Dear today,
First week pa lang ng school year na ‘to pero may sinusuka na agad akong subject.
God, I really, really hate this part.
Bakit ba kasi hindi ko kayang mag-drawing ng straight line kahit may ruler naman akong ginagamit? at bakit ba kasi kailangan lagyan ng border lahat ng plates namin eh mapeh ‘tong subject na ‘to. Hindi naman drafting!
Nakakainis, halos lahat ng kaklase ko pang-sampung bond paper na yung ginagawa nila samantalang ako, pang benteng bond paper na yung nalulukot ko. Ayoko kasi burahin, pangit tingnan kaya deretso tapon ako kasi palaging mali.
Bakit ba ayaw makisama netong ruler at lapis ko?!
Iiyak na sana ako nang biglang mag-announce si sir na bukas na lang daw ipasa ‘yon kasi time na. Buti naman, mamaya ko na to pro-problemahin. Kailangan ko na umuwi para maabutan ko pa sila mama kumain ng dinner, nawawalan kasi ako ng gana kapag wala akong kasabay.
“ Azalea “ agad akong napalingon sa likod nang marinig ko ang pangalan ko.
“ Sayo na lang “
Nanlaki ang mata ko nang i-abot nya sakin ang 30 pieces na bond paper na may border at design na.
“ HA? “
Maigi ko syang pinagmasdan, ngayon ko lang napagtanto na sya pala yung transferee. Ilang araw kasi akong excuse dahil marami kaming meetings sa org lalo na’t start na ng school year. Infairness, gwapo sya. Bagay sakanya yung suot nya ngayong white t-shirt. Late siguro to um-order sa coop kaya hanggang ngayon wala pa rin syang uniform.
Pero ang pogi pa rin nya.
“ Hindi ko pa yan nalalagyan ng pangalan, sayo na lang “
Sasagot na sana ako nang nilapag nya ang mga papel sa mesa at naglakad palabas. Napaawang agad ang labi ko nang makita iyon. Napaka-sungit, hindi man lang nya ‘ko inantay sumagot!
Bigla kong naisip yung kailangang ipasa bukas. Wala akong choice kundi lunukin ang pride ko. Wala namang nakakaalam eh, at isa pa sya ang nag-offer. Tiningnan ko isa-isa ang gawa nya. Okay naman ha? Maganda naman bakit nya binigay sakin? ‘Wag mong sabihin na hindi pa sya nasa-satisfy dito? aba! Apaka perfectionist nya naman.
Ah, bahala na.
Ipinasok ko agad ‘yon sa bag ‘ko at umuwi na.
Habang naglalakad pauwi, may naisip ako. Agad kong nilabas ng cellphone ko at hinanap ang profile nya sa gc ng section namin.
Cylo Ezekiel Dominguez pala name nya? Ang ganda ha, pang rich kid! Pinindot ko ang message button at nagsimulang magtype.
Salamat pala. Babayaran ko na lang, magkano ba ‘yon?
Mahigit isang oras akong nag-antay para i-approve nya ang message request ko. Akala ko rereplayan nya na ‘ko nang makita ko ang kulay berde sa profile pic nya. Kaya lang, agad akong napamura sa nabasa ko.
seen 10:42 pm
ns 15.158.61.8da2