(inspirational?)
So wala akong Hugot, wala akong sasabihin pero anong nasa isipan ko? Anong reaction ko sa mga bagay na hindi maiwasang marinig, malaman o ano pa man? Wala. Bakit wala? Una, ano ba ang inaaaahang reaction mula sa akin? Pangalawa, Ako (lang) ba ang pinatutungkulan sa usapan? Pangatlo, hindi ko na dapat bigyan ng pansin ang mga bagay na makakapagpahina sa akin. Pang-apat, hindi ako mahilig sa (mga) ka-dramahan ng buhay ng marami. (Hindi ako mahilig o marunong makipag-away or wala akong naiisip na dahilan para sagutin o pansinin ang mga bagay na makakadagdag sa issue lalo na kung na-set na yung isip nila sa kung ano ang narinig o nakikita nila. So waste of time para depensahan ko pa Ang sarili ko at palabasing "biktima" ako dahil marami silang dahilan para ipakita ko kung sino ako, kung anong klaseng tao (na) ako dahil simple at ordinaryong tao lang naman ako, wala akong Tiktok or YouTube account, hindi ako celebrity o politiko or online infuencer na may million followers sa IG, Twitter or any social media/internet-based apps or blogs.
Hindi nga ako nag-o-overthink or iniiwasan ko na magkaroon ng paranoia anxiety. Wala akong paki. (misunderstood) or bago sa marami na makakilala ng taong hindi pumapatol sa mga (minsan kapatol-patol na talaga pero ako, deadma) bakit mo papatulan kung lasing or clouded ang utak (Hindi ko alam kung epekto ng gamot or isa sa mga 'naninibago' na makakilala ng katulad ko.) Bakit mo papatulan kung alam mong marami siyang issues sa'yo?, Kung sensitive or insensitive siya, anong dapat na sabihin ko? Anong reaction ang dapat na ipakita ko kung dama ko na kailangan nya ng simpatya dahil "walang nagmamahal sa kanya"?, Kung patuloy siya sa pagkabasa/panonood/pakikinig ng mga ka-dramahan sa buhay ng iba at iniidolo nya pa? Nakakatulong ba para sa kanya kung gagayahin una kung ano ang nakita nya? Naghahanap ba siya ng taong may mas mapaklang sitwasyon kesa sa kanya? Nakaramdam ba siya ng connection sa mga napapanood nya? Ano ba ang dapat niyang gawin para maiba ang "storya ng buhay" nya?
(Paano ko nga naman sasabihin ang mga bagay na katulad nito na alam kong lalo lang makakapagpataas ng blood pressure nila?)
Wala kasi akong hugot. Iniiwasan ko ang mga bagay na makakapagbigay ng angst sa buhay ko at pina-practice ko na maging kalmado kahit na alam Kong hindi rin "healthy" pero uunawain ko na lang dahil ayoko ng away, hindi ako marunong makipag-away. Pipiliin kong mamuhay ng tahimik at may kapayapaan sa puso at isipan ko dahil hindi na ako teenager para mamuhay sa mga negative, Panay hugot at toxic na environment.
ns 15.158.61.54da2