“Sorry…”
Hindi na napigilan ang pagpatak ng mga luhang matagal ng gustong kumawala. Kahit isang salita pa lamang naman ang naririnig nito.
Ilang minuto akong nanahimik. Nakakabinging katahimikan. Nagsisitakbuhan ang mga tanong at madami sila. Sumuko na ata rin yung puso ko, hindi na tulad ng dating palaban. Nakakatitig lang ako nung lumuhod siya.
“Mahal kita... alam mo yun.” Nauutal man matapang kung nabitawan ang mga salitang yun. Patuloy pa rin ang mga luhang pilit na kumakawala. “Hindi ba’t nangako tayo sa isa’t - isa? Sabi mo pa nga nun eh, hindi tayo bibitaw? Hindi ba? Bakit?”
Nabasa na rin ng mga luha niya ang suot kong Khaki pants. Tumatagal pa ng ilang mga minuto bago siya nagsalita muli. Hindi ko alam pero parang itinapon kami sa ibang mundo. Yung lugar kung saan hindi matigil - tigil ang gyera. Tingin ko nga kasing fake news lang din ‘to ng mga binibintang summary execution kay Duterte. Pinaniniwalaan mo na kahit na hindi pa naman napapatunayan.
“Baby boy…” Nanghihina ako sa tuwing nasasabit ang salitang yan. Animo’y nakakapapagaling ng sugat, nakakapagtigil ng galit. Mahirap ipaliwanag pero malaki ang nagagawa ng kahit na katiting na boses na yun.
“Iba - iba yung version nila. Gusto kong lang yung sayo manggaling. Totoo ba?”
Tumango siya. Taliwas sa inaasahan, taliwas sa inaakala ko na itatanggi niya. Nakakagago, hindi ko malaman kung bakit mas pinipili pa rin ng mga paang ito ang manatili, walang pagbabadyang lumikas.
“Anong plano niyo? Paano yung…” Nangangatal at halos namamaos kong tanong.
“He assured me na paninindigan niya ako. We’re planning to settle by next year. Huwag kang mag-aalala, nandito pa rin naman ako kung kailangan mo ng makakausap. “ Nagbabakas sa mga salita niya ang mainit na pagkahumaling sa kalaguyo.
Tinitipa ng mga salitang yun na para bang wala lang sa kanya, na para bang ganun lang kadaling makalimot.
Pinilit kong ngumiti. Hindi ko alam kong saan magsisimula. Hinahanapan ng dahilan kung bakit humahantong sa ganito. “Ano bang naging kasalanan ko, baby girl?”
“Sorry.“ Yun na lamang ang nasambit niya malamang sa sobrang kahihiyan. Siya ring panghuli bago tuluyang bumitaw at tumalikod sa isa’t - isa.
ns 15.158.61.48da2