne. "P-Paano niyo po nalaman?"304Please respect copyright.PENANAwZ8N0MMMlx
304Please respect copyright.PENANAYGZdlFrqSz
"Pumasok ka." Binuksan na nang husto ng lolo ang pinto para makapasok siya.304Please respect copyright.PENANAmLoqQrShaK
304Please respect copyright.PENANAmjlNOhWofy
"Kayo na po ba ang albularyo?"304Please respect copyright.PENANAPLPqc9JMsb
304Please respect copyright.PENANAygzypPhajL
"Isabit mo ang iyong kapote at umupo ka malapit sa apoy," utos ng matanda matapos niyang sindihan ang kanyang malaking dapugan. Hindi niya sinagot ang tanong, bagkus iniwan niya si Herne sa tapat noon.304Please respect copyright.PENANAVCpJjI3tLT
304Please respect copyright.PENANA4jVfcILo1j
Walang imik na sinunod naman ni Herne ang kanyang utos. Sandali lang ay dumating na siya dala ang isang upuang yari sa kahoy at tuyong tuwalya.304Please respect copyright.PENANABKxTr7aF0p
304Please respect copyright.PENANAue2mPE1E4C
Umupo sa upuan si Herne at saka pinunasan ang basang katawan gamit ang tuwalyang inabot nito sa kanya.304Please respect copyright.PENANA0IcM6kqqI9
304Please respect copyright.PENANA1KgLTHjqsN
"Batid kong malubha na ang iyong karamdaman. Hindi ko alam kung matutulungan pa kita." Tila isang daang kutsilyo ang muling sumaksak sa kanyang dibdib. Nanlambot ang kanyang mga braso at nanigas ang kanyang panga. Mapait siyang napalunok, pinipigilan ang mga luha. Ito na talaga ang katotohanan, hindi na siya makakatakas pa sa tawag ng kamatayan.304Please respect copyright.PENANAezGomngpl0
304Please respect copyright.PENANAzqAtghr7Cg
*Pero si Kuya!*304Please respect copyright.PENANA6ttPxPBh6s
304Please respect copyright.PENANAP9y35hz4Sh
Nabuhayan siya ng loob nang maalala ang nakatatandang kapatid. May pag-asa pa para sa kanyang kuya. Naniniwala siya.304Please respect copyright.PENANA6px7VRBqMd
304Please respect copyright.PENANAD2XByFa4rn
"Ang kuya ko po! Gusto ko pong pagalingin ninyo ang kuya ko!" Nagmamaka-awa ang kanyang boses. Nakita niya ang albularyo sa lamesa nito, abala sa ginagawa.304Please respect copyright.PENANAmLsh5rqhE2
304Please respect copyright.PENANAckkjUCsr3o
"Wala po siyang karamdaman, subalit . . . " Napasilip sa kanya ang matanda nang bigla na lamang siya tumigil. Nakita siya nitong nakayuko at niyukom ang mga kamay hawak ang puting tuwalya sa itaas ng kanyang mga hita.304Please respect copyright.PENANA7VEgOALv4Q
304Please respect copyright.PENANAsP6MmtiLR8
"Hm, bakit?"304Please respect copyright.PENANAhlvXR05Ysx
304Please respect copyright.PENANAD2HSayvxSV
Umiling-iling siya at suminghot. "Hindi ko po alam, pero natatakot na ako kapag kasama ko siya. Lalo na kapag hawak niya ang kutsilyo. Tumatawa siya ng mag-isa at minsan kinakausap niya pa ang sarili."304Please respect copyright.PENANAGeZtUyTGWb
304Please respect copyright.PENANAxEO84celwR
Nanatiling tahimik lang ang matanda. Nakikinig.304Please respect copyright.PENANAnh6cDUIQs0
304Please respect copyright.PENANAqbwMyQZSHi
"Gabi na siya umuwi at lagi siyang may dala. Kung hindi pagkain, minsan naman pera. Masama po ang kutob ko, may mali sa kanya. Sana po matulungan ninyo ako!"304Please respect copyright.PENANAr0fPh0rbt9
304Please respect copyright.PENANAgLuUDAZh0p
Lumapit si Herne sa lamesa at muling nagmaka-awa. Nilapag niya sa harapan ng lolo ang isang maliit na bag. Kumilansing pa ang laman nito sa tablang mesa.304Please respect copyright.PENANAjjxafpk6DA
304Please respect copyright.PENANAUJppWRqotr
"Sana po ay sapat na ito pambayad."304Please respect copyright.PENANABb2pJqyuwv
304Please respect copyright.PENANAOeofVH01Pk
Kinuha ng matanda ang bag at saka sinilip ang loob. Halo-halong barya at perang papel ang laman nito. Nagpasalit-salit ang kanyang tingin sa batang babae at sa pera.304Please respect copyright.PENANAFFosvQuEGh
304Please respect copyright.PENANAAza8oQv93u
"Sabihin mo nga, alam ba ng kuya mo-"304Please respect copyright.PENANAE2xr2DCwuH
304Please respect copyright.PENANA6vClMB3JHU
"Hindi niya dapat malaman!" Napasinghap si Herne nang marinig niya ang kanyang sarili. Gulat na napatitig sa kanya ang lolo dahilan para mapayuko siya sa hiya.304Please respect copyright.PENANAJi3Tttxf4E
304Please respect copyright.PENANAgcRWY4yuXX
"Ayaw ko malaman ni Kuya." Sandaling napakagat siya sa labi. Ngayon, kalmado na ang kanyang boses. "Alam kong magagalit siya sa akin 'pag nalaman niyang . . . pinag-iisipan ko siya ng masama. Pero, para din po ito sa kanya!"304Please respect copyright.PENANAQ98e4GpscI
304Please respect copyright.PENANAhFsMqDQGzS
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Hanggang sa maramdaman ni Herne ang pagkilos ng lolo. Inangat niya ang ulo at nakita niya ang bag na kanyang binigay kanina. Sinasauli ito ng lolo.304Please respect copyright.PENANA0WSXvNxFe0
304Please respect copyright.PENANAdtOzlZXwBm
"Hindi ko kailangan ng pera mo." Hindi niya ba siya tutulungan?304Please respect copyright.PENANA0UW813V7mB
304Please respect copyright.PENANA3MANJIWf3f
"Pero-" Nagsimulang magtubig ang mga mata ni Herne. Seryoso at malamig ang tingin ng matanda sa kanya.304Please respect copyright.PENANAXLLuK0u4SX
304Please respect copyright.PENANAnsnKhanxC5
"Bago ang lahat, akala ko ba naparito ka para sa iyong karamdaman. Subalit, heto ka, humihingi ng tulong para sa kapatid mong alam mo ay wala namang sakit. Sa tingin mo ba ay matutulungan kita?"304Please respect copyright.PENANArc619hr34b
304Please respect copyright.PENANAL96SCIPPQS
Humigop ng lakas si Herne. Wala na siyang matatakbuhan. Ito na lang ang kanyang huling pag-asa. Hindi siya susuko. Hindi siya uuwi. Niyukom niya ang mga kamay at binagsak sa taas ng lamesa.304Please respect copyright.PENANAiAMhEKnB9S
304Please respect copyright.PENANAAubH1Utgl7
"Sabi daw po kaya niyo magpagaling gamit ang mahika! Kahit kwentong-kalye lang iyon, naniniwala po ako!"304Please respect copyright.PENANAPejnY4PEl3
304Please respect copyright.PENANAiHZzLCz7HI
"Hindi ba dapat, mas ikaw pa ang nangangailangan ng mahika kaysa sa kuya mo? Ganoon na lamang ba ang takot mo sa kanya at gusto mo siyang magbago?304Please respect copyright.PENANAXUohxbFNFN
304Please respect copyright.PENANAwZuH78ECHW
"Ayaw ko po siya magbago." Mariing napailing si Herne. Nagbabadya na ang kanyang mga luha. "Gusto ko po siyang gumaling!"304Please respect copyright.PENANAWvnHtX1pCs
304Please respect copyright.PENANAJfpGuud2Mn
"Ikaw na din ang may sabing wala siyang sakit. Hindi ba? Sabihin mo nga sa akin ang totoo, iha. May sakit ba ang kuya mo o wala? Nababaliw na ba siya o hindi? Siya pa rin ba ang kuya mo, o nagbago na siya ng pagkatao? Sabihin mo sa akin, nang maliwanagan ako."304Please respect copyright.PENANAgzCbDX3jIu
304Please respect copyright.PENANAHFrYlzX7Bf
Kahit sa lamig ng panahon, hindi ito umobra sa init ng hangin sa pagitan ni Herne at ng matanda. Tumulo na ang mga luha ng bata.304Please respect copyright.PENANApteoPuuhyj
304Please respect copyright.PENANAFvNk53Y63B
"H-Hindi na po siya ang kuya ko. Gusto ko pong bumalik siya sa dati!" Tuluyan nang nagpakawala ng isang malakas na hagulhol si Herne. Mga emosyon ito na naghalo-halo na at ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong ilabas lahat.304Please respect copyright.PENANAs8iRwD0gwl
304Please respect copyright.PENANAYktZMWe0Mc
"Mabuti. Tama 'yan. Ngayon, matutulungan na kita." Tumayo sa kanyang kinauupuan ang lolo at nilahad ang isang kamay sa harap niya. "May gamit ka ba diyan na pagmamay-ari mo?"304Please respect copyright.PENANAkEyOnfU5FH
304Please respect copyright.PENANAJehElDW2FJ
Suminghot siya at nagpunas ng mga luha. Pinakita niya ang pinakmamahal na manikang kuneho. "Si Kirarin po?"304Please respect copyright.PENANAy3XOjRyDYd
304Please respect copyright.PENANAEqN15Bw2ZU
"Pwede na 'yan."304Please respect copyright.PENANAokZ4B5XL8H
304Please respect copyright.PENANA0iRLycaqz1
Hindi nagtagal, pinauwi na ng albularyo si Herne. Lumabas siya ng bahay nito suot ang kanyang mahabang kapote, bitbit pa ang bag na laman ng pera.304Please respect copyright.PENANAnv39meOGhv
304Please respect copyright.PENANAyIGmw9jmta
Isang hakbang pa lamang siya palayo sa pinto nang mapahinto siya. Nilingon niya ito at saka huminga nang malalim. *Wala ng atrasan!* Pinunasan na niya ang mga natirang luha gamit ang palad.304Please respect copyright.PENANAzffHRtDd2r
304Please respect copyright.PENANATCAKy36Kk9
Tumungo na siya paalis, dala ang pag-asang matutupad din ang matagal na niyang nais. Muli niyang sinuong ang masungit na panahon ng mag-isa.304Please respect copyright.PENANAAYKbYlWQAE
304Please respect copyright.PENANA1eiOYmMC0Y
Kahit pa masalimuot ang naging kahapon, hindi imposibleng maging mabuti ang kalalabasan ng bukas. Lahat posibleng mangyari. Walang imposible. Ganoon pa man, hwag din kakalimutan ang pagdating ng mga bagay na hindi inaasahan. Nasa huli ang pagsisisi.304Please respect copyright.PENANAKNvPrPFIa1
304Please respect copyright.PENANA1IQFeIgMJj
Ito ang laging umiikot sa kanyang isipan, lalo na noong naging ulila na sila ng kapatid.304Please respect copyright.PENANABXi8I2IuMD
304Please respect copyright.PENANA4tPql6S6gq
Batid niya ang lubha ng karamdaman nito. Kahit hindi man ito nagkukwento sa kanya, hindi nagsisinungaling ang mga mata at maging ang mga kinikilos nito.304Please respect copyright.PENANAjUxlSaiPsz
304Please respect copyright.PENANAf4RjS50WKE
Alam niyang darating ang araw na iiwan na siya ng kapatid, pero hindi niya inaasahang ngayon na ang araw na iyon.304Please respect copyright.PENANAxpxMz9LLqp
304Please respect copyright.PENANAFNzzYTPhwC
Hindi siya nakapaghanda. Hindi man lang siya nakapagpaalam. Hindi man lang siya nito hinintay.304Please respect copyright.PENANAMw62TxTkE9
304Please respect copyright.PENANA7DCY6B02Uv
"Pasensya ka na, Herne." Lumuhod siya sa harap ng puntod ng kapatid na siya lang ang gumawa. 304Please respect copyright.PENANALaRs5M705K
304Please respect copyright.PENANAOQRGtbMl7F
Binalot niya lang sa kumot ang mga labi ng kapatid. Hinukayan ng malilibingan sa lupa, at saka tinabunan ng putik. Lupang tuyo sana ito, kung hindi lang naisip ng langit umulan.304Please respect copyright.PENANAXnEW3u3QxZ
304Please respect copyright.PENANAePXwrhPySq
"Ngayon lang ako ulit nakabili." Nilapag niya sa bandang ulunan ang isang supot na laman ng iba't ibang uri ng kendi. Ang laging paboritong pasalubong ng kapatid mula sa kanya.304Please respect copyright.PENANAo5aSksjFEA
304Please respect copyright.PENANA5NmSVe5hmD
Ikiniskis niya ang mga ngipin at walang habas na binunot ang mga nananahimik na damo sa paligid. Naiinis siya sa sarili. Kung saan pa wala na ang kanyang kapatid, ngayon lamang niya nabili ang paboritong pagkain nito.304Please respect copyright.PENANAcfLIroZHN6
304Please respect copyright.PENANAn4ZpI2EZt7
Kung, nagawa niya lang nang maayos iyong 'trabaho' niya. Hindi sana tumagal ang pagbigay sa kanya ng sahod. Dapat sana matagal na niya nabili ang mga kendi.304Please respect copyright.PENANA0pTMvZe5OE
304Please respect copyright.PENANAgl91fYNzBr
Ngayon, sino na ang dadalhan niya ng pasalubong? Para saan pa ang saysay ng kanyang buhay? Para kanino pa niya ilalaan ang kanyang mga sakripisyo?304Please respect copyright.PENANAcjJNOhz9v3
304Please respect copyright.PENANAcRBuQfLhvO
"Ikaw ba si Bazilien?"304Please respect copyright.PENANAqhdRITOnD1
304Please respect copyright.PENANAjJFy0v3bQM
Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis pa sa alas-singko siyang tumayo mula sa pagkakaluhod. Patalon siyang umatras palayo mula sa taong ngayon niya lang nakita. Nakatago ang isa niyang kamay sa likod habang nagmamatyag sa susunod na kilos ng bagong dating.304Please respect copyright.PENANA0YEomVEANy
304Please respect copyright.PENANAR1IEWZPNfi
"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?!" Matalas ang kanyang tingin ngayon sa matandang lalaki. Maputi na ang mga buhok at kulobot na ang balat. Tulad ng kanya, pinagtagpi-tagpi din ng iba't ibang tela ang kasuotan nito.304Please respect copyright.PENANAE6D0s2lOQx
304Please respect copyright.PENANA0gXeqiZN9j
"Huminahon ka, iho. Isa lang akong matandang albularyo." Bumaling ang tingin ng lolo sa lupang nakatumpok sa kanilang harapan. Napansin din nito ang supot ng mga kendi sa bandang uluhan ng puntod. "Nakikiramay ako sa iyo. Parang kailan lang noong pumunta siya sa akin-"304Please respect copyright.PENANAvdutlrPmj5
304Please respect copyright.PENANAtHZgY2w7T9
"Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" sigaw ni Bazilien magmula sa kailaliman ng kanyang baga. Kinapa na niya ang patalim na nakatago lamang sa kanyang likod, sa loob ng kanyang damit.304Please respect copyright.PENANAnr8gyuBFY5
304Please respect copyright.PENANATBei4oVr8F
"Kung tungkol lang sa pagpatay, alam mo sa sarili mong marami ka ng kinitil na buhay." May kinuha ang lolo sa loob ng kanyang suot.304Please respect copyright.PENANAl59rKkdPhg
304Please respect copyright.PENANAj0xGc85kYs
"Huh? Paanong?!" Hindi alam ngayon ni Bazilien kung saan siya magugulat at kung ano ang unang aalamin. Kung paano nasabi ng matanda ang sinabi. O, kung paano hawak nito ngayon ang manikang kuneho.304Please respect copyright.PENANAlzakVJhDAt
304Please respect copyright.PENANAB96xUSole3
"Kirarin? Bakit . . . nasayo si-?"304Please respect copyright.PENANAyQfW5IpZLT
304Please respect copyright.PENANALNHgsqRAGk
"Hindi ba? Ikaw din ang pumatay sa sarili mong kapatid!"304Please respect copyright.PENANAlDgJd6inqP
304Please respect copyright.PENANAZoHZb5r6JE
Natigilan siya sa kanyang mga narinig. Nanlalamig ang kanyang mga palad, at nararamdaman niya na ang pagbuo ng mga butil ng pawis sa kanyang noo. 304Please respect copyright.PENANAItk8tCLmOz
304Please respect copyright.PENANAFs7sOHZKm4
Anong pinagsasabi ng lolo na ito? Ano ang kanyang pruweba? Nagkakamali lang siya, hindi ba? Gumagawa lang siya ng kwento, tama ba?304Please respect copyright.PENANAnGEOg2H2X1
304Please respect copyright.PENANASTR3qzu39H
Dahil malinaw pa sa umaga niyang nakita ang malamig na bangkay ng kapatid sa kama. Kabisado niya pa ang alaalang nangyari kanina lamang umaga. Hindi na niya naabutang buhay ang kapatid. Patay na ito pagkarating niya.304Please respect copyright.PENANAYJiP2qtkew
304Please respect copyright.PENANA6z30PZ8hoC
"H-Hindi totoo iyan! Gusto ko siyang gumaling! Gusto ko siyang mabuhay pa nang matagal!" Nasusuntok na ni Bazilien ang hangin sa kanyang pagwasiwas ng kamao. Animo'y hinahawi ang mga ito na nakaharang sa kanyang harapan.304Please respect copyright.PENANAuq9llRzPmM
304Please respect copyright.PENANAQG6T41doNI
"Talaga ba? Hindi mo ba alam na presensya mo lamang ay sadyang nakamamatay na para sa kanya?!" Nagsimula ng lumakad palapit sa kanya ang lolo. Hawak nito ang manikang kuneho na pagmamay-ari ni Herne.304Please respect copyright.PENANAyYei2K7wSk
304Please respect copyright.PENANAAoVgoRCHBM
"Sinong nagsabi niyan?" Malalim ang tono ng boses ni Bazilien. Hinigpitan niya ang hawak sa patalim na nasa kanyang likod. Sumisikip na ang kanyang dibdib at dumidilim na din ang kanyang paningin.304Please respect copyright.PENANA9WuqrNnNEG
304Please respect copyright.PENANACxDJPG5vr8
"Si Herne." Iniangat pa ng matanda ang bitbit na manika para matapatan ang mga mata ng binatilyo.304Please respect copyright.PENANARLycyjq2or
304Please respect copyright.PENANAU70UaJvGYp
"Hindi iyan totoo!" Sumisigaw na ang kanyang puso at isipan. Nanginginig na din ang kanyang mga buto sa matinding emosyong gusto ng kumawala.304Please respect copyright.PENANAeReVMAEcmB
304Please respect copyright.PENANAK51H3bUXy6
"Ang kapatid mo ang nagsabi sa akin!"304Please respect copyright.PENANAxKfWVbm6hg
304Please respect copyright.PENANAWTSZC8Fth2
"Tumigil ka na! Hindi 'yan totoo!"304Please respect copyright.PENANAPXfkFtO646
304Please respect copyright.PENANAPJ4cgEnfJ1
Huli na ang lahat para makaiwas pa ang matanda mula sa nagbabadyang kamatayan. Sinugod siya ni Bazilien hawak ang maduming itak hanggang sa lupa. Nanlaban pa ito para sa sarili niyang buhay, subalit hindi naging sapat ang kanyang lakas.304Please respect copyright.PENANAe8Ms3KGlBv
304Please respect copyright.PENANAt9b25n8ACA
"B-Balang araw, pagsi-" Lumunok muna ito saglit. Dumudugo na din ang bibig nito. "-sisihan mong . . . naging kapatid mo siya . . !" Kumapit ang matanda sa isa sa mga braso ni Bazilien. "Dahil sa-sa kanya . . ." Humigop ito ng hininga mula sa ilong. " . . . mabubuhay ka . . . mula ngayon na instrumento lamang . . . at walang ibang nais kundi . . ." Umubo ito ng dugo. ". . . tumago sa dilim!" Tumigil ito saglit para titigan sa mata ang binata. Lumuluha na ito ngayon sa kanyang harapan."Katatakutan mo ang araw ng walang hanggan!"304Please respect copyright.PENANAUjWdxSEW1m
304Please respect copyright.PENANAtUJNib5tFC
Sa kanyang matinding galit, idiniin pa nang husto ni Bazilien ang patalim sa leeg ng matanda.304Please respect copyright.PENANAce42SCV5Ea
304Please respect copyright.PENANAFSOQzPwd3P
Sa huli, hindi na ito nakapagsalita pa. Naiwang dilat ang mga namumulang mata. Huminto na din ang paghinga. Hanggang sa umawas na ang malagkit at mainit na likido mula sa napuruhang leeg nito. Mabilis itong kumalat at pinintahan ng kulay pula ang basang lupa.304Please respect copyright.PENANA5PKgP577uH
304Please respect copyright.PENANAT2syNfVfrY
Hindi pa siya nakuntento sa ginawa, tinadtad niya pa ang bangkay ng maraming saksak hanggang sa bumigay na ang sarili niyang braso at kamay. Kasabay ng kanyang pagtigil, ang paghinto din ng mga patak ng ulan.304Please respect copyright.PENANAlfR1PQeJ1Y
304Please respect copyright.PENANAz0Fqesq9mY
Tuliro at wala sa sarili siyang tumayo. Muli siyang lumapit sa puntod ng kapatid at saka lumuhod. Itinusok ni Bazilien ang itak na naliligo pa sa dugo sa supot mismo ng mga kendi, bago niya tuluyang nilisan ang lugar.304Please respect copyright.PENANAebV8bcAV8S
304Please respect copyright.PENANAsObH0yPrxH
Kasing itim at pula ng mga dugong nakapinta sa kanyang mga kamay ang buong kalangitan noong araw na iyon.304Please respect copyright.PENANAoBLFruXKvp
304Please respect copyright.PENANAM57SgP0pE4
|304Please respect copyright.PENANAyoC2bzz6vb
304Please respect copyright.PENANAP4eeo7u6oA
Author: AlienSiOtor 👽304Please respect copyright.PENANAywpAizULDq
304Please respect copyright.PENANAxPDnsH7poM