Lizelle's Pov:
"Nak, okay ka lang ba?" sabi ni Mama sa akin. I just nodded and beamed a smile at her.
Nililingon ko ang mga kapatid ko na nakikipaglaro sa mga pinsan nila, habang masaya namang nakikipagkwentuhan si Papa sa mga Tito namin.
I took a deep sigh before I walked toward my favorite spot here in the park. Carefully, I sat on the wooden bench.
'I should be happy now. It's our family reunion. But I don't know why I am sad.' I looked up at the stars lying in the sky, shining brightly. However, they didn't excite me anymore.
Ever since he left.
After he uttered those words that he would never leave me, that he would always be by my side, I felt the hot liquid of tears falling down my cheeks.
Flashback
"You're crying again. Is there a problem?" he asked. Instead of answering, I just wiped away my tears and stood up.
"Don't lie. I know you. You wouldn't just call for no reason." I glanced at him and he was staring at me, waiting for what I had to say.
I sighed. He really did know whether I had a problem or not. It wasn't surprising, though, since he was my childhood best friend.
"My parents fought again. And this time, P-Papa left us for good," I said tearfully to him.
"Now, I don't know what to do. I tried to stop him but he still left." I couldn't hold back my sobs anymore.
As expected, he remained silent and let me cry to ease the burden I was feeling right now. That was what I liked about him—he was always there whenever I needed someone to talk to.
"That's fine, don't worry. Malay mo kailangan lang ng Papa mo ng space para makapag-isip," mahinahong sabi niya.
"Eh paano kung hindi na siya bumalik? Paano na kami? Paano kung hindi toto--" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang biglang pitikin ni Felix ang noo ko.
"Teka! Bakit mo ginawa yun?" anas ko habang sapo ang aking noong pinitik niya.
"Puro ka kasi what if ganito, ganyan. Hirap kasi sa 'yo, hindi pa nangyayari pero pinangungunahan mo," natamaan naman ako sa mga sinabi niya.
"Ang advance mo kasing mag-isip," dugtong pa nito. Napatahimik naman ako. Minsan pala ay may laman din ang mga sinasabi niya.
"Natahimik ka. Na-realize mo na, ano?" Napalingos ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa kalangitan tulad ng lagi niyang ginagawa nung mga bata pa kami.
"S-Salamat sa hindi mo pag-iwan sa akin," tipid kong sabi sa kanya. I'm really thankful that I have a best friend like him.
Kagaya ng pinangako niya dati, lagi siyang nasa tabi ko. Tuwing nalulungkot ako at masaya, kahit na minsan ang hilig niya akong asarin.
"Lagi akong tumutupad sa pangako." Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa mga bituin sa kalangitan.
Matama ko siyang pinagmasdan. Ngayon ko lang napansin na gwapo pala siya sa malapitan. Iniwas ko ang aking tingin nang lumingon siya sa akin at ibinaling ko na lamang ang paningin sa langit.
"At tutuparin ko pa rin ang promise na 'yon kahit na mawala man ako sa mundo." Napakunot naman ang aking noo dahil sa sinabi niya.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi nakaka--"
"Kagaya ng pinangako ko sa Kuya mo bago siya mawala," seryosong sabi niya sa akin.
I can see the sadness in his eyes. He and my brother are best friends. I remember they were always playing basketball outside, and I felt annoyed about it. Pakiramdam ko ay inaagaw niya sa akin ang Kuya ko. Lagi silang magkalaro noon. Samantalang ako nasa bahay lang.
Binaling ko ang tingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba sa kanya ngayon. Parang may mangyayari. Bakit kaya parang napakaseryoso niya?
Tatanungin ko pa sana siya nang biglang hawakan niya ang braso ko. "It's getting cold here. Iuuwi na kita," sabi pa niya. Kaya naman wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Malamang hinahanap na rin ako sa amin.
I never thought that night was the last time I would see him. Binalita sa akin ni Mama na naaksidente pala siya. I was in my room that time. I was shocked, and at first I didn't believe her. Not until I visited him at their house.
Itim. Lahat ng mga taong nasa loob ay nakasuot ng ganoong kulay. Dinulugan ako ng kaba. Dahan-dahan kong ini-hakbang ang bumibigat kong mga paa.
That time I realized na tama sila. Hindi mo nagawang mabuhay. Bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. Mas marami pa ito sa iniyak ko habang pinapatahan niya ako noon.
"Ang daya mo naman, eh! Sabi mo hindi mo ako iiwan?" Nanatili akong nakatitig sa mga bituin. Di alintana ang nanlalabong paningin dulot ng luha na humaharang sa aking mga mata.
"Akala ko ba tinutupad mo lahat ng pinapangako mo sa akin? Pero bakit ganito?" sabi ko habang nakahawak sa aking dibdib.
"Hindi pa ako nakakapagtapat sa'yo eh. Mahal kita, noon pa. At naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang ito naamin sa'yo." Tumungo ako at unti-unti pinupunasan ang mga luhang kusang pumapatak sa aking mapanglaw na mga mata.
"Bago ka nawala. Bago mo ako iniwan," dugtong ko pa sa gitna ng malamig na gabing iyon. Ang bigat sa dibdib. Ilang buwan na ang lumipas pero masakit pa rin sa akin ang pagkawala niya.
Ibinalik ko ang aking tingin sa kalangitan. Napukaw ang aking atensyon ng nag-iisang pinakamaliwanag na bituin. Among the stars, there is one brightest star. And that star makes me remember one person. It was Felix and his promise to me when we were children that he would protect me until he became one of those stars in the night sky.
Naniniwala kasi siya na kapag may mamamatay, ang kaluluwa ng taong iyon ay magiging isa sa mga makikinang na bituin sa kalangitan.
Napapikit ako habang sinasariwa ang matamis niyang ngiti na nagpapagaan ng loob ko. Pati na rin ang pang-aasar niya sa akin.
I really miss Felix. I really miss-- no, scratch that! I do love him. And I'm disappointed for not knowing that feeling too early.
"Felix, ikaw na ba 'yan?" usal ko. "Hanggang ngayon ba binabantayan mo pa rin ako?" untag ko habang nakatitig sa bituin kahit na hindi ko sigurado kung naririnig niya nga ba ako.
"May masayang ibabalita ako sa'yo!" sabi ko pa at agad pinahid ang aking mga luha. "Papa is back! And you were right. Kailangan lang niya ng panahon para makapag-isip. Sayang lang kasi wala ka na rito." Halos pawala na ang boses ko at napalitan na ito ng ilang mga paghikbi.
"But don't worry, because I will be okay. Maybe not now but soon." Pinunasan ko ang mga luha na halos bumasa na sa buong mukha ko.
"And I will forever be grateful for having you. Kahit na ala--" Napatigil ako ng marinig ang pagtawag ni Mama sa akin.
"Lizelle, nak. Tara na! Kakain na tayo dun." Tumayo na ako sa aking pagkakaupo at agad pinunas ang mga luha. Medyo madilim sa pwestong iyon kaya naman hindi kitang umiiyak ako.
"S-Sige po, Ma," tipid kong tugon bago sumunod sa kanya. At sa huling pagkakataon ay binalingan ko ng tingin ang bituing kanina ay kausap ko.
Naniniwala akong hindi naman talaga siya nawala. Mananatili pa rin siya sa aking puso. Buhay pa rin sa aking isip ang matamis naming alaala. Kahit na alam kong isa na lamang siyang bituin. Katulad ng lagi niyang sinasabi. Makinang at nangingibabaw ang liwanag sa lahat.
--
A/N: Playlist #4 was done, inspired by Kabilang Buhay by Bandang Lapis. Hope you'll enjoy reading it. Btw. Don't forget to vote and comment <3
49Please respect copyright.PENANAWrH1qvxLX9