Date: February 5, 2027
Time: 2:07pm
71Please respect copyright.PENANA0JeFJE8O77
Clement's POV
Everyday feels like I'm falling into an abyss. Being a writer is not a job fitted for those who wants to earn a bunch of money. Nagsusulat na ko sa tatlong magkakaibang app at under na ko ng isang publishing company, hindi pa rin sapat.
Mula umaga hanggang gabi, nagsusulat lang ako. Madalas akong gumising ng ala singko ng umaga at matulog ng alas dose ng gabi. Gumigising ako para magsulat at natutulog para kinabukasan ay makapagsulat ulit. Sinadaya ko pang bumili ng maliit na apartment para wala akong masyadong iintindihin na lilinisin.
Ang mahirap sa pagiging writer, lalo na ng Romance stories, ay ang katotohanan na laging mas maraming magagaling. Kahit halos pare-pareho lang naman ang mga plot, laging may mas nakakaangat. Ilang taon na ba kong nagsusulat? Lagpas isang dekada na, pero kahit kailan hindi pa ko nagkaroon ng book signing event.
Nagtatrabaho ako para sa isang publishing company, pero hanggang online app lang naman nila ang mga kuwento ko. Sa tatlong app naman kung saan ako nagtatrabaho, parang wala namang pakialam sa mismong kuwento na pinapasa ng mga manunulat. Basta dapat ang minimum number of words sa bawat novel ay 100,000.
Maraming mga kaibigan at kamag-anak ko na ang nagsabi na dapat daw ay magpasalamat ako sa trabaho ko. Kumikita raw ako kahit nakaupo lang at nagta-type. Hindi kasi nila alam na draining din ang pagsusulat kahit pa sabihing nakaupo lang. Nakawawalang gana kaya na magsulat lagi para lang maabot 'yong target na word count. Parang nawawalan din ng silbi 'yong kuwento kung hindi naman naaaprubahan dahil maganda.
Ilang beses ko ng sinubukan na mag-apply sa mga publishing company kung saan magkakaroon talaga ng physical book ang mga kuwento ko, pero ang mga publishing company na 'yon, nakakuha na sila ng magagaling na romance writers. Bakit nila kakailanganin ng idadagdag kung 'yong mga romance writer naman nila ay milyon na ang mambabasa samantalang ako, wala pang 15k ang likes ng Facebook page ko kung saan ako nagpo-promote ng stories. Araw-araw akong nagpo-post doon, pero parang wala pa ring nangyayari. Sangkaterbang social media accounts na ang ginawa ko para mag-promote, pero hindi talaga gumagana.
Naranasan ko na ring um-attend sa writing workshops, both free and paid. Natututo ako. Maayos ang grammar ko at sinisiguro ko na walang plot holes ang mga gawa ko. Bago ko i-publish ang isang chapter, binabasa ko muna ng apat na beses. Hindi ako pumapayag na basta lang makapag-update ng story. Araw-araw akong may update simula nang magkakontrata na ko. I am consistent for the past four years, but my hard work is going to waste.
Kumikita ako ng minimum na 5,000 pesos a week. Malaki na 'yon kung tutuusin. Pambayad na 'yon sa renta, kuryente, at tubig. May konti pang tira. Hindi nawawalan ng pera ang wallet ko. Hindi rin ako kinakapos o nagkakaroon ng utang. Ang hinahanap ko lang talaga siguro ay validation. Gusto ko pang mas lalong makilala. Gusto kong magkaroon ng maraming readers. Gusto kong magkaroon ng mga taong sumusuporta sa akin, mga taong mag-aabang sa gawa ko.
In my type of job, kompetisyon ang makakuha ng maraming readers. Siguro walang pakialam ang ibang writers doon dahil may iba silang source of income, pero ako, pagsusulat lang ang meron ako. Dito lang ako magaling. Hindi pa ko sigurado kung magaling nga ba ako.
71Please respect copyright.PENANAVXhTCXIKiG
Tumayo na muna ako dahil nangangawit na ang legs ko. Gutom na rin ako dahil tatlong oras na kong tuloy-tuloy na nagsusulat. Baka kainin na ng malaki kong bituka ang maliit kong bituka sa lagay na 'to.
Naghanap ako ng pagkain sa maliit kong fridge, pero puro putas na lang at tubig ang laman no'n. Napilitan pa tuloy akong kunin ang wallet ko. Nagbihis lang ako ng pang-itaas at nagsuklay ng kaunti bago lumabas sa apartment ko.
Diretso lang ang baba ko sa hagdan hanggang sa makalabas na ko ng apartment building. Maganda ang panahon. Hindi masyadong mainit, hindi rin tirik ang araw. Kagaya ng inaasahan, maraming tambay sa labas ng apartment building, pero ang mismong gusali ay tahimik dahil karamihan sa mga nagrerenta ay panggabi ang trabaho. May mga call center agent, security guard, at prostitutes. It's a very diverse building filled with people of different status in life.
Sampung minuto lang ang layo ng convenience store mula sa apartment ko. Ayaw ko lang talaga na masyadong lumalabas. Kaya siguro namumuti na rin ako sa kaka-stay ko sa loob ng apartment. May mga araw kasi talaga na kaya kong hindi lumabas ng bahay unless may kailangan akong bilhin para sa bahay o kailangan kong bumili ng pagkain.
Pagpasok ko sa convenience store, limang high school students agad ang nakita ko. Mukhang mag-jowa 'yong isang lalaki at isang babae dahil halos wala ng pagitan sa kanilang dalawa. Nakahawak pa 'yong lalaki sa baywang ng babae. Pero sa ganitong klase ng panahon, kahit walang relasyon ay ganiyan na umakto.
Hindi ko na sila tiningnan at kumuha na lang ako ng isang cup noodles. Kumuha rin ako ng isang siopao at isang donut. Nang mabayaran ko na ang tatlong 'yon, binuksan ko ang cup noodles at linagay ang seasonings na nasa loob din ng cup saka ko linagyan ng mainit na tubig.
Umupo ako sa upuan na katapat ng lamesa ng convenience store na malapit sa glass wall. Linapag ko lahat ng pagkain ko sa lamesa. Inuna ko munang lantakan ang siopao para hayaang maluto ang cup noodles. Ang tagal ko bago naubos ang 25 pesos na siopao na hindi naman gano'n kalaki.
Sinunod kong kainin ang cup noodles. Masarap iyon dahil mainit pa. Mahilig kasi talaga ko sa sabaw kaya mabilis kong naubos. Hinuli ko na ang donut. Coffee flavor ang donut at masarap na masarap 'yon. Hindi masyadong matamis pero pagkakamali ko lang na hindi ako nakabili ng tubig.
Inipon ko sa iisang plastic 'yong mga basura ko dahil nasa labas pa ng convenience store ang basurahan. Kumuha ako ng tatlo pang cup noodles na magkakaiba ang flavor. Kumuba rin ako ng dalawang ice cream sandwich kung sakaling magutom ako mamayang gabi. Sinamahan ko pa 'yon ng isang pack ng hotdog at isang pack ng burger patty na mabilis lang naman prituhin.
Binayaran ko na 'yon lahat saka ako lumabas. Dinamihan ko na ang pagkaing binili. Pang-ilang araw ko rin 'to. Marami pa namang bigas sa apartment, eh.
Balak ko sanang dumiretso na pauwi, pero nakakita pa ko ng nagtitinda ng gulay, karne, at iba pa. Bumili ako ng patatas doon saka ilang itlog. Hindi ako mahilig sa gulay, pero bumili na rin ako ng isang tali ng sitaw at dalawang talong.
Dahil napagod na ko, oo pagod na agad ako sa konting lakad pa lang, umupo muna ako sa nadaanan kong bench. Nasa harap 'yon ng isang tindahan.
Tumitig lang ako sa kalsada na nasa harap ko. Ang daming sasakyan na dumadaan. Naiisip ko minsan kung napapagod ba ang mga taong nasa loob ng mga sasakyan na 'yon. Iniisip ko minsan kung mahirap bang pumasok sa trabaho araw-araw kung saan kailangang bumiyahe papunta at pauwi. Hindi ko pa naranasan ang gano'n. No'ng nagkaroon ako ng part-time job, malapit lang naman sa bahay kaya hindi ko na kailangang sumakay.
Nahagip ng mga mata ko ang pamilyar na uniporme. Uniporme 'yon ng university na pinaka malapit dito sa lugar namin. Doon din ako nag-aral dati, pero hindi ko tinapos ang pag-aaral ko ng Nursing. Hindi ko na kaya roon at takot din ako sa dugo. Dalawang taon lang at umayaw na ko sa course ko. That's also the reason kaya ako pinalayas sa 'min. Must be hard for my parents to have their son, a college dropout, inside their home. Siguro dahil parehong doktor ang mga magulang ko at hindi nila kaya ang katotohanan na ang bunso nilang anak ay hindi kayang sundin ang yapak nila.
It's definitely unfortunate that I don't have any college degree like my two older sisters, but I'm also earning money for myself like they do. Nabubuhay naman ako kahit ako lang. I am independent enough. I just don't know if I'm happy.
71Please respect copyright.PENANAsItD3qndub
Time: 7:03pm
71Please respect copyright.PENANAB2fp20Q571
Brahm's POV
"I am here to announce that Police Detective Brahm was able to hack the computer of a drug lord and we were able to imprison the elusive man today! I, this police station's chief, is proud to say that Brahm is only a few steps away from his awaited promotion!"
Everyone clapped for me. I silently clapped for myself, as well. Masyado lang siguro akong pagod para maging hyper.
Tumayo ako at kinamayan si Chief Mendez. We even took a picture together. Feeling ko nga sabog na sabog na ang itsura ko roon sa picture. Sinimulan kong i-hack ang computer ng drug lord na tatlong buwan na naming sinusubaybayan ng bandang alas nuwebe kagabi at natapos ako ng halos ala una na ng tanghali ngayong araw. Bandang alas kuwatro ay nahuli na ang drug lord.
I am a technology geek. Malaking bagay sa police station namin ang hacking skills ko. Ilang beses nang nabigyan ng parangal ang station namin dahil sa mga nalulutas na kaso at kadalasan sa mga 'yon ay dahil sa hacking skills ko.
"You need sleep, Brahm," Chief Mendez commented. "You did another good job. Umuwi ka ng maaga at sulitin mong matulog. Kumain ka rin ng marami. Pinapayagan kitang huwag munang pumasok bukas. Bale tatlong araw na ang day off mo para sa linggong 'to."
"Thank you po, Chief." Kiming ngiti lang ang naiporma ng mga labi ko. "Sisiguruhin ko pong kakain talaga ako ng marami."
Matapos ng sandaling pakikipag-usap sa iba ko pang kasamahan, napagpasiyahan kong umuwi na sa bahay. Wala man lang akong lakas magluto, pero kailangan kong pilitin. Mag-isa lang ako kaya kailangan kong magluto para sa sarili ko.
Nagsaing ako gamit ang rice cooker saka ako nagluto ng chicken curry. Hindi porke't pagod ako, papayag na kong ang kakainin ko ay instant noodles o kaya bibili lang ako ng ulam sa labas.
It felt like I inhaled the rice and the curry once I served it on the table for myself. Sinabayan ko pa 'yon ng kape kaya busog talaga ako. Linagay ko sa lababo ang pinagkainan ko at hinugasan agad ang mga 'yon. Ayaw kong napupuno masyado ng kalat ang kusina.
Bagsak ang katawan ko sa mahaba at malambot na sofa sa sala ko. Ang sarap ng pakiramdam ng malambot na higaan sa likod ko. Inabot ko ang phone ko na nasa center table lang.
Chineck ko ang online reading app na Linen. Iyon ang paborito kong app kapag gusto kong magbasa ng stories na nakaka-relieve ng stress. Mahilig ako sa romance novels. Iniisip siguro ng iba na sa mystery and horror novels ako mahilig, pero ayaw ko sa mga 'yon. Puno na ng gano'n ang buhay ko bilang pulis. Ayaw ko nang hanggang sa libangan ko ay dala-dala ko pa rin ang pagiging pulis.
Napangiti ako nang makita na may dalawang chapter na update ang paborito kong author. SINK ang pangalan ng author na sinusubaybayan ko sa app na 'to. Nasa 12k ang followers n'ya at araw-araw s'yang may update. Nakakabitin minsan ang mga update n'ya, pero hindi ko hinahayaan na hindi ako makapagbasa ng gawa n'ya sa loob ng isang araw.
Mabilis ko lang na natapos ang updates n'ya. Nasa minimum of 3k words per chapter ang novel n'ya na binabasa ko ngayon. Tungkol iyon sa isang babaeng OFW na nagsakripisyo para sa pamilya n'ya at nakakilala ng mayaman sa ibang bansa. I know na parang corny ang gano'ng plot, pero isa sa mga nagustuhan ko sa mga kuwento n'ya ay ang pagiging realistic ng mga 'yon. Pinapakita sa mga novel n'ya ang partikular na nangyayari sa buhay ng isang tao. Sa araw-araw kong pagharap sa krimen, iba-ibang klase rin ng buhay ang nakikita ko at nakatutuwang magbasa ng kuwento na kung saan ay nakaka-relate ako, hindi bilang pulis kundi bilang mamamayan.
Reading is a way of escaping everything for me. SINK is the author who helps me escape the bloody reality of my job. I don't know his gender or his background. I don't even know what that author looks like or how old the author is, but I want to thank SINK so much. Somehow, a stranger saved me in way that I'll never expect.
ns 15.158.61.13da2