"Asan ba yung mga 'yon?" inis na tanong ni Hilda habang pasimpleng sinusulyapan ang relo niya.
Kanina pa sila ni Emma nakaupo sa park malapit sa Korean restaurant kung saan sila kakain, pero ni anino ng dalawang hinihintay nila, wala pa ring lumilitaw.
Napabuntong-hininga si Emma bago tumingala sa langit, tila nagdarasal na hindi na magtagal ang paghihintay nila. "Ewan ko sa dalawang 'yon. Si Bryan, kanina pa sabi nang sabi na malapit na siya, pero mag-iisang oras na 'yung malapit niya."
Umirap si Hilda bago sumandal sa bench. "Baka naman nilibot ng taxi niya ang buong city."
Natawa naman si Emma.
"Eh si Jackie?" tanong ni Hilda habang abala sa pag-scroll sa phone niya.
Sinilip ni Emma ang messages sa phone niya. "Wala pa rin siyang reply. Baka nag-aayos pa ng make-up."
Napailing si Hilda. "Grabe naman 'yon, parang sa photoshoot pupunta!"
"Hayaan mo na, minsan lang naman tayo magkakasama ulit," sagot ni Emma habang nilalaro ang strap ng bag niya.
Sakto namang nag-vibrate ang phone niya at may isang bagong message mula kay Jackie. Binasa niya iyon bago tumingin kay Hilda. "On the way na daw siya. Totoo na kaya 'to?"
Hilda crossed her arms at napailing. "Kapag sinabi niyang malapit na siya ulit, uuwi na ako!"
Napatawa si Emma at umiling.
Habang abala si Hilda sa pagmamaktol, pasimpleng kinuha ni Emma ang phone niya at nag-type ng mabilis na message sa group chat nila.
Emma: Bilisan niyo na, naaasar na si Hilda. Malapit na kayong maging libre.
Ilang segundo lang, nag-reply agad si Jackie.
Jackie: WAIT LANG!!! On the way na ko! Huwag mong hayaang maging bruha si madam!!!
Sumunod naman si Bryan.
Bryan: AKO RIN! Malapit na talaga!
Napangiwi si Emma sa nabasa at napabuntong-hininga.
Emma: Bryan, kanina mo pa 'yan sinasabi. Hindi na kami naniniwala.
Sa gilid ng mata niya, napansin niyang sumilip si Hilda sa phone niya. "Sino 'yang tini-text mo?" tanong nito, may halong pagdududa ang tingin.
Mabilis na tinago ni Emma ang phone niya at ngumiti nang pilit. "Wala! Nagche-check lang ako ng notifications."
Hilda narrowed her eyes. Tumagilid ito sa upuan, naka-cross arms at halatang hindi na natuwa sa paghihintay. "Kapag hindi pa sila dumating sa loob ng limang minuto, mauna na tayo kumain."
Tumango ako.
Emma: LAST WARNING. 5 MINUTES.
Doon na talaga nagmadali ang dalawa.
Maya-maya lang ay dumating na rin sa wakas si Bryan, hiningal at mukhang nagmamadali. Agad niyang napansin ang talim ng tingin ni Hilda pero hindi niya pinahalata.
"Mga baklaa! Nandito na ang very demure at very mindful niyong kaibigan!" masiglang bungad ni Bryan, sabay maingat na umupo sa tabi ni Emma, malayo kay Hilda.
Napataas ng kilay si Hilda. "Very mindful? Mindful saan? Sa pagiging late?"
Napakamot si Bryan sa batok. "Grabe ka naman, bes. Alam mo namang gusto ko kayong ma-miss ng kaunti bago ako dumating."
Nagpigil ng tawa si Emma.
Sunod namang dumating si Jackie, halatang nagmamadali habang hawak-hawak pa ang maliit na salamin at nagsusuri kung okay pa ang lipstick niya.
"Mga baks! Andito na ang reyna n'yo!" aniya, sabay posing na parang may sariling spotlight.
Napatingin si Hilda sa kanya, sabay irap. "Anong reyna? Reyna ng late?"
Umupo si Jackie sa tabi ni Bryan at agad na nag-peace sign kay Hilda. "Uy, sorry na! Pero at least, dumating ako nang fresh, 'di ba?"
Napabuntong-hininga si Hilda, pero halatang nabawasan na ang inis niya. "Tara na nga! Gusto ko nang kumain!"
Sabay-sabay silang tumayo.
"Saan tayo kakain? Sa korean restaurant ba talaga?" tanong ni Bryan.
"Oo. Doon ang gusto niyo 'di ba," ani Emma.
"Sigurado ka?" medyo alangang tanong ni Jackie dahil hindi naman mura yung kakainan nilang korean restaurant.
Ngumisi si Emma. "Mag-order lang kayo ng kahit anong gusto niyo," naka-ngiting sabi ni Emma sa kanyang mga kaibigan. "Akong bahala."
"Wow. Yayamanin, ha," ani Bryan, sabay taas ng kilay at pabirong sinuri si Emma mula ulo hanggang paa. "First salary ba 'to o may tinatago kang sugar daddy?"
"Loko ka!" natatawang sigaw ni Emma bago tinampal si Bryan sa braso. "Gusto mo bang ma-cancel ang libreng pagkain mo?"
"Wag naman, wag naman!" mabilis na sagot ni Bryan, kunwari'y nagmamakaawa habang tinatakpan ang bibig niya na parang pipigilan ang sarili sa pagsasalita.
"Pero seryoso, Em, sigurado ka?" muling tanong ni Jackie, halatang may kaunting pag-aalalang baka masyadong magastos para sa kaibigan nila.
"Oo naman," sagot ni Emma nang walang pag-aalinlangan. "Alam kong hindi natin madalas ginagawa 'to, kaya gusto kong i-treat kayong lahat. Minsan lang naman."
"Hala, baka naman maubos agad ang sahod mo sa amin?" sabad ni Hilda, nakataas ang kilay habang nakatingin kay Emma.
"Okay lang 'yan! Hindi ko naman kayo ililibre araw-araw, 'no," natatawang sagot ni Emma. "Tsaka mas masarap kumain kapag may kasamang matatakaw."
"Ay grabe! Feeling ko pinersonal ko 'yun!" pabirong reklamo ni Bryan habang hawak ang dibdib na parang nasaktan.
"Totoo naman kasi," sabay na sagot nina Jackie at Hilda bago sila magtawanan.
Habang naglalakad, lihim na napangiti si Emma. Totoo, baka hindi ito ang pinaka-praktikal na desisyon, pero gusto niyang iparamdam sa mga kaibigan niya kung gaano siya nagpapasalamat sa kanila.
They really helped her a lot when she moved so compared to what they did to her, this is nothing. Kahit papaano, sulit na sulit ang unang sahod niya.
Pagkapasok nila sa restaurant, dumeretso si Emma sa cashier at sinabing iyong unli beef and pork samgyup and order nila at sinabi niya kung ilan silang kakain.
Hindi nagpatay patay iyong apat, agad nilang kinuha ang kani-kanilang tray at naglakad papunta sa buffet station.
Dahil unlimited ang kainan, excited nilang pinili ang mga karne, side dishes, at sauce na gusto nila. Si Bryan ang pinakaunang sumabak, walang kahihiyang nagsalansan ng samgyupsal sa plato niya, habang si Jackie ay maingat na pumipili ng tamang ratio ng pork at beef.
"Bry, hinay-hinay lang. Baka isipin ng staff dito, hindi ka pa nakakakain ng isang buwan," natatawang puna ni Hilda habang nakatingin sa tambak ng karne sa plato ng kaibigan.
"Aba, syempre! Hindi ako magpapatalo, unli 'to! Sayang ang binayad ni Emma!" sagot ni Bryan na may malaking ngiti.
Napailing na lang si Emma habang naglalagay sa plato ng gusto niyang pagkain. Gusto niyang sulitin ang bayad, pero hindi naman siya kasing agresibo ni Bryan.
Pagbalik nila sa mesa, kanya-kanyang setup agad. Si Hilda na ang nagprisintang mag-grill ng karne habang si Jackie ay abala sa pag-aayos ng dipping sauces. Samantala, si Bryan, ay kinareer ang pagkuha ng side dishes. Llahat ng klase ng kimchi, pati na rin ang hindi pa niya alam kung ano pero kinuha niya pa rin.
"Bryan, ano ‘yan?" tanong ni Emma, nakatingin sa isang platitong may mukhang spicy na gulay.
"Ewan, pero libre, so kinuha ko," sagot nito bago sinubo ang isang piraso. Agad siyang napangiwi. "Tangina, anghang!"
Nagtawanan silang lahat.
Halos dalawang oras pa ata sila bago nagpasyang umuwi. Busog na busog, pero masaya.
Habang naglalakad pauwi, nag-ring bigla ang cellphone ni Emma. Agad niyang kinuha ito mula sa bulsa at napakunot-noo nang makita ang pangalan ni Seb sa screen.
"Hello?" sagot niya.
"Nabalitaan kong sumahod ka na," sagot ni Seb na may halong pang-aasar sa tono. "Nasan na ang libre ko?"
Napangisi si Emma. "Wow. Wala man lang hi? Diretso talaga agad sa libre? Tsaka paano mo alam na sumahod ako?"
"May mga sources ako," sagot nito. "So, anong feeling ng unang sahod? Nakaka-adik, ‘di ba?"
Emma chuckled. "Nakaka-adik gumastos, oo."
"Sabi ko na nga ba! Baka bukas, wala na ‘yan."
Tumawa si Emma. "Grabe siya. Hindi naman ako ganun kagastos, no."
"Great. Nagugutom na kami ni Bobby, hindi pa kami kumakain. Hintayin namin ‘yung pagkain namin, ha? Send ko ‘yung address sa ‘yo. Bilisan mo!" Dere-deretsong sabi ni Seb, tapos bigla na lang niyang binaba ang tawag bago pa makapagsalita si Emma.
Napakamot si Emma sa ulo at tumunog ulit ang phone niya. Nag-send nga ng address si Seb.
"Huh?" Napakunot ang noo ni Emma. Pamilyar sa kanya ang lugar na pinapapuntahan sa kanya.
Maya-maya pa, may kasunod na text.
Seb: Ikaw na bahala kung anong pagkain, basta masarap.’
Napailing si Emma, pero wala rin naman siyang ibang plano ngayong gabi, kaya dumiretso na siya sa pinakamalapit na restaurant at bumili ng pagkain. Habang nakapila, hindi pa rin niya mapigilang sulyapan ang address sa phone niya.
"Hmm... baka naman nagkataon lang," bulong niya sa sarili.
Pagkatapos mamili, agad siyang sumakay ng taxi. Habang binabaybay ng sasakyan ang kalsada, hindi niya maiwasang mapansin kung gaano kapamilyar ang daan. Parang alam na alam niya kung saan siya pupunta, kahit hindi niya naman inaasahan.
Pagdating niya sa village, tinawagan niya si Seb para tanungin kung anong house number ang bahay ni Bobby. At nang marinig niya ang sagot ni Seb, napakurap siya.
Pagkababa ng taxi, natameme si Emma habang nakatitig sa malaking bahay sa harapan niya, isang bahay na alam na alam niya.
Ito 'yung bahay ng tito ni Jake.
Mas lalong naguluhan si Emma. Pinindot niya ang doorbell at habang hinihintay niyang bumukas ang gate, napaisip siya.
"Teka, kung bahay ito ng tito ni Jake, bakit dito nakatira si Bobby?"
Anak niya?
Napa-iling si Emma. "Hindi eh, sabi ni Jake single ang tito niya."
Binili kaya niya?
Habang pilit niyang inuunawa ang sitwasyon, bumukas ang gate.
Bobby stood there, wearing a plain white t-shirt and pajama pants, mukhang bagong gising.
"Hi," Bobby greeted casually.
Emma narrowed her eyes. "Bahay mo ba talaga 'to?"
Bobby raised an eyebrow, amused. "As far as I know, yes."
Napakunot ang noo ni Emma, pero bago pa siya makapagtanong ulit, natatawang umiling si Bobby. "Pumasok ka muna."
Emma hesitated for a second, pero sa dami ng tanong niya, wala siyang ibang choice kundi sundan si Bobby papasok.
Habang naglalakad sila papunta sa pintuan, pasulyap-sulyap si Emma sa kaibigan, na parang may gustong itanong.
Nang makarating sila sa harap ng pinto, tumigil si Bobby at humarap kay Emma.
Bobby crossed his arms, one brow still raised. "Alright. Tell me whatever it is you're thinking or whatever you want to ask."
Emma squinted at him, trying to make sense of everything. "Kilala mo ba si Jake?"
"Sinong Jake?" tanong ni Bobby, halatang nag-iisip. "Madami akong kilalang Jake."
"Si Jacob Delos Santos," sagot ni Emma.
Bobby frowned, trying to connect the dots. "If you're talking about the Jacob Delos Santos that I know… he's my nephew."
Emma's eyes widened. "Seryoso?"
Bobby nodded. "Oo. Bakit?"
Emma stared at him for a second before speaking again. "Naalala mo ba nung kumain tayo nung kakabalik mo? Diba tinanong mo kung anong trabaho ko? Tapos sinabi kong tagalinis?"
Bobby nodded, recalling the conversation. "Yeah. Why?"
Emma exhaled sharply. "Well… ito yung isang bahay na nililinisan ko."
Bobby's forehead creased. "Paano nangyari 'yun? Kilala ko ang naglilinis ng bahay na 'to."
"Oh. Nag-resign na yung dati. Nakalimutan lang sigurong sabihin ni Jake. Tapos ako yung kinuha niyang kapalit after a month," paliwanag ni Emma. "Alam mo bang sobrang maalikabok dito nung dumating ako? Kita mo naman ngayon, malinis na pati yung mga halaman mo."
Napatingin si Bobby sa paligid at natawa. "So, basically, na-maintain mo pala 'tong bahay ko?"
Ngumiti si Emma. "Oo. At hindi ko akalaing ni minsan hindi tayo nagkita dito."
Bobby was still processing everything when something clicked in his head. "Wait… so isang buwan na walang naglinis dito?"
Nawala agad ang ngiti ni Emma. Napatingin siya sa sahig, realizing what she just admitted.
Bobby’s lips twitched, trying to suppress a laugh. "So, you're saying Jacob forgot to hire someone to clean my house… at isang buwan na palang stockroom 'tong bahay ko?"
Emma cleared her throat. "Uhm… tara na sa loob!" sabay talikod at mabilis na pumasok, halatang iniiwasan ang usapan.
Bobby chuckled, shaking his head before following her inside. Napansin niya kung paano kumilos si Emma sa loob—walang pag-aalangan, parang kabisado na ang pasikot-sikot ng bahay.
"Well, mukhang ikaw pa yata ang may-ari ng bahay na, ah," tukso niya, sabay irap.
Natigilan si Emma at napaatras nang bahagya. Pinilit niyang matawa nang natural, pero halata ang pagka-awkward.
32Please respect copyright.PENANA68slSXff7N