Dear Moira,
Apat na letra, isang salita. Salita na akala ko ay lilimutin ko na nang tuluyan. May gusto akong ipagtapat sa iyo. I have never thought myself to love. To fall in love again to be exact. Dati rati kasi I thought love as disgusting, repulsing, infuriating, sayang sa oras, at walang kwenta. Do you still remember her? Yung babaeng nagpabaliw at nagparealize sa akin na hindi totoo ang true love. Si Lea... Si Lea na minahal ko nang lubos at sinaktan ako nang lubusan. She is the reason why I HATE the word love. Hindi mo ako masisisi dahil minahal ko siya, nagpakatanga, at naloko nang tuluyan. OO aaminin ko, naging bitter ako. Siguro kaya negative ang naging unang impression mo sa akin noong una tayong nagkakilala. You remember right? Sa basketball court? Yung araw na sinabihan kita nang patanga-tanga at walang kwenta. Yung araw na natamaan kita nang nilalaro naming bola noon. Alam mo bang sobrang guilty ko nang natamaan kita ng bola but that was my worst day ever lalo na at iyon ang pangalawang araw nang break-up namin ni Lea. Hindi naging maganda ang unang nating pagkikita kaya sa tuwing tayo ay nagkakasalubong o nagkakasama; puro tayo bangayan, asaran, pikunan, hanggang sa naging magkaibigan rin sa huli. Ikaw lang yung babaeng nakakaasar at nakakasira nang araw ko pero strangely enough, ikaw palagi ang hinahanap ko. Na kahit ganoon lagi ang set-up natin, masaya ako. Masaya ako sa piling mo. To the point na minsan kinukwestion ko ang pagmamahal ko sa ex kong si Lea. You made me realize that hindi kailangan nang true love dahil love lang sapat na. But maybe, happiness really doesn't last. Dahil kung kailan ko na nahanap si the one, saka ka naman nawala. Nawala na hindi man lang nagparamdam. Na kahit mag tanong ako sa mga kaibigan mo, kakilala mo, laging hindi nila alam ang isasagot. Pero hindi ako tumigil na hanapin ka. Hindi ako tumigil dahil alam ko. Alam ko na hindi ka aalis nang walang dahilan. Hanggang sa nalaman ko ang totoong nangyari sayo mula sa kapatid mo. Once again naiwan na naman ako. Nasaktan, nasugatan, nalimutan. It hurts pero hindi kita sinisisi. Because I know that it is indeed fate na nakilala kita. I lost my time para aminin at iparamdam sa iyo ang nararamdaman ko. Kaya sa sulat na ito ko sasabihin ang hindi ko nasabi sa iyo noon. I love you. I will never even once regret loving you Moira. I love you Moira and see you soon. My partner, my fate, my only love of my life...
206Please respect copyright.PENANA4c8sv7M9n5
Forever Loving you,
Justin
ns 15.158.61.20da2