246Please respect copyright.PENANAUaztk9MVLN
Naka-upo na kami sa mesang inihanda ng pamilya ni Ani para sa tanghalian namin. Katabi ko sa kaliwa si papa, si Mimi sa kanan, sa tapat ko naka-upo si Ani. Hindi ako tumitingin sa kanya, si Mimi ang palagi kong kinakausap para hindi ako kamustahin ng parents ni Ani.
246Please respect copyright.PENANAi3GGUYtUOh
"May naka-handa na kaming pagkain para pagsaluhan natin at rest assured na magugustuhan ninyong lahat iyon." Sabi ni Don Juanito. "Dalaga na pala ang mga anak mo Ramil. And I heard graduate with honors ang bunso mo." Narinig kong sinabi ni Doña Maura. "Oo, proud tatay ako sa mga anak ko. Mabait at hindi ako binibigyan ng problema." Si papa.
Dumating na 'yung pagkain namin, parang fiesta naman. Celebration ba ng pagdating ni Ani at kailangan ganito ka-special ang mga pagkain?
246Please respect copyright.PENANAktH66V4g6i
Paano naging close si papa at ang parents ni Ani?
246Please respect copyright.PENANAJBAmW46lT2
"Ayan sinusuyo ka na ni Ani" si pagka-abot ko ng note nya kanina.
"Grabe manuyo 'no? Ang bossy pa rin." Sabi ko.
"Baka nagmamadali or hindi alam kung paano mag-apologize sa sulat? May second chances naman, kung hindi talaga e di huwag mo ng i-entertain." Advice ng magaling kong kaibigan.
"Kung makapag-advice ka parang nanunuyo/nanliligaw naman 'yung tao." Bulong ko sa kanya baka may makarinig at isipin nakikipag-ligawan ako. Hindi na natapos ang usapan naming mag-kaibigan dahil nagsimula na ang klase.
Same time, same place. Nag-apologize naman sa amin si Ani. Nag-insist din na huwag ko ng bayaran 'yung milkshake at brownies namin ni Clara katulad ng ginawa ko last week. Halatang hindi sanay na hindi napagbibigyan ang gusto. Spoiled brat. Second and last chance na nya ito, at gusto rin naman nyang masubukan na maging part ng club na may katuturan.
Si Ani ang presidente at secretary ng club, ako ang temporary Vice-president (pinilit kong temporary ang position ko) si Clara ang Treasurer. Sinimulan namin sa paggawa ng fanpage. After School Club ang naisip namin kasi sa pag-brainstorm namin kanina sa "Office" namin magpupunta ang mga 'clients' namin after ng class para walang interruptions. Si Ani na daw ang bahala sa mga drinks at snacks na pwedeng i-offer sa 'clients' namin. At least sinabi nyang club namin at hindi lang sa kanya ang club. Parang natututo na ng pakonti-konti ang potential first patient nya.
"Kailangan pa natin mag-isip ng dalawa o tatlo pang ipo-propose sa adviser mo baka hindi nya payagan dahil kompetensya pa sa guidance counselling 'yung club mo." Nag-aalalang sabi ko. Sabay kaming tumingin ni Clara kay Ani.
"No need. Marunong akong mag-convince, di ba?" Kumindat pa sya sa'kin ng sinabi nya 'yun. "And, Han it's our club, not just mine." Huminto yata ang pagtibok ng puso ko sa sinabi nya.
246Please respect copyright.PENANAStjBu74s5z
246Please respect copyright.PENANARkYYqrQrVX
"Han. Uy." Nabalik ang isip ko sa restaurant at narinig ko si Ani na tinawag ang pangalan ko. Narinig kong nagtatawanan ang papa at ang parents ni Ani habang paubos na ang dessert namin na chocolate mousse ice cream.
"Oo at si Ramil naman ayaw pumayag na may bumili ng pangalan ng restaurant nila ni Mila, sentimental talaga at ayaw ipagbili sa kaibigan namin ang proudly made restaurant ng parents nyo" si Doña Maura. Naalala tuloy nya ang mama nya.
"Hey baka matunaw 'yung ice cream mo." Si Ani. Nahalata yatang lumungkot ang itsura ko pagkarinig sa pangalan ni mama. "Kamusta na pala si Clara?" Sabi ko.
"She's fine. Nasa bahay sa Dublin kasama si Nicky."
"Mauuna na kaming umuwi ng mga dalaga ko. Maraming salamat sa imbitasyon ngayon at welcome kayo anytime sa cafeteria namin." Si papa.
Pagkatapos naming magpasalamat ay hinatid kami nila Ani sa entrance ng restaurant nila at sumakay na sa owner type jeep namin na kanina lang din dinala ng driver nila pagkatapos kaming dalhin dito dahil ayaw pumayag ng parents ni Ani na convoy pa kami.
"Message you later?" Bulong sa kanya ni Ani bago ako sumakay. "Yes, sure." Hindi nya binitiwan ang kamay ko. "Hindi ko pa alam kung anong number mo, Han" Sabi nito. Naiilang na sya, buti nag-uusap pa sila papa at ang parents ni Ani, si Mimi alam ko kunwari deadma sa phone pero naririnig nya kami. Dinictate ko sa kanya 'yung number ko. Inilapit pa 'yung kaliwa nyang tenga sa'kin para marinig daw nya ng malinaw baka magkamali pa sya ng pag-type. Ayaw nya ibigay 'yung phone nya sa'kin para ako na ang mag-type baka raw kasi maliin ko na naman yung ibigay kong number sa kanya katulad ng dati. Nakita ko pang ngumiti si Ani ng umandar na yung sasakyan namin pauwi. Hindi pa rin nagbabago 'yung ngiti nya na 'yun. 'Yung parang nang-iinis pero hindi, parang may naiisip na kapilyuhan ganun.
Hindi tuloy ako nakatulog pagkatapos nun. Hindi rin sya nag-message katulad ng sinabi nyang "message you later?"
246Please respect copyright.PENANAkUNfIp3FHf