Nilingon niya ako. He frowned. His eyes coldly fixed at me, waiting for me to say something.
Like telling me to make it fast because I’m wasting his precious damn time!
“Uhh…C-Can you…give me….” Your phone number?
“A ride?” Kinagat ko ang dila ko dahil sa katangahang nasabi ko.
A RIDE?! REALLY TAMARA?!
Gustong-gusto kong pukpukin ang sariling ulo. Damn it!
Tinignan niya ako ng ilang sandal bago tumingin sa kamay ko. His eyes pierce at what I’m holding kaya napatingin ako duon.
Damn it! I forgot that I have my car key on my left hand while asking him!
“K-Kasi… Nasiraan ako Sir,” I tried my best to sound calm when I’m shaking inside.
What the fuck in the world am I even doing here?! Oh my potatoes!
He look at me again without humor in his eyes. Shit.
“I’m sorry miss, nagmamadali ako. I have an appointment tonight, but I’ll call a grab,” he said.
Hiyang-hiya ako pero hindi ko pinahalata.
“No, I-It’s okay Sir, maghahanap nalang ako ng taxi sa labas.”
Mabilis akong tumalikod at naglakad ng mabilis palabas ng parking lot para matakasan ang kahihiyang nagawa.
That was the first time and the last time we had a conversation. I don’t even know if that’s considered a conversation at all.
And I don’t even know if I could still face him after that!
Napabuntong hininga nalang ako.
Bumalik na ako sa mesa namin ni Luther nang mahanap ko ang tamang libro at hinayaan siyang sumunod.
“Tingin mo, ilang points kaya ibibigay ni Ms. Sanchez para sa oral mamaya?” Si Luther na kaharap na ang kanyang laptop.
Nagkibit balikat lang ako. “Di naman madamot sa points’ si Ma’am pag dating sa oral,” sabi ko at nagpatuloy sa pagbabasa.
Nakapag-review na raw siya kanina pero sinamahan niya ako dahil may gagawin din siya dito sa library.
He’s currently busy preparing for his PPT para bukas, report niya kasi sa GE11 namin.
Matapos magbasa ng halos isang oras. Napatingin ako sa paligid.
Halos lahat ng mga estudyante ay busy sa kanya-kanyang ginagawa.
Third year college na kami ni Luther, Education students sa MSU parehong major in English.
Honestly, Luther wants to take political science pero ayaw ng pamilya namin ang mapasok sa politics ang kahit na sinong myembro ng family.
Dahil simula kasi nuong na-ambush sina Lolo at Lola habang nangongompanya para sa eleksyon, napuno na ng takot at pangamba ang pamilya namin.
Kaya karamihan sa mga pinsan kong nakapag tapos na ay puro teacher, engineer, architect, chemist at mayroon ding business alike.
Why business? Kasi may isang hacienda sina Lolo sa Ilocos, maluwag na taniman ng pinya.
Pero walang nagka-interest dun bukod kay Tito Oliver ang bunsong kapatid ni Daddy.
Yung panganay na anak ni Tito Oliver na kapatid ni Luther ang kasalukuyang namamahala roon, si Kuya Lance.
Sa lahat ng pinsan ko, sina Luther at Kuya Lance ang pinaka malapit sa puso ko. Not that I don’t love my other cousins.
Kuya Lance is like the older brother of me but it’s been a year simula nung huling pagkikita namin.
Masyado na kasi siyang busy dahil siya lang ang sumunod sa interest ng sariling ama at kasalukuyang namamahala ron.
Si Luther kasi malayong-malayo ang interest.
Ako naman, hindi ko alam bakit nag education ako, hindi naman ako mahilig sa mga bata o sa pagtuturo.
Hindi ko nga alam kung ano ang balak ko after graduation. Gusto ko lang mag travel.
Nag-iisang anak ako nila Mommy at Daddy. I was born in the States at duon nag aral ng elementarya pero nang mag high school ay lumipat ako dito sa Mindanao.
“May one hour vacant pa tayo, malapit ka na bang matapos?” Tanong ko kay Luther.
“Oo, kanina pa ako natapos. Nanonood lang ako ng Korean drama, tara maghanap tayo ng café sa labas, gutom na ako,” sinang-ayunan ko ang anyaya niya.
“Tara.”
Sa café na nasa harap lang ng school namin naisipang kumain dahil yun ang pinaka malapit.
Si Luther na ang nag order habang ako naman ay naghanap ng pwedeng maupuan.
I roam my eyes inside the café and saw a vacant table just near the stairs na sa tingin ko ay papuntang second floor.
Naglakad ako palapit at naupo duon.
Hindi masyadong marami ang mga tao ngayon compared yesterday nang mapadaan ako dito.
Natigilan ako nang makita ko kung sino ang pababa ng hagdanan galing sa second floor.
Si Sir Arch!
ns 15.158.61.48da2