Sa himbing ng iyong pagtulog, hindi mo na namalayan, ang lalim ng aking hininga. Hindi ko na rin alam kung saan ko ito hinugugot. Sa sakit? Hindi. Tinuruan ko na ang aking sarili na mawalan ng pakialam. Sa lungkot? Tumigil na akong umasa. Sa pangungulila? Tinigil ko na rin ang pag-iisip na posible tayo. Sa buhay na ito, sa susunod pang mga buhay. Hindi naman sa kailan man nagkaroon ng anumang kahulugan ang relasyon nating dalawa. Isa lamang itong kathang-isip, isang delusyon.
Isa akong tanga na gumawa ng mga bagay na alam kong mali, para lamang makasama ka. Tanga na naghahabol nang pansamantalang kaligayahan na alam kong walang papupuntahan dahil walang direksyon. Uminom ako ng alak na hindi ko naman ginagawa. Matalino akong tao pero pinabayaan ko ang lahat, tanga-tanga ko talaga pagdating sayo.
Kanina katabi mo siya. Siya. Hindi ako.
Sa inuman. Lasing kayong pareho.
Tinanong mo ako, kung okay lang. Sagot ko, buhay mo iyan.
Pinili mo siya. Kasi malabo tayo
Narinig ko kayong naghahalikan. Habang ako ay nagtutulog-tulugan. Binibilang ang tibok nang puso habang pinapangako sa sarili na ititigil na ito. Pero wala namang nasimulan?
ns 15.158.61.16da2