Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.202Please respect copyright.PENANANcnFL4VxEg
202Please respect copyright.PENANAjx6GIuVrxL
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...202Please respect copyright.PENANAmp0FkuGsqd
202Please respect copyright.PENANAdG1nUIwK2X
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.202Please respect copyright.PENANASdFgLPktlW
202Please respect copyright.PENANAYSN67dlUtT
- - - 202Please respect copyright.PENANALvVx2xiC9z
202Please respect copyright.PENANAT4XYYlTqtL
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.202Please respect copyright.PENANAYhylPdUVaO
202Please respect copyright.PENANAaOIMCc5O4a
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.202Please respect copyright.PENANAWvpEXve1hr
202Please respect copyright.PENANAWGmxruxea0
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 202Please respect copyright.PENANAjRQDmlorDc
202Please respect copyright.PENANAPKPLIFxX3N
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.202Please respect copyright.PENANAikk9z2Nxap
202Please respect copyright.PENANA6k7ELkBm3p
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"202Please respect copyright.PENANAkIGJTueIiE
202Please respect copyright.PENANAx0xH3oruhW
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.202Please respect copyright.PENANAJYynEOTjS0
202Please respect copyright.PENANA8oxin5aBEp
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.202Please respect copyright.PENANA9IgCtYk5GC
202Please respect copyright.PENANAEOyzEm7AxM
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."202Please respect copyright.PENANAflZutno5bt
202Please respect copyright.PENANARDRYd4l8uE
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.202Please respect copyright.PENANAP2s3CU7k2F
202Please respect copyright.PENANAnjvWrUlXey
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.202Please respect copyright.PENANA4uIM19nFVo
202Please respect copyright.PENANAldNYdzrGh5
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.202Please respect copyright.PENANAKobWmA8Ij2
202Please respect copyright.PENANAuQUIgxzchr
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.202Please respect copyright.PENANAUYbzsDDXmb
202Please respect copyright.PENANAx2uUAEAsNl
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.202Please respect copyright.PENANA6CQGtoAgvB
202Please respect copyright.PENANA35bjB9cmx3
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.202Please respect copyright.PENANAIgHd7R6yRF
202Please respect copyright.PENANA6OaqfbfZuH
Huminga nang malalim si Abracosa.202Please respect copyright.PENANAbuyvTmju7R
202Please respect copyright.PENANAMmLV9YYUMT
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.202Please respect copyright.PENANAoGCGvadU6a
202Please respect copyright.PENANArpKqLsMAJB
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."202Please respect copyright.PENANAP7LtMha5E1
202Please respect copyright.PENANAPTKS8qi9fw
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.202Please respect copyright.PENANAmTRSozMqIg
202Please respect copyright.PENANAtl68ihnVrk
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."202Please respect copyright.PENANAAC08PIvbVM
202Please respect copyright.PENANAloQvhTtk9a
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"202Please respect copyright.PENANAyXEKQ2dWBL
202Please respect copyright.PENANAgidvR00gI9
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."202Please respect copyright.PENANAS9iPt25vXL
202Please respect copyright.PENANAV38D1cVeaZ
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"202Please respect copyright.PENANAH6ST0sljeg
202Please respect copyright.PENANAbpgASzP6ab
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."202Please respect copyright.PENANAun9yfeLXOL
202Please respect copyright.PENANAaJij6bpa3h
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."202Please respect copyright.PENANAd2o8Rxqqiz
202Please respect copyright.PENANAeOMjvjUcP9
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."202Please respect copyright.PENANAOacMDCzOhW
202Please respect copyright.PENANArG6WFnO5Uw
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."202Please respect copyright.PENANAtmcv36Edth
202Please respect copyright.PENANArap4ZaI654
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."202Please respect copyright.PENANA4KiWsCalAn
202Please respect copyright.PENANAk0hav4Skok
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."202Please respect copyright.PENANAkwGfrQ2pE5
202Please respect copyright.PENANAuWmdcyXJNU
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."202Please respect copyright.PENANAFcHVAB0Coa
202Please respect copyright.PENANA9cuNmZT1SZ
Tumahimik sila nang ilang sandali.202Please respect copyright.PENANAyIlFnfHO1I
202Please respect copyright.PENANAtga5yQ4SpL
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.202Please respect copyright.PENANAevBiRCtb6z
202Please respect copyright.PENANAHuk5jaL1a1
"Handa na akong mamatay para sa bayan."202Please respect copyright.PENANAp9rU9OBqoq
202Please respect copyright.PENANAtWyeAU0Dx8
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.202Please respect copyright.PENANAvxmKIzMpku
202Please respect copyright.PENANAn6V5Q5TK8v
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."202Please respect copyright.PENANAHMqHgun55k
202Please respect copyright.PENANAmRo0J7f8n9
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.202Please respect copyright.PENANAPtX5J2hin9
202Please respect copyright.PENANATRCnJIu6w5
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.202Please respect copyright.PENANAeIcwkHNqhu
202Please respect copyright.PENANAXgo1MGQgoz
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.202Please respect copyright.PENANASGn9uNCyCt
202Please respect copyright.PENANAcr4yesm8dB
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”202Please respect copyright.PENANAMReRBHJ7mW
202Please respect copyright.PENANAyiRjhxnskX
- - - 202Please respect copyright.PENANAktan4JPn8X
202Please respect copyright.PENANAFYi3E5kuoc
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.202Please respect copyright.PENANAMsTzcADPgL
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.202Please respect copyright.PENANAZg06J5T7QP
202Please respect copyright.PENANA7VVUphEMEq
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.202Please respect copyright.PENANAhsqfnOxfVB
202Please respect copyright.PENANAlnEVHohVQd
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.202Please respect copyright.PENANAskYfSNMnD6
202Please respect copyright.PENANAQ79SPI0wm6
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.202Please respect copyright.PENANAxBNYb4epnl
202Please respect copyright.PENANApz2jahVDSA
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.202Please respect copyright.PENANADOXYpwZMpE
202Please respect copyright.PENANA6R4pk1KqRJ
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”202Please respect copyright.PENANAlB601msTo0
202Please respect copyright.PENANAt5hRjKaQx3
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.202Please respect copyright.PENANAqsMWFHNEu0
202Please respect copyright.PENANAzMLjBerf7t
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.202Please respect copyright.PENANAIkPdxRJh7M
202Please respect copyright.PENANA2nsRnVW4kD
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.202Please respect copyright.PENANA5VwNoCCrgq
202Please respect copyright.PENANA2DrAblZh1x
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.202Please respect copyright.PENANAa3kTa0Z0aX
202Please respect copyright.PENANAQia4OW5tK3
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”202Please respect copyright.PENANAJxKyshPuOl
202Please respect copyright.PENANAeapgT2btDq
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.202Please respect copyright.PENANAvPR5ljzmdY
202Please respect copyright.PENANA6XVOYl40yN
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.202Please respect copyright.PENANAqOnotxb5LG
202Please respect copyright.PENANALDXSt2h4oG
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”202Please respect copyright.PENANARVnKuY1nIq
202Please respect copyright.PENANA8M2fKmbpwG
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”202Please respect copyright.PENANAhHgigHTIK0
202Please respect copyright.PENANAJAPrcsyw4G
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.202Please respect copyright.PENANAJNbSE5UteP
202Please respect copyright.PENANAuZC8BZ8Asu
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?202Please respect copyright.PENANAG3tWF6QmzE
202Please respect copyright.PENANAApsaaQdpVi
- - - 202Please respect copyright.PENANAdEGwC7vGhR
202Please respect copyright.PENANA911ljKcOJN
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.202Please respect copyright.PENANAfZiQBP8FIl
202Please respect copyright.PENANAyHaHV0Yc63
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.202Please respect copyright.PENANAkmMpgw7wz8
202Please respect copyright.PENANAaWhbO5hQZ9
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.202Please respect copyright.PENANA5Q72wGPC1n
202Please respect copyright.PENANAymqU9mbEFU
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.202Please respect copyright.PENANAYNENm6X2xV
202Please respect copyright.PENANAa1NknMhHIh
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"202Please respect copyright.PENANAy3S9rjDXsp
202Please respect copyright.PENANARVRMM9SFTC
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."202Please respect copyright.PENANAnjhAbyShVz
202Please respect copyright.PENANArSzmvS95Xs
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.202Please respect copyright.PENANAENE5pBQhgC
202Please respect copyright.PENANAflY6oJzS2P
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."202Please respect copyright.PENANAIlCQhudGIH
202Please respect copyright.PENANAgmADUIFXAW
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"202Please respect copyright.PENANA3mSaa9dQpX
202Please respect copyright.PENANA4UKTLRz4Jm
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."202Please respect copyright.PENANAjDrxMhXCyd
202Please respect copyright.PENANAhmWAxTk5us
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."202Please respect copyright.PENANAYP6wM4yW7E
202Please respect copyright.PENANALFnidtv5JT
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."202Please respect copyright.PENANAdq369WaB46
202Please respect copyright.PENANAgIuqCgu9W4
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.202Please respect copyright.PENANAVynFheoUTc
202Please respect copyright.PENANAhG2WT9p1OO
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.202Please respect copyright.PENANA1jX7ArBYew
202Please respect copyright.PENANAWRAxqgFviV
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.202Please respect copyright.PENANA6mitCXv4BF
202Please respect copyright.PENANAAWUm3HNG5s
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."202Please respect copyright.PENANAFZB8q6JOAL
202Please respect copyright.PENANA6xqwlpSvpO
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."202Please respect copyright.PENANAGkG8SrQSyV
202Please respect copyright.PENANA5ECjCorXrq
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."202Please respect copyright.PENANAFqwz5oihCm
202Please respect copyright.PENANAuCLTbLnCJq
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.202Please respect copyright.PENANAy3ErdrAMu0
202Please respect copyright.PENANAg8UgpYO27e
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.202Please respect copyright.PENANA3h763hIzFn
202Please respect copyright.PENANAIv9BNLvtFJ
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.202Please respect copyright.PENANACmSkLBUCZg
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…202Please respect copyright.PENANAun7AzF5TCR
202Please respect copyright.PENANA7SMhoPJseA
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.202Please respect copyright.PENANA6VPf8lUTG2
202Please respect copyright.PENANAGJZh1Mtg5v
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.202Please respect copyright.PENANAW4P90gwNor
202Please respect copyright.PENANA5RoiA82sGP
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.202Please respect copyright.PENANAMe8qLbHV4H
202Please respect copyright.PENANARK1g3WTz3Y
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”202Please respect copyright.PENANAYYKPD5JW9u
202Please respect copyright.PENANATgCUmwNI70
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.202Please respect copyright.PENANAa11Vtc30CL
202Please respect copyright.PENANAatVH2MVRro
“Patawad, mahal.”202Please respect copyright.PENANA0UB5WBJOi8
202Please respect copyright.PENANAJmS5Un1AYO
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”202Please respect copyright.PENANAR3i1Yn08S9
202Please respect copyright.PENANATcUfsABZqn
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.202Please respect copyright.PENANAQEWvoIg6aP
202Please respect copyright.PENANALFor2lZGiU
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”202Please respect copyright.PENANAiTmQjgSP8p
202Please respect copyright.PENANAXGfUuWBLWZ
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.202Please respect copyright.PENANA3ezpF8bNJo
202Please respect copyright.PENANAYRIQVIvahr
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.202Please respect copyright.PENANAzSWefQOPUl
202Please respect copyright.PENANAIyeElX8vxH
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”202Please respect copyright.PENANARjLCTymE5o
202Please respect copyright.PENANAH6AWoyVtEy
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"202Please respect copyright.PENANAVOhdnv6r76
202Please respect copyright.PENANAlG9VJXkk5o
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.202Please respect copyright.PENANAWxyI8u38X7
202Please respect copyright.PENANALBTjjCz3rV
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.202Please respect copyright.PENANAx3YmZKbyRI
202Please respect copyright.PENANAEAKSKIHnUy
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."202Please respect copyright.PENANAGOaCMtm21J
202Please respect copyright.PENANA9cP51mvNva
- - - 202Please respect copyright.PENANATwLIZEQADD
202Please respect copyright.PENANAfnOijsJOpW
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.202Please respect copyright.PENANAoOvovY3bsT
202Please respect copyright.PENANAjjUzpUEJHz
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.202Please respect copyright.PENANA4gyItp4KQe
202Please respect copyright.PENANAXjIfKMUGsm
Ngunit hindi siya makalabas.202Please respect copyright.PENANAvdZLnQ5WPE
202Please respect copyright.PENANAn9aodRvb2W
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.202Please respect copyright.PENANA7ELAhkIiBn
202Please respect copyright.PENANArufJmVg3oc
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.202Please respect copyright.PENANA9lxYDXhCVC
202Please respect copyright.PENANAJrta6ezxpD
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.202Please respect copyright.PENANAWUsLuw1wzz
202Please respect copyright.PENANAOOM54GSqey
Nandito na ang Teccao.202Please respect copyright.PENANA8r35xWLMAp
202Please respect copyright.PENANAu7GVJR39qI
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.202Please respect copyright.PENANAcKw1jPJwMy
202Please respect copyright.PENANASgQwW1FcTm
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.202Please respect copyright.PENANA7MOSJTwIYP
202Please respect copyright.PENANACq280OjBqj
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.202Please respect copyright.PENANANHYjizNtdQ
202Please respect copyright.PENANAkAK4pvqBqy
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.202Please respect copyright.PENANA5ydj9A7dqq
202Please respect copyright.PENANAKwFiSZHthW
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 202Please respect copyright.PENANA5MbjWCAvnJ
202Please respect copyright.PENANA8Setemg2fw
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"202Please respect copyright.PENANAisfUFb1ZWM
202Please respect copyright.PENANAQziTBY9P7a
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”202Please respect copyright.PENANAjx16peAUrp
202Please respect copyright.PENANAramPwziMBW
“Naiintindihan kita, Tydel.”202Please respect copyright.PENANAzNRXlaXOu6
202Please respect copyright.PENANAXKd8vAJ2S4
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.202Please respect copyright.PENANAeTCQS7Noap
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”202Please respect copyright.PENANAPwA0ih5nwa
202Please respect copyright.PENANAyCNbFaKUJJ
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”202Please respect copyright.PENANA82hskkHiMA
202Please respect copyright.PENANASxZd78vAnw
“Paano, pa?”202Please respect copyright.PENANAf4DO5SFuI8
202Please respect copyright.PENANA81Ab8WL99N
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 202Please respect copyright.PENANAW0s1vYnD5p
202Please respect copyright.PENANAgk5qlnN1dD
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.202Please respect copyright.PENANAtr4YuhYXQi
202Please respect copyright.PENANAjFobVRnZLh
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.202Please respect copyright.PENANACXxmKEjuKC
202Please respect copyright.PENANAkXwJHGmvLY
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”202Please respect copyright.PENANAYeZ17orscs
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.202Please respect copyright.PENANAUkPxKIYvlv
202Please respect copyright.PENANACx1yKh8qSY
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”202Please respect copyright.PENANAuYhNYkG5Gb
202Please respect copyright.PENANARLCLDpaySu
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”202Please respect copyright.PENANAHdNUtxRgAh
202Please respect copyright.PENANA7Rvv1O4rHR
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”202Please respect copyright.PENANA2KzzMNkelt
202Please respect copyright.PENANATTZcWWeUO9
“Papa…” iyak ni Tydel.202Please respect copyright.PENANAE1ovHIdo8P
202Please respect copyright.PENANARjpttDVjxG
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.202Please respect copyright.PENANA06Q1vYus7N
202Please respect copyright.PENANA7HKR53jpBM
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”202Please respect copyright.PENANAtGtEycQeq1
202Please respect copyright.PENANACHzsSU82x8
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”202Please respect copyright.PENANAttHOnSinv9
202Please respect copyright.PENANAzMUcxudLbO
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”202Please respect copyright.PENANAK67rD3L0Ck
202Please respect copyright.PENANA0ze1ciTCiU
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.202Please respect copyright.PENANASQdxH3NGI7
202Please respect copyright.PENANA6AKiM5fr1k
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?202Please respect copyright.PENANAupnUh1JU8z
202Please respect copyright.PENANApMdiHHOcxX
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.202Please respect copyright.PENANAcgEPE0pmoN
202Please respect copyright.PENANAIBOIhrBUxM
- - - 202Please respect copyright.PENANAxw5XbFfn9A
202Please respect copyright.PENANA3n3R48RAI5
"Patay na ang hari." 202Please respect copyright.PENANA6VD7H9dvqL
202Please respect copyright.PENANAs6PdgyxF6B
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.202Please respect copyright.PENANAu3tx6yhLdY
202Please respect copyright.PENANApc0qt3cfLE
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.202Please respect copyright.PENANAL3cZElALA9
202Please respect copyright.PENANAr5vVCmHlhs
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.202Please respect copyright.PENANAbvKgbrAdHp
202Please respect copyright.PENANAxQtJMKCeYg
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 202Please respect copyright.PENANAwE5kv7GPZB
202Please respect copyright.PENANAEVhwOKdjcv
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.202Please respect copyright.PENANAOvOzzfbP0E
202Please respect copyright.PENANAp8H1YGID0y
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.202Please respect copyright.PENANAjyczbpHPA5
202Please respect copyright.PENANADBRkMbEQ2J
"Ama… Mag-ingat rin kayo."202Please respect copyright.PENANAhymIvSHGmB
202Please respect copyright.PENANAu5NNDw7vK0
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."202Please respect copyright.PENANASAxCN5Jkht
202Please respect copyright.PENANAxuMY5d61KW
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.202Please respect copyright.PENANAI24t0jKfMx
202Please respect copyright.PENANAYdy4odpGxU
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."202Please respect copyright.PENANA5NyCQJaRCl
202Please respect copyright.PENANAlVMQmPDA1o
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.202Please respect copyright.PENANANrfCU8M8Rv
202Please respect copyright.PENANACVuF282FWY
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."202Please respect copyright.PENANArSszAyOzhS
202Please respect copyright.PENANAgbCvEGX77t
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."202Please respect copyright.PENANATDpQHpumJA
202Please respect copyright.PENANAJ23FLxHED4
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.202Please respect copyright.PENANABKvIzFRfvr
202Please respect copyright.PENANAHDdssOqqCd
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.202Please respect copyright.PENANAT20ainGpPa
202Please respect copyright.PENANAUQDGMKSWE5
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.202Please respect copyright.PENANAqWMech7AZR
202Please respect copyright.PENANA2U4N0w8cB8
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.202Please respect copyright.PENANACHtmyaKgCY
202Please respect copyright.PENANAXTGYMmi7Cb
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.202Please respect copyright.PENANAgxlRw4wkX5
202Please respect copyright.PENANAvIDaWr2YHd
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?202Please respect copyright.PENANA2fddrlEEdu
202Please respect copyright.PENANARdO4pDF1x6
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.202Please respect copyright.PENANA26jEQApkl0
202Please respect copyright.PENANAOZoDTrHAzx
"Paalam, Midnia."202Please respect copyright.PENANASOMPQGmH6C
202Please respect copyright.PENANA1OLPQxnQEI
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.202Please respect copyright.PENANA635XSyJGUG
202Please respect copyright.PENANAyHbGqVdGmt