Dear today,
Sobrang nakakairita.
Lahat na ata ng masasamang salita nasabi ko na ngayong araw.
Gusto ko lang naman bumawi, bakit parang mali?
“ Why did you do that? “
Tumayo ako at saka sya hinarap. Ano bang problema nya? Oo gwapo sya pero hindi sya marunong maging grateful!
“ Why are you asking me instead of saying thank you? Look, I just saved your ass over there so bakit ka nagagalit? “
Itinaas nya ang kilay nya at humakbang papalapit saakin. Oh God’s heaven! Bakit kailangan nyang lumapit? Aware ba sya na mabango sya?
“ I didn’t ask you for that. “
“ I know “
“ Then stop crossing the line. “
Agad nag-init ang ulo ko nang marinig ang sinabi nya. Plano nanaman nyang mag-walk out saakin kaya hinila ko ang kamay nya. Grabe ‘yon! Bakit ang lambot?
“ Iritang irita ako sayo alam mo ba ‘yon? “ inilabas ko ang cellphone ko at pinindot ang messenger app ko. Agad kong itinaas iyon para makita nya. “ Wala ba kayong wifi? Bakit hindi mo nireplayan yung message ko last week? “
Sobrang busy ko rin namang tao pero nagrereply ako sa mga nagme-message saakin. Lalo na kung about sa school. Kaya the fact na he didn’t reply on my message, irritates me. Syempre no, yung pride ko nakasalalaay doon!
Inayos nya ang tindig nya at tiningnan pa ‘ko taas baba. Seriously, what’s wrong with him? At bakit ang pogi nya pa rin despite all of this! Lord, Ang unfair mo naman.
“ Bakit kita rereplayan? “
“ Nagtatanong ako kung magkano yung binigay mo sakin. Nagi-guilty ako. “
“ I’m not your employee “
“ Kaya nga ginawa ko na lang yung essay mo! Absent ka last time, Hindi ka rin nagsi-seen sa gc kaya sure akong hindi mo alam yung essay na pinapagawa ni ma’am. “ kinuha ko ang papel na hawak nya para tingnan ang score “ Oh diba? 48/50 score ng paper mo! Di na masama, Quits na tayo! “ masayang sabi ko at itinaas ang kamay ko para makipag-apir.
Kaya lang imbis na itaas nya rin ang kamay nya, agad syang tumalikod at umalis sa harap ko.
Nakakainis! Ayoko lang naman ng utang na loob. At isa pa, Gusto ko lang naman tumulong. Hindi ko naman kasalanaan na absent sya tapos wala pa syang kaibigan sa room. Well, meron naman syang ibang nakakausap pero sure naman ako na hindi sila nagcha-chat. Ayoko rin naman syang i-message ulit sa fb kasi baka i-seen nanaman ako.
Buti nga ginawan ko pa sya.
Hello, simula first year ako mataas na palagi score ko sa mga essays. Kaya nga pakiramdam ko ang swerte kapag may pa-essay sa periodical exam namin. Panlaban rin ako ng section namin kapag may mga essay contest sa school and palagi akong nasa top 3. Kaya condifent akong gawin yon. Akala nya ba magpa-pasa ako nang hindi ako sure at alam kong basura yung gawa ko? Oo hindi ako marunong mag-drawing ng straight line pero magaling ako gumawa ng essay!
That man!!!!
Hindi sya nag-thank you sakin!
-------
Hi, you guys!
How are y'all? Have a great night everyone! 295Please respect copyright.PENANAijWufIMRTP