It supposed to be my most hated day today.
I’ve been studying for 10 years now and i’ve never seen myself cry like this ... until now.
“ Bad day? “
Rinig kong tanong ni kuya fordy saakin. Tumango lang ako at inub-ob ang ulo ko sa lamesa. Agad naman nyang na-gets na ayaw kong pag-usapan kaya lumabas na lang sya. Dumiretso kasi akong ssg office after ng last class ko ngayong araw. Actually, 3:00 pa lang ngayon. May meeting daw kasi yung mga teacher ng grade 10 kaya maaga kami pinauwi.
Nagugutom tuloy ako.
Kaya binuksan ako ang ref at agad naghanap ng cake. Birthday kasi ng co-adviser namin ngayon at may celebration kanina. Hindi nga lang ako naka-attend dahil may pasok ako at bawal gawing excuse ang birthday's kaya usually, pang-umaga yung palaging nakaka- attend ng celebrations dito.
Wala ng cake.
Hayyy, ayoko na madagdagan ang sama ng loob ko kaya nagpa-deliver na lang ako sa mcdo. Gutom na 'ko at ayokong kainin yung pancit na natira kasi hindi naman ako kumakain non. Sa totoo lang, cake lang talaga habol ko sa mga handaan dito sa office.
" Oh, Akala ko umuwi ka na " Bati ni sir pagpasok nya sa office. Since Friday ngayon, hindi sya nage-expect na nandito ako office. Every monday, tuesday and wednesday lang kasi ako naka-assign.
" Ayoko pang umuwi sir, magdu-duty muna ako. "
" Ah ganon? Sige magpa-recieve ka muna ng letter sa may AP department. "
Agad kong kinuha ang binigay na papel ni sir at umalis na. Binilin ko rin na nagpa-order ako ng pagkain para hindi sya magulat mamaya.
Habang naga-antay ako ng turn ko, may naalala ako.
Naiiyak nanaman ako.
Naalala ko nanaman yung nangyari kanina sa math subject namin. Hindi naman ako grade concious katulad ng ibang studyante pero sobrang nanghinayang talaga ako kasi long test namin 'yon. At alam kong malakiing hatak ‘yon sa first quarter ko. Balak ko pa namang mag-with honors ngayong taon kasi last year, sobrang na-frustrate ako sa point five na kulang ako para makapasok.
Pinunasan ko ang luha ko gamit ang baon kong panyo. Nakakainis, bakit ba 'ko umiiyak. Hindi pa naman end of the world.
" Si kuya Jimmy lang yung andyan di ka makakapagpa-recieve ng letter. "
Kumunot ang nuo ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Bakit andito sya? Kanina pa uwian ah.
" Bakit mo ko kinakausap? Close ba tayo? "
" Wala naman akong sinabi "
" Eh bakit mo nga ko kinakausap? "
" Wala nga yung secretary, walang sense pag-aantay mo. "
Akala ko aalis sya pagkatapos nyang sabihin 'yon, kaya laking gulat ko nang umupo sya sa tabi ko. Sobrang bango nanaman nya. Saan nya kaya nabili pabango nya? May pangbabaeng version kaya non?
Hindi ko sya gaanong tinitingnan ngayon dahil for sure madi-distract lang ako. Tama na naamoy ko lang sya. Malungkot ako ngayon, kaya vulnerable ako.
Ang tahimik naman.
" Hindi ka magwo-walk out? " tanong ko.
Tango lang ang tanging sagot nya at binuksan ang bag nya.
" Bakit hindi? "
" May inaantay din akong prof "
Ahhhh kaya pala. Umupo na lang ako nang maayos at nanahimik. Wala akong energy mag-ingay ngayon.
Nagulat ako nang may i-abot sya saaking tupperware na may laman na cake.
" Sayo na lang "
" Bakit mo ko binibigyan ng cake? " Maski ako, nagulat din sa nasabi ko. Pero hello, mabuti na ang sigurado ano! Mamaya pala iniisip nya wala akong pambili ng cake!
" Mabigat sa bag "
Agad kong kinuha 'yon at nag-umpisa nang kainin. Grabe, comfort food ko talaga tong cake. Parang automatic na hindi ako malungkot kapag may ganto sa harap ko.
" Magkano 'to? Babayaran ko. " tanong ko. Aba, kaka-wala lang ng utang na loob ko sakanya. Ayokong magkaroon nanaman ako ng utang no!
" I don't know, bigay lang din yan sakin. "
" Ah " walang ganang sagot ko at nagpatuloy kumain.
Edi goods! Wala akong babayaran sa kahit sino. Kaya hindi na ako nagbalak magtanong kung sino yung nagbigay sakanya non.
" You did well "
" Huh? Saan? Sa pagkain ng cake? "
" Kanina, sa long test "
Agad akong napatigil sa pagkain ko nang marinig 'yon at tumingin sakanya na nagbabasa na ngayon ng libro.
" I got zero " naiiyak na sabi ko.
" But you're almost perfect. hindi nga lang capital letter yung pagkakasulat mo. " sabi nya, habang patuloy pa rin na nagbabasa at hindi ako nililingon.
Ang bigat naman sa dibdib kapag ibang tao na yung nagsasabi ng mali ko. Well, hindi ko naman sinasadya yon! Masyado akong na-excite magsagot dahil talagang nag-aral ako para sa subject na yon kaya pagkabigay saakin ng test questionnaire, sinagutan ko agad at nakalimutan kong basahin yung instruction.
Nakakainis lang, hindi ako pinagbigyan ng prof namin kahit anong paliwanag ko.
Zero tuloy ako.
" Babawi ako sa susunod na long test "
Matapang na sabi ko na syang ikinatawa nya nang bahagya. Ang gwapo nya ngumiti!
" More like, magbasa ka sa susunod na long test "
" FOUL YON!!!!! " sabi ko, at hinampas sya ng takip ng tupperware.
" Cylo, let's go "
Sabay kaming napalingon nang tawagin sya ni ma'am Gonzaga. Binati ko si ma'am at agad din nya aking ningitian pabalik. Teka, bakit pala sila magkakilala eh transferee tong si Dominguez? Magtatanong na sana ako nang magsalita etong katabi ko.
" Bye, Azalea. " at umalis na.
Since wala naman akong mapapala kaka-antay sa secretary ng AP dept, bumaba na ako at agad nagreport kay sir. Dumating na rin ang pagkain na in-order ko kaya kumain na 'ko.
" Inutusan lang kita, good mood ka na agad? "
Gusto ko sanang sagutin si sir kaya lang for sure, hahaba pa ang usapan. Ngumiti na lang ako at nagpatuloy.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Parang kanina lang, I feel really really sad whenever I think about that stupid mistake yet here I am, smiling.
I feel better now
And I wonder why
Maybe because of that cake
or maybe because of what Ezekiel said earlier
or maybe it’s both.
-------
and that's all for today you guys, 'till the next update! ;)
ns 15.158.61.6da2