ARCHER
“I need this paper tomorrow,” utos ni Ms. De Guzman sa amin para sa 21st Literature naming subject. “No paper, no finals,” pambabanta niya sa section namin dahil second semester na at hindi niya raw kami nakikitaan ng effort sa subject niya. “Remember, finals is just a week away. Kung gusto niyong dito pa mag-aral next year gawin ninyo ‘yan. I mean it,” sabi niya bago kami lumabas sa classroom namin.
Pagkalabas niya ay sunod-sunod na reklamo ang mga kaklase ko. “Grabe talaga ‘yang professor na ‘yan,” paulit-ulit na bulong na narinig ko galing sa mga kaklase ko. “Sana talaga hindi na natin ‘yan professor next school year,” dagdag pa ng isa.
Sinilip ko yung relo ko para malaman kung anong oras na. 11:30am na pala. Wala rin akong ganang kumain kaya’t ginawan ko na lang ng balangkas yung paper na gagawin namin para sa 21st Literature. May meeting kasi kami sa school publication mamayang 3:00pm para pagkatapos nun ay wala na akong intindihin.
“Psst,” may narinig akong sitsit galing sa likod ko pero hindi ko pinansin. Imbis na lumingon ay nilagay ko na lang ang earphones ko at ibinaling ang atensyon ko sa kanta. “Psst,” pangalawang sitsit niya na may kalakasan kaysa sa una. Hindi ko naman kasi maririnig yung sitsit nya kung mahina ‘to dahil nagpapatugtog ako.
Hindi ko na rin natiis at nilingon ko na yung sumisitsit sa likod ko. At nagulat ako sa nakita ko sa likod. Siya talaga yung sumisitsit sa akin?
“Ano ‘yun?” pabulong kong tanong sa kanya dahil hindi naman ako madalas pansinin nitong kaklase ko na ‘to. “Anong kailangan mo?” pagalit kong tanong sa kanya dahil nakatitig lang siya sa’kin.
“Ang ganda mo pala, Archer,” pambobola niya na sinabayan ng pilyong ngiti. “Pwede mo ba akong tulungan sa paper natin?” dagdag niya na nagpabusangot sa mukha ko. Manghihingi lang pala ng pabor kung ano-ano pang sinasabi. “Promise, isasama kita sa training namin ng basketball mamaya. ‘Di ba crush mo yung isang teammate ko?” pang-uusisa niya sa’kin. Pati pala mga lalaki usisero na rin ngayon.
Agad ko itong tinanggi dahil baka mamaya ipagkalat niya pa kahit hindi naman totoo. “Hindi. Ano ka ba naman, Sage. Baka mamaya may makarinig sa’yong kaklase natin,” tugon ko sa kanya.
“Alam ko na,” umalis siya sa upuan niya para tumabi sa’kin para mas makapag-usap kami nang malapitan.
“Alin ang alam mo na, Mr. Alcante?”
“Ako yung crush mo Archer ‘no?”
“Excuse me, Sage? Ang kapal mo naman. Pwede bang pag-usapan na lang natin kung anong pwede kong itulong sa’yo sa paper,” dahil baka kung ano-ano pang mapag-usapan namin kung hindi pa namin ‘to sisimulan.
“One night stand and do the paper or don’t do my paper and you stay virgin for life,” offer sa’kin ni Sage.
“Totoo ba ‘yan?” pang-uusisa ko sa sinabi niya ngunit pinilit kong tanggalin ang bakas ng excitement sa boses ko dahil baka kung ano pang isipin niya.
“Hoy, Archer!” pagtawag ni Sage sa akin na nagpabalik sa akin sa wisyo.
Kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko. Malamang gawa na ‘to ng puyat dahil ang dami na talaga naming requirements nitong mga nakaraang araw.
“Ah, ano na nga ulit? Nasaan na nga ulit yung pinag-uusapan natin?” umiwas ako ng tingin dahil hindi ko pa rin ma-digest na naisip ko ‘yun kay Sage. Of all people, si Sage talaga?
“Pwede ka ba mamaya after game namin? Sa bahay namin, one ride away lang galing dito sa school. Sumabay ka na sa akin after game and ako na maghahatid sa’yo pauwi,” may chance pa ba akong tumanggi? Parang win-win situation na ‘to para sa kanya. Ako pa naman yung type ng tao na hindi tumatanggi sa humihingi ng tulong.
IS HE MY BOYFRIEND FOR TODAY? Kasi naman ayaw niyang magpapigil at gusto pa talaga akong ihatid-sundo. Pero kung boyfriend lang din, hindi ko naman ide-deny na gwapo at ma-appeal si Sage pero hindi nga lang siya yung type ko.
“Okay, I’ll see you later. May meeting din ako sa school publication ‘til 3pm. Saan ba tayo magkikita?” naputol ang pag-uusap namin nang pumasok na ang professor namin for the last subject. Bago pa namin matapos yung pag-uusap namin ay napilitan na siyang bumalik sa pwesto niya.
“Parking lot,” nabasa ko ang buka ng bibig ni Sage nung huling beses akong lumingon sa kinauupuan niya. “Salamat,” ang sabi niya pa.
____________
“University games is just a week away, Archer,” nasa school publication office ako ngayon para sa pag-a-assign ng tasks for the upcoming University Intramurals. “And I am assigning you na mag-cover ng basketball team together with Krystin,” patuloy lang ako sa pagsusulat ng mga details ng tasks ko until I heard that name. Her name.
“Krystin?” pagkumpirma ko sa mga narinig ko dahil baka hallucination lang ‘to. “Alam mo namang hindi ko siya kasundo ‘di ba?” buti na lang talaga at wala siya rito ngayon. “Ang dami mo namang pwedeng i-partner sa’kin ‘di ba?” nandyan naman yung ibang trainees, juniors at new applicants.
“Yes, you are a senior of this publication. Pero hindi ka pwedeng mag-inarte. Set aside your personal matters, Archer. The school does not care about your feud. Understand?” at nawala na si Priscilla sa harap ko. Kung hindi lang talaga siya OIC baka nasagot ko na siya eh.
Hindi ko makakalimutan kung paano ako pinagbintangan ni Krystin na third-party nila ni Earl. Never in my life na napagbintangan akong third-party ng girl-boy relationship. And ang daming lalaki, si Earl talaga? I’d rather stay a virgin for life kung siya lang din aagawin ko. Seriously, threatened siya sa isang beauty ng baklang tulad ko? Apparently, I’ve witnessed Krystin at her lowest noong time na ‘yun. She begged na ibalik ko na sa kanya si Earl. ‘Yun na siguro ang naging peak ng popularity ko dito sa school. From a low-profile gay seeking for acceptance, I became the most cool one.
After I collected my thoughts tungkol sa mga naalala kong nangyari from the past, inaral ko na lang muna yung paper namin ni Sage. 2:30pm pa lang naman kasi, pero naisipan ko rin na pumunta na ako sa gym.
I started planning kung anong pwedeng i-feature sa basketball team namin. And I think alam ko na yung magiging kapalit nang pagtulong ko sa paper ni Sage. Pwede niya akong tulungan sa pagbuo ng news feature namin ni Krystin.
Naramdaman kong may umakbay sa akin mula sa gilid ko.
“Arch!” masiglang bati ni Sage sa akin na nangangamoy bagong ligo. Nag-stay sa ilong ko yung scent ni Sage dahil sobrang bango niya. Tila ba pabango yata ang ipinambanlaw niya kanina sa paliligo.
Paug-upo niya ay pinagmasdan namin ang mga natirang atleta sa court. Kinakapa ko na rin kasi yung University Intramurals feature story ko para sa publication. Paano kaya kung si Sage na lang i-feature ko? I think he’s not the ordinary athlete. Paano kung ang dami niya palang exceptional characteristics?
“Hoy, I’ll be needing your help,” sikat si Alcante sa campus pero kahit kailan ay hindi ko siya trinato bilang dominante. Isa pa, hindi rin naman kami madalas mag-usap nito. Cool lang kami sa isa’t-isa dahil na rin siguro sa kaibigan ko yung Kuya niya… na bakla rin. “Ano bang pwede kong i-feature sa basketball team? Tell me something na kakaiba sa inyo,” seryoso niya pa akong tinignan pagkatapos ko siyang tanungin.
“Ang slow mo naman, Arch. Nasa harap mo na yung kakaiba sa team namin,” noong una ay hindi ko talaga makuha yung point niya. “May Sage Alcante ba sa ibang High School? Wala naman ‘di ba?”
“At totoo nga ang balita ah,” segunda ko sa kayabangan niya.
“At anong balita nanaman ‘yan, Archer?”
“Na mayabang ka nga,” biro ko at tumayo na ako para iwan siya sa bench na pinag-upuan namin. “Hindi pa ba tayo aalis?” nilahad niya yung kamay niya para tulungan ko siyang tumayo.
___________
But if you only have love for your own race
Then you only leave space to discriminate
And to discriminate only generates hate
And when you hate then you're bound to get irate, yeah ♬♫
“Ang ganda ng kanta ‘no,” sabi ni Sage habang paindak-indak sa loob ng sasakyan niya. “Uhm,” napalunok siya dahil parang may gusto siyang sabihin sa’kin. “Naiintindihan ko pala kayo, yung struggle niyo,” noong una ay naguguluhan ako sa sinasabi niya pero dinugtungan niya ito, “dahil member din LGBT community yung Kuya ko.”
“Tanggap ba si Adam sa bahay niyo?” tanong ko sa kanya. Sa dinalas-dalas naming nagkakausap ni Adam ay hindi niya naikwento sa akin yung katayuan ng pamilya nila sa pagiging bakla niya.
Bakas sa mukha ni Sage yung sincerity sa mga sinabi niya. Hindi mapigilan ng puso kong matuwa sa mga taong malawak ang pang-unawa sa sitwasyon at kalagayan namin.
Saglit akong napatitig sa labi niya habang hinihintay siyang sumagot sa tanong ko.
Bago pa siya sumagot ay sinundan ko na agad ng isa pang tanong, “Naka-lipstick ka ba, Sage?”
“Alam mo, konti na lang iisipin ko nang crush mo ko,” biro niya na sinabayan niya nang pilyong tawa. “May patitig-titig ka pa dyan sa labi ko ah,” at hindi nanaman nawala yung ngiti niyang lagi niyang dala-dala kahit saan yata siya mapadpad. Pagkatapos nang tawanan ay bumalik ang usapan namin kay Adam. “Ayaw ni Daddy sa homosexuality kaya closeted gay si Kuya, pero sa bahay lang naman,” at sa puntong ‘yun ay hindi maipinta ni Sage ang mukha niya. Ang kanina ay ngiti ay nagbagong-anyo papunta sa simangot.
Totoo nga yung chismis at mga usap-usapan na mabait ‘tong si Alcante. Mukhang binasag niya yung pangit na stereotype na kapag basketball player ka ay babaero, tamad sa academics, puro “ball is life” ang alam.
“Huwag mong pababayaan yung Kuya mo ah,” paalala ko sa kanya dahil kailangan ng Kuya niya ng kakampi sa mga ganitong kaganapan sa buhay niya. “Loko ka, hindi ka magkaka-lovelife kapag pinabayaan mo Kuya mo,” pambabanta ko sa kanya.
“Syempre, mahal na mahal ko yung Kuya ko na ‘yun,”
Mukhang narating na namin yung bahay nila. Hindi mo maikakailang nabubuhay si Sage sa maginhawang buhay sahil may kalakihan ang bahay nila. Marami ring sasakyan na iba’t ibang units. Inabot lang naman kami ng 30 minutes na travelling time mula sa school dahil hindi naman traffic around sa school namin.
“Anong gusto mong kainin?” tanong niya sa akin pagkababa namin ng sasakyan niya. “Nanay, pakihanda naman ng pagkain yung bisita ko,” utos niya sa isang kasambahay nila.
“Huwag na, ayos lang ako. Hindi pa naman ako nagugutom eh,” pagtutol ko sa gusto niya. Nakakahiya rin kasing kumilos dito sa bahay nila lalo na’t unang beses kong makapunta rito. Kapag kasi birthday ni Adam hindi niya kami dito pinapupunta, laging sa labas kami kumakain.
___________
“Pwedeng magtanong, Archer?” tanong niya sa akin sa kalagitnaan nang paggawa namin ng homework namin.
Pasensya na sa crush kong si Ross Butler, pero hindi ko talaga mapigilang mapatitig kay Sage Alcante. Siguro dahil na rin ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. Kahit kasi pangalawang taong ko na siyang kaklase ay ngayon ko lang siya nilapitan.
“Nagtatanong ka na nga eh,” pero tinanguan ko siya. “Sige, ano ba yang tanong mo?” nag-uusap kami habang ginagawa yung paper namin. Medyo nalulunod na rin yata siya sa pag-iisip kaya naisipan niya akong kausapin.
“Totoo ba yung chismis sa inyo ni Earl?” pang-uusisa niya. Nagulat akong kalat pala talaga yung issue ng pagiging mang-aagaw ko. Hindi ko talaga ma-imagine na kinagat ‘yun ng mga schoolmates ko.
“Ano bang sabi ni Earl? ‘Di ba team captain niyo yun?” pagbabalik ko ng tanong sa kanya. Bakit ba hindi na lang si Earl yung tinanong niya eh palagi naman silang magkasama?
“Hindi siya nagkukwento sa akin eh,” sabi ni Sage habang tuloy-tuloy lang sa paggawa ng paper namin. “Saka hayaan mo na nga kasi hindi rin naman ako naniniwala,” pagkasabi niya nun ay nalungkot ako.
Hindi ba siya naniniwalang may papatol sa akin? ‘Yun ba yung hindi niya pinaniniwalaan? Eh sino nga ba naman ang magkakagusto sa’kin sa loob ng Catholic School na ‘to?
“Alam ko naman. Bakit nga naman kasi maniniwalang papatulan ako ng isang varsity player,” hindi ko siya matignan dahil nadismaya talaga ako. Pero gayunpaman, naiintindihan ko siya.
“Hindi ganon, Arch,” pagputol niya sa akin. “Hindi ako naniniwalang mang-aagaw ka,” hindi ko maitaas ang tingin ng mga mata ko. Feeling ko kasi nakatitig siya sa’kin. Hindi ako kumportable, Sage.
“Bakit naman?”
“Lovable kaya yung personality mo,” pagkumbinsi sa akin ni Sage. “Huwag ka na doon kay Earl, sa’kin ka na lang,” parehas naming tinawanan yung joke niya.
Ni minsan ay hindi ko narinig yang mga katagang ‘yan. Walang nagsabi sa’king lovable ako. Ang hirap paniwalaan pero mukhang marami ngang unique characteristics ‘tong si Alcante na magbibigay kulay sa feature section ng dyaryo namin para ngayon buwan.
Pero imbis na magpadala ako sa mga sinabi niya, “Sira ulo ka talaga. Magsulat ka na nga dyan.”
ns 15.158.61.20da2