“Nalaman na ng mommy ko,” bungad niya sa akin sa isang text message ngayong umaga ng aming ikalawang buwan ng pagiging magkakilala namin. “Kailangan na yata nating itigil kung ano man ang meron sa‘tin,” dagdag pa niya sa pangalawang text message na sinend niya ngayong umaga.
Napatanong ako sa sarili ko, ano nga ba ang meron sa’tin? Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit may kailangang magwakas.
Sinubukan kong tipain ang mga letra sa cellphone ko ngunit ang tanging lumalabas ay, “Mahal na mahal kita.” Ayokong i-send dahil alam kong hindi ko naman makukuha ang tugon na gusto kong makuha. Binura ko ito lahat at sinabing, “Kita tayo sa dating lugar. Usap tayo, Sage.”
Naghintay ako ng reply ng mga 30 minuto pero wala pa rin yung pangalan niya sa screen ng cellphone ko. Napabuntong-hininga na lang ako dahil mukhang ‘yun na ang huling text message na matatanggap ko mula sa kanya.
“Anak, kumain ka na muna,” sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko. “Kanina ka pa hinihintay ng pagkain. Lalamig na ‘to oh,” sigaw niya pa ulit habang kumakatok sa naka-lock kong pintuan.
Hindi ko alam kung may lakas pa ako para humarap sa mga tao ngayon dahil sa text ni Sage. Literal na nanghihina ang tuhod ko at baka matumba lang ako sa pagbaba ko sa hagdan.
“Susunod na po,” mahina kong tugon dahil naubos talaga ang lakas ko kahit kagigising ko pa lang. “Aayusin ko lang yung mga gamit ko para sa klase ko ngayong araw.”
-
Binuksan ko ang heater ng tubig sa banyo dahil hindi ko yata kakayaning makipagbuno sa malamig na tubig ngayong December. Hindi pa rin maalis sa isip ko kung bakit? Nalulunod na ako sa mga ideya kung may nagawa ba akong mali.
Nag-ring ang cellphone ko kaya binilisan ko nang kaunti ang paliligo ko. “Pucha,” usal ko. “Ang lamig pa rin ng tubig kahit may heater na,” angal ko habang nilalagayan na ng shampoo ang humahaba kong buhok.
Habang patuloy na nagri-ring ang cellphone ko ay inaayos ko ang mga gamit ko para sa klase ko ngayong araw.
“Laptop,”
“Binder,”
“Ballpen,”
“Condom,” pag-iisa-isa ko sa mga kailangan kong dalhin ngayong araw. Mukhang magiging sandata ko ‘tong condom ko para hindi ako tuluyang iwan ni Sage. Dinala ko yung chocolate-flavored condom na paborito naming gamitin.
“Anak, ano ba? Kanina ka pa dyan ah,” reklamo ng nanay ko habang walang habas na kinakatok ang kahoy kong pintuan. “Sagutin mo na nga rin yung tumatawag sa cellphone mo. Kanina pa ring nang ring ‘yan,” pasigaw niyang utos sa akin dahil sa hindi pa rin tumitigil ang pagri-ring nito.
“Ma, kung nagsasalita lang ‘yang pintuan, malamang minura ka na niyan,” biro ko sa kanya dahil wagas talaga niyang katukin ito. “Ito na po. Pababa na ako,” maikli kong tugon.
____________
“Happy birthday, Archer!” sigawan ang narinig ko pagkababang-pagkababa ko sa hagdan namin. Halos muntikan ko nang malimutan na birthday ko nga pala ngayong araw. Naghalo-halo na kasi yung mga iniisip ko at ang pangit pa ng bungad ng umaga ko.
“Kanina pa kita tinatawagan, Arch. Ano bang ginagawa mo?” tanong ni Pearle sa’kin, dala-dala ang dalawang layer ng chocolate cake na bagong favorite ko lang. “Kailan mo pa ‘to naging favorite? Aber?” pang-iintriga niya sa’kin na may halong titig na hindi ko maintindihan kung anong point.
“At kanino mo naman nalaman na favorite ko ‘yan?” balik na tanong ko sa kanya dahil isang tao lang naman ang kasama ko noong na-discover kong sobrang sarap pala ng chocolate cake.
Ngunit hindi ko mapigilan na magpaikot-ikot ang tingin ko sa paligid. Bakit ikaw lang yata ang wala? Siguro nga ‘yun na ang huling text mo sa’kin at baka mamaya na kita huling makita.
“Archer.”
“Sage?”
____________
“Bakit ka nandito ngayon?” malumanay kong tanong sa kanya. Hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin ako sa mga nangyayari. Kanina lang ay nag-text siya na “Tapusin na natin ‘to,” tapos ngayon ay ganito?
“Paalis na ako, Arch,” sambit niya sa akin na sinundan niya nang pagtingin sa malayo. Nakita ko kung gaano nakakasilaw ang maputi niyang mukha kapag natatamaan ng araw. “Arch, baka matagal akong mawala,” malungkot niyang dagdag na tinugunan ko nang tipid na ngiti.
“May magagawa pa ba ako para hindi ‘yan matuloy?” tanong ko sa kanya kasi ako man mismo ay hindi na alam ang gagawin dahil sino ba ako sa kanya? Ni hindi nga yata ako kilala ng mga magulang niya. Oo, kilala siya ni Mama, pero bilang batchmate ko lang sa PUP ngayong taon. “Sage, hindi ko na rin alam ang gagawin ko kanina pa simula noong mabasa ko yung text mo,” halos maiyak-iyak kong sabi sa kanya ngunit blangko ang mga mata niya. Baka nga ayaw na rin niya at baka kailangan na ngang itigil.
Malamang ay may sumapi sa akin para gawin ito sa kanya pero ‘yun na ang pinakanakakatuwang regalo na nakuha ko sa buong buhay ko.
Ang halik ni Sage.
Malambot ang dumamping mga labi sa akin na sobrang mapula lalo nang nasinagan ito ng araw. Bitbit ang nag-aalab na damdamin kay Sage ay mas tinindihan ko ang paghalik at hindi naman ako nabigo dahil ramdam ko ang ganti ng mga halik niya sa akin. Nakita ko kung paanong ang blangko at walang ekspresyon na mata ay napuno nang pagkasabik. Rinig ko ang tibok ng puso naming dalawa na sabay sa saliw ng musika ng hangin habang dumadampi sa dahon ng mga puno.
“Arch, tama na. Baka may makakita sa atin,”
“Tama nga si Pearle. Baka nga ikinahihiya mo ko,”
“Sage, alam mong hindi ‘yun yung dahilan,”
“Naiintindihan ko, Sage. Alam kong ilalayo ka ng Mommy mo kasi nalaman niyang tayo na at ayaw niya nang malaman pa ‘to ng Papa mo,”
“Arch, I love you,”
“Sabihin mo sa’kin ‘yan kapag handa ka na, Sage. Kapag wala nang pumipigil sa’yo kasi parang pati tadhana ay pinaglalayo na tayo.”
Bago kami tuluyang maghiwalay ay may kinuha siya sa loob ng sasakyan niya. “Sandali lang, Arch. May regalo ako sa’yo,” sabi niya bago pumasok sa loob ng sasakyan niya.
Paglabas nya ay bitbit ang isang box ng cake mula sa isang sikat na bakery. Chocolate cake. Alam niya na talaga ang kiliti ko. Kalakip ng cake ay isang sobre na puti na naglalaman ng liham.
“Bakit nag-abala ka pa?” tanong ko sa kanya matapos niyang iabot sa akin ang regalo niya. “Baka mamaya ma-miss kita lalo nyan,” biro ko sa kanya na sinamahan ko ng ngiti dahil baka ito na ang huling regalong matanggap ko.
Ang regalong makilala ko ang isang Sage Alcante.

ns 15.158.61.8da2