Dear Today,
I got scolded by my mom today.
And to make things worst, it’s not even my fault.
Aba, hindi ko naman kasalanan na mapapa-away ako nang dahil lang sa basura?
Nutrition month kasi ngayon at as usual, sobrang daming activities at contest sa school. Actually, last week pa sinabi samin ni ma’am ali na kailangang magparticipate ng section namin sa bulletin making, kaya lang napaka-sipag ng mga kaklase ko at ngayon lang gumawa eh bukas na nga ang deadline. At dahil super considerate ng ibang subject teacher namin, hindi nila kami pinayagan magdecorate sa time nila.
Nakakainis diba? Teacher din naman sila, siguro naman aware sila na may activities talaga na ganto? Kaya wala kaming nagawa kundi hintayin maatapos ang afternoon class para makabit na namin yung ginawa namin at malagyan na ng design.
At dahil masisipag din ‘tong mga kaklase ko, nang makita nilang patapos na yung bulletin board bigla na lang nagsi-alisan at hulaan nyo kung sino yung kasama kong naiwan?
Yung napaka-sungit na transferee!!!
“ Mag-walis ka na, ako na lang magbubuhat pababa “ Aniya
Inayos nya ang upo nya at inilabas ang cellphone nya para maglaro.
Aba, anak ng tokwa! Don’t tell me maglilinis ako habang sya naglalaro? Nakakainis! Bakit ba kasi hindi na lang ako umalis kanina pa?
Hinagis ko sakanya yung isang walis, nagbabakasakali na baka ma-gets nya na kailangan nya kong tulungan para mapabilis na ang gawain namin at maka-uwi na ako dahil super late na at sure akong hinahanap na ‘ko nila mama.
Ngunit imbis na magwalis sya, patuloy pa rin sya sa paglalaro. Aba’t ang kapal naman neto! Oo na, pogi sya, magaling sya mag-drawing, magaling sya mag-design at magaling sya mag-paint pero hello! Mali naman na ako lang ang paglilinisin nya dito?
Pinulot ko ang walis na binato ko kanina at lumapit sakanya.
“ Manhid ka ba? Di mo ba na-gets yung pagbato ko ng walis sayo? “
Ibinaba nya ang cellphone nya at hinarap ako. Jusmiyo! Ayan nanaman tayo eh, ang pogi pa rin talaga nya kahit na pawis lalo na pag malapitan! Pero hindi! Tamad sya at hindi marunong makiramdam!
“ Bingi ka ba ba? “
“ Ano- “
“ Hindi mo ba narinig yung sinabi ko kanina na ako magbubuhat ng basura pababa? “
Nakakainis! Sobraang bastos nya talaga kausap. Sasagot pa sana ako nang marinig ko na nagri-ring ang cellphone ko. Agad kong tiningnan ‘yon at sinagot.
“ Manong, pabababa na po ako sandali lang po naglilinis lang “
Sumulyap ako sa labas ng room, sobrang late na ata kaya tinawagan na ‘ko ng service ko.
Imbis na makipag-away, agad kong kinuha angg walis at nagsimula na maglinis. Sa totoo lang, pwede namang hindi ko ‘to linisin, kaya lang nakaka-awa naaman yung mga janitor bukas. For sure marami ring nag-iwan ng kalat sa room nila at ayoko na dumagdag pa.
“ Umuwi ka na, ako na maglilinis dito. “
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses nya. Kung kanina’y naglalaro sya, ngayon hawak nya na ang walis tambo at nagu-umpisa na rin maglinis.
Wow naman, nakaramdam din!
“ What? Titingnan mo lang ba ‘ko? Bumaba ka na, nag-aantay na sundo mo baka mapagalitan ka. “ Iritangg sabi nya habang nagpapaatuloy sa pagwalis. Ang arte ha! Parang tingin lang eh.
“ Huwag na, tapusinin na natin para mabilis. “
Mahigit kalahating oras din ang nagugol namin para linisin yung room. At ang satisfying lang tingnan na malinis na ulit sya hindi katulad kanina na sobrang gulo.
“ Oh, gamitin mo muna, pawis yung likod mo “
Agad napa-kunot ang nuo ko nang marinig ang sinabi nya. Since when did he give a damn about me?
“ Kung ayaw mo, edi ‘wag “ agad nyang ipinasok ang towel sa bag nya at nagsimulang maglakad.
Eh bakit ang sungit? Wala pa nga akong sinasabi eh!
Kaya hinabol ko sya at hinila ang bag nya “ Amina yung towel, basa yung likod ko! “ pagrereklamo ko.
Napahinto sya sa paglalakad at hinarap ako. Shet lord, bakit po ang gwapo? “ Akala ko ba ayaw mo? “ Tanong nya at naagsimula ulit maglakad.
“ Wala naman akong sinabi! “ sigaw ko dahilan ng paghinto nya ulit at binuksan ang bag nya.
“ Eto na “ Sabay abot nya saakin. “ You’re so loud you know? “ at nagpatuloy na syang maglakad.
“ Oo naman duh! Aware ako no, ako pa ba? “ Mayabang na sabi ko. Well totoo naman, simula grade one ako palagi na nagrereklamo yung teacher ko kasi ang lakas lakas daw ng boses ko. Tapos noong grade five naman ako, suki ako ng noisy sa classroom namin. Noong grade seven naman ako, may homeroom award din ako na natanggap dahil sa daldal at lakas ng boses ko.
Hindi na sya nagsalita pa kaya sinabayan ko na lang sya maglakad. Kaya lang, may napansin ako.
“ Ang tanggkad mo no? Anong vitamins mo? “ Tanong ko sakanya. Pano ba naaman kasi? Halos balikat nya lang ako. Gusto ko rin naman maging matanggkad kagaaya nya!
“ Dali na, ano nga! Sawang sawa na ‘ko maging pangalawa kapaag find your height tuwing P.E time eh! “ pagrereklamo ko habang hiinihigit ang uniform nya. Ngayon ko lang napansin na nakuha nya na yung uniform nya. Mas bagay sakaanya!
“Tapos palagi pa ‘kong naka-upo kapag class picture! Ayoko naman non!!!! “ dagdag ko ngunit imbis na sagutin ako sa tanong ‘ko, ginulo nya ang buhok ko at binigyan ako ng malapad na ngiti.
What a day-ender.
ns 15.158.61.51da2