"Our adviser told us we need to create a school club after the first semester. And I need five more members." Yun ang concern nya?! School club? First year pa lang sila ni Clara, anong idea nila tungkol sa mga school club?! At five more members, ibig sabihin wala pa siyang nare-recruit at kami ang naiisip niyang unang i-recruit?! Saang planeta nanggaling 'tong lalaking 'to? Ibabalik nya, now na. "You mean to say wala ka pang naiisip na mabuong club, wala ka pang members at wala kang maisip na plan A-Z para sa bubuuin mong club?!" Sunod-sunod na tanong niya sa lalaking galing sa ibang planeta. Pinapakalma na siya ni Clara pero hindi nya matiis na hindi alisin ang inis. First week pa lang ng opening ng school may notice na sila bilang juniors-seniors sa school at ngayon pa lang ito nagsisimula bumuo ng lahat. Saan ito magsisimula? He only have two weeks para mag-report kay Ms. Cruz, ang class adviser nila sa "progress" ng club nito. "Pwede bang malaman kung bakit hindi ka na lang sumali sa mga available or club na open for new members?" Tanong ni Clara. Parang alam na niya ang dahilan ng lalaking alien kung bakit hindi sumali sa ibang club. "Listen, Ms. Cruz believes in me and my potentials so I have no reason to turn her down." Kakagigil 'tong alien na'to. "Aminin mo na lang na required sa family nyo na may mapatunayan at maging proud sa'yo ang family mo. Masakit pero 'yun ang totoo." Hindi napigilan ng bibig niyang matabil at walang preno na nagtuloy-tuloy pero nakita nyang pinipigilan ni planet Saturn na mainis sa kanya, which proves her statement's correct and perfect. "Yung bibig mo. Kumain ka na lang ng brownies." Pabulong pero alam niya, dama nya na nainis sa sinabi niya ang kaibigan niya. Tung chocolate mousse milkshake ang pinagdiskitahan na lang nya. Pasimpleng tinignan kung magkano ang order nila ni Clara para babayaran nya kay planet Saturn mamaya bago sila umuwi. "What are you planning to do? I think you need to think of what is your club and it's activities para may idea yung mga ire-recruit mong members kung ano ang sasalihan nila kung sakali?" Yes, the basics. Alam naman ni Saturn 'yun, imposibleng hindi nya alam or wala siyang idea sa ginagawa nya? "Yeah. I've been thinking of these programs." May inabot na notebook at ipinakita sa kanila kung ano ang mga nasa listahan ng programa nitong ipo-propose sa'min na board directors. Charot. "Pwedeng sabihin ko kung anong nasa isip ko ngayong nakita ko 'yung plans mo, Mr. Honra?" Si Clara parang hindi ready na marinig ang (mga) sasabihin ko. Tumango naman si Saturn kaya kahit pinilit kong maging mahinahon... "Saan ka kukuha ng pondo para rito, school club ito at hindi pang-SK dapat yung mga simple lang na makaka-relate sa mga es-tud-yan-te, yung kaya ng mga students na mai-provide or kung meron sa bahay nila na willing silang i-donate para magamit ng iba kung hindi na nila kailangan para hindi kailangang may maglabas ng pera. Pag-kasyahin mo 'yung pondo na ibibigay ng school para tumakbo ang bubuuin mong club kasi may activities 'yun, yung magiging "office" nyo kailangan ng mga gamit na related sa club mo." Sinong nagsabing wala kaming idea sa pagkakaroon ng school club? Napansin niyang (sana mali siya) parang napahiya sa (mga) sinabi niya si Saturn. "Sorry Kasi Hindi ko Kasi ine-expect na ang bongga ng mga plans mo. Pero may naiisip akong ibang pwedeng programs. Tanungin mo din si Clara kung anong reaction nya sa pinakita mong listahan Kasi pwedeng mali rin ako or nagkaroon ng misunderstanding Kasi minsan may problema ako sa reading comprehension". Mahaba kong paliwanag kahit alam kong late na'ko, nadurog ko na ang ego nya.
"Anong choices mo kung magbubuo ka ng club na makaka-relate sa atin? Or advocacies mo na pwedeng makatulong sa schoolmates natin?" Si Clara.
"Music, Spoken word poetry, arts, drama club, craft making." Si Saturn.
"Mr. Honra, maka-singit lang ha. Meron na po nun lahat sa school. Nag-research ka ba? Gusto mong magpa-impress sa family mo, dapat yung hindi pa naiisip ng marami saka wala pang nakakagawa sa school para impressive talaga." Ang bibig ko talaga nauuna, ito dapat ang nasa ulo ko hindi utak. Gigil din ako sa sarili ko e no? 😑😑
Inabot na ni Clara ang brownies para kainin ko ng matahimik na ako.
"Like what?" Kainis din kasi siya, di ba?
"Anong issues ng mga students sa school? Or ng mga ka-age natin in general?" Tanong ko.
"Family, school, relationships" si Clara.
"Anong meron dun?" Tanong ko, kinain ko na din yung brownies.
"Are you referring to me?" Si Saturn.
"Sabi ko in general, di ba?" Saturn siya, hindi Sun para maging centre of the universe.
"Anong naiisip mo ba, kung ikaw ang magbubuo ng club?" Si Clara, trying to calm herself. Naiinis na yata samin ni Saturn, hindi lang sa'kin. At least, dalawa kaming kinaiinisan nya, Hindi lang Ako.
"Counselling. Parang mas mag-open up sila kung kaparehas nila ng age ang pagsasabihan nila kahit hindi direct 'yung issue pero at least na-address nila 'yung concerns nila sa atin." Parang na-proud naman ako sa sarili ko habang sinasabi ko 'yun.
"What will happen after they "addressed their issues" to us?" Emphasize pa "yung address the issue talaga?
"Next step natin is depende sa "issue" nila. Scenario, ikaw Mr. Honra, pag-uwi nyo sa bahay nyo tapos may makikita ka na lang na note sa ref nyo na i-reheat mo na lang yung dinner or magpa-deliver ka na lang dahil late na uuwi ang parents mo" Sabi ko.
"Are you a detective?" Susme, nahuli nya nga si Saturn. Nemen.
Parang gustong matawa ni Clara sa'ming dalawa.
"Mr. Honra-"
245Please respect copyright.PENANAjxnRJsyCWJ
"it's Ani"
"Ok. Nawala tayo sa topic e. Pero summarize ko na lang. Madalas na po kasi ang ganung eksena at hindi ko sadyang malaman kung anong sitwasyon ng pamilya mo. So, anong naiisip mong gawin para makasabay ang parents mo sa hapunan?"
ns 15.158.61.12da2