295Please respect copyright.PENANA9W3TIRgcPk
Ito 'yung iiniwasan kong topic. Past is past na, di ba?
"Bakit mo nasabi 'yun?" Automatic din 'yung bibig ko, di ko na naawat. Kalma ka lang, malulusutan mo rin 'yan.
"May mga kwento kasi akong narinig na from hate to love ang story ninyo ni kuya tapos na-develop habang nag-o-operate 'yung after school club. My curiosity keeps on itching me and I need some proof para magkaroon ng final resolution 'yung issue?" "Anong issue? Wala namang issue. Saka proof? Ano ka, detective?" Ninerbyos ako bigla kahit hindi ako nag-kape.
"Dyan daw nagsimula ang lahat." Natatawang sabi ni Nicky. Nakakainis na. "Tapos ka na dyan, ikaw na rin ang magwalis ng sahig at mag-text lang ako kila papa para sabihing late ako makakauwi." Para maka-iwas na'ko sa panunukso nito. Malamang si Clara ang nagsabi rito ng lahat ng nalalaman nito tungkol sa "relasyon" nila ni Ani.
295Please respect copyright.PENANATRk1pJzSZu
Hindi naman nya masabing relasyon na mag-bf-gf sila ni Ani madalas pa nga sila ang nagko-kontrahan sa mga activities at programs na pina-plano nila para sa After school. Pati sa pagbibigay ng advice at actions na gagawin sa mga lumalapit sa kanila para sa service na ino-offer nila.
295Please respect copyright.PENANAUTDRAcOyLZ
Mas naging close lang sila ng dumistansya si Clara sa kanya, nabawasan sila ng oras na magkasama at dahil nagkasakit din ang mama nila halos sa hospital na sya tumira uuwi lang sya kapag kukuha ng damit or si papa nya ang magbabantay sa umaga at sya ang bantay sa hapon hanggang kinabukasan dahil may ibang kailangang sa labas nila binibili dahil una, mahal ang mga gamot sa ospital at pangalawa hindi nila ma-afford kaagad kaya sya na ang naghahanap ng mas murang gamot or ibang gamit habang naka-confine ang mama nya. 'Yun ang nasa isip nya sa bawat araw na pumapasok sya pero hindi sya dapat nagdadala ng problema sa campus at sa iba pang extra-curricular katulad ng after school. Alam ng lahat ng club members nya ang sitwasyon ng family nya pero sinasabi nyang normal lang na mangyari 'yun, may iba pang tao na mas hirap kesa sa kanila at kaya naman nila. Si Mimi ang nagdadala ng mga personal na gamit nya, pagkain at iba pang kailangan nya kapag abala ang papa nila sa cafeteria. Nairaos naman nila, ngunit hindi rin naging maayos ang kalagayan ng mama nya kahit na ilang buwang na-confine sa ospital at araw ng graduation nya ng iwanan sila nito. Clinical psychology ang kinuha nyang kurso, hindi na sya kumuha ng masteral dahil kailangan na nyang tulungan si papa nya sa cafeteria. Lingid sa kaalaman ng papa nya at ni Mimi sa gabi nag-oonline sya para sa mga seminars na kino-conduct ng prof. nya, isa sya sa mga nag-webinars para sa mga kabataang nais maging psychologists.
295Please respect copyright.PENANAWdij5hxMgX
Minsan na rin nyang nasabi kay Ani na plano nyang maging tulay ng mga kabataan na naligaw o hindi pa maisip kung anong plano nila sa buhay nila dahil sa dami ng kailangang i-prioritize. Parang feeling nya isa rin sya sa mga kabataan na 'yun na hindi sigurado kung anong unang ipa-prioritize. Ok naman ang family nya, kumikita ang cafeteria, si Mimi kukuha ng Certificate for Nursery Teaching. Dapat ba siyang mag-settle na sa ganitong set-up or mag-isip pa sya ng mas mataas? Natigil lang sya sa pagmumuni-muni ng narinig nyang nag-uusap sila Nicky at Ani, may dalang ice cream chocolate mousse ang flavor.
295Please respect copyright.PENANArneQzBt9We
"Hindi ko na pinilit si Clara na mag-nursing dahil sabi ko kami na lang ni Avery ang alagaan nya at suswelduhan ko sya ng doble, basta daw ba pound ang ibabayad ko, pumayag naman ako." Sabi ni Nicky. Ibang klase ang negotiation ng mag-asawa na'to.
"Yung isa dyan ibang mundo ang napasok baka gusto mong sumali sa story sharing namin dito, Han?" Napatulog na ni Clara si Avery kaya malayang makapag-daldal na naman.
"Wala akong ishe-share, makikinig na lang ako." Tinatamad kong sabi, naubos na yata ang energy ko sa buong araw na kasama ko sila. Thankful lang ako na walang nagpa-deliver ngayong araw at panay dine-in or to-go ang mga orders sabi ni papa kanina nung tumawag ako at pinayagan akong mag-stay kasama sila Clara. "Hala, pagod ka na agad? Or may schedule ka for seminar tonight?" Nabigla ako sa sinabi ni Clara, paano nito nalaman na may raket sya? "Ang daldal mo talaga, dear" awat dito ng asawang si Nicky. "It's time for her to know na. Naiinip na'ko sa dalawang 'yan. Ilang taon na ang sinayang, ngayon pa aarte?" Halata ngang inis na si Clara at nagpaalam na sa amin na matutulog na daw, isinama na din si Nicky para tabihan ang anak nilang si Avery para matulog. Naiwan naman kami ni Ani sa living room.
ns 15.158.61.20da2