Hindi Ka bobo kung magtatanong ka.
986Please respect copyright.PENANAdE8KE6e0S9
Hindi Ka mangmang kung nais mong malaman kung saan nanggagaling ang ulan.
986Please respect copyright.PENANAvotmWkxbbr
Hindi katangahan kung nadulas Ka dahil hindi mo napansin na basa pala ang sahig... Pero nakakatatawa kasi nakakatawa talaga e. Huwag lang nag-aalala hindi ka nag-iisa, marami ng nadulas sa sahig na 'yan.
986Please respect copyright.PENANAbgI0fjecao
Siguro naman lahat naman tayo curious kung paano nagkakaroon ng tao sa tv, paano nagkakaroon ng boses sa radyo, paano nagkakaroon ng ulan, paano nabubuo ang paracetamol?, paano maging pangulo ng bansa, bakit umiiyak ang clown, (sorry that's a different story.....) Habang patagal ng patagal parami ng parami yung gusto mong malaman, matutunan. Kung ang mga nasa medical ay doctor, nurse, radiologic technologist, therapist, psychologist at marami pa, ang mga teachers, abogado, architects at iba pang mga professions ay nasa kani-kanilang position. Ang tanong, paano mo magagamit 'yung natutunan mo? Kanino at saan mo gagamitin ang pagguhit ng mga puno, sino ang makaka-appreciate ng mga likha mong figurines, ano ang magagawa ng tula at iba pa?
986Please respect copyright.PENANAgW5PnSvv9X
At anong kinalaman ng huwag mahihiyang magtanong? Lahat ng tao kahit na professionals na hindi humihinto sa pag-aaral. Hindi sila natatapos sa isang papel o higit pa para mapatunayang doctor sila.
986Please respect copyright.PENANAqaI11xrfZV
Lahat ng tao natututo sa sariling pagkakamali at may iba natututo sa pagkakamali ng iba kaya hindi nila susubuking gawin dahil hindi nila nakitaan magandang resulta. (Gagawin mo rin ba kung nalasing siya at gumapang pauwi?, Iiwanan mo rin bang bukas ang pinto ng bahay mo kung iniwan nyang bukas ang pinto ng bahay nila at pag-uwi wala nang naiwang gamit sa bahay nila?)
Ilang ulit na siyang (na?) sinasaktan pero hindi nya iniiwanan, hindi niya magawang iwan. Mahal niya e. Anong pagkakamali nya dun? Na ginagawa na siyang punching bag pero kinikilig pa rin siya? Na naging "runner" na siya dahil sa trabaho ng jowa una at muntik-muntikan na siyang mahuli ng pulis dahil sa pinapagawa ng jowa nya pero hindi niya hinihiwalayan, isang dosenang anak na ang meron sila at ilang beses nang nanganib ang buhay niya at ng baby nila sa panganganak pero magkatabi pa rin silang matulog.
986Please respect copyright.PENANAsg29350Gl5
Paano ba masasabing mangmang, bobo, estupido, tanga ang isang tao?
986Please respect copyright.PENANAPlqzbYOlNw
Katangahan ba kung hindi niya magawang iwan dahil mahal niya? O may choice naman siya pero yun ang pinili nya? Nakakainis di ba?
986Please respect copyright.PENANAX9bNpXo2oJ
Kamangmangan ba kung kulang sa mga sources o taong may intensyon na makatulong para matupad ang pangarap nila?
Minsan yun ang hinahanap natin, yung mga taong mapagkakatiwalaan na pupuno sa mga kulang natin at advanced ang napag-aralan na willing mag-share ng mga natutunan nila dahil nais nilang palawakin ang mga natutunan nila o naghahanap ng mga taong may kapareho ng nais na resulta gamit ang mga napag-aralan nila. Yung mga taong kapareho nila ng hangarin, kaisipan at pag-unlad hindi lang sila kundi maging ang komunidad nila.
986Please respect copyright.PENANAPrUwGXOJXD
986Please respect copyright.PENANADCwbGyspfR