Nandito ako sa isang paborito kong coffee shop, madalas ako dito pag gulong-gulo na ang isip ko. Nakaupo ako sa sulok at nakatanaw sa labas, pinagmamasdan ko ang mga puno at mga halaman sa labas ng shop. Pinagmamasdan ko ang mga sasakyan, mga batang nag lalaro, at lahat ng mga dumadaan.
"Black coffee for Mr.J "
Wika ng kahera.
"Black coffee for Mr.J"
(Bell ringing)
Bigla akong nagising sa ilang minutong sa pag-tulala.
Lumapit ako sa cashier at sinabing:
"Pasensya na miss hindi ko masyadong na rinig"
Tumango lang siya at ngumiti.
Bumalik ako sa aking pag ka upo at humigop ng mainit na kape.
---
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at sinilip kung nag message na ba sya.
Buong araw na syang hindi nag paparamdam at nangangamusta sa hindi malaman na dahilan.
Ganun naman lagi, pag meron kaming tampuhan halos tinitiis nya ko ng buong araw.
Napansin kong mauubos na pala tong kape ko, kaya kumaway ako sa cashier at nag bigay ng maliit na ngiti, sabay turo sa iniinom kong kape.
Ilang minuto lumapit yung cashier sa kinauupuan ko at inabot yung kapeng inorder ko .
Sa ilalim nito, may napansin akong nakatiklop na sulat at may nakalagay na;
"Hi ! Sir. pangalawang kape niyo na po yan, wag na pong gawing tatlo baka hindi na kayo makatulog. Pasensya po kung FC, okay lang po ba kayo ?"
Ngumiti lang ako habang nakatingin sa ulap, at huminga ng malalim.
Hindi ko namalayan dapit-hapon na pala, at ilang oras nalang mag gagabi na naman, matatapos na naman ang araw, lilipas na naman ang hapon.
Bago ako tumayo, kinuha ko yung papel at ballpen ko sa bulsa ng bag ko para tumugon sa tanong ng kahera sa coffee shop.
Madalas kasi akong magsulat ng kanta, pag may na isip akong intro, linya, pamagat, at kahit tono sa isip ko, sinusulat ko agad para hindi ko makalimutan. Minsan sa phone, sa papel, o kahit sa likod ng resibo. Kalaunan tinutugtog ko sa gitara pag na gawa ko na ng buo yung kanta.
Humigop muna ako ng kape bago ako tumugon, sinigurado kong mauubos ang kapeng binili ko at masusulit ko yung huling patak nito.
Pag tapos ko uminom ng kape, tumugon na ko sa tanong ng kahera.
"Okay lang ako Miss, salamat sa pag-aalala."
Nilagyan ko ng smile na drawing para mas lalong makabuluhan na ayos ka lang kahit hindi naman talaga.
Iniwan ko lang sa table ko yung sulat, at tumayo na ko at lumabas ng pinto.
Isa 'to sa masarap na pakiramdam, yung malasap ko yung hangin at madampiaan ng sikat ng araw ang aking mga balat. Maliban sa sikat ng araw sa umaga, sikat ng araw sa dapit-hapon ang pinakagusto ko at lagi kong inaabangan sa buong araw.
Wala akong pakealam sa ingay ng paligid, sa ingay ng mga taong nag uusap, sa ingay ng mga tambucho ng sasakyan, sa mga tindero at tinderang nag lalako ng mga paninda nila sa kalsada. Basta masaya akong nag lalakad at tinatanaw ang mga ibon at mga bulaklak sa daan nagiging panatag at mahinahon ako buong araw.
ns 15.158.61.13da2