Date: February 11, 2027
Time: 10:26pm
77Please respect copyright.PENANAynFum3xllu
Clement's POV
Pagod na pagod na ko sa pagsusulat ngayong araw. Simula kaninang umaga ay hotdog sanwich pa lang ang nalalaman ko sa tiyan ko. Umiinom naman ako ng tubig, pero hindi 'yon sapat para maibsan ang pagod ko sa kasusulat. Ang target ko ay makatapos ngayong araw ng sampung chapter para makapagsimula na ko ng bagong novel. S'yempre dalawa lang ang ia-update ko ngayong araw dahil ie-edit ko pa ang ibang chapter.
Ang sakit na ng likod ko dahil sa matagal na pag-upo. Binilisan ko na lang ang pagsulat ng natitirang 300 words na kulang. Nanginginig na kasi ang kamay ko sa gutom. Nang matapos na kong magsulat, sinandal ko muna ang likod ko sa sofa.
Naalarma ako nang kumalabog ang pinto. Sa ganitong oras, lahat ng nakatira sa same floor kung na saan ako ay pumasok na sa trabaho kanina pang bandang alas otso. Tumingin ako sa may pintuan at hindi muna gumalaw. Nang kumalabog pa nang kumalabog ang pinto, tumayo na ko. Lumapit ako sa pinto, pero pumwesto ako sa gilid no'n.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang bumukas na ng tuluyan ang pinto. Nakita ko ang likuran ng isang lalaki. Dahan-dahan s'yang pumasok. Nanatili lang akong tahimik hanggang sa matakpan na ko nang bumukas na pintuan. Pinanood ko lang muna ang madahan na paglakad ng lalaki. Una n'yang dinampot ang laptop ko na nasa lamesa lang. Sinunod n'ya naman ang wallet ko na nasa sofa. Luminga-linga pa ang lalaki sa paligid.
Tahimik kong inabot ang flower vase na wala namang laman. Regalo iyon na mukhang ngayon lang magagamit ng maayos. Dinahan-dahan ko ang paglapit sa lalaki at binuhos ko ang lahat ng lakas na mayroon ako nang ihampas ko sa kaniya ang vase.
Ewan ko pero pati ako ay napasigaw nang lumagabog ang katawan n'ya sa sahig kasabay ng pagbagsak ng laptop ko. Tatakbo na sana ako palabas ng pinto, pero may humawak sa paa ko.
"Tangina naman! Masakit 'yon!" Hinatak n'ya ko at hinatak patayo. "Tarantado ka, ha! Gusto mo pa yata ng sakit sa katawan!"
Mabilis kong sinipa ang parte na nasa pagitan ng hita n'ya. Dinampot ko ang pen na nasa ibabaw ng lamesa at sinaksak sa mukha n'ya. Hindi ko alam kung saan 'yon tumama, pero napaluhod s'ya dahil doon.
Nanginginig ako nang nakita kong may dugo sa kamay ko. Walang pag-aatubiling tumakbo ako palabas ng apartment at sumigaw.
Sumigaw ako nang sumigaw. Nararamdaman ko na ang sakit sa lalamunan ko.
Nagkaroon lang ako ng pag-asa nang isa-isang bumukas ang ilaw ng mga tindahan. Kasabay ng pag-asang naramdaman ko ay ang sakit nang bumagsak ako sa sahig.
77Please respect copyright.PENANAltrz6z2cdl
Time: 10:43pm
77Please respect copyright.PENANADe3hhAVpaC
Brahm's POV
"Anong nakita n'yo sa apartment ng biktima?" tanong ko kila Ian, sila kasi ang sumuyod sa loob ng apartment ng biktimang muntik nang manakawan dito sa Almaro Street. Marami talagang kawatan dito kaya rin nagtayo ng police station na malapit. Buti na lang at hindi pa ko umuuwi. "Kumusta 'yong lalaki?"
"Ang pangalan no'ng nagbalak magnakaw ay Alberto Mandel, mas kilala bilang Mang Berto. Ilang beses na 'tong nareklamo dahil sa pagnanakaw, pero walang sapat na ebidensiya kaya hindi nahuhuli. Nasaksak s'ya sa mata no'ng biktima, pero ikokonsidera naman 'yon na self-defense. Inaalam pa kung lasing ba o naka-drugs 'tong si Mang Berto." Pinakita naman sa 'kin ni Ian ang ballpen at sirang laptop na nakalagay sa magkahiwalay na resealable plastic bags. "Ang pangalan ng biktima at may-ari nitong apartment ay Clement Cyron. Isa s'yang writer at ilang taon na rin daw nakatira rito sa apartment building. Ballpen at laptop n'ya 'to. 'Yong ballpen ang ginamit n'yang panaksak."
"Understood. Kumusta si Mr. Cyron?"
"Lalaki s'ya?" Nakakunot ang noo ni Ian nang magtanong. "Akala ko babae. He looks so feminine, but anyways, nasa ospital s'ya ngayon dahil nahimatay s'ya sa kalsada habang humihingi ng tulong. 'Yong suspek naman ay namataan naming nahimatay rin sa apartment. Pareho silang nasa ospital ngayon, pero sa magkaibang ospital. Nagpadala ko ng dalawang pulis para sumama kay Mang Berto at sa pamilya n'ya sa ospital. Dalawa rin ang pinasama ko para bantayan si Mr. Cyron."
"Wala bang phone si Mr. Cyron?"
"Actually, meron naman pero nakapatay iyon nang makita namin sa isang drawer. Siguro mas dependent s'ya sa laptop n'ya kaya gano'n."
"Siguro naman base sa mga nakita natin, p'wede nang sampahan ng kaso si Mang Berto kapag nagising at matino na ang utak." Inayos ko ang damit ko at tinapik ang balikat ni Ian. "Punta muna ko sa ospital. Bibisitahin ko ang biktima. Kapag tapos ka na rito, si Mang Berto naman ang puntahan mo."
"Sige, sige. Ako na ang bahala."
77Please respect copyright.PENANAOGZKfe8TqK
Ginamit ko na lang ang police car para pumunta sa ospital. Wala pang 20 minutes ay nasa ospital na ko. Tinanong ko sa nurse na nasa front desk kung na saan si Clement Cyron. Ang sabi lang sa 'kin ay nasa room number 54 s'ya. Kinailangan ko pa ngang ipakita ang police license ko para sabihin sa 'kin ng nurse kung na saan s'ya. Tapos na kasi ang visiting hours.
Nakita ko si PO1 Cruz at PO2 Lasigan sa labas ng kuwarto kung saan ako papunta.
"Kumusta si Mr. Cyron?" tanong ko agad sa kanilang dalawa nang makalapit ako.
"Hindi pa rin nagigising. Ang sabi ng doctor sa 'min, sasabihin lang daw kung ano ang kondisyon ng pasyente kapag may dumating ng kamag-anak n'ya. Ang sabi namin mga pulis kami kasi biktima sa isang kaso si Mr. Cyron kaso ang sabi naman ng mga doctor, kailangan daw 'yong pinaka head ng imbestigasyon kaya rin nag-text ako sa 'yo kanina."
"Sige, sige. Ako na ang bahala."
Bumalik ako sa front desk para itanong kung sino ang doctor na naka-assign kay Mr. Cyron. Binigay lang sa akin ang impormasyon na kailangan ko nang magpakita na ko ng ID. Kinailangan ko pang maghintay ng ilang minuto bago dumating ang doktor ni Mr. Cyron.
"May nakita akong dalawang pasa at maliliit na gasgas kay Mr. Cyron. Hindi naman malala ang kondisyon n'ya. Kailangan n'ya lang mag-stay rito sa ospital hanggang bukas para ma-monitor namin ang lagay n'ya. Sleep deprived kasi s'ya, kulang sa kain, pati na rin sa nutrisyon. Kailangan n'yang kumain ng may sabaw paggising n'ya. Reresitahan ko rin s'ya ng vitamins."
"Noted po, Doc. Maraming salamat po."
Binalikan ko sila PO1 Cruz at PO2 Lasigan. Pinagpahinga ko muna sila. Magkakape at tinapay lang naman 'yong dalawa kaya pumasok na ko sa kuwarto ni Mr. Cyron.
Payapa s'yang natutulog. Alam ko na ngayon kung bakit s'ya napagkamalang babae ni Ian. His feminine features are amazing. He is between handsome and pretty. I admire people with the same features like him. I always feel like the likes of him are incredible.
Napansin ko lang na maitim ang ilalim ng mga mata n'ya at payat din s'ya. Buti na lang at hindi s'ya nasaktan dahil sa nanloob sa bahay n'ya. He was able to defend himself as well.
Umupo na lang muna ako sa couch na malapit sa hospital bed. Parang ngayon pa lang ako umupo ng komportable buong araw. Linabas ko muna ang phone ko para i-update si Chief Mendez pati na rin si Ian tungkol sa sitwasyon. Saka ko na binuksan ang reading app kung saan ko binabasa ang mga gawa ni SINK. Stories will keep me awake. Hindi pa ko p'wedeng umuwi habang wala pang statement ang biktima.
Nagbabasa lang ako nang mapansin kong gumalaw si Mr. Cyron. Binaba ko agad ang phone ko at tumayo. Marahang bumukas ang mga mata ni Mr. Cyron. Imust say, he has glistening eyes and long eyelashes.
"Mr. Cyron, are you feeling alright?" tanong ko sa kaniya matapos n'yang umupo. "Hindi mo kailangang puwersahin ang sarili mo. P'wede kang mahiga ulit."
"Na saan ako? Sino ka?"
"Nasa ospital ka, Mr. Cyron. Ako si Police Detective Brahm. Mga kasamahan ko ang rumesponde nang tumawag ang mga kapit-bahay mo ng pulis. Nandito rin sa ospital ang nanloob sa apartment mo, pero may pulis din na nagbabantay sa kaniya."
Bumuntong hininga lang si Mr. Cyron at tumitig sa kamay n'ya. "Kailan ako makakalabas ng ospital? I still have work to do."
"Bukas daw sabi ng doktor. Tatawagin ko s'ya kung gusto mo. Para rin malaman mo ang diagnosis n'ya sa 'yo."
"As long as hindi mahal ang bayad sa hospital bills, okay lang sa 'kin. Kung tatanungin mo ko kung kakasuhan ko ba 'yong lalaki, I will."
"Masaya kong marinig 'yan." I cleared my throat. "Papayag ka bang makuhanan ng statement ngayon?"
Sasagot na sana s'ya nang makarinig kami ng tunog. Nagkatinginan pa kami.
He blushed and I don't know, but I got fascinated. "Sorry, that was my stomach."
"I'll buy some food for you. Saka na kita tatanungin kapag may laman na ang sikmura mo. Sabi ng doktor kailangan mo raw kumain ng may sabaw. Sopas o lugaw?"
"Ahmm, cup noodles na lang," he said in almost a whisper, shyly.
"No, sabi ng doktor kulang ka raw sa nutrisyon kaya hindi p'wedeng cup noodles. I'll order some porridge online."
77Please respect copyright.PENANAQtodMsZbyw