First day of highschool. Bad trip first day din ng period nya. Dalaga na siya talaga. Talaga namang buhay 'to. Pero, sige, game.
Gate 01 building 04 third floor ang magiging classroom nya. Iilang students pa lang ang nasa classroom, maaga pa siya para sa first class. Wala pa rin ang best friend niyang si Clara. Check muna nya yung magiging schedule nila. First class math agad. Kakagigil. Eksaktong seven am dumating si Clara. 7:15 ang flag ceremony. Meron daw announcement ang school principal.
Natapos ang flag ceremony at nagbigay ng speech si Mr. Roles, ang principal. Ipinakilala ang transferee student. Siya raw ang nag-iisang anak ng may-ari ng school pero hindi daw nila ito-tolerate or i-spoil or bibigyan ng special treatment dahil hindi nila hahayaang madungisan ang pangalan ng eskwelahan at para makita ng lahat na pantay ang treatment sa bawat estudyante ng Honra High. Moreno, matangkad siguro sa kanya ng two inches (or three, hindi nya sigurado dahil nasa stage ito) may nunal sa ilalim ng kaliwang mata, parang color black ang mata (Hindi niya makita ng malinaw e, clean-cut ang buhok na ginamitan siguro ng hair gel para hindi gumulo kapag humangin. Naka-uniform na din siya, white short-sleeved polo, green pants at black shoes. Matanda ng dalawang taon sa kanila nila Clara.
Dinismiss na sila at pinabalik na sa kanya-kanyang classrooms habang naririnig niya ang iba't-ibang comments ng mga students at classmates nya.
"Anong reaction mo sa transferee natin?" Kinalabit siya kaagad ni Clara habang papunta sa classroom nila. "Ewan ko. Cute? Hindi ko alam, hindi ko pa nakitang ngumiti e." Sagot ko. Totoo naman, personal preference niya kasi at masasabi lang niyang cute ang isang tao kapag ngumiti ito.
"Parang suplado or seryoso 'no? Siguro kasi ang taas ng expectations sa kanya ng mga teachers at ng school director sa kanya kaya pressured siya. Posible. Ang madalas na problema ng mga tagapag-mana. Hindi ako naka-relate. "Ano bang iniisip mo, Han?" Hindi na natiis ng kaibigan niyang tanungin siya sa hindi siya maka-usap ng maayos. "Sila papa Kasi" hindi nya na natapos ang kwento dahil pumasok na Ang first teacher nila.
322Please respect copyright.PENANAzzokbbXyIt
Exam para sa first semester. Halfday lang sila dahil hinati sa apat na subjects per day ang exam week para may time pa sila para makapag-review. Inaantok siya kaya nagpunta muna siya sa canteen para bumili ng snacks at pagsasaluhan nila ni Clara mamaya habang nagre-review pero inunahan siya sa pila ng anak ng may-ari para bumili. Paakyat na siya pabalik ng classroom ng sabayan siya nito sa pag-akyat. Deadma. Hindi naman nito sinadyang sabayan siya nito sa pag-akyat dahil dun din sa building na'to ang classroom nito for first sem exam. "Hi. Para sa'yo 'tong chips apology offer ko para sa baka naisip mong pagsingit ko kanina." "Huwag ka nang mag-abala, hindi mo naman sadya di ba saka nagmamadali ka yata kanina kaya hindi mo ako napansin." Para hindi obvious na naiinis sya. "You're mad. I'm really sorry and you're right, I am in a hurry so please take this. I won't take no for an answer. It's my fault. So, take this and see ya?" Hindi na ako nakapag-salita, nawala na siya bigla e. Yung kaway lang nya ang naalala ko. Na-hypnotize ba nya ako?!
Last day ng exam at pauwi na kami ni Clara ng marinig naming tinatawag nya kami. Nagkatinginan pa kaming mag-kaibigan kung kami ba talaga ang hinahabol una pero narinig naming sinabi nya, "Garcia, Ardolf" surname ko ang García at si Clara Ardolf so kami nga ang habol ni Juanito. "Bakit, Mr. Honra?" Si Clara ang unang nagsalita. "Let's go to the nearest coffee shop, my treat." "Bakit?" Hindi ko natiis hindi magtanong. "Let's discuss my concern while we're there, please?" May please na e, paano kami tatanggi?!
ns 15.158.61.8da2