Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.203Please respect copyright.PENANAOJNQrKwj6o
203Please respect copyright.PENANAGxMDwfT2n7
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...203Please respect copyright.PENANARfkUZ8o1O4
203Please respect copyright.PENANAbhU1h9Jwas
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.203Please respect copyright.PENANA540GTqyO3U
203Please respect copyright.PENANA8ubovaswgu
- - - 203Please respect copyright.PENANA6bGcQpiU5G
203Please respect copyright.PENANAsppTuz1CmU
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.203Please respect copyright.PENANAlKSwRFuQcn
203Please respect copyright.PENANAJydDBlIAVK
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.203Please respect copyright.PENANAHu6RaKDTo1
203Please respect copyright.PENANAq4Wnl2PL7A
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 203Please respect copyright.PENANAQG9OOeiyvE
203Please respect copyright.PENANA76w4n6zyr4
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.203Please respect copyright.PENANAOGjLVIa1sv
203Please respect copyright.PENANAEAOyUVE85k
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"203Please respect copyright.PENANAB42s0QyAIq
203Please respect copyright.PENANAOQUlAU8PhB
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.203Please respect copyright.PENANAmUH7NqHgoK
203Please respect copyright.PENANAYzxApwirn2
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.203Please respect copyright.PENANAGOK4G9IOrf
203Please respect copyright.PENANAqLuGQFI4Hr
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."203Please respect copyright.PENANAIbhe9kdE3w
203Please respect copyright.PENANAjVbXMJly7f
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.203Please respect copyright.PENANAqtMXySmFdg
203Please respect copyright.PENANAAK0YEy2IQ4
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.203Please respect copyright.PENANAfgAM7sKyue
203Please respect copyright.PENANAVJJoFh5KTv
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.203Please respect copyright.PENANAZc4vVkPoTO
203Please respect copyright.PENANAfsWRHk7CwQ
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.203Please respect copyright.PENANA1Qt2T6psDf
203Please respect copyright.PENANA952XBKpeXS
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.203Please respect copyright.PENANAoHXQAZsPfX
203Please respect copyright.PENANAKucvphywvF
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.203Please respect copyright.PENANATYGtLMaY6b
203Please respect copyright.PENANAl8kOl8b7ue
Huminga nang malalim si Abracosa.203Please respect copyright.PENANAdZ9OjPu8Z1
203Please respect copyright.PENANAnmJDdGBlTT
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.203Please respect copyright.PENANAL9NF4hMCBB
203Please respect copyright.PENANAev2FzHwui6
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."203Please respect copyright.PENANAngKTPWfqaY
203Please respect copyright.PENANAUav8Dyu0qd
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.203Please respect copyright.PENANAXUpy9kdv4i
203Please respect copyright.PENANAshmqMwbJF4
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."203Please respect copyright.PENANA4t9VkEU0SN
203Please respect copyright.PENANAmHACWf9FYy
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"203Please respect copyright.PENANAgs7kA66jFZ
203Please respect copyright.PENANA3NtK5HrjHW
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."203Please respect copyright.PENANANd9v0nnxSI
203Please respect copyright.PENANAVTwZfgYgCn
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"203Please respect copyright.PENANA4uhpOgx5aj
203Please respect copyright.PENANAmc2y8OLS9y
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."203Please respect copyright.PENANA4lEd0Dwnyy
203Please respect copyright.PENANAl0ODYIY8Jh
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."203Please respect copyright.PENANADh2tvjWfQO
203Please respect copyright.PENANAoCa9UgnTAW
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."203Please respect copyright.PENANA2L4fJ6O0tn
203Please respect copyright.PENANAHbU6ajFtht
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."203Please respect copyright.PENANANtQYJDWdNN
203Please respect copyright.PENANAzsexmae5nS
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."203Please respect copyright.PENANANmZHWNkuLH
203Please respect copyright.PENANAd3Nop3hT8X
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."203Please respect copyright.PENANAaJwcITVBqH
203Please respect copyright.PENANAWY2BijQexb
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."203Please respect copyright.PENANAcJegubIR3R
203Please respect copyright.PENANANbn0ac6xpQ
Tumahimik sila nang ilang sandali.203Please respect copyright.PENANAf6MAivmb5J
203Please respect copyright.PENANABrC2verBjw
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.203Please respect copyright.PENANABOxJcxBIKq
203Please respect copyright.PENANAjcRg5YPIj9
"Handa na akong mamatay para sa bayan."203Please respect copyright.PENANAhrYjo3CaN2
203Please respect copyright.PENANA2yNI8ZnBz4
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.203Please respect copyright.PENANA99SD0EokPH
203Please respect copyright.PENANADa328hH03u
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."203Please respect copyright.PENANARImC030D8v
203Please respect copyright.PENANA5W6KsKnYqD
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.203Please respect copyright.PENANASrmUpguo0n
203Please respect copyright.PENANAHy6JqMO7CF
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.203Please respect copyright.PENANAjreoJh6wB7
203Please respect copyright.PENANAbPk3rdHcxs
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.203Please respect copyright.PENANA5qFvRlJ2o2
203Please respect copyright.PENANAbLBgllL2ts
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”203Please respect copyright.PENANATYg5hlccgv
203Please respect copyright.PENANAj3qmdpztdE
- - - 203Please respect copyright.PENANAudI2bzzkC9
203Please respect copyright.PENANAN2phWzOSPv
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.203Please respect copyright.PENANAdZUW5kiByH
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.203Please respect copyright.PENANA0r8H71OA6n
203Please respect copyright.PENANAvkpoc802Zu
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.203Please respect copyright.PENANAUMhOxJrNGM
203Please respect copyright.PENANAKjZ7MyC5Xq
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.203Please respect copyright.PENANAcR3kXGZiuc
203Please respect copyright.PENANA50xppbFTA1
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.203Please respect copyright.PENANApZDD6BZ4nV
203Please respect copyright.PENANAFAu81J9whd
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.203Please respect copyright.PENANAWd7HnKBUGX
203Please respect copyright.PENANAyCxzht2U75
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”203Please respect copyright.PENANA4lrpXl0bki
203Please respect copyright.PENANAvcpdK2hxUP
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.203Please respect copyright.PENANAExwGFKjyVD
203Please respect copyright.PENANA5Z71nFV2mA
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.203Please respect copyright.PENANAHjDc6Z2kS9
203Please respect copyright.PENANAC1trEuHk9l
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.203Please respect copyright.PENANAsf4OTt1AHG
203Please respect copyright.PENANANH2JiEEuoT
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.203Please respect copyright.PENANATV0yOTD5FM
203Please respect copyright.PENANAzqrb1V8YHi
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”203Please respect copyright.PENANAf2QhXsXk46
203Please respect copyright.PENANASKKmgA8Lve
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.203Please respect copyright.PENANAPElQhLyf7P
203Please respect copyright.PENANAwpr0IroSlw
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.203Please respect copyright.PENANAHCft3QspA1
203Please respect copyright.PENANA69GDuxgHKC
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”203Please respect copyright.PENANALR41hJxtyZ
203Please respect copyright.PENANAsjNWd5ood4
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”203Please respect copyright.PENANAfFUC4VMfek
203Please respect copyright.PENANASaNaDNKDzK
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.203Please respect copyright.PENANA0FFBqDc6Qf
203Please respect copyright.PENANANbXHem7Wa1
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?203Please respect copyright.PENANAxT9WgAzuVN
203Please respect copyright.PENANAXg1ZX6Jw1y
- - - 203Please respect copyright.PENANAzuqINfCb7x
203Please respect copyright.PENANAO31YK2RmOb
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.203Please respect copyright.PENANAC3Kn8VO1sx
203Please respect copyright.PENANAOQwf2bhOep
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.203Please respect copyright.PENANAAiNFSpSBkj
203Please respect copyright.PENANAy5tWM1nLEU
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.203Please respect copyright.PENANAlVEU6h7GB2
203Please respect copyright.PENANAKBv3NvjVpH
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.203Please respect copyright.PENANAZuZq82balW
203Please respect copyright.PENANAteIzkUBxOE
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"203Please respect copyright.PENANACfty2XV7qd
203Please respect copyright.PENANAsukvAveSkX
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."203Please respect copyright.PENANANJGvx0wpFD
203Please respect copyright.PENANAXuQBcSDw1L
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.203Please respect copyright.PENANAL0tf4nhK0h
203Please respect copyright.PENANAHgAxQ8X63H
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."203Please respect copyright.PENANAQeWWMvfdNR
203Please respect copyright.PENANAKHrJN8hFKS
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"203Please respect copyright.PENANAiebaBPu7fh
203Please respect copyright.PENANAMZbrQHgv31
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."203Please respect copyright.PENANAzpL5IuXrbC
203Please respect copyright.PENANAEN2RBVXWwp
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."203Please respect copyright.PENANANx0SVFOUIC
203Please respect copyright.PENANAh7B0iWRM7E
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."203Please respect copyright.PENANATaluJD5mbF
203Please respect copyright.PENANAb23bRU2CfI
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.203Please respect copyright.PENANAWwkIlU5x5q
203Please respect copyright.PENANA095xnKPsZn
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.203Please respect copyright.PENANAt51mE72m12
203Please respect copyright.PENANARCuiWagj5R
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.203Please respect copyright.PENANApx7lKBPKdH
203Please respect copyright.PENANAy7atdzbgns
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."203Please respect copyright.PENANA7dnzAUyURw
203Please respect copyright.PENANAKmTdR0j2JO
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."203Please respect copyright.PENANAUMICMBxhui
203Please respect copyright.PENANA4MusXrJR3f
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."203Please respect copyright.PENANAFWR2RT7GvJ
203Please respect copyright.PENANAbvC2Shb6EW
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.203Please respect copyright.PENANArHPRfUaaWP
203Please respect copyright.PENANAKpuKSsYYOv
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.203Please respect copyright.PENANAfsxpt5sWaF
203Please respect copyright.PENANAD7tSlkITf6
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.203Please respect copyright.PENANAk2QilXjRX4
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…203Please respect copyright.PENANAKcXUYAL75h
203Please respect copyright.PENANA0C6nNt9s02
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.203Please respect copyright.PENANAnxH0TACoZH
203Please respect copyright.PENANAYT9GU6ESco
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.203Please respect copyright.PENANAVK3toBf02q
203Please respect copyright.PENANAWFz1O0DvMO
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.203Please respect copyright.PENANAtBtACgcKsD
203Please respect copyright.PENANALruvCb6RDT
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”203Please respect copyright.PENANADcbhZm86gl
203Please respect copyright.PENANAC9Wy1GtSuJ
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.203Please respect copyright.PENANAmVwSSSi82J
203Please respect copyright.PENANAsUYvvMJWJy
“Patawad, mahal.”203Please respect copyright.PENANAqYuGOfrcAU
203Please respect copyright.PENANAsFX3KTj5Zq
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”203Please respect copyright.PENANA8fBI1QEiAE
203Please respect copyright.PENANAvW2KAa8kOn
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.203Please respect copyright.PENANAfYMIFN6zN1
203Please respect copyright.PENANAuO8eA6RGvO
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”203Please respect copyright.PENANA4RWIyonlST
203Please respect copyright.PENANAKHmEFUNUWz
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.203Please respect copyright.PENANAinTheUfg6N
203Please respect copyright.PENANAX7NdfEPJs1
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.203Please respect copyright.PENANAorFTDv5kTT
203Please respect copyright.PENANALFCz0tsiZ5
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”203Please respect copyright.PENANAzr3CDddlvc
203Please respect copyright.PENANAbBe0iAvAnr
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"203Please respect copyright.PENANAOL5nuK7QQD
203Please respect copyright.PENANAb2kYHWMRCz
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.203Please respect copyright.PENANACUbalr5Svg
203Please respect copyright.PENANAxyre9wNG8q
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.203Please respect copyright.PENANA0vkDaNl0Zk
203Please respect copyright.PENANAbnwvpAjiu6
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."203Please respect copyright.PENANABwivqOrOlS
203Please respect copyright.PENANAgRd90I348o
- - - 203Please respect copyright.PENANAqlSCiQM6I4
203Please respect copyright.PENANAlv1XJIifL4
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.203Please respect copyright.PENANA8SthBzPEfy
203Please respect copyright.PENANAxNIFyqnGbo
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.203Please respect copyright.PENANAwY4smNmATq
203Please respect copyright.PENANA7DHHbvkZuF
Ngunit hindi siya makalabas.203Please respect copyright.PENANA3aZcsOwZxe
203Please respect copyright.PENANAiI0jtoae5P
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.203Please respect copyright.PENANAnSHG0VaN5u
203Please respect copyright.PENANAU9qWKxWhYT
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.203Please respect copyright.PENANAIsXnVe10FJ
203Please respect copyright.PENANAbVCV2g3kI4
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.203Please respect copyright.PENANAO4O4IMuQqo
203Please respect copyright.PENANAdPZodYSZuv
Nandito na ang Teccao.203Please respect copyright.PENANA4ONwIy0kGH
203Please respect copyright.PENANA1hLUxPpkTG
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.203Please respect copyright.PENANAkWHmTNjIgi
203Please respect copyright.PENANAQPHZ12CivA
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.203Please respect copyright.PENANADRFCZH4je5
203Please respect copyright.PENANAjnxFm8wVFA
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.203Please respect copyright.PENANAOpGl9pViuH
203Please respect copyright.PENANALwPCEX1DLy
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.203Please respect copyright.PENANA5Dwsemhrwe
203Please respect copyright.PENANAz1pNsuaNmI
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 203Please respect copyright.PENANAh0Pekw1RXZ
203Please respect copyright.PENANAAhBWv1DuhO
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"203Please respect copyright.PENANASfJzuTC4wu
203Please respect copyright.PENANABxwcfSpVOw
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”203Please respect copyright.PENANA4k1EgBUXFv
203Please respect copyright.PENANAV67DkzjFLz
“Naiintindihan kita, Tydel.”203Please respect copyright.PENANAuWhJXSbtQb
203Please respect copyright.PENANAOZ3wxF4zLi
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.203Please respect copyright.PENANAHnFEMM4AI1
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”203Please respect copyright.PENANAZ1dUgQpxYc
203Please respect copyright.PENANAergNhIsR9r
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”203Please respect copyright.PENANA2iFoJ2e9OX
203Please respect copyright.PENANA5EmEQFxcs6
“Paano, pa?”203Please respect copyright.PENANAls47uY1XYE
203Please respect copyright.PENANA5pBtZdrEU8
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 203Please respect copyright.PENANAI9I6vAUImW
203Please respect copyright.PENANAu4mUWSAGoA
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.203Please respect copyright.PENANAFMjNp3veKB
203Please respect copyright.PENANADxLjx8gafm
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.203Please respect copyright.PENANAknoiod65pB
203Please respect copyright.PENANAZxXpZQS0FH
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”203Please respect copyright.PENANAIy5CLqTw5S
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.203Please respect copyright.PENANA8If200qZsj
203Please respect copyright.PENANAJQfgDSSmQv
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”203Please respect copyright.PENANAxypXcUbRuy
203Please respect copyright.PENANALD9Hd8Ue1B
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”203Please respect copyright.PENANANOFc8b6WJ5
203Please respect copyright.PENANAq0yAGmG7xX
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”203Please respect copyright.PENANApWvD1rz9ic
203Please respect copyright.PENANAzfmcO0epfR
“Papa…” iyak ni Tydel.203Please respect copyright.PENANAcrDbRBxERB
203Please respect copyright.PENANAodaviilNmz
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.203Please respect copyright.PENANAUxzHEG3vOC
203Please respect copyright.PENANA6h0wN1DuFz
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”203Please respect copyright.PENANAXRRA0QctXy
203Please respect copyright.PENANA6ekRPP3war
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”203Please respect copyright.PENANAjFpsu6DY2P
203Please respect copyright.PENANAwukVj6Ce32
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”203Please respect copyright.PENANAdYmomDFrMt
203Please respect copyright.PENANAL9N9yB2zoM
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.203Please respect copyright.PENANA0PnbsdG3Vg
203Please respect copyright.PENANA8tOqZoCeB9
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?203Please respect copyright.PENANA9bbmST9euv
203Please respect copyright.PENANArp9HjmnevV
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.203Please respect copyright.PENANA9hKGwejRH1
203Please respect copyright.PENANAI7vRGigTKs
- - - 203Please respect copyright.PENANAXDlGX2OTVh
203Please respect copyright.PENANAD1rmqem0jb
"Patay na ang hari." 203Please respect copyright.PENANAOYO9PomSgQ
203Please respect copyright.PENANAZOFnATGYDV
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.203Please respect copyright.PENANAWwKV1IzXGk
203Please respect copyright.PENANA9C51wxjNu2
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.203Please respect copyright.PENANA42QqMb7xF4
203Please respect copyright.PENANAuoLSXjY4r1
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.203Please respect copyright.PENANAk5DVN3aiME
203Please respect copyright.PENANADuoEy9mKNY
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 203Please respect copyright.PENANAMaD43zt5W2
203Please respect copyright.PENANAmhFXZovd2d
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.203Please respect copyright.PENANAkrL0ZI1pkq
203Please respect copyright.PENANATJ9f1u03tM
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.203Please respect copyright.PENANABuGGLJMhDf
203Please respect copyright.PENANA7xQodweaHv
"Ama… Mag-ingat rin kayo."203Please respect copyright.PENANAdXWUGgKHfR
203Please respect copyright.PENANAaf8bHPp4Rp
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."203Please respect copyright.PENANAsXx44zxj0H
203Please respect copyright.PENANArd75JMcQgN
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.203Please respect copyright.PENANAvNxSndLP6f
203Please respect copyright.PENANAKpORgQyFXg
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."203Please respect copyright.PENANAKPglPmN77e
203Please respect copyright.PENANAcDHhhwRuJ6
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.203Please respect copyright.PENANAgqS7HUyHfC
203Please respect copyright.PENANA7dSPW8GFBJ
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."203Please respect copyright.PENANA2xBbanurTG
203Please respect copyright.PENANAAOmqoSPPb7
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."203Please respect copyright.PENANAiBUXvKU4Y9
203Please respect copyright.PENANAPV9PBnlwdo
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.203Please respect copyright.PENANA8axRdha9jQ
203Please respect copyright.PENANARgUvftO829
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.203Please respect copyright.PENANASJetmoIeUD
203Please respect copyright.PENANApzUFN6qKdq
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.203Please respect copyright.PENANAAgam5AXQ8M
203Please respect copyright.PENANATQcxszC0JX
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.203Please respect copyright.PENANAqLwlXQrvKy
203Please respect copyright.PENANAwl01tZ8wIk
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.203Please respect copyright.PENANAjKope5K0eE
203Please respect copyright.PENANAfUv5qR9sby
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?203Please respect copyright.PENANAQEUggMohb6
203Please respect copyright.PENANAlscHhKumq0
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.203Please respect copyright.PENANA3hcrWyxUkL
203Please respect copyright.PENANAC1GxEKmUIy
"Paalam, Midnia."203Please respect copyright.PENANA5u2QLqowND
203Please respect copyright.PENANAAGGVUVIMmK
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.203Please respect copyright.PENANAesUwDaSscE
203Please respect copyright.PENANAtXTWgcGzqY