Feeling super boring na ng buhay nya kaya naisipan nyang mag-unwind, mag-relax at huwag mag-isip ng kahit na ano sa pinaka-mataas na parte ng building ng school ng kapatid nya. Nag-deliver sya ng dimsum (family business) sa school adviser ng kapatid nya bilang pasasalamat dahil naka-pasa sa exam kaya naisipan niyang ipahinga muna ang sarili dahil super bored na sya, hindi sa buhay nya kundi sa araw-araw na existence nya sa mundong ito na mag-deliver ng siomai, dumplings, siopao, cuapao at noodles dahil ayaw ng papa nila na mag-hire ng additional staff sa maliit nilang cafeteria. Ayaw ng papa nyang mag-branch out o mag-franchise ng business dahil simpleng tao lang daw ito at hindi katulad ng ibang "businessmen" sa lugar nila na hindi na nagta-trabaho ng pisikal at panay franchise ang ginawa sa mga na-established nilang negosyo. Ang papa na lang yata nila ang naiwang matandang naninirahan sa lugar namin na matiyagang nagtitinda at hindi katulad ng ibang kasabayan niya na nakapag-bakasyon na kung saan-saan dahil ayaw ipag-katiwala sa iba ang cafetería. Doon daw kasi nagsimula ang lahat sa kanila ni mamá. Nabuo ang pangarap nila na makapag-patayo ng simpleng kainan para sa simpleng mamamayan ang slogan. Ok lang naman sa amin ni Mimi, yung bunsong kapatid ko. Dalawa lang naman kaming mag-kapatid at matanda ako ng limang taon sa kanya. Hindi na ako nagkaroon ng chance na makahanap ng ibang trabaho dahil namatay si mama mismong araw ng graduation ko. Ang saklap no? Pang-MMK. Erased na nga muna, wala ako sa mood mag-drama. Ayun, dun nagsimula ang pagiging delivery girl ko. Ok lang din kay papa kung hindi raw ako girly or feminine at si Mimi ang sumalo ng pagiging feminine ni mama. Kahawig ko nga raw ang papa ko, female version daw ako at minsan natatawag na "boy" ng mga nagpapa-deliver. "Boy, ito yung tip ko" mga ganun tapos syempre magpapasalamat ako sayang ang bente, "ay sorry, babae ka pala". Nakaka-ewan ano bang dapat kong maramdaman? Hindi naman Ako nao-offend dahil hindi rin ako nagsusuot ng mga blouse at skirt. Inappropriate kaya kung magba-bike or motor ako tapos naka-skirt? Parang tanga, di ba?
Bumalik lang ako sa present time at nawala sa momentum magmuni-muni ng may narinig akong "eherm" napatayo tuloy ako akala ko kasi yung guard ng school pero kilala ako nun dahil alumni rin ako rito. Nakita ko nakatayo sa harapan ko yung bagong teacher ng school, yung nakakainis na dating schoolmate/ka-batch ko na nag-aral abroad at muling bumalik rito para magmana ng position ng papa nya.
"Hi, enjoying the weather?" Sabi nya. English ka pa ha, akala mo naman mestizo. Kakagigil talaga 'to kahit dati pa.
"Kanina oo, pero ngayon hindi na. Lumakas yung hangin parang pang-bagyo ganun. Sige, alis na'ko." At nagmadali na'kong umalis sa building na 'yun hindi ko na hinayaang magsalita pa siya ulit baka humangin pa ng sobrang lakas dahil sa kanya. 😡 Mamayang hapon pa ang uwi ni Mimi dahil practice ng graduation nila at hindi ko na siya kailangang sunduin malaki na siya, kaya na niyang umuwi mag-isa.
Isang linggo ng mangyari nang nagkita kami. Sobrang liit lang kasi ng lugar namin kaya sobrang bilis rin ng balita. Maririnig sa cafetería na dumating na nga siya, nandito na ang anak ng matandang Juanito, at kung ano-ano pang nakakawindang na balitang hindi malaman kung saan o ano ang pinagmulan.
Kagabi natanong tuloy si papa kung nakita ko na daw ba si Juanito. Sabi ko retired na po siya at hindi ko alam kung nasaan. Tinawanan lang ako ni papa at hindi daw yung ama ang tinatanong nya kundi yung anak. Sabi ko hindi ko po siya ulit nakita at wala akong planong makita siya ulit.
Araw ng linggo ng magpasya si papa na mag-simba daw kami at dumalaw kay mama. Excited naman si Mimi dahil hindi pa kami ulit nakalabas na magkakasama. Ibahin ko daw yung damit ko, dapat daw pang-simba at hindi pang-gala. (Alam nyo na kung ano 'yun. Isang dress lang ang meron ako pero naka-sneakers hindi pwedeng hundred percent na si papa ang masusunod, ako kaya ang magsusuot ng naka-bestida sa simbahan na makikita ng mga kapitbahay namin?!)
Grabe ang nerbyos ko habang nasa owner type jeep at nasa passenger seat, si papa ang nag-drive at sa likod naman si Mimi na busy mag-make up.
"Pasadahan mo na rin ng manipis na make-up ang mukha mo para hindi ka maputla sa simbahan, anak." Sabi ni papa habang nagmamaneho papunta kay mama, sa simbahan kami pagkatapos.
"Pa, kahit sino tatanggapin sa simbahan huwag kayong ano dyan." Naiinis na'ko ang kulit naman Po ng papa ko parang dinaig pa ang teenager sa kakulitan.
Hindi naman na niya ako pinilit, at si Mimi nangingiri lang sa'min. Sapakin ko siya kapag pinilit din nya akong pinturahan ang mukha ko. 😑
Nine am mass ang naabutan namin, medyo marami na ring tao at syempre mga kapitbahay din namin. Maliit na chapel lang naman ang nakatayo para maging simbahan namin.
Pagtingin ko sa likuran ko para sa "peace be with you" nandun si Juanito at ang pamilya nya, nainis tuloy ako pero nag-sorry po Lord sa isip ko kasi alam kong mali na may sama ng loob sa kapwa at kahit na malaki o maliit ang kasalanan dapat patawarin. (Forgiven but never ever forget ang motto ko kapag may umagrabyado sa'kin 🤣) Dumagdag pa sa inis ko yung nakita kong nakangiti si Juanito pati yung mata niya nakangiti rin. Nakakagigil talaga. Mangungumpisal na ba ako after ng mass o mamaya na lang bago matulog?
Hindi pa natapos ang paghihirap ko ng hintayin pa kami nila Don Juanito sa labas ng simbahan (Hindi ako sigurado pero alam ko mayaman talaga ang pamilya nila) Mabait kasi ang matanda kaya mahirap tanggihan sa tanghalian.
May driver sila, magkatabi sa unang parte ng van ang parents ni Juanito, katabi si papa tapos kaming tatlo nila Mimi at Juanito sa likod. Ako ang nasa gitna nilang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko na nakatabi ko siya sa upuan. Nakakainis naman 'tong araw na'ko. Halos isumpa ko kasama siya. Napabalik tuloy ako sa highschool days ko.
ns 15.158.61.20da2