"I don't know. They can't cancel their plans and meetings because of my selfishness." Nahiya tuloy si Ani magsalita.
"Hindi naman pagiging selfish 'yun. Anak ka nila. At alam din naman nating lahat na ginagawa lahat ng parents natin para sa magandang kinabukasan ng kani-kaniyang anak. Pero hindi naman masama kahit once or twice a week na makasabay or bonding sila, tama?" Sabi ko, kahit alam kong imposible or malabo.
"Si mama at papa naglalaan ng oras every Friday night until Saturday or compromise ng Sunday para family day tinatawag-tawagan lang nila yung trusted employees nila para mag-report kapag may problem or smooth ang operation ng business nila." Si Clara. Rich kid kong best friend pero pinili akong kaibigan kasi hindi raw ako tsismosa at hindi ma-social media. Supplier ng local beauty products across the country at abroad na rin recently ang mama nya, ang papa nya real estate agent pero wala na akong alam kung ano pa ang mga rakets ng papa nya.
"Parang ganito lang, open forum pero hindi natin pipilitin na mag-open up sila or parang chika-chika lang para loosen up sila hanggang sa sila na ang magsabi kung ano ang problems nila or struggles nila sa buhay." Parang hindi na rin ako sure sa mga pinagsasabi ko, bumaba 'yung energy ko. Hindi nakatulong ang brownies or kulang sa dopamine?
"Hindi natin kailangang mag-kwento ng personal life natin depende na sa kanila kung magsasabi sila or hindi dahil 'yung "clients" natin ang priority natin. Pwede tayong mag-research online, mga TEDTalk, online community organizations for additional references, social media para may idea tayo kung anong rants ng mga kabataan dahil mas vocal sila doon." Nabalik ang confidence ko, salamat sa choco mousse milkshake.
"Anong masasabi mo sa discussion natin?" Si Clara.
"I've decided." Si Ani. Sabay kaming napalingon sa kanya dahil parang siguradong-sigurado siya sa sasabihin nya.
"I am appointing you, as the VP of the club" turo sa akin.
"And you as the secretary of my club. Congratulations to both of you."
Ano raw?!
"Mr. Honra, pwedeng mag-botohan muna tayo bago ka mag-decide para sa "club mo"?" Bumalik na naman ang inis ko.
"What, don't you like the idea? My idea?"
Ang hype naman po. Grabe, kanina lang parang hiyang-hiya sa nalaman namin tungkol sa pamilya nya tapos ngayon ang full credit sa kanya?! Hype talaga!
Hinawakan tuloy ni Clara ang kaliwang braso ko para pigilan at pakalmahin ako.
"Mr. Honra, kanina may please nung sinabi mong idi-discuss ka kaya nadala mo kami rito tapos naging demanding ka tapos ngayon kung maka-tanggap ka ng credit, hundred percent?! Grateful pa kami ni Clara dahil sa position? Neknek mo. Hetong bayad namin sa pa-meryenda mo, alis na kami. Maghanap ka ng ibang sasali sa club mo." Hinawakan ko na si Clara para maka-alis at walang planong magpahabol sa Saturn na 'yun. Nanggigigil talaga ako. Bahala siya sa buhay nya, hype sya.
302Please respect copyright.PENANAsHohWkpEnx
302Please respect copyright.PENANA1no4p3Ol40
Saturday afternoon ng sunduin sya para mag-mall ni Clara, may bibilhin daw sa bookstore. Nako kung ang ibang babae matagal sa shopping, Ang best friend nya, sa bookstore. 😏
302Please respect copyright.PENANAaIIedYLg3u
Napadaan sya sa self-help books, parenting 101 at napabili siya ng tatlong librong related sa relationships and self-development tutal second hand books naman kaya affordable at may pang-milk tea pa sya mamaya.
Mahilig sa YA at international magazines pero hindi sya bumibili, nagpapadala ang ate nya ng iba't-ibang libro at magazines sa kanya. Nagko-compare lang sya ng prices at covers kaya sya madalas magpunta ng mga bookstores.
"Anong nabili mo?" Tanong nito sa kanya
"Mga self-help guides" Sabi ko.
"Bakit?" Hindi kasi naalis ang tingin nya sa'kin.
"You're thinking of him, no?"
"Sino? Si Honra?" Nako, nanunukso ang best friend nya.
"Wag mo akong asarin. Alam ko na 'yang tono at tingin na 'yan." Pigil ko na sa kanya bago pa mapunta sa kung saan ang panunukso nyang walang pupuntahan.
"Pero curious Ka?" Pilit nito.
"Order muna tayo milk tea?" Parang mahabang usapan ito.
Naghihintay na kami sa order naming milk tea at cheesecake sa isang mesang malapit sa glass window ng milk tea shop.
"Totoo namang sayang 'yung napag-usapan natin nung Thursday, di ba?" Four days ang exam namin at rest day namin kahapon, walang pasok ang lahat ng students.
"Anong plano mo? Sayang naman 'yun saka may sense naman, hindi naman lahat ng students nakikipag-cooperate sa guidance natin para magsabi ng struggles at problems nila" si Clara.
"Ngayon babasahin ko muna 'yung mga nabili ko, gagawa na lang ako ng fanpage para mangalap ng stories kapag nakapag-isip na'ko ng iba pa. Hindi ko pa alam. Bakit ka interesadong malaman?" Hinuhuli ko sya, baka nakikipag-conspire pa 'to sa Honra na 'yun. Dumating na 'yung order namin.
"Wala naman. Anong gagawin mo kung lapitan ka ulit ni Ani?"
"Try nya muna. Nauuna kasi 'yung pagiging demanding at domineering kasi nya hindi mo ba napansin?"
"Dapat suyuin ka muna nya, ganun?" Nanunukso talaga ang kaibigan nya. Nakakainis.
"Hindi naman panunuyo, kung gusto talaga nya at kailangan nyang makapag-provide ng impressive at club na bago dapat marunong siyang magpakumbaba kasi favor nya 'yun saka para maka-earn ng respect at understanding sa kakausapin or ire-recruit nya para maging successful 'yung pinaplano nyang gawin." Mahaba nyang paliwanag.
"Wala ka naman sigurong pina-planong kalokohan sa isip mo ngayon para magka-usap ulit kami ni Honra, no?" Agap ko sa kanya, napa-paranoid tuloy ako sa kaibigan ko na'to at sa sobrang gusto ng bagong hobby, kami pa ang napag-diskitahan.
"What made you think naman na gagawin ko 'yun. Subconscious mo na ang nagsasalita, friend." Makulit talaga at matibay ka ha, ayaw pa umamin.
Umuwi na sila after nilang maubos ang order nila at sinimulan na nyang basahin ang isa sa mga librong nabili nya.
302Please respect copyright.PENANAATCmrLus1N
302Please respect copyright.PENANA21ldR4jO7L
Monday after ng flag ceremony nilapitan ulit sila ni Ani at may note na inabot sa kanya. "Ano 'yan, love letter?" Pabulong na tanong sa kanya ni Clara. "Hindi, death threat." Sagot nya.
"Later after school, same place. Important." 'yun ang laman ng note. Gaano ba talaga kahirap magsabi ng I'm sorry?
302Please respect copyright.PENANAeBOSSVYjmN
"Ate, we're here." Nagulat sya ng kalabitin sya ni Mimi at sinabing nasa restaurant na sila na pag-aari rin ng Honra family.